SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

+6
goodheart
amie sison
reeve
marzy
crazy_kim
freakish_alien
10 posters

Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by freakish_alien Thu Mar 20, 2008 11:12 pm

talking about rights.... we fight for your rights and my rights way back then.... and this is my mundane and heavenly slogan... it was inspired by late Pope John Paul II in his speech with million young audiences "Don't be afraid, change the image of this land."" please read

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea
Jun Torrano

Published at www.alaeh.net (april 2004)
Posted at www.tinig.com (june 2004)
printed at Newsgate Magazine ( July 2005)


Nakakulong ngayon ako sa apat na sulok ng aking silid at sinisikap na makabuo ng isang artikulong maghahayag sa mga mambabatas ng mga sawing panaghoy at bulong ng kapwa ko kabataang migranteng naninilbihan at nandarayuhan dito sa bansang South Korea. Nagsisikap ako at baka sakaling pakinggan ang karapatang ilang taong ipinaglaban ng mga nauna sa amin. Nag-iisip ako kung paano isisiwalat ang mga pangambang halos araw-araw naming iniisip at kinakaharap.

Nagsimula ang mga pangambang ito buhat noong kami ay nagdesisyong magtrabaho at manitili sa bansang ito ng walang legal na pahintulot ang pamahalaang Korea. Pero ano ba ang nagtulak sa amin para yakapin ang ganitong sitwasyon? Ilan sa mga dahilan ay upang makapagtrabaho at makahanap ng isang kompanya at amo na mayroong panggalang sa aming pagkatao. Ang kompanyang makapagbibigay sa amin ng isang simple at ligtas na lugar upang kami manatili at irespeto ang karapatan naming bilang manggagawa. Kasama na rin dito ay ang kompanyang magpapasahod sa amin ng naayon sa oras ng aming ipinagtrabaho. At higit sa lahat ay ang kompanyang mamahalin kami bilang tao.

Subalit taliwas at eksepsyunal sa aming paniniwala, karamihan pa rin sa amin ay naabuso at naging biktima ng sistema ng ilang mga ganid na amo. Ang gipit na sitwasyon ang kanilang sinamantala upang mapayaman at paunlarin ang maliit nilang negosyo. At dahil nga mura at puwede ang delayed na sahod namin ay nakasalba ang kanilang kompanya hanggang sa mapabilang sila sa ilang mauunlad na pagawaan dito sa orea. At eto pa rin kami: patuloy na kumakapit sa patalim at ang karapatan ay tila ibinaon na lamang sa aming mga puso habang umaasa at patuloy naghihintay ng isang malinaw at deretsahang aksyon ng ating pamahalaan.

Ang mga pangyayari at sitwasyong ito ay hindi na lingid sa buong peninsula, at maging mismo sa bayan natin. Ganyundin hindi na rin maikakaila ng bansang ito na kailangan pa rin nila ang serbisyo ng mga dayuhang manggawa. Ang masakit nito, bakit tila ang mga mambabatas, lalong higit ang tanggapan ng Minsitry of Justice ng Korea at lalong higit ang sarili nating pamahalaan ay hindi nakikita at nararamdaman na katulad din kami ng kanilang mga anak--mga ordinaryong kabataan na sa murang edad ay nakipagsapalaran at nanilbihan sa kanilang mga maliit na pagawaan, mga kabataang halos pitong taong nag-alay ng talino, oras, sarili at may malaking ambag sa kanilang lakas paggawa? At ano ang kapalit nito? Ang huminto sa aming pag-aaral at iisantabi ang mga pangarap na makapagtapos-- mga kabataang tinalikuran ang saya, habang nagpupumilit na tumulong sa pamilya namin na nasa Pilipinas, mga kabataang biktima ng kahirapan.

Mapalad naman ang ibang nabiyayaan ng bagong batas (Employment Working Permit) na pinairal ng Ministry of Justice ng bansang Korea at agad na tinanggap ng ating pamahalaan sa katauhan ni Labor Sec. Patricia Sto. Tomas. Ang batas na tila para lamang sa kapakanan ng kanilang bansa para maisalba sa kahihiyan sa buong mundo. Ang batas na aalo sa pandaigdigang pamilihan na kalimitan ay ang mga bansa din namin mula sa Asya Pasipiko at mga mahihirap na bansa na may malaking bilang na maggawa dito sa Korea. Ang batas na naghatid ng isang malaking domino effect sa pagbagsak ng kanilang ekonomiya dahil sa pagbagsak ng maliliit na pagawaang pinaggagalingan ng mga raw materials ng mas malalaking kompanyang kinaroroonan namin. Ang batas na naghatid ng malaking labor shortage sa mga manufacturing sector. Ang batas na naghahatid sa amin ng isang malaking pangamba sa napapabalitang mass repatriation sa buwan ng Agusto.

Instead of resolving the problem, the Philippine government is “now intently focused on the ‘new batch’ of OFWs they’re about to send because of the remittances and state exactions the Philippine government will get in exchange,” said Mark Padlan, Asia Pacific Mission for Migrants Korea coordinator. Bulatlat.com

Sa kabila ng mga panaghoy ng ito ng manggagawa Pinoy dito sa Korea ay bakit patuloy pa ring itinutulak ng pamahalaan natin ang ilang libong pinoy na dumagsa sa tanggapan ng POEA noong nakaraang buwan? Bakit hindi muna ayusin ang problema at kalagayan ng ilang libong maggawa na nagtiis at napabilang sa palabigasan ng kaban ng bayan? Baket hindi muna ayusin ang sitwasyon ng mga TNT o illegal na manggaawa, lalong higit ang problema ng mga naguguluhanmga kababayan natin na nakakuha ng E9 visa (EPS)? Kailangan muling pag-aralan at sana'y siguruhin ng ating pamahalaan kung maibibgay ba talaga ang karapatang ito at kung masasagot ba ng bagong batas na ito ang panaghoy ng mga kabataan at pagkalahatang migrante rito sa South Korea.

freakish_alien
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Age : 46
Location : Island Philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/03/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Re: Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by crazy_kim Fri Mar 21, 2008 12:59 am

ayos!!! ang galing mo jhun mgsulat...tnx for sharing!!!
crazy_kim
crazy_kim
Senador
Senador

Number of posts : 2579
Age : 42
Location : ...deep down under
Reputation : 0
Points : 178
Registration date : 04/03/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty PANAGHOY

Post by marzy Fri Mar 21, 2008 7:33 am

Tama ka kapatid, napakarami pang dapat ayusin ng ating gobyerno. Sa ngayon ang pagpasok dito sa Korea bilang isang EPS ay hindi nangangahulugan na sigurado na ang trabahong iyong mapapasukan at hindi rin nangangahulugan na ligtas na tayo sa mga "SAJANG" na mapagsamantala. Marami pa rin sa ating mga Kababayan na mga EPS ay hindi napapasahod ng tama at naabuso. Kaya ang FEWA at HRWOFC ay nabuo para makatulong sa ating mga kababayan.
marzy
marzy
FEWA - Administrative Adviser
FEWA - Administrative Adviser

Number of posts : 435
Reputation : 3
Points : 628
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty TULOY ANG PAKIKIBAKA

Post by reeve Fri Mar 21, 2008 8:35 am

MARAMING SALAMAT SAU KAPATID
MABUHAY TAYONG LAHAT!
reeve
reeve
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 274
Age : 38
Location : Anyang City, South Korea
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 02/03/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Re: Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by freakish_alien Fri Mar 21, 2008 10:36 am

marzy wrote:Tama ka kapatid, napakarami pang dapat ayusin ng ating gobyerno. Sa ngayon ang pagpasok dito sa Korea bilang isang EPS ay hindi nangangahulugan na sigurado na ang trabahong iyong mapapasukan at hindi rin nangangahulugan na ligtas na tayo sa mga "SAJANG" na mapagsamantala. Marami pa rin sa ating mga Kababayan na mga EPS ay hindi napapasahod ng tama at naabuso. Kaya ang FEWA at HRWOFC ay nabuo para makatulong sa ating mga kababayan.

I believe that our governments foreign policy with the host country South Korea and other labor sending countries created the EPS law without thingking of the end-result and the win-win solution to the problems. Yup! migrants under EPS program are protected by law but the problem is the full implemetation of that law, some Korean sajang nims fail to understand what the EPS is all about, some employers did not follow the black and white agreement. Someone once said if you have a hornets nest on your property you may get stung, if you start hitting it with a baseball bat are you more or less likely to get stung. The point I am trying to make is that you have to continue the fight to avail your rights as a Human being and it is writen already... Try to desisminate the information to all kababayans and tell them that they are already protected by the law and they must fight for it.

With FEWA at HRWOFC im surely believe in the saying "changes cannot be done overnight" . I am glad that there are filipino migrants in South Korea who are continuing the war and the battle we been through for so many years... Go! and tell the world that the Filipinos are humans, that we are all equal in the name of "HUMAN RIGHTS"...

freakish_alien
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Age : 46
Location : Island Philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/03/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty hello

Post by amie sison Sun Mar 23, 2008 11:03 pm

i admire the messag eof your article...maraming salamat!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty excellent!

Post by goodheart Thu Jun 19, 2008 6:25 pm

excellent! job well done:)
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty PANAGHOY

Post by mardane61 Sat Jul 05, 2008 9:17 am

Tama ka dyan Jun, i have encountered a lot of TNT"S and they had experienced unfairness. But nowadays, the rights of EPS and TNT'S are equal. Tell your friends, that they dont need to worry coz there a lot of good heart that will help them. Being HRWOFC Officer, we will do our best to help you. Just all i can say, doble ingat lang po. You are not alone.

mardane61
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 2
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 11/03/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty very impressive!

Post by jeonna Sat Jul 05, 2008 9:50 pm

ang galing naman! salamat kabayan for sharing. lahat ay totoo.

jeonna
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 137
Age : 42
Reputation : 0
Points : 8
Registration date : 28/04/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Re: Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by chayen Tue Jul 15, 2008 11:50 pm

kami wala din pa bunos whaaa
kuripot sajang namin
tnx for sharing kapatid
halik
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Re: Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by hoturi Sat Nov 14, 2009 12:15 am

[i] Very Happy galing nman...yeah talagang ganyan wala naman iniisip ang goverment natin kundi sarili nila THATS ALL.. kaya maraming mga EPS na nagiging TNT kase sa dami ng reklamo & problema na hindi na talaga magawan ng paraan..anywayz sa mga nagbabalak mag TNT Hmmmmmm...pag isipan nyo muna ng maigi kase its not like bfor maluwag here sa korea..sa ngayon medyo mahirap na sitwasyon para kanang nagsusugal talaga mapa legal or illegal hehehhe...swertehan lang..just wagmawalan ng pag asa may awa ang diyos...at hindi ka nag iisa..marami tau ok.
hoturi
hoturi
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Location : South Korea
Reputation : 3
Points : 21
Registration date : 13/11/2009

Back to top Go down

Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea Empty Re: Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum