SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" ANG MANGGAGAWA "

3 posters

Go down

" ANG MANGGAGAWA " Empty " ANG MANGGAGAWA "

Post by Joel Tavarro Mon May 18, 2009 6:54 am

" ANG MANGGAGAWA "
Joel Tavarro


Masdan ang manggagawa na maghapo’y nakayukod
Ngalay ang batok, masakit ang katawan, basa pa ang likod
Sa init ng araw, ibinuhos ang lakas at sa hapon ay pagod
Kumita ng marangal, hirap ng pamilya ay mapahinuhod.

Inasam ang karatig-bayan, nagsumikap at doo’y kumayod
Makamit ang minimithing kinabukasan, kaya’t sumugod
Tiniis ang hirap at lungkot upang pangarap ay matupad
Masaganang pamumuhay, ang siyang tanging hangad.

Bansag ng iba, tayo daw ay kaawa-awa na utusan at alipin
Alipin mang maituturing, katangian nama’y mahirap kamtin
Na wala sa iba, bukod tanging makikita sa lahi lamang natin
Matiyaga, masipag, magalang at matapat na di kayang bilhin.

Kaya tayong manggagawa, taas-noo at hindi dapat mahiya
Abilidad nati’y kahit tumbasan ng salapi ay mahirap magaya
Dukha man sa mata ng mga banyaga, tayo ay hindi padadaya
Di palulupig, ni pasisiil sa mga gahaman at may ugaling buwaya.

Iyan ang lahing kayumanggi, matapang na nakikipagsapalaran
Kahit anupamang mga balakid at dawag, handang makipaglaban
Kahit sa teknolohiya ay di pahuhuli, pilit na makikipagsabayan
Kaya’t madalas na hinihirang dahil sa taglay na kakayanan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MANGGAGAWA " Empty Re: " ANG MANGGAGAWA "

Post by rubiah Mon May 18, 2009 10:56 am

galing naman po ng ginawa niyong poem. thanks po sa pagshare...Godbless us all!!!
rubiah
rubiah
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 265
Age : 49
Location : South Korea and Pinas
Reputation : 0
Points : 334
Registration date : 09/03/2009

Back to top Go down

" ANG MANGGAGAWA " Empty Re: " ANG MANGGAGAWA "

Post by chayen Wed Jun 10, 2009 7:26 pm

nice poem.... ligaw
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

" ANG MANGGAGAWA " Empty Re: " ANG MANGGAGAWA "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum