SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

+6
noreen
marzy
neon_rq
amie sison
angel
mikEL
10 posters

Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 12:04 am

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Matapos ang mga prutas at kulay,
Ang tula kong ito mga gulay naman,
Sa mga kaibigang sa aki'y nawalay,
Itong aking akda sa kanila alay.

Hindi kita malilimutan kALAbAsA,
Kahit aking batid na nagbago ka na,
Hindi man tayo ngayon nagkikita,
Mananatili ka sa'king ala-ala.

LAbAnOs kahit na ikaw ay lumisan,
Lalagi sa puso ko ang iyong pangalan,
Mabuti nga siguro tayo'y magkawalay,
Upang magkasala ating maiwasan.

Hinahanap-hanap kita kaibigang OkrA,
Nangungulila ako sa iyo talaga,
Sanay kasi akong lagi kang kasama,
Lalo sa sandaling ako'y nagdurusa.

Kaibigang sitAw nasan ka na kaya?
Ba't di ka maalis sa aking gunita?
Ako ba'y tuluyang nalimot mo na nga?
Ano nga bang mali na aking nagawa?

MOnggO sa chat lang tayo nagkakilala,
Pero para sakin ikaw ay mahalaga,
Labis na kalungkutan ang aking nadama,
Nong tayo'y magpasyang magkalimutan na.

Kaibigang mALUnggAy kumusta ka na nga?
Bakit nadarama ang pangungulila?
Hindi ko mapigil pagpatak ng luha,
Pagkat hinahanap iyong pagkalinga.

PAtAni alam kong ako ang nagkulang,
Kaya mo nagawang ako ay iwanan,
Nagsisisi ako sa'king kamalian,
Kaya sumasamo 'yong mauunawan.

Kahit na sinaktan mo ako oh UpO,
Lagi pa ring hanap ang mga ngiti mo,
Bakit kahit ikaw tuluyang nagbago?
Hindi ko magawa na magdamdam sa'yo.

Babalik ka pa ba kaibigang kAmAtis?
Bakit nga ba ako iyong tinitikis?
Alam mo bang ako nasaktan ng labis?
Nang ika'y lumayo't tuluyang umalis.

REpOLyO kahit di mo ako naalala,
Sa aking mga dasal lagi kang kasama,
Laging hinihiling sa mahal na Ama,
Sa lahat ng oras gabayan ka Niya.

Alam mo ba kaibigang gAbi?
Kahit lagi mo akong isinasantabi,
Iyong kakulitan hanap ko parati,
Kaya laging nais ika'y nasa tabi.

Kung ako'y mahalaga sa iyo oh pEtsAy,
Bakit ka umalis ng walang paalam?
Sa iyong paglayo puso at isipan,
Naiwang nagtataka at naguguluhan.

Kaibigang tALOng sana'y maunawaan,
Hindi ko ginawang ika'y pagdamutan,
May problema kasi akong pinapasan,
Kaya sa hiling mo di ka napagbigyan.

MAis wag mong sabihing hindi mo alam,
Kung kaya gumuho ang ating samahan,
Bakit pangako mo dagling nalimutan?
Kaya itong puso labis na nagdamdam.

Nasaan na kayo mga kaibigang gulay?
Nawa muli kayong aking masilayan,
Upang aking lakas lalong madagdagan,
Sa pakikibaka sa takbo ng buhay.
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by angel Thu Sep 18, 2008 4:03 pm

Wala talaga akong masabi alien aking kaibigan
Sa paggawa ng mga tula magaling ka kailanman
Kaibigan inihalintulad sa kulay, prutas ngayo'y gulay naman
Sinu-sino kaya sila, ito'y isa nga bang palaisipan isip

Para tuloy kay sarap na maging isang vegetarian
Pero sa ngayon ay sa pangarap ko muna yan
Baka manibago ang mabilog kong pangangatawan
At maging buto na lamang at wala ng laman tawa

Alien salamat sa pagbabahagi mo ng iyong katalinuhan
Ipagpatuloy mo ang paglikha at huwag mong titigilan
Mapalad ka dahil ang Maykapal ikaw ay biniyayaan
Nang talento kaya iya'y pahalagahan at paka-iingatan halik

Mabuhay ka Alien...sana ang mga gulay este kaibigan
Na iyong hinahanap sana ay iyong muling matagpuan
Upang lumbay ay mapawi at manumbalik ang kasiyahan
Saludo ako sa iyo, ikaw ay talagang aking hinahangaan idol ligaw
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by amie sison Thu Sep 18, 2008 5:10 pm

naku dami ka pala friends eh!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 40
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 6:08 pm

maraming salamat sa inyong mga reply
nakakataba ng puso mga kaibigan
meron na pong bago inyo pong abangan
ang mga bulaklak na aking minahal....
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by angel Thu Sep 18, 2008 6:35 pm

aba alien nakatutuwa naman
meron na ulit akong aabangan
gusto ko nang mabasa yan
mga babaeng nagbubulaklakan Very Happy

angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by neon_rq Thu Sep 18, 2008 8:10 pm

bro alien ayos ang poem mo ha

pwede ba ako pa tutor sau minsan hahahha tawa

baka may seminar ka for making poem sabihan mo ako ha aattend ako nyahahahaha para balagtasan tau lahat dito heheheh

ok bro keep it up...yan ang galing n di makuha kelanman ng kung cino man...
idol idol

tagay tagay
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 9:14 pm

salamat po muli
mga kaibigan
pagkat mga akda ko ay
nagugustuhan

mabuhay po tayong lahat....
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by marzy Thu Sep 18, 2008 9:24 pm

Waaa ang lUffet! sana magmana ako sa yo sa pagawa ng tulala kaibigang ALIEN!!Nawa'y pagyamanin pa NIYA ang iyong angking talino! Ng sa gayo'y marami ka pang mapapsayang mga tao!!
marzy
marzy
FEWA - Administrative Adviser
FEWA - Administrative Adviser

Number of posts : 435
Reputation : 3
Points : 628
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by noreen Mon Jul 26, 2010 11:57 pm

lol! lol! Very Happy Smile Sad Surprised Shocked Cool Laughing Mad Razz Embarassed Crying or Very sad Evil or Very Mad Twisted Evil Rolling Eyes Wink Exclamation Question Idea Arrow Neutral What a Face Like a Star @ heaven I love you pale tongue monkey cheers Sleep sunny kambe hanga idol tawa ligo sorry ligaw tagay halik :hug: iyak isip confused

noreen
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 2
Reputation : 0
Points : 2
Registration date : 26/07/2010

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by Tatum Tue Jul 27, 2010 8:57 am

Nice poem!keep up the good work dun sa part ng monggo mdyo nakarelate ako ahehehe
Tatum
Tatum
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1326
Age : 42
Location : gwangu city
Cellphone no. : 01057871425
Reputation : 0
Points : 1576
Registration date : 30/05/2010

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by zack Tue Jul 27, 2010 1:25 pm

mga kasulyap,

baka meron din kayo talento sa pagsulat tula, post na!
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by jhanishe Tue Jul 27, 2010 11:02 pm

ang galing mo naman kuya... congrats sau... mas nakarelate ako kay malunggay ehehehe... keep up the good work kuya... sana po more poems to come.....
jhanishe
jhanishe
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 540
Age : 43
Location : seoul, south korea
Reputation : 0
Points : 606
Registration date : 08/06/2010

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by mikEL Wed Jul 28, 2010 7:33 am

maraming salamat po sa mga reply..salamat po dahil kahit matagal na poem q napansin nyo pa rin...dami pako poem post q d2 n0on...kita-kitz n lang dito sa korea..mabuhay po tay0ng lahat.
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by mykeemchee Wed Jul 28, 2010 8:35 am

galing mu mikow cheers
mykeemchee
mykeemchee
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 380
Age : 42
Location : hongkong
Cellphone no. : +85283552829
Reputation : 3
Points : 468
Registration date : 06/09/2009

Back to top Go down

...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA... Empty Re: ...pArA sa mgA hinAhAnAp kOng gULAy, EstE...kAibigAn pALA...

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum