...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
5 posters
Page 1 of 1
...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
PARA SA MGA KAIBIGAN KONG HUGIS
Marami ako ngayong kaibigan
Alam ko sadyang naguguluhan
Ngunit paano nga ba ako daramay
Gayong hindi nila ako nilalapitan.
Nais ko sana silang tulungan
Samahan sila sa oras ng pangangailangan
Pero anong tulong aking maibibigay
Kung mas gusto nila mag-isang lumaban.
Ang tula kong ito para sa kanila
Nang kanilang mabatid may makakasama
Nakahanda akong dumamay tuwina
Ipagkakaloob aking makakaya.
Sana naman mga kaibigan
Wag mahihiyang ako ay lapitan
Naririto ako laging abot kamay
Magbibigay lakas na inyong kaylangan.
CircLE kahit di mo man sabihin
Alam kong marami kang alalahanin
Wag mag-dal'wang isip na lumapit sakin
Pagkat nakahandang ika'y unawain.
Wag ipagmalaki na ika'y matatag
Kaya makakayang harapin ang lahat
Paano nga ba ikaw liligayang ganap
Kung ikaw tuwina di magiging tapat.
TriAngLE di ko talaga maintindihan
Bakit nga ba ikaw ngayo'y nagkaganyan
Pero kahit hindi ko maunawaan
Nakahanda pa rin na ika'y damayan.
Huwag mahihiyang sa akin lumapit
Lalo kung may kaba iyong mga dibdib
Ang aking pagdamay di ipagkakait
Nang agad maglaho takot sa'yong isip.
SqUArE alam ko na kaya mo yan
Pagkat sa pag-iisa ikaw nga ay sanay
Bigat ng 'yong loob madaling gagaan
Kung may kaibigan ka na makakaramay.
Hindi kasi sa lahat ng oras
Ang mga pagsubok makakayang lahat
Dalangin ko sana ikaw ay mamulat
Mga kaibigan kaylangan mong ganap.
HEArt hindi ka nag-iisa
Kaya wag solohin ang mga problema
Iyong kalungkutan aking nakikita
Hindi maitago ng huwad mong tawa.
Alam kong labis kang nasasaktan
Pagkat ang puso mo ay sadyang luhaan
Nakahanda ako makinig kaibigan
Kaya wag mahiya na ako'y lapitan.
REctAngLE kahit di mo sabihin
Bakas sa mukha mo pasakit na angkin
Aking mga kamay ay iyong abutin
Upang mabawasan ang iyong hilahil.
Humilig ka sa aking balikat
Iyong mga kamay sa aki'y ihawak
Kung ang iyong puso sadyang naghihirap
Wag mahihiyang sa aki'y umiyak.
DiAmOnd sana ay wag mag-alala
Pagkat pang-unawa ibibigay tw'ina
Sa puso'y ialis ang mga pangamba
Pagkat sa tuwina maya makakasama.
Sa'yong pagdurusa ako ay tawagin
Pagkat ang iwan ka ay di ko gagawin
Kung ako'y kaylangan kaibigan giliw
Tawagin mo lamang ako ay darating...
Marami ako ngayong kaibigan
Alam ko sadyang naguguluhan
Ngunit paano nga ba ako daramay
Gayong hindi nila ako nilalapitan.
Nais ko sana silang tulungan
Samahan sila sa oras ng pangangailangan
Pero anong tulong aking maibibigay
Kung mas gusto nila mag-isang lumaban.
Ang tula kong ito para sa kanila
Nang kanilang mabatid may makakasama
Nakahanda akong dumamay tuwina
Ipagkakaloob aking makakaya.
Sana naman mga kaibigan
Wag mahihiyang ako ay lapitan
Naririto ako laging abot kamay
Magbibigay lakas na inyong kaylangan.
CircLE kahit di mo man sabihin
Alam kong marami kang alalahanin
Wag mag-dal'wang isip na lumapit sakin
Pagkat nakahandang ika'y unawain.
Wag ipagmalaki na ika'y matatag
Kaya makakayang harapin ang lahat
Paano nga ba ikaw liligayang ganap
Kung ikaw tuwina di magiging tapat.
TriAngLE di ko talaga maintindihan
Bakit nga ba ikaw ngayo'y nagkaganyan
Pero kahit hindi ko maunawaan
Nakahanda pa rin na ika'y damayan.
Huwag mahihiyang sa akin lumapit
Lalo kung may kaba iyong mga dibdib
Ang aking pagdamay di ipagkakait
Nang agad maglaho takot sa'yong isip.
SqUArE alam ko na kaya mo yan
Pagkat sa pag-iisa ikaw nga ay sanay
Bigat ng 'yong loob madaling gagaan
Kung may kaibigan ka na makakaramay.
Hindi kasi sa lahat ng oras
Ang mga pagsubok makakayang lahat
Dalangin ko sana ikaw ay mamulat
Mga kaibigan kaylangan mong ganap.
HEArt hindi ka nag-iisa
Kaya wag solohin ang mga problema
Iyong kalungkutan aking nakikita
Hindi maitago ng huwad mong tawa.
Alam kong labis kang nasasaktan
Pagkat ang puso mo ay sadyang luhaan
Nakahanda ako makinig kaibigan
Kaya wag mahiya na ako'y lapitan.
REctAngLE kahit di mo sabihin
Bakas sa mukha mo pasakit na angkin
Aking mga kamay ay iyong abutin
Upang mabawasan ang iyong hilahil.
Humilig ka sa aking balikat
Iyong mga kamay sa aki'y ihawak
Kung ang iyong puso sadyang naghihirap
Wag mahihiyang sa aki'y umiyak.
DiAmOnd sana ay wag mag-alala
Pagkat pang-unawa ibibigay tw'ina
Sa puso'y ialis ang mga pangamba
Pagkat sa tuwina maya makakasama.
Sa'yong pagdurusa ako ay tawagin
Pagkat ang iwan ka ay di ko gagawin
Kung ako'y kaylangan kaibigan giliw
Tawagin mo lamang ako ay darating...
mikEL- Primero Baranggay Councilor
- Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
ako nama'y natuwa pagka't hugis ang tema ng tula
mga kaibigan mo alien marahil sa iyo lang ay nahihiya
huwag mag-alala pagka't sila sa iyo ay lalapit ng kusa
alam ko pagtulong sa iba ikaw ay lagi lang nakahanda
galing i salute u
mga kaibigan mo alien marahil sa iyo lang ay nahihiya
huwag mag-alala pagka't sila sa iyo ay lalapit ng kusa
alam ko pagtulong sa iba ikaw ay lagi lang nakahanda
galing i salute u
angel- Board Member
- Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
ayos ahhh!!!
ano kya s susunod?
ano kya s susunod?
crazy_kim- Senador
- Number of posts : 2579
Age : 42
Location : ...deep down under
Reputation : 0
Points : 178
Registration date : 04/03/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
salamat po sa mga reply
ng dalawang binibining naggagandahan
ako ay sadyang nasisiyahan
galak sa puso ko ay nag uumapaw
ng dalawang binibining naggagandahan
ako ay sadyang nasisiyahan
galak sa puso ko ay nag uumapaw
mikEL- Primero Baranggay Councilor
- Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
wiiihhhh!!!
feeling ko BILOG ako...
hahaha!
gleng-gleng ni sir mike!
feeling ko BILOG ako...
hahaha!
gleng-gleng ni sir mike!
marj- Seosaengnim
- Number of posts : 1859
Age : 48
Location : S.Korea
Reputation : 0
Points : 85
Registration date : 08/02/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
galing bro.....
keep it up
keep it up
neon_rq- Co-Admin
- Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008
Re: ...pArA sA mgA kAibigAn kOng hUgis...
salamat po uli
sa mga reply
mam marj
bilog ka ba
hehehhe
sa mga reply
mam marj
bilog ka ba
hehehhe
mikEL- Primero Baranggay Councilor
- Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008
Similar topics
» ...pArA sA mgA kAibigAn kOng ULAm...
» ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...
» ...pArA sA mgA pAbOritO kOng prUtAs... (EstE, kAibigAn pALA)...
» kaibigan kong si inggo
» SI SUPERMAN ANG TUNAY KONG KAIBIGAN!
» ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...
» ...pArA sA mgA pAbOritO kOng prUtAs... (EstE, kAibigAn pALA)...
» kaibigan kong si inggo
» SI SUPERMAN ANG TUNAY KONG KAIBIGAN!
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888