SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

process and documents needed for CBT and rehiring

2 posters

Go down

process and documents needed for CBT and rehiring Empty process and documents needed for CBT and rehiring

Post by poutylipz Fri Jul 13, 2012 1:03 am

Pagpapatupad ng Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa
(Araw ng Pagpapatupad: 2012. 7. 2.)

1. Kaugnay na Batas
-Artikulo 18, Blg.4 (Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry) ng “Mga batas kaugnay ng Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa” at ang mga ipinatutupad na batas gaya ng Artikulo 14, Blg. 3 (Proseso sa Eksepsyon sa Limitasyon ng Rehiring & Reentry).

2. Mga Naangkop na Kondisyon (kinakailangang matupad ang lahat ng mga kondisyong nakasulat sa ibaba)
① Dayuhang pumasok sa Korea bilang manggagawa (E-9) na hindi kailanman nagpalit ng lugar na pinagtrabahuhan (i.e. hindi nagparelease) at iisang kumpanya lamang ang pinagtrabahuhan hanggang sa matapos ang kanyang employment period
② Ang industriyang pinagtatrabahuhan ng dayuhang manggagawa ay kabilang sa agrikultura/livestock, pangingisda o manufacturing na may 30 empleyado pababa
③ Ang dayuhang manggagawa ay kinakailangang pumirma ng bagong kontrata para sa mahigit sa 1 taong pagtatrabaho sa nasabing kumpanya. Ang kontratang ito’y ipatutupad simula sa araw ng pagpasok ng manggagawa sa Korea at simula ng kanyang pagtatrabaho.
④ Ang bawat kumpanya’y nasasailalim pa rin sa mga limitasyon sa employment at sa restriksyon para issuance ng employment permit.
⑤ Ang pagtatapos ng employment period ng dayuhang manggagawa ay lagpas sa araw ng pagpapatupad ng batas o sa Hulyo 2, 2012.

3. Mga Benepisyo
Dayuhang Manggagawa
Employer
Eksepsyon sa pagkuha ng Korean Language Test at training
Hindi na kailangang sumailalim sa paghahanap ng lokal na manggagawa
Reentry sa Korea matapos ang 3 buwang pananatili sa bansa ng manggagawa
Maaaring i-employ ang mga manggagawang may kakayahan


4. Proseso ng Paglabas at Pagbalik ng Korea
□ Aplikasyon para sa Reentry Employment Permit (Employer à Employment Center (고용센터))
□ Panahon ng Aplikasyon
1 buwan hanggang 7 araw bago matapos ang employment period ng dayuhang manggagawa
□ Pagbabayad para sa Komisyon para sa Introduction Escrow at Proxy (Employer à HRD Korea)
□ Pagrereport sa Pag-alis at Pagbalik sa Bansa ng Dayuhang Manggagawa (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (i.e. POEA))
□ Visa Issuance (Employer à Immigration)
□ Aplikasyon para sa Medical Check-up at iba pang Immigration Plan (Dayuhang Manggagawa à Sending Institution (POEA) à Embahada (i.e. Korean Embassy)
□ Pagbabalik sa Korea at Transfer (POEA à HRD Korea à Employer)
□ Simula ng Pagtatrabaho (HRD Korea, Employment Center)

Patakaran para sa Korean Language Test (CBT) para sa mga
maaaring ma-Rehire na mga Dayuhang Manggagawa
□ Kwalipikasyon: para sa mga dayuhang manggagawa (E-9) na nagtrabaho ng 3 taon at na-rehire at saka boluntaryong bumalik ng kanilang bansa matapos ang kanilang employment period (i.e. “ex-Korea”)
□ Mga Kinakailangang Dokumento: application form para sa Korean Language Test, kopya ng pasaporteng ginamit ninyo noong bumalik kayo sa Pilipinas
□ Bansang Nagpapapatupad ng CBT: (simula noong Marso 2012 hanggang sa kasalukuyan) Thailand, Vietnam, Indonesia, Uzbekistan, Pakistan (may planong ipatupad din ito sa iba pang mga bansang nagpapadala ng manggagawa sa Korea)
□ Lugar ng Eksaminasyon: ‘Computer-based Testing Centers para sa Korean Language Test (CBT)” na itinalaga sa bansa ng dayuhang manggagawa
□ Panahon ng Eksaminasyon: 1 beses bawat 1 quarter
□ Anunsiyo tungkol sa Eksaminasyon: Patalastas sa diyaryo o anunsiyo sa opisyal na website ng sending institution (POEA)

Paghahalintulad ng Patakaran para sa Korean Language Test (CBT) at Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa
Kategorya
Korean Language Test (CBT)
Reentry ng mga Matatapat na Dayuhang Manggagawa
Sino
ex-Korea na umuwi bago mag-expire ang kanilang employment period
(umuwi matapos ang ika-1 ng Enero 2010)

① ang expiration ng employment period ay matapos ang ika-2 ng Hulyo, 2012
② nagtrabaho sa mga industriyang binanggit ng Foreign Workers’ Policy Committee
③ matapat na nagtrabaho sa isang kumpanya at hindi nagparelease
Saklaw na Industriya ng Pinagtatrabahuhan
Kahit Ano
Agrikultura/livestock, pangingisda, maliliit na manufacturing companies at iba pang mga industriyang binanggit ng Foreign Workers’ Policy Committee
Korean Language Test
Kailangang maikapasa sa Korean Language Test (CBT) na isasagawa ng 1 beses bawat isang quarter
Exempted
Training
Exempted sa training bago bumalik sa Korea
exempted sa training bago at matapos bumalik sa Korea
Panahon ng Limitasyon bago ang Pagbalik sa Korea
6 na buwan matapos ang pag-alis sa Korea
3 buwan matapos ang pag-alis sa Korea
Rehiring ng Dating Employer
Maaaring marehire ng dating employer kung mahigit sa 1 taon kayong nagtrabaho doon
kailangang i-rehire kayong muli ng inyong dating employer bago kayo umuwi ng Pilipinas
Aplikasyon ng Employer
Hindi Kailangan
Kailangan
Kailangang Maghanap ng Employer ng Lokal na Manggagawa
Kailangan
Hindi Kailangan
Mga Bansang nasasaklaw ng Batas
Mga bansang mayroon ng itinalagang center para sa Korean Language Test (CBT)
* sa unang quarter ng 2012, ipinatutupad ito sa Thailand, Vietnam, Indonesia, Uzbekistan, Pakistan
walang limitasyon
Panahon ng Pagpapatupad
Nobyembre 2012: Thailand, Vietnam
Unang Quarter ng 2012: Thailand, Vietnam, Uzbekistan at Pakistan
simula sa ika-2 ng Hulyo 2012


Gabay tungkol sa Employment Grant para sa mga Dayuhang Manggagawang may Kakayahan (Skilled Foreign Workers)

1. Palatuntunin
○ Ang mga pinakamahusay at talentadong mga dayuhang manggagawa ay pipiliin at sila’y papayagang magtrabaho bilang mga skilled professionals. Ang bilang ng mga mapipiling manggagawa’y pagpapasiyahan base sa maximum na pinapayagang empleyado ayon sa kategorya ng kumpanya at ito’y pinapagtibay ng residence management.
※ Ang napiling skilled professional ay bibigyan ng E-7 visa (designated activities) (bibigyan din siya ng release papers (change of workplace) at Certificate of Visa Issuance)
2. Sino ang maaaring Mag-apply
○ Iyong mga dayuhang manggagawang may hawak ng E-9 (EPS), E-10 (Vessel Crew) o H-2 (Working Visit) visa na nagtatrabaho sa mga industriya ng manufacturing, construction, agrikultura at pangingisda, at legal na naninirahan dito sa Korea, at naangkop sa lahat ng mga kwalipikasyong nakasulat sa ibaba:
《Naangkop na Kwalipikasyon》
➩ Legal na nagtatrabaho sa mga industriya ng manufacturing, construction, o agrikultura/pangingisda sa loob ng 4 na taon sa nakalipas na 10 taon
➩ 35 taong gulang pababa na may Bachelor’s Degree (Subalit, sangayon sa Artikulo 2 ng Root Industry Promotion Act, ang mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng Root Industry ay kinakailangan lamang na nakagradweyt ng hayskul at 40 taong gulang pababa)
➩ Nakatanggap ng sertipiko para sa pagiging certified skilled worker (para sa isang ispesipikong uri ng industriya) o kaya naman ay nakakatanggap ng sahod na mas mataas kaysa sa pangkaraniwan na sahod para sa mga manggagawa (sangayon sa uri ng trabaho)
➩ Nakatanggap ng sertipiko para sa Korean Language Level 3 o higit pa (Subalit, sangayon sa Artikulo 2 ng Root Industry Promotion Act, ang mga manggagawang nagtatrabaho sa ilalim ng Root Industry ay kinakailangan lamang na makatanggap ng sertipiko para sa Korean Language Level 2 o higit pa) o nakumpleto ang Social Integration Program


4. Proseso ng Aplikasyon
○ Mag-apply para sa request of change of sojourn status sa pinakamalapit na immigration office sa inyong kumpanya.
《Mga Kinakailangang Dokumento》
Application Form, Passport, Alien Registration Card (ARC), Certificate of Employment (tungkol sa lahat ng inyong mga pinagtrabahuhan), Employment Contract, Sertipikong Pang-edukasyon at iba pang mga uri ng sertipiko O Invoice of Withholding Tax para sa kita ng mga manggagawa, Transcript para sa Korean Language o sertipikto ng pagtatapos ng Social Integration program


5. Araw ng Pagpapatupad: 2011.10.10 (Para sa Root Industry: 2012.6.1)


Notipikasyon ukol sa Pagpapalit ng Trabaho (i.e. Pagpaparelease) sa kadahilanang hindi kasalanan ng Dayuhang Manggagawa
- kapag ang dahilan ay makatarungan, hindi ito isasama
sa limitasyon ng bilang ng pagpaparelease -

Sangayon sa Artikulo 25, Talata 1, Blg. 2 ng 『Mga Batas kaugnay ang Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa』 (sa madaling salita’y tatawagin na lamang bilang “batas”) ang sinasabing “ang dahilan ng pagpaparelease na hindi kasalanan ng manggagawa at base rin sa panlipunang pamantayan ay katanggap-tanggap ang dahilan kung bakit kinakailangan nilang huminto sa pagtatrabaho sa nasabing kumpanya,” ay tumutukoy sa mga sumusunod na kaso:
1. Kapag napatunayang dahil sa pagkalugi ng employer o pagsasara ng kumpanya’y (tatawagin na lamang bilang “employer”) hindi na maaaring magtrabaho pa ang manggagawa doon.
2. Kapag hindi na maaaring magpatuloy sa pagtatrabaho ang dayuhang manggagawa dahil sa paglabag ng employer sa mga employment conditions o kung hindi makatarungan ang pagtrato ng employer sa mga manggagawa.
3. Kung kinansela ang employment permit ng employer o kung nakatanggap sila ng restriksyon sa pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa

Dahilan at Bilang ng Pagpaparelease (Artikulo 25, Blg. 1)>
Kasalukuyang Batas
Nirebisang Batas
Dahilan sa Pagpaparelease
Bilang
Dahilan sa Pagpaparelease
Bilang
1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho
kasama sa bilang
1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho
kasama sa bilang
2. pagkalugi o pagsasara ng Kumpanya, iba pang dahilan na hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa at mahirap ng magpatuloy sa pagtatrabaho
hindi kasama sa bilang
2. pagkalugi o pagsasara ng kumpanya, kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa, hindi makatarungang pagtrato at iba pang mga dahilang sangayon sa panlipunang pamantayan na tinatanggap na dahilan upang huminto sa pagtatrabaho ang manggagawa. Ito ay kailangang tumutupad sa notipikasyon ng direktor ng MOEL.
hindi kasama sa bilang
3. kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa
kasama sa bilang
4. paglabag sa mga kondisyon ng pagtatrabaho o paglabag sa kontrata o batas ng EPS, hindi makatarungan pagtrato
kasama sa bilang
5. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1)
kasama sa bilang
3. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1)
kasama sa bilang


PARA SA MGA TANONG, TUMAWAG SA 1644-0644 (+7) (laging sarado ang center tuwing Miyerkules)


http://www.migrantok.org/english/viewtopic.php?t=585&sid=aaa70f4b4292963278d94b6ec6cbf9ae



poutylipz
poutylipz
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1389
Age : 40
Location : jinju city, gyeongsangnam, south korea
Reputation : 30
Points : 2387
Registration date : 12/04/2012

Back to top Go down

process and documents needed for CBT and rehiring Empty Re: process and documents needed for CBT and rehiring

Post by leonard03 Fri Jul 13, 2012 6:01 am

...salamat sa gumagandang balita...sana mag-karoon na ng date ang cbt as soon as possible..ok ngarud!!!

leonard03
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 27
Reputation : 3
Points : 34
Registration date : 27/06/2012

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum