Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
+5
onatano1331
dericko
pabolize28
poutylipz
TSC
9 posters
Page 1 of 1
Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
Plano sa Pagpapatupad ng “Reentry at Rehiring ng mga Matatapat na EPS Workers”
1. Kaugnay na Batas
- Artikulo 18, Blg. 4 (Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry) ng “Mga batas kaugnay ng Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa” at ang mga ipinatutupad na batas gaya ng Artikulo 14, Blg. 3 (Proseso sa Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry)
2. Mga Naangkop na Kondisyon (kinakailangang matupad ang lahat ng mga kondisyong nakasulat sa ibaba)
① Dayuhang pumasok sa Korea bilang manggagawa (E-9) na hindi kailanman nagpalit ng lugar na pinagtatrabahuhan (i.e., hindi nagpa-release) at iisang kumpanya lamang ang pinagtrabahuhan hanggang sa matapos na ang kanyang employment period (4 na taon at 10 buwan O 6 na taon)
- Subalit, kung ang dahilan ng pagpapalit ng lugar na pinagtrabahuhan (o “release”) ay dahil sa pagkalugi o pagsasara ng kumpanya, o anumang dahilang hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa (ito ay naaayon dapat sa notipikasyon ng Ministry of Labor and Employment), kinakailangang ang huli niyang kontrata sa huling kumpanyang kanyang pinagtrabahuhan ay higit sa 1 taon (maaaring magtanong sa Employment Center (고용센터) tungkol dito).
② Ang industriyang pinagtatrabahuhan ng dayuhang manggagawa ay kabilang sa agrikultura/livestock, pangingisda o manufacturing na may 30 empleyado pababa(sang-ayon sa “Root Industry Promotion Act,” ang mga kabilang sa root industry ay kinakailangang may 50 empleyado pababa)
* Root Industry: mga uri ng negosyong nangangasiwa sa mga teknolohiyang kaugnay ang casting, molding, plastic working, welding, surface treatment, heat treatment, at iba pang kasama sa process technology (maaaring kumpirmahin kung ang inyong kumpanya’y kabilang sa root industry matapos ang Hunyo 25)
③ Sa muling pagpasok sa Korea, kinakailangang pumirma muli ang dayuhang manggagawa ng kontrata para sa 1 taong mahigit sa kumpanyang nag-rehire sa kanya. Ang simula ng panahon ng termino ng pagtatrabaho ay sa mismong araw ng pagtatrabaho niya para sa kumpanya.
④ Ang bawat kumpanya’y nasasailalim pa rin sa mga limitasyon sa employment at sa issuance ng employment permit (subalit, hindi na nila kailangang sumailalim sa paghahanap ng lokal na manggagawa bago kumuha ng dayuhang manggagawa)
⑤ Ang pagtatapos ng employment period ng dayuhang manggagawa ay lagpas sa araw ng pagpapatupad ng batas o sa Hulyo 2, 2012
3. Mga Benepisyo
o Employers
l (hindi na kailangang sumailalim sa paghahanap ng lokal na manggagawa) kapag natanggap na ang employment permit, hindi na kailangang pang maghanap ng lokal na manggagawa
l (maari nilang i-employ ang mga manggagawang may kakayahan) dahil sa ang manggagawa’y nagtrabaho sa isang kumpanya ng tuloy-tuloy, ang kanyang kakayahan ay lalo niyang nahahasa. Kung kaya’t matapos ang sandaliang paglabas ng dayuhan sa Korea, maaari siyang makabalik upang magtrabahong muli.
o Dayuhang Manggagawa
l (eksepsyon sa pagkuha ng Korean Language test at training) dahil ang batas na ito’y para sa mga matatapat na dayuhang manggagawa, hindi na nila kailangang kumuha pa ng Korean Language test sa pagbalik nila sa kanilang bansa o training bago at matapos ang kanilang pagbalik dito sa Korea.
* walang age limit ang eksepsyon sa pagkuha ng Korean Language test
l (Reentry sa Korea matapos ang tatlong buwang pananatili sa bansa ng manggagawa) kumpara sa ibang mga manggagawa, ang mga matatapat na manggagawa’y maaaring bumalik muli sa Korea matapos ang 3 buwan (ang ibang manggagawa’y makakabalik lamang matapos ang 6 na buwan), at maaari na silang magtrabaho agad sa kumpanya
4. Proseso ng Paglabas at Pagbalik ng Korea
o Aplikasyon para sa Reentry Permit (Employer à Employment Center (고용센터))
l Sino ang dapat mag-apply
- Mga employers na sumusunod sa lahat ng mga kondisyong nakasaad sa Artikulo 16, Seksyon 4, Blg. 1 ng “Mga batas kaugnay ng Pagtatrabaho ngmga Dayuhang Manggagawa” (sa ilalim ng “Batas para sa Dayuhang Manggagawa”) at sa eksepsyon sa paghahanap ng lokal na manggagawa para sa issuance ng employment permit
l Panahon ng Aplikasyon
- 1 buwan hanggang 7 na araw bago matapos ang employment period ng dayuhang manggawang (o ang mga matatapat na manggagawa na maaaring bumalik at magtrabahong muli sa Korea)tumutupad sa mga nabanggit na kondisyon. Mag-apply sa employment center.
l Mga Kinakailangang Dokumento
- Application form para sa Reentry Permit(sa annex ng Artikulo 12 ng ipapatupad na batas, Form blg.5)
- Kopya ng Standard Labor Contract (kailangang may pirma ng employer at ng manggagawa)
- Kopya ng Alien Registration Card at Pasaporte
- Confirmation of Scheduled Departure
l Deadline sa Aplikasyon: 7 araw mula sa pagpasa ng application form
1 Mga dapat tandaan sa Aplikasyon para sa Reentry & Rehiring Permit
~ Sinasaklaw na uri ng Industriya: agriculture/livestock, pangingisda, manufacturing na may 30 empleyado pababa (50 pababa naman para sa root industry)
~ Pamantayan sa 30 o 50 empleyado: 3 buwan bago ang aplikasyon para sa reentry & rehiring permit, ang average na bilang ng mga lokal na empleyadong insured (average no. of insured local employees) (hindi kabilang dito ang mga dayuhan, marriage immigrants, o iyong mga hindi pa nagpapalit ng Korean citizenship, atbp.)
~ Employment limitations: hindi na mapapasailalim sa bagong employment limitations ang mga kumpanya o hindi sila maaaring lumagpas sa pinapayagang bilang ng empleyado
~ Maaaring mag-apply ang employer ng kahili ng empleyadong magtatapos na ang employment period. Kung sakaling lumagpas ang bilang ng empleyado sa kumpanyang ito dahil dito, maaaring hindi ma-issuehan ang dayuhang manggagawa ng rehiring permit
- Subalit, posibleng mag-apply para sa rehiring kung sakaling lumagpas sa pinapayagang bilang ang bilang ng mga empleyado dahil sa kahalili, at mayroon namang empleyadong aalis, kung kaya’t tama lang ang nararapat na bilang ng empleyado.
~ Kahit na natanggap niyo na ang reentry employment permit at bigla kayong nagpalit ng kumpanya bago kayo makalabas ng Korea, maaaring kanselahin ang nasabing permit (samakatuwid, hindi na kayo makakabalik sa Korea)
~ walang limitasyon sa edad (age limit) para sa mga dayuhang manggagawa
~ matapos ninyong bumalik muli sa Korea, ang bilang ng pagpapalit ng trabaho (o pagpaparelease) ay katulad pa rin sa unang pagpasok ninyo sa Korea
o Pagbabayad para sa Komisyon para Introduction Escrow at Proxy (Employer à HRD Korea)
l Maaaring magbayad ang employer ng “komisyon para sa introduction escrow at proxy” sa pamamagitan ng electronic account na ipapadala sa pamamagitan ng SMS
* ang komisyon ay nahahati sa bayad para introduction commission (mandatoryo) at bayad sa proxy (hindi mandatoryo). Dahil hindi na kailangan ng dayuhang manggagawa ang employment training, wala na ring kaukulang bayad para rito.
l Maaari lamang i-refund ang komisyon kung hindi natuloy ang pagbalik ng manggagawa dahil sa manggagawa mismo at hindi dahil sa employer
o Pagrereport sa Pag-alis at Pagbalik sa Bansa ng Dayuhang Manggagawa (Dayuhang Manggagawa à Sending Institusyon (i.e. POEA))
l Bago umuwi ang dayuhang manggagawa kailangan niyang ~ pumirma ng bagong kontrata, ~ ibalik ang kanyang alien registration card, ~ bumalik sa kanyang bansa bago matapos ang kanyang sojourn period
* ang mga kukuha ng EPS-TOPIK ay kailangang umuwi sa kanyang bansa sa loob ng kanyang employment period, subalit ang mga dayuhang manggagawang pasok sa reentry & rehiring ay maaaring umuwi sa loob ng kanyang period of sojourn
l Ang mga manggagawang pasok sa reentry at rehiring ay kailangang i-report ang kanilang pagbabalik sa loob ng 7 araw mula ng kanyang pagdating sa kanyang bansa
o Visa Issuance (Employer à Immigration)
l Matapos umuwi ng dayuhang manggagawa, kailangang mag-apply ng employer ng visa issuance sa immigration office (matapos umuwi ng dayuhang manggagawa, maaari na siyang mag-aaply para sa pagtanggap at pagpoproseso nito)
o Aplikasyon para sa Pagsusuri sa Kalusugan at iba pang Immigration Plan (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (POEA) à Embahada (i.e. Korean embassy))
l Habang ang dayuhang manggagawa’y nasa kanyang bansa, kinakailangan niyang sumailalim sa pagsusuri sa kalusugan at magsumite ng mga dokumentong kakailanganin para sa visa issuance ayon sa direksyon ng sending institution (POEA)
l Ipapadala ng POEA ang resulta ng pagsusuri sa HRD Korea
l Kapag natanggap na ng HRD Korea ang ipinadalang resulta ng pagsusuri ng POEA, kukunin nila ang visa issuance mula sa immigration office at saka sila gagawa ng plano sa immigration plan na ipadadala sa POEA.
l Ipapatupad ng POEA ang proseso sa pagpapadala ng manggagawa pabalik ng Korea ayon sa nabanggit na immigration plan
* Ang issuance ng visa application at reservation para sa eroplano ay isasagawa ng embahada ng Korea sa Pilipinas by batch.
* Pinapayagan lamang ang group application para sa visa. Samakatuwid, hindi maaaring mag-apply para sa visa ng paisa-isa (individual application). Kapag mayroon ng iskedyul para sa pagbalik sa Korea, ipagbibigay alam ng HRD Korea ang detalye tungkol dito.
o Pagbabalik sa Korea at Transfer (POEA à HRD Korea à Employer)
l Ang mga manggagawang muli babalik sa Korea sa huling pagkakataon ay maaari lang makapasok sa Korea ayon sa itinakdang petsa ng HRD Korea at POEA. By group din ang pagbalik sa Korea. (hindi maaari ang pagbalik ng mag-isa)
l Sa pagtapak ninyo sa airport, lilipat kayo sa naitakdang place of transfer. Muli, by group din ang paglipat dito. Sa place of transfer isasagawa ang pagsusuri sa kalusugan*.
* Ipapadala ang resulta ng pagsusuri sa kalusugan sa inyong employer. Kung sakaling, nakita sa pagsusuri na kayo’y may nakakahawang sakit o iba pang problema sa kalusugan, ipadadala rin ang nasabing resulta sa pinakamalapit na health center sa inyong kumpanya.
l Matapos mag-apply ng EPS na manggagawa para sa pribadong insurance,* saka pa lamang siya maaaring lumipat papunta sa kanyang employer
* Membership ng Employer: Departure Guarantee Insurance (출국만기보험), Guarantee Insurance (보증보험) / Membership ng Manggagawa: Return Home Insurance (귀국보험), Accident Insurance (상해보험)
o Simula ng Pagtatrabaho (HRD Korea, Employment Center)
l Magsisimula ang pagtatrabaho sa 1 araw matapos mailipat ang manggagawa mula sa place of transfer papunta sa lugar na kanyang pagtatrabahuhan
5. Petsa ng Pagpapatupad ng Batas
l Ang batas sa Rehiring at Reentry ng mga matatapat na dayuhang manggagawa ay ipapatupad simula Hulyo 2, 2012.
l Maaaring mag-apply ang employer sa employment center (고용센터) para sa reentry and (rehiring) employment permit 1 buwan hanggang 7 araw bago matapos ang employment period ng dayuhang manggagawa.
- Subalit, ang mga dayuhang manggagawang magtatapos ang employment period sa Hulyo 2 ~ Hulyo 31, 2012 ay maaari ng mag-apply para sa employment permit simula sa Hunyo 25, 2012.
- Susuriin ng Employment Center ang lahat ng kondisyon at ang issuance ng employment permit ay isasagawa simula sa ika-2 ng Hulyo, 2012.
MAAARING MAKITA ANG ORIHINAL NA KOPYA NG ANUNSIYO SA WEBSITE NG EPS.GO.KR (http://eps.go.kr/eo/NotiR.eo?bbswSn=1320). MAAARI NIYO RING I-DOWNLOAD ANG ORIHINAL NA KOPYA NITO SA WIKANG KOREYANO SA IBABA.
http://www.migrantok.org/english/viewtopic.php?p=587#587

TSC- Isa Kang Maginoo
- Number of posts : 206
Reputation : 3
Points : 399
Registration date : 12/06/2010
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
ayan sa mga nagtatanong wala ng age limit sa new re entry policy ng sokor
~ walang limitasyon sa edad (age limit) para sa mga dayuhang manggagawa
poutylipz- Gobernador
- Number of posts : 1389
Age : 40
Location : jinju city, gyeongsangnam, south korea
Reputation : 30
Points : 2387
Registration date : 12/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
ilang years ba ulit ang extention contruct pag naka balik d2 sa korea.
pabolize28- Mamamayan
- Number of posts : 8
Reputation : 0
Points : 10
Registration date : 05/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
wala din po yan silbi kasi po sa klt 6 80percent may release na isa o higit pa.. kaya marami pa din mag tnt nyan
or depende sa takbo ng panahon.. pero kasi po batas yan ehh.. di po saklaw ng labor upang baguhin ito..kaialngan pa ng otohan sa sinado bago mabago ang batas na to.. kaya kayong klt 8 kong kaya nyo huwag na huwag kayong mag pa release kasi sigurado na makabalik na kayo...

dericko- Baranggay Captain 2nd Term
- Number of posts : 466
Age : 46
Location : gimpo city
Cellphone no. : 010-2288-0478.... .
Reputation : 21
Points : 902
Registration date : 09/06/2010
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
walang exact kung gano katagal siguro pag na implement na yan mas magiging malinaw kung ganu katagal ang extension③ Sa muling pagpasok sa Korea, kinakailangang pumirma muli ang dayuhang manggagawa ng kontrata para sa 1 taong mahigit sa kumpanyang nag-rehire sa kanya. Ang simula ng panahon ng termino ng pagtatrabaho ay sa mismong araw ng pagtatrabaho niya para sa kumpanya.
poutylipz- Gobernador
- Number of posts : 1389
Age : 40
Location : jinju city, gyeongsangnam, south korea
Reputation : 30
Points : 2387
Registration date : 12/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
SALAMAT SA INFO,kabayan...
onatano1331- Baranggay Captain 2nd Term
- Number of posts : 480
Location : hwaseong ,kyoung gi do
Cellphone no. : 010-5941-6429 or 010 2891 5499
Reputation : 3
Points : 935
Registration date : 19/08/2008
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
mgbabago pa yan bgo mg july 2....
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
sana nga bro bencho dahil marami talagang umaasa na mga KABABAYAN natin na may release na magkaroon sila ng reentry or rehiring....
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
ang alam ko another 4 years and 10 months uli pagnakabalik at un sinasabi na pipirma ng kontrata pag nakabalik yan un yearly contract sa company ...yan 4 years and 10 months yan un itatagal mo sa korea!!!
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
sana nga mksama na tyo dyn lahat dto sa korea na nk straight...kso malupit sila sa mga category na batayan e halos pa namang nk straight ngayun dtong wegok sa korea ay galing sa mga malalaking company pano yung ibang lagpas ng 50 ang mga workers nila di ba?
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
uu nga ako bro may release at galing ako ng barkuhan kung di ako umalis dun di din pala ako makakabalik kasi sa barkuhan sa company namin dun lampas kami ng 100 person...
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
kaya ako umalis dun wala kaming kukmin at tigikom dun katwiran nila di nakailangan kasi daw may sarili silang benifits ..aiguuu
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
ganun nung umalis ka dun binigay nila sayo ang sinasabi nilang benifits,pero nk ilang taon ka dyn sa company mo ngayun?
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
o Aplikasyon para sa Pagsusuri sa Kalusugan at iba pang Immigration Plan (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (POEA) à Embahada (i.e. Korean embassy))
l Habang ang dayuhang manggagawa’y nasa kanyang bansa, kinakailangan niyang sumailalim sa pagsusuri sa kalusugan at magsumite ng mga dokumentong kakailanganin para sa visa issuance ayon sa direksyon ng sending institution (POEA)
l Ipapadala ng POEA ang resulta ng pagsusuri sa HRD Korea
l Kapag natanggap na ng HRD Korea ang ipinadalang resulta ng pagsusuri ng POEA, kukunin nila ang visa issuance mula sa immigration office at saka sila gagawa ng plano sa immigration plan na ipadadala sa POEA.
l Ipapatupad ng POEA ang proseso sa pagpapadala ng manggagawa pabalik ng Korea ayon sa nabanggit na immigration plan
dadaan na naman ng POEA kahit na reentry or rehiring okay sana kung directly na ipapadala sa hrd ng korea pero I doubt pagdating sa POEA,come to think of it 3 months lang stay ng rehiring sa pinas pero kung ipapadala sa POEA ang papers ng rehiring im sure aabutin ng lagpas 3 months hopefully wag mangyari ngayon nga marami pang klt 6,7 ang di pa nakakaalis and sa 8 klt naman di pa sigurado kung lahat pinasa ng POEA sorry to say this ewan ko ba parang nakakawalang gana ang gobyerno natin siguro dahil sa palakasan ang pinaiiral dito sa bansa natin sana naman ang mga namumuno sa poea gawin nila yung tama dahil malaki ang naitutulong ng ofw sa bansa natin lets pray for the poea guide their mind and heart.

thinkerbell- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 27
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 01/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
4 years and 2 months ako this coming august( end of sojourn period,under of 4 years and 10 months )
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
@ thinkerbel goverment to goverment kasi ang may alam niay eh kays wala tayong magagawa kundi sundin na lang un procedure na yan .. BE POSITIVE BRO...
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
dadaan na naman ng POEA kahit na reentry or rehiring okay sana kung directly na ipapadala sa hrd ng korea pero I doubt pagdating sa POEA,come to think of it 3 months lang stay ng rehiring sa pinas pero kung ipapadala sa POEA ang papers ng rehiring im sure aabutin ng lagpas 3 months hopefully wag mangyari ngayon nga marami pang klt 6,7 ang di pa nakakaalis and sa 8 klt naman di pa sigurado kung lahat pinasa ng POEA sorry to say this ewan ko ba parang nakakawalang gana ang gobyerno natin siguro dahil sa palakasan ang pinaiiral dito sa bansa natin sana naman ang mga namumuno sa poea gawin nila yung tama dahil malaki ang naitutulong ng ofw sa bansa natin lets pray for the poea guide their mind and heart.
thinkerbell- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 27
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 01/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
k3rplunk wrote:@ thinkerbel goverment to goverment kasi ang may alam niay eh kays wala tayong magagawa kundi sundin na lang un procedure na yan .. BE POSITIVE BRO...
gustuhin ko man maging positive kaya lang something happened before muntik ng di makaalis asawa ko buti na lng nakakausap nya yung sajang nya sana lng huwag ng maulit
thinkerbell- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 27
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 01/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
hehehe...biktima din ako ng tg poea na yan...hehehehe...
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
Mabilis lng yn kahit sakto 3months pwede agad yan bumalik katulad dati ngakaroon ng extension n 3 plus 3 years control no. lng pinadala sa akin ng amo ko tapos yun ginamit ko nung mag apply ng visa.dadaan pa rin ng poea para sa OEC.
braveheart2012- Isa Kang Maginoo
- Number of posts : 202
Location : KWANGJU GYUNGGIDO
Reputation : 0
Points : 398
Registration date : 12/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
braveheart2012 wrote:Mabilis lng yn kahit sakto 3months pwede agad yan bumalik katulad dati ngakaroon ng extension n 3 plus 3 years control no. lng pinadala sa akin ng amo ko tapos yun ginamit ko nung mag apply ng visa.dadaan pa rin ng poea para sa OEC.
ngayon sa rehiring tinanggal lang ang klt exam pero same procedure pa rin may medical then ipapasa sa poea tapos poea ang magsusubmit sa hrd korea it means ang papers sa poea matatambak hopefully huwag naman
thinkerbell- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 27
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 01/04/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
mgkakapera naman ang poea nito pgngkataon...hahahaha....sa mga rehired na naman
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
then pag nakauwi ka na 1 to 7 days need mo pumunta ng poea para ipaalam sa kanila na nakauwi ka na..
k3rplunk- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 41
Cellphone no. : 01028910823
Reputation : 0
Points : 113
Registration date : 28/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
aigu poea tlg bk mmya lagpas ng 3 moths dun ka pa rin sa pinas mghihintay ka ng kasama mo ksi by btch dw ang pg papalis e.....delikado nga tyo bk mabikima tyo ng financial difficulties kyo ng back out ang employer.....hahahahahaha...
bencho levisiano- Baranggay Tanod
- Number of posts : 293
Reputation : 0
Points : 479
Registration date : 01/05/2012
Re: Nirebisang Batas sa Rehiring [6.19.2012, Final & Executory]
ok na rin kesa sa waLa?
onatano1331- Baranggay Captain 2nd Term
- Number of posts : 480
Location : hwaseong ,kyoung gi do
Cellphone no. : 010-5941-6429 or 010 2891 5499
Reputation : 3
Points : 935
Registration date : 19/08/2008
Similar topics
» bagong batas tungkol sa twijikum.. final na ba ito?
» [Revised Law] Rehiring EPS Worker [May 2012]
» bagong batas mula sa korea labor office starting august 1, 2012
» Bagong Batas sa Labor Simula August 1, 2012...basahin nyo to un mga naka release ngaun!
» summary guidelines for rehiring and CBT

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888