kaibigan kong si inggo
4 posters
Page 1 of 1
kaibigan kong si inggo
inggo
ako ay may kaibigan, inggo ang kanyang pangalan
nagtapos ng kolehiyo ngunit maagang nag -asawa.
di pa man handa, siya'y walang magagawa,
simula noon ang buhay niya'y nag iba.
inggo ano ang gagawin
sa bagong buhay na iyong haharapin?
ngayon ika'y mag aasawa na
at malapit ng maging isang ama.
sari saring trabaho kanyang pinasukan.
salesman, clerk, waiter at kung ano ano pa;
ngunit di pa din sapat ang kanyang kinikita
pambayad sa renta, kuryente, tubig at iba pa.
inggo ano ang iyong gagawin
sa mga problema na nakahain?
si bunso ay umiiyak at di makatulog
sa alinsangan ng gabi pagkat kuryente'y pinutol.
labag man sa kalooban siya'y lumisan;
sa bansang banyaga siya'y makikipagsapalaran.
upang maiahon sa hirap ang pamilya
at mabigyan ng magandang kinabukasan mga anak niya.
inggo tama ba ang iyong gagawin?
sana nga kaibigan, sana nga.
sa hirap ng buhay na iyong dinaranas
iiwan ang pamilya sa ngalan ng pera.
tahimik na sana ang takbo ng buhay niya
ngunit biglang nag iba ng may nakilala
isang babaeng napakaganda sa paningin niya
maasikaso't malambing; mabait at maaalalahanin pa.
inggo ano ang iyong gagawin
sa gabing malamig at walang kapiling?
hanggang kailan mo kayang malabanan
ang tawag ng tukso at init ng laman?
siya'y umuwi makalipas ang isang dekada
may bahay at lupa ; buhay ay maayos na.
ngunit kasiyahan ay wala sa kanyang mga mata
pagkat dalawa niyang anak, nasundan ng siya'y wala.
inggo aking kaibigan tayo'y magselebra
pagkat sa wakas ika'y nagbalik na.
magandang buhay na iyong hinangad
iyo ng nakamit ng ika'y nag-ibang bansa.
*sana nagustuhan nyo

k!m_j0ng_il- Mamamayan
- Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 02/05/2008
SA HIRAP AT GINHAWA
SA HIRAP AT GINHAWA
ni Rod Alcoriza
Sa Harap ng altar sa lumang simbahan
Si Neneng at Juan dito nagsumpaan
Sa ngalan ng pag-ibig saksi ang Maykapal
Hindi magtataksil hanggang kamatayan
Ang wika ni Juan "O Neneng kong giliw
Tanging ikaw lamang aking mamahalin
Sa ubod ng puso aking itatanin
Pag-ibig ko sa iyo'y hindi magmamaliw"
Ang sagot ni Neneng "O Juan kong mahal
Ikaw ay umasa tanging ikaw lamang
Aking tatapatan pag-ibig na alay
Aking tutumbasan habang nabubuhay"
Ito ang ala-alang sa isip niya'y nakaukit
Masidhing pagmamahal matimyas na pag-ibig
Sa hirap at ginhawa puso'y magkaniig
Sumpang binitiwan hindi masusungkit.
Eroplanong sinasakyan ay humahagipis
Nakikipag-unahan sa pintig ng dibdib
Tatlong taong singkad ang kanyang tiniis
Siyay's nangibang bayan nagtrabaho overseas
Anak at maybahay ay kaniyang iniwan
Ang lungkot at hirao kaniyang nilabanan
Sipag at tiyaga ang kaniyang puhunan
Hangad ay baguhin takbo ng kabuhayan.
Kahit anong lungkot kaya niyang sikilin
Kahit anong hirap kaya niyang tiisin
Kahit kamatayan kaya niyang harapin
Kapag nakataya ang pamilyang giliw.
Sa bulsa ng dibdib ay hinugot niya
Masayang larawan ng kaniyang pamilya
Ang kaniyang si Neneng at ang Junior niya
Magkayakap, nakangiti, nakatitig sa kaniya.
Pagmumuni-muni ay naalimpungatan
Nang ang boses ng piloto ay pumailanglang
Fasten your seatbelts ladies and gentlemen
We're about to land in five minutes time.
Hindi mapakali alumpihit si Juan
Halos ay magkanda-ihi sa suot na salawal
Nais niyang tumalon, nais niyang sumigaw
"Neneng ko, Junior ko, narito na si Juan".
Paglabas ng airport mga mata'y inilibot
Buong kapaligiran tinanaw at sinuyod
Hanap ay si Junior at Neneng na irog
Pigil ang hininga puso'y tumatalbog
At nang mamataan si Junior na mahal
Sinugod, niyakap ang anak na tunay
"Junior, anak ko, nasaan ang iyong Inay?
"Kasama ni Lolo, sa bahay naghihintay".
Ang luha ng anak ay hindi mapugto
"Tahan na anak ko, alam ko miss mo ako"
Hindi umiimik, niyakap siya ng todo
Humihikbi, sumisinghot "Tatay, tatay ko".
Pagdating ng bahay biyenan ay nakabantay
Seryoso ang mukha parang nananamlay
"Tatang si Neneng ko, siya ay nasaan?"
"Naroon sa kuwarto, ikaw ay hinihintay".
Dagli niyang tinungo direksiyon ng kuwarto
Itong si Neneng talaga kahit kaylan ay bibo
Kahit bago umalis siya mapanukso
Ano kaya ngayon ang kaniyang pantudyo.
Nang pintuan ay buksan si Neneng ay tumambad
Kalung-kalong ay sanggol dibdib niya'y sinasabsab
Paano nangyari ito hindi maaaring maganap
Sa loob ng tatlong taon siya'y nasa ibayong dagat.
Biyenan niya ay lumapit "Juan ako'y nahihiya"
Siya'y aking dugo wala akong magagawa
Bendisyon ko ay tanggapin ikaw na ang bahala
Anuman ang iyong gawin hindi ako luluha"
Dugo ay sumulak nanginig ang laman
Mata ay nanlisik galit ay lumutang
"P---inang babae ka anong aking kasalanan
Ito ba ang kapalit ng hirap kong pinasan?"
Si Junior ay sumugod buong higpit niyakap siya
Si Nanay ay nagkamali ikaw naman huwag sana
Ako'y natatakot mabuhay ng nag-iisa
Sana ay mag-isip bago ka magpasya".
Larawan ng pamilya sa bulsa ay dinukot
Ang retrato ni Neneng pinilas at nilapirot
Singsing sa daliri ay dagliang hinugot
Pilit na kinimkim damdaming nagpupuyos.
"Junior na anak ko dahil mahal kita
Hindi pababayaan kahit anong mangyari pa
Ngunit simula ngayon ako'y walang asawa
Hindi ibig sabihin wala ka na ring ina".
Sumpang binitiwan sa hirap at ginhawa
Na kami'y magsasama ni Neneng mong ina
Aking binabawi sa iyo'y ipamamana
Aking itataguyod pagka't ako'y iyong ama."

Emart- Board Member
- Number of posts : 867
Age : 51
Location : Jinju Kyeongnam Korea
Reputation : 3
Points : 541
Registration date : 31/03/2008
yeah!
it was nice. thank you!
amie sison- SULYAPINOY Literary Section Editor
- Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008
ang haba nito ah!
di ko kayang gawin to!
Edge- Super Sipag na Mamamayan
- Number of posts : 70
Age : 47
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 12/06/2008
Similar topics
» ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
» ...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...
» SI SUPERMAN ANG TUNAY KONG KAIBIGAN!
» ...pArA sA mgA pAbOritO kOng prUtAs... (EstE, kAibigAn pALA)...
» ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888