SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" PANAGHOY SA KRUS "

2 posters

Go down

" PANAGHOY SA KRUS " Empty " PANAGHOY SA KRUS "

Post by Joel Tavarro Mon Mar 30, 2009 12:24 am

Panaghoy sa Krus
Bro. Joel Tavarro

Panahon ng kuwaresma. Isang mainam na pagkakataon upang pagnilayang muli kung ano nga ba nais ipabatid nito sa lahat ng mga mananampalataya. Ito ba ay ginugunita dahil sa isang tradisyon o dahil sa nakikiisa tayo sa paghihirap ni Jesus?

Sa tuwing sumasapit ang Biyernes Santo, isinasadula ang pagpapako sa Kanya sa krus. Ano ang ibig sabihin ng krus para sa iyo? Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nakikita Siyang nakabayubay dito? Tila isang napakahirap na tanawin ang makikita ang isang katawan, bagamat wala nang buhay, ngunit nananatiling nakabitin sa krus. Ganunpaman, makikitang marami ang lumalapit dito. Madalas, mga taong dumadaing sa kahirapan at naghahanap ng kapahingahan. Dito rin dumudulog ang karamihan upang hingin ang pagpapatawad sa mga kasalanan. Gaano kaya kabigat ang krus na pinasan ni Kristo? Sinasabing mahigit limang daan ang bilang ng latay at sugat sa katawan na tinamo ng Panginoong Jesus. Yaong sa balikat Niya ang pinakamalalim dahil sa napakabigat ng Kanyang binuhat. Kaya kayang itong buhatin ng tao? Ngunit ang lahat ng ito ay nagawa ng Panginoon upang ipabatid ang kung gaano tayo kahalaga sa Kanya. Nais Niyang pumailalim tayo sa Kanyang pamatok, (ang pamatok ay isang kapirasong kahoy na isinisingkaw sa leeg ng dalawang kalabaw upang hilain ang mabibigat na dalahin) upang hindi tayo mahihirapan sapagkat katuwang natin Siya. Tumalima lamang sa Kanyang mga aral upang makamit ang kaligtasan. Hindi kailangang pumunta sa malayong lugar upang magkaroon nito. “Hindi kailangang siya’y hanapin sa malayo, ipailalim lamang ninyo ang inyong leeg sa kanyang pamatok at handang tumanggap ng aral.”(Ecclesiastico 51:26) Walang tigil ang Kanyang pag-anyaya sa ating lahat, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob, at makakasumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.” (Mateo 11:28-30) Tiyak na makakamtan ang pangakong ito ng Diyos kapag pinaunlakan ang paanyaya Niya sa ating lahat.

Masasabing mabigat na pasanin ang paggawa ng hindi kalooban ng Panginoon. Dahil dito ay parang tayo na rin ang pumipili at nag-aatang sa ating balikat ng isang malaking tabla. Hindi nalulugod ang Diyos sa gawaing masasama. Subalit palaging nakatuon ang Kanyang mga kamay sa sinumang nais na iwanan ang kasalukuyang kinahuhumalingan. Masarap mamuhay ng malaya sa anumang bagay na hindi alinsunod sa nais Niya. Ilibing na sa limot ang madilim na tagpo ng iyong buhay. Kung paanong buhay ng Panginoong Jesus ang inialay, marapat lamang na magdudulot ito ng buhay para sa ating kaluluwa. “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal.”(Deuteronomio 30:19) Sa baluktot na uri ng pamumuhay ng ilan ay lalo lamang idinidiin ang pako sa mga kamay ni Jesus. Ang panaghoy ni Kristo sa Krus ay buhay na walang hanggan para sa lahat dahil sa Kanyang pagliligtas at pagtubos. Sa pamamagitan ng Kanyang dugo ay hinuhugasan tayo sa ating karumihan. Ah, ngayon na marahil ang simula ng pagbabagong-buhay at hindi na ito dapat ipagpabukas pa!
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" PANAGHOY SA KRUS " Empty Re: " PANAGHOY SA KRUS "

Post by amie sison Mon Mar 30, 2009 1:53 pm

bro. joel salamat po...
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum