SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

+4
sacrifice
jscat25
bencho levisiano
TSC
8 posters

Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by TSC Mon May 14, 2012 1:27 pm

성실근로 후 귀국한 외국인근로자 재입국 취업 제도 시행
Pagpapatupad ng Sistemang Nagbibigay Pagkakataong
Makapagtrabahong Muli sa Korea ang mga Matatapat na
Manggawang Dayuhan Matapos Bumalik sa Pilipinas

- 기업의 숙련인력 활용 지원, 불법체류 감소에도 기여 -
- Suporta para sa mga Kumpanyang Nangangailangan ng mga Manggagawang may Kakayahan (Skilled Workers), Kontribusyon sa Pagbabawas ng mga Ilegal na Migranteng Manggagawa

n 7.2부터 국내 취업활동 기간 (4년 10개월) 동안 사업장 변경없이 성실근로 후 자진 귀국한 외국인근로자는 3개월 후 재입국하여 다시 4년 10개월간 일할 수 있는 길이 열린다. Ang isang EPS worker ay maaaring mabigyang muli ng 4 na taon at 10 buwan na ekstensyon ng visa matapos niyang lumabas ng Korea at bumalik matapos ang 3 buwan (mula sa araw ng pag-alis). Ito ay ibinibigay lamang sa mga manggagawang hindi nagpalit ng kumpanyang pinagtatrabahuhan sa loob ng 4 na taon at 10 buwan. Ito ay ipatutupad simula Hulyo 2, 2012.

l 지난 2.1 정부는 이러한 내용을 골자로 하는 『외국인근로자의 고용 등에 관한 법률』 (개정법률)을 공포한데 이어, Inilabas ng gobyerno ang buod ng “Batas ukol sa Pagtatrabaho ng Dayuhang Manggagawa” (Nirebisang Batas) noong nakaraang Pebrero 1, 2012.

- 4.26 외국인력정책위원회에서는 이 제도가 적용되는 대상 업종 및 사업장 규모를 결정했고, 5.8과5.9에는 각각 세부절차를 규정하는 시행령 및 시행규칙 개정을 완료했다. Noong nakaraang Abril 26, pinagpasiyahan ng Committee on Foreign Worker Policies (외국인력정책위원회) ang saklaw na industriya’t laki ng negosyong mapapabilang sa nasabing batas. Noong ika-8 at ika-9 ng Mayo naman ay natapos ng pagdesisyunan ang mga detalye sa mga ipapatupad na ordinansiya’t regulasyon.

* 업종 및 사업장규모: 농축산업, 어업, 30인 이하(뿌리산업은 50인 이하) 제조업 Uri ng Industriya’t Laki ng Negosyo: agrikultura/livestock, pangingisda (fisheries), mga manufacturing companies na may 30 empleyado pababa (뿌리산업 (“root industry”) (die casting, machining & welding, plastic & heat treatment, surface treatment, atbp.) na may 50 empleyado pababa)

l 이 제도는 고용허가제 전체 송출국가 (15개월)의 근로자(E-9)를 대상으로 시행되며, 현행 4년 10개월 만료자 뿐 아니라, 종전규정에 따라 6년*이 만료되는 외국인근로자에게도 적용된다. Saklaw ng nasabing batas ang lahat ng mga manggagawang (E-9 visa) mula sa mga bansang kabilang sa “sending countries” (mga bansang nagpapadala ng manggagawa papuntang Korea) (15 bansa). Bukod pa rito, hindi lamang ito ipapatupad sa mga manggagawang nagtatapos ang panahon ng pagtatrabaho (expiration of employment period) sa loob ng 4 taon at 10 buwan, sinasaklaw din nito ang mga manggagawang dayuhan na magtatapos panahon ng pagtatrabaho matapos ang 6* na taon.

* 6년 만료자: ’09.12월 취업활동 기간이 4년 10개월 (3년 + 1년 10개월)로 개정되기 전에 규정(3년 취업 + 1개월 출국 + 3년 취업)에 따라, 3년 취업 후 1개월 출국한 다음 재입국하여 3년의 취업활동 기간 주에 있는 외국인근로자 * para sa mga magtatapos ang panahon ng pagtatrabaho matapos ang 6 na taon: Bago maipatupad ang 4 na taon at 10 buwan (3 taon + 1 taon & 10 buwan) na panahon ng pagtatrabaho (employment period) noong Disyembre 2009, ang mga dayuhang manggagawa’y pinapayagang magtrabaho sa loob ng 6 na taon (3 taong pagtatrabaho + 1 buwan pagbalik sa Pinas + 3 taong pagtatrabaho). Kung saan ang isang manggagawa’y maaaring magtrabaho sa Korea sa loob ng 3 taon, mag-extend ng visa at saka babalik sa Pilipinas sa loob ng 1 buwan. Matapos nito’y babalik siyang muli sa Korea upang makapagtrabaho sa loob ng 3 taon.

n 외국인근로자는 이 제도의 적용을 받기 위해 다음 요건을 모두 충족해야 한다. Ang mga manggagawang sakop ng nasabing batas ay iyong mga makakatugon sa mga sumusunod na kondisyon:

l 첫째, 국내 취업활동 기간(4년 10개월 또는 6년) 동안 사업장을 변경하지 않고 한 사업장에서 근무해야 한다. 다만, 사업장의 휴·폐업 등 자기책임이 아닌 이유로 사업장 변경을 한 경우에는 마지막 사업주와의 근로계약 기간이 1년 이상이어야 한다. Una, ang manggagawa’y kinakailangan na nagtrabaho lamang sa iisang kumpanya at hindi kailanman nagpalit ng pinagtatrabahuhan sa loob ng pinapayagang panahon ng pagtatrabaho (permitted employment period: 4 taon & 10 buwan O 6 na taon). Subalit, hindi kabilang dito kung nagpapalit ng trabaho ang isang manggagawa dahil sa kumpanya, gaya ng pansamantalang pagsasara o tuluyang pagsasara ng kumpanya, at iba pang dahilang hindi kasalanan ng manggagawa. Kung sakaling ang manggagawa’y nagpalit ng pinagtatrabahuhan dahil sa mga nasabing dahilan, kinakailangang ang kanyang kontrata sa huling kumpanya ay 1 taon pataas.

l 둘째, 농축산업, 어업 또는 30인 이하의 제조업에서 근무하고 있어야 한다. 제조업 중에서 『뿌리산업 진흥과 참단화에 관한 법률』에 따른 뿌리산업의 경우에는 50인 이하까지 가능한다. Pangalawa, kinakailangang nagtatrabaho ang manggagawa sa mga industriyang pang-agrikultura/livestock, pangingisda, o sa manufacturing companies na may 30 empleyado pababa. Sang-ayon naman sa “Root Industry (뿌리산업) Promotion act,” kabilang sa batas na ito ang mga kumpanyang kabilang sa “root industry” na may empleyadong 50 pababa.

l 셋째, 취업활동 기간(4년 10개월 또는 6년)의 만료일이 개정법 시해일 (7.2) 이후이어야 한다. Ikatlo, ang pagtatapos ng panahon ng pagtatrabaho (expiration of period of employment) (4 taon & 10 buwan O 6 na taon) ng isang manggagawa ay matapos ang ika-2 ng Hulyo, 2012.

n 사용자는 위 요건을 갖춘 외국인근로자에 대하여 취업활동 기간 만료일 1개월 전부터 7일전 사이에 관할 고용센터에 고용허가를 신청할 수 있다. Kung ang isang employer ay nagnanais na muling tanggapin ang isang manggagawang nakatugon sa mga nasabing kondisyon, kinakailangang niyang mag-apply para sa employment permit sa Labor Center sa loob ng 1 buwan hanggang 7 araw bago matapos ang pagtatapos ng panahon ng pagtatrabaho ng nasabing manggagawa.

l 이 때 사용자는 외국인근로자가 재입국하여 근로를 시작하는 날부터 효력이 발생하는 1년 이상의 근로계약을 체결하고 (표준근로계약서), 그 사본을 함께 제출해야 한다. Sa pagkakataong ito, kinakailangang pansamantalang lumabas ng bansa ang manggawa’t saka muli bumalik. Simula pa lang sa unang araw ng pagtatrabaho ng manggawa, kailangan na niyang pumirma ng kontrata (employment contract) para sa 1 taon pataas sa kumpanya. Kinakailangang isumite ang kopya nito.

n 이 제도의 적용을 받는 외국인근로자는 재입국 취업을 위해 한국어시험에 응시할 필요없고, 입국 전·후의 취업교육도 면제되며, 3개월 후 재입국하여 종전사업장에서 근무하게 된다. Sa mga manggagawang kabilang sa nasabing batas, hindi na nila kailangang kumuha muli ng pagsusulit sa wikang Koreyano at hindi na rin nila kailangang sumailalim sa employment training matapos bumalik ng Korea. Matapos ng 3 buwan, kinakailangan nilang bumalik sa Korea at simula noon ay maaari na silang magtrabaho agad sa dati nilang kumpanya.

l 사업주는 내국인 구인노력을 거치지 않아도 되며, 사업장별 신규고용한도의 제약을 받지 않고 재입국 근로자를 고용할 수 있다. (사업장별 외국인 고용한도의 제약은 받음) Sa kabilang banda, ang mga employer naman ay hindi na kailangang maghanap pang muli ng panibagong manggagawa. Bukod pa rito, dahil sa maaari nilang pagtrabahuhin muli ang dating dayuhang manggagawa, hindi na rin makakatanggap ang kumpanya ng mga limitasyon sa pagtanggap ng mga bagong manggagawa. (depende sa kategorya ng negosyo, ang bawat kumpanya’y nasasaklaw sa mga limitasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa).

n 한편, 사업장 변경 등으로 이 제도의 적용을 받지 못하는 외국인 근로자에 대해서는 특별한국어시험을 운영하여 출국 6개월 후 재입국 취업을 할 수 있도록 기희를 주고 있다. Bibigyan ng pagkakataong makabalik at magtrabahong muli sa Korea ang mga dayuhang manggagawang hindi mapapabilang sa nasabing batas. Kinakailangan nilang kumuha ng espesyal na pagsusulit para sa wikang Koreyano. Makakabalik lamang sila dito matapos ang 6 na buwan mula sa araw ng pagbalik nila sa Pilipinas.

l 특별한국어시험은 귀국자만 응시할 수 있으며, 실시 국가별로 연간 4회 (분기 1회)를 실시한다. Ang mga maaari lamang na kumuha ng nasabing pagsusulit sa wikang Koreyano ay iyong mga bumalik sa kanilang bansa. Ito ay isinasagawa ng 4 na beses sa loob ng 1 taon (1 beses bawat quarter ng taon) sa kani-kanilang bansa.

l 현재 베트남, 태국, 인도네시아, 파키스탄에 시행 중이며, 금년 3분까지 우즈베키스탄, 필리핀, 방글라데시, 캄보디아, 몽골, 네팔 등으로 확대할 계획이다. (나머지 국가도 가능한 빠른 시일 내에 확대할 예정) Sa kasalukuyan, ang mga maaaring kumuha ng pagsusulit ay iyong mga galing sa bansang Vietnam, Thailand, Indonesia, at Pakistan. Sa ikatlong quarter (3rd quarter) ng taong ito (2012), may planong ipatupad din ito sa mga manggagawang mula sa Uzbekistan, Pilipinas, Bangladesh, Cambodia, Mongolia, Nepal, atbp. (Sa lalong madaling panahon ay binabalak din itong ipatupad sa iba pang mga bansang hindi nabanggit).

l 다만, 불법체류 기록이 있는 외국인근로자에게는 응시 기회가 주어지지 않으므로 반드시 예정된 기한 내에 출국해야 한다. Subalit, dahil ang mga manggagawang may record ng pagiging ilegal na manggagawa’y hindi bibigyan ng pagkakataong makabalik muli, kung kaya’t siguraduhing bumalik sa Pilipinas matapos ang inyong kontrata.

n 이태희 인력수급정책관은 “성실근로자 재입국 취업 제도나 특별한국어시험제도 모두 기업에 숙련인력 활용을 지원하고, 외국인근로자의 불법체류를 감소시키기 위한 제도” 라며 “앞으로 법을 지키고 성실하게 근로하는 외국인근로자에게는 그에 상응하는 혜택을 주고, 불법체류자에 대해서는 엄격히 대처해 나갈 계획”이라고 밝혔다. Ayon kay Tae-hee Lee ng Workforce Management Department (인력수급정책관), “Ang nasabing batas para sa pagbabalik ng mga matatapat na manggagawang dayuhan at ang espesyal na pagsusulit sa wikang Koreyano’y ipinatutupad upang itaguyod ang pagbibigay trabaho sa mga manggagawang may kakayahan (skilled workers) at upang bawasan ang bilang ng mga manggagawang namamalagi sa Korea bilang illegal workers.” Dagdag pa niya, “Ang mga dayuhang manggagawang matapat na magtatrabaho’t susunod sa batas ay matatamasa ang iba’t ibang benepisyong dala ng mga batas na aming ipatutupad sa hinaharap. Samantala, patuloy ang aming paghihigpit laban sa mga ilegal na manggagawa.”

Ang orihinal na kopya (sa wikang Koreyano) ay matatagpuan sa website ng Ministy of Labor & Employment:
http://news.moel.go.kr/newshome/mtnmain.php?sid=&stext=&mtnkey=articleview&mkey=scatelist&mkey2=41&aid=2606&bpage=1


Last edited by TSC on Mon May 14, 2012 9:58 pm; edited 2 times in total
TSC
TSC
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 206
Reputation : 3
Points : 399
Registration date : 12/06/2010

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by bencho levisiano Mon May 14, 2012 6:23 pm

o tama ba ako tsc ang sinasabi ko kahapon sayo?

bencho levisiano
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by TSC Tue May 15, 2012 12:06 am

bencho levisiano wrote:o tama ba ako tsc ang sinasabi ko kahapon sayo?

napaka swerte nyong mga inabot ng pagbabago.
TSC
TSC
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 206
Reputation : 3
Points : 399
Registration date : 12/06/2010

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jscat25 Tue May 15, 2012 12:47 am

well thats good na may matapat or loyal na workers sa mga amo or company nila sa akng pananaw ay ito ung mga good company kaya nkatagal or di nagparelease ang isang worker, paano nmn kaya kung ang isang company ay always 3mos delayed magpasahod at isa buwan lng ang ibigay na installment pa maka 4 yrs and 10 mos ka kaya sa company mo maging matapat ka kaya sa amo mo kung ang kapalit ay hindi na kumakain ang pamilya sa pinas? ano ba ang purpose ng isang worker d2 sa korea para ba sa amo or para sa pamilya?

jscat25
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 114
Reputation : 0
Points : 191
Registration date : 22/11/2009

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jscat25 Tue May 15, 2012 1:11 am

ilan nmn kaya ang company or employers na naging good at matapat sa workers nila cguro meron pero bihira sa aking pananaw ang bago batas na ito (rehiring eps workers) ay parang isang divertionary tactics ng mga korekong para nga nmn mkaisip ang mga workers na manatili sa iisang company ng mahabang panahon at ito nga ang kanilang reward sa mga matatapat na naging workers nila , para itong isang kendi na ini rereward sa isang bata na nkasunod sa iniutos kung talagang kailangan nila ng workers bakit may mga conditions pa e alam nmn nila na halos karamihan na eps workers ay nag changed company dahil n din sa mabibigat na kadahilanan, akin lng hindi pa ba sapat ang naiambag natin sa kanilang bansa sa pag unlad ng industria nila at kailangan p natin sumailalim sa mga ganito klase kundisyones

jscat25
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 114
Reputation : 0
Points : 191
Registration date : 22/11/2009

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by sacrifice Wed May 16, 2012 12:00 am

alam nyo kac mga kasulyap. hindi lahat ng dahilan ay nanggaling sa amo kung bakit nagpparelis ang isang empleyado.almost nasa tao rin kac namimili cla ng trabaho gusto nila ballpen lang ang hawak nila parang office worker,ayaw sumugod sa mahirap na gawain ,lalo na pag pinoy ,, no.1 mareklamo..ayaw mag tiis sa trabaho, ung lang nakkita ko sa mga kaibigan ko d2 sa korea, base on my experience...
sacrifice
sacrifice
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 40
Location : Gumi SK
Cellphone no. : 01025405052
Reputation : 0
Points : 74
Registration date : 29/04/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jerex Wed May 16, 2012 12:11 am

OO nga ma reklamo ang mga pinoy pumunta pa sila sa ibang bansa kung ganyan sila ako tinapos ko ang 5 years ko sa company kahit ako lang mag isa na pilipino puro tsikwa ang kasama ko na mga walang utak sa trabaho. Tiyaga lang iyan at determination sa buhay marami ako nakilala na nag parelease ng ilang beses di ko alam kung ano ang hinahanap nila sa korea meron nga akong nakilala na limang beses na nag parelease ang ganyang gawain ay KATAMARAN.
jerex
jerex
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 6
Reputation : 0
Points : 6
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by sacrifice Wed May 16, 2012 12:20 am

tama ka rex...hdi lahat ng dahilan ay nanggaling sa amo...
sacrifice
sacrifice
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 40
Location : Gumi SK
Cellphone no. : 01025405052
Reputation : 0
Points : 74
Registration date : 29/04/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jamescute31 Wed May 16, 2012 12:32 am

jerex wrote:OO nga ma reklamo ang mga pinoy pumunta pa sila sa ibang bansa kung ganyan sila ako tinapos ko ang 5 years ko sa company kahit ako lang mag isa na pilipino puro tsikwa ang kasama ko na mga walang utak sa trabaho. Tiyaga lang iyan at determination sa buhay marami ako nakilala na nag parelease ng ilang beses di ko alam kung ano ang hinahanap nila sa korea meron nga akong nakilala na limang beses na nag parelease ang ganyang gawain ay KATAMARAN.
cguro depende yan sa working place..halimbawa kung napunta k sa chemical,turnuhan ng bakal malaki ang sahod pero d kaya ng katawan at ung amoy eh d makakapag isip ang eps n mag parelis PERO minsan naman madali n ang trabaho at ok n ang pasahod my problema naman sa mga kasama un ang dapat mag tiis at wag mag palipat..matutung mag pakumbaba KSO LAHAT YAN AY DEPENDE SA lugar,pinasukan at kasamahan...
jamescute31
jamescute31
Konsehal ng Bayan
Konsehal ng Bayan

Number of posts : 667
Location : marikina city
Cellphone no. : 09464279771
Reputation : 3
Points : 1214
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jamescute31 Wed May 16, 2012 12:34 am

ang maganda dun eh pag nasa korea k na.mag ipon ng mag ipon pra sa kinabukasan dhil hindi lahat ng pag kakataon eh nsa abroad TAYO..... cheers
jamescute31
jamescute31
Konsehal ng Bayan
Konsehal ng Bayan

Number of posts : 667
Location : marikina city
Cellphone no. : 09464279771
Reputation : 3
Points : 1214
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by sacrifice Wed May 16, 2012 7:49 am

korichi!!!!!
sacrifice
sacrifice
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 40
Location : Gumi SK
Cellphone no. : 01025405052
Reputation : 0
Points : 74
Registration date : 29/04/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by il ho Wed May 16, 2012 8:08 am

depende pa rin yan sa employer khit na naktapos ka ng walang release sa isa comapany di 100 percent na makakabalik ka khit pa iiplement iyan sa july 2 try nyo panoorin sa you tube eps korea title nandoon ang representative ng philippine embassy at yan ang issue ang dami puede manyari kung bakit di ka puede makabalik like kung mahulian ng tnt ang comapany na pinanggalinagan mo at iba pang labor vioalation sa maga nagpaparelease kanaya kanyang case yan may talagang maarte lang yung iba nman ay talagang di maayos ang sitwasyon nila sa company kaya nga may relaease gamitin itong wasto at naayon sa tamang dahilan
il ho
il ho
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 113
Age : 43
Reputation : 3
Points : 253
Registration date : 08/07/2010

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by sacrifice Wed May 16, 2012 12:55 pm

pero may malaking pisibilidad na makabalik ang hindi nagpaparelis kaysa nagpaparelis?pakibasa ulit sa itaas ng maigi para maintidhan ng maayos...
sacrifice
sacrifice
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 40
Location : Gumi SK
Cellphone no. : 01025405052
Reputation : 0
Points : 74
Registration date : 29/04/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by pbreoly Wed May 16, 2012 8:55 pm

my aged limit b tong CBT?

pbreoly
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 116
Reputation : 3
Points : 122
Registration date : 10/08/2010

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by jerex Wed May 16, 2012 8:58 pm

pbreoly wrote:my aged limit b tong CBT?


18 to 38 years lang po iyan katulad sa EPS-TOPIK exam.
jerex
jerex
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 6
Reputation : 0
Points : 6
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

[Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012] Empty Re: [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum