SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" TAPAT NA LINGKOD, HUWARANG MANGGAGAWA "

Go down

" TAPAT NA LINGKOD, HUWARANG MANGGAGAWA " Empty " TAPAT NA LINGKOD, HUWARANG MANGGAGAWA "

Post by Joel Tavarro Mon May 18, 2009 6:45 am


" TAPAT NA LINGKOD, HUWARANG MANGGAGAWA "
Joel Tavarro


Kung pagtatrabaho o paggawa ang pag-uusapan, hindi matatawaran ang sipag, tiyaga, dedikasyon at pagmamahal natin sa ating mga hanap-buhay. Ang mga katangian daw nating ito ay nagmula pa sa ating mga ninuno na kahit sa katirikan ng araw ay buong tiyaga na gumagawa. Saan mang dako ng mundo mapunta ay tunay na ang katangiang ito ay hindi maikakaila. Sa katunayan, ang pamosong “Hagdan ng Palayan” na nilikha ng kamay ng mga katutubo sa Banawe ay naitalang isa sa pitong pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Maraming taon at lakas ang ginugol nila bago nagbunga ang kanilang kasipagan sa paggawa. Maraming mga banyaga ang humanga sa ganitong katangian ng mga Pilipino, pulido kung magtrabaho, ‘ika nga. Subalit mahirap mang isipin, mayroon ding ilang kababayan na marahil ay nagmana sa ugali ng mga dayuhang sumakop sa atin noong unang panahon. Para bagang hindi ikinasiya ang pag-angat o pag-asenso ng kapwa. Magiging kasiraan naman ito sakaling mapansin ng ibang lahi. Kaya sikapin nating mapangalagaan ang mabuting katangian na nakikita sa atin ng mga dayuhan. Unang-una sa ating mga sarili. Huwag nating ipagpalit ang karangalan sa mga bagay na makakasama sa ating pagkatao. Hindi lingid sa ating lahat ang tungkol sa Global Crisis, kung kaya’t lumaganap ang pagbagsak ng ekonomiya ng maraming bansa sa iba’t ibang lupalop ng mundo. Marami ang naghihirap at nawalan ng hanap-buhay. Mainam na maipakita natin sa ganitong panahon ang pagtutulungan at pag-uunawaan. Maging bahagi sa ating mga layunin ang makaahon sa kahirapan ang iba nating mga kababayan.

Isang kaibigan ang nagsalaysay sa akin tungkol sa kanyang karanasan noong siya ay makarating dito sa Korea . Hindi niya halos matanggap na mag-isa lamang siyang Pilipino sa pinapasukan niyang kumpanya. Wala man lamang siyang makausap kahit na ibang dayuhang makakaintindi ng Ingles. Ngunit nang lumaon ay natutunan din niya ang magsalita ng Hangul. Nakasanayan na niya ang kanyang sitwasyon kung kaya’t napagtanto niyang mas mainam pa pala ang nag-iisa. Madalas ay siya lamang ang gumagawa sa kanilang kumpanya. Ibinibilin na lamang sa kanya ng amo niya ang mga dapat niyang gawin at magkikita sila sa kinabukasan pa. Walang nakakabatid kung babagalan niya ang pagkilos o di kaya ay mandaya siya ng oras. Maaari niyang gawin, anuman ang kanyang naisin. Ngunit marahil sa takot niya na manlamang at ayaw rin niya na ang ipapakain niya sa kanyang pamilya ay nanggaling sa pandaraya. Isang katiyakan, dahil sa salita ng Diyos na ipinunla sa kanyang puso ang nag-udyok upang huwag gawin ang anumang makasisira sa pagtitiwala sa kanya ng kanyang amo. Bagamat siya lamang, ngunit pakiramdam niya ay mayroong nag-aantabay at nakatingin habang siya ay nagtatrabaho. Para siyang langgam na patuloy sa pag-iimbak ng pagkain bago sumapit ang tag-ulan. Patuloy na kumikilos kahit pa walang nag-uutos o nagmamando. Sabi sa aklat ng Kawikaan 6:6-8, “Tingnan mo yaong mga langgam, ikaw na taong tamad, pamumuhay niya’y masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit siya’y walang punong sa kanila’y nag-uutos, walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod, ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga’y iniipon kung panahon ng anihan.” Walang tigil ang kanyang paggawa kahit siya nag-iisa. Kung kaya, pinagkatiwalaan siyang mabuti, minahal at itinuring na kabilang sa pamilya ng kanyang amo.

Sa mga Hebreo, ang tawag sa amo ay panginoon at alipin o alila naman ang manggagawa. At bilang mga alipin, puspusan ang kanilang pagtatrabaho para sa kanilang ikabubuhay. Sila ay lubos na gumagalang at sumusunod ng walang pagmamaktol sapagkat sinusunod nila ang tuntunin ayon sa nasusulat sa Banal na Aklat na hawak ni Moises. Tayong mga nasa bagong henerasyon ay marapat din na sumunod sa ipinag-utos ng Diyos. Sa bawat pagbuhos ng lakas at pawis ay may kaakibat na kabayaran. Ang ating mga amo man ay naghahanap-buhay rin para sa kanilang pamilya. Kaya marapat lamang na tumbasan natin ang kabayarang ating tinatanggap mula sa kanila. Sa bawat oras na tayo ay binabayaran, dapat din natin itong suklian ng katapatan. Sa ating pagiging tapat na lingkod at isang huwarang manggagawa nakasalalay ang mainam at marangal na pamumuhay. “Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon dito sa lupa ng buong galang, takot, at katapatan, na parang si Cristo ang inyong pinaglilingkuran. May nakakakita man o wala ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo’y lingkod ni Cristo at kusang-loob na gumaganap ng kalooban ng Diyos.”(Efeso 6:5-6)

Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum