SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" ANG MAKATA "

+7
Cielo
lhea
nielgine
neon_rq
_Angelica_
mikEL
Joel Tavarro
11 posters

Go down

" ANG MAKATA " Empty " ANG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Wed Oct 08, 2008 7:18 pm

MAKATA “
Redfox007

Hindi na dapat pang pag-usapan
Kung dalubhasa man o katamtaman
Pagalingan, pasikatan, hindi na kailangan
Ang mahalaga ay hawak kamay, nagtutulungan.

Lumilipad, malalim na kamalayan
Talino’t unawa , hanggang sa kawalan
Utak ay pinupuwersa, pinipiga
Makatas lamang makahabi ng tula.

Anila nagpapakahirap walang napapala
Hindi naghihintay ng anumang gantimpala
Ni obrahan, plake o bantayog ng istatwa
Kahit walang makuha, boluntaryong gumagawa.

Iba’t ibang tema, malungkot man o masaya
Layunin lamang, makapagdulot ng ligaya
Bukal sa puso, pagod at hirap hindi alintana
Basta’t marami lamang ang makakabasa.

Kung may pumupuri, maraming salamat
Puso ay lumulukso, hindi maawat
Kapag hawak na ang papel at panulat
Tila may agimat kung sumusulat.

Likas man o kaloob na talento
Ito ay handog buhat kay kristo
Hindi dapat ipagkait, isiwalat sa mga tao
Makapawi ng lumbay mapasaya kayo.

Pobreng manunulat sa mata ng karamihan
Beterano man o maging baguhan
Kaligayahan naming ang kayo’y handugan
Makatang tula, nawa’y inyong pagdamutan.


Ito ay alay ko sa lahat ng sasali sa patimpalak ng sulyapinoy sana ang lahat ay lumahok para sa pakikiisa sa kanilang unang anibersaryo. Tayo ay sumali hindi upang maglaban laban o magtagisan ng galing kundi maipakitang tayo ay may iisang pusong makata, maginoo at magkakaibigan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by mikEL Wed Oct 08, 2008 7:27 pm

ang galing mo talaga kaibigan
tunay nga na ikaw ay makatang tunay
papuri at paghanga sayo aking alay
sa mga akda mo na natutunghayan...

tama ka sa darating na paligsahan
kahit na sa galing ay magtatagisan
dapat na lahat tayo ay wag kalimutan
tayong lahat ay may angking kakayahan...
alien
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by _Angelica_ Thu Oct 09, 2008 10:32 am

Razz Razz Razz magaling nga! bwehehehehe
_Angelica_
_Angelica_
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 52
Location : philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Thu Oct 09, 2008 1:38 pm

para kay angelica.........

maraming salamat sa iyo kaibigan
makikilala ako kung nababasa mo ang sambayanan
dito sa seoul korea, ito'y ginagigiliwan
tulad ng sulyapinoy, pinakakaabangan.

ang code name ko'y redfox007
kabuuan ng pangalan ko'y four and seven
kung nagsusulat ay parang nasa heaven
idol ko si angel gayun din naman si makatang alien


Last edited by redfox007 on Thu Oct 09, 2008 7:20 pm; edited 1 time in total
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by mikEL Thu Oct 09, 2008 6:07 pm

tama si redfox angelica
sa pagsusulat ng tula kami ay magkasama
pero sa akin mas magaling siyang talaga
kaya siya ay mas nakakahalina

kahit anong akda ang iyong ipagawa
tiyak na kay redfox ay maning-mani nga
kaya marami sa kanya ang humahanga
dahil sa mga akda niyang kamangha-mangha
alien
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Wed Oct 15, 2008 8:58 pm

Maraming Salamat............... ligaw
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by neon_rq Thu Oct 16, 2008 7:27 pm

da best ka talaga redfox....

keep it up.......... gawa ka pa marami kaibigan!!!

ur really the MAN!!!



tagay tagay tagay tagay tagay

hanga hanga hanga hanga hanga

idol idol idol idol idol
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by nielgine Tue Mar 09, 2010 12:29 am

akoy isang bagong miyembro
marami ng na idolo meron dun meron dito
hindi na mabilang pagkat nakakahilo

si redfox ay sadyang mabilis kung para sa kidlat
ang utak ay kumakalat kaya ang aklat niyang
naisusulat hindi na magkasya sa utak koy pagkat akoy payat

maging akoy isang patpat nais kong isambulat mga
salita koy date hindi ko malabas meron palang site
na sa akin nababagay

bigay ng ama ang talino kung dala dila kung mapanugat
at ang utak kong malawak

habang hawak ko ang panulat pumapatak ang luha ko sa aklat
dahil dito ko lang nalalahat ang bigat na aking buhat buhat

kaya minsan ang papel koy lukot lukot parang nilapirot
na lamok kung akoy kutyain wag ka na daw pangarapin na
makikilala kong magaling pag dating sa sining na ito sana ay palarin

na dito ko maabot ang ang mga hangarin sana wag liparin ng hangin
nilagyan ko ng kaonting dalangin upang mga bigkas koy hindi alanganin

kailangan ko pang kumain ng maraming kanin upang tuluyang maging magaling

nielgine
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 4
Reputation : 0
Points : 4
Registration date : 08/03/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by lhea Tue Mar 09, 2010 6:14 am

kabayan be confident...welcome kng mgpost dto ng iyong mga nilikha...

ang galing m ay hnd mkikilala kung ito ay hnd ipapamalas at ibabahagi...
lhea
lhea
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 70
Age : 38
Location : seoul korea
Reputation : 0
Points : 91
Registration date : 04/12/2009

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by nielgine Tue Mar 09, 2010 9:51 am

kabayan -lhea

salamat sa pagbati ng kasabay na mukang naka ngiti

sana akoy manatili na malikhain kahit sandali
pagkat akoy marami ng pagkakamaling nagawa dati

nung akoy na pasali
sa isang larangan nakakawili

nung datiy akoy naging api
sadjang hindi na dumadampi
ang ngiti sa aking labi

dahil akoy namulubi

nung simulang naging manunulat
sinubukan kung ikalat ang aklat
kong parang isang na muong habagat

tinawid ang dagat
dun akoy nagsimulang umangat
ang tula kong nagkaroon na ng pamagat

at hanggang naun tuloy parin sa pagsulat
mula ng akoy natutong dumilat

laat ng mga parak ay sa akin ay pumalakpak
unang sa aking pagbagsak

laat ng letra koy nakakawasak

dun ng simula ang utak koy lumawak

nielgine
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 4
Reputation : 0
Points : 4
Registration date : 08/03/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Cielo Tue Mar 09, 2010 2:52 pm

hanga
Cielo
Cielo
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1312
Reputation : 0
Points : 139
Registration date : 18/02/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by aldin Sat Mar 13, 2010 8:08 am

galing mo
aldin
aldin
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 223
Age : 47
Location : chung-cheong buk-do jincheon gun gwanghaewon myeon kumkukri 395-1
Reputation : 3
Points : 290
Registration date : 03/12/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by jehumiles Mon Oct 04, 2010 9:12 pm

ako`y nagagalak ng masilayan ko itong pahina
nasulyapan ko`t nabasa iba`t ibang gawa ng makata
nagsimula akong mamulat sa mundo ng mga salita
hanggat natuklasan kong nasa dugo ko ang pagiging makata
hindi ko mawari ang aking mga nagawa
basta`t ba`y hinabi ko`t pinagtagpi tagpi ang mga salita


Ako nga pala si
Jehu Miles Cocjin
isang batang gusgusin
nais makihalubilo sa mga magagaling
at bumamabati ng marahan at matulin
ng magandang gabi sa mga mambabasa at kapwa makata narin.... Razz

jehumiles
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 1
Reputation : 0
Points : 1
Registration date : 04/10/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Fri Feb 04, 2011 8:38 am

[quote="jehumiles"]ako`y nagagalak ng masilayan ko itong pahina
nasulyapan ko`t nabasa iba`t ibang gawa ng makata
nagsimula akong mamulat sa mundo ng mga salita
hanggat natuklasan kong nasa dugo ko ang pagiging makata
hindi ko mawari ang aking mga nagawa
basta`t ba`y hinabi ko`t pinagtagpi tagpi ang mga salita


Ako nga pala si
Jehu Miles Cocjin
isang batang gusgusin
nais makihalubilo sa mga magagaling
at bumamabati ng marahan at matulin
ng magandang gabi sa mga mambabasa at kapwa makata narin.... Razz [/q

Mabuhay ka bagong makata....... idol
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by jastrid Sat Feb 05, 2011 3:43 pm

Sa aking pagbabasa
May bumulaga sa aking mata
Mga makata dito napunta
Opps! makasali nga

Itong aking tula ay di pinaghandaan
Sapagkat ako ay sadyang napadaan
Ngunit masisiguro kong ito'y maiibigan
Dahil ito ay para sayo kaibigan

Tama ang isang makata
Ito'y bigay ng nilikha
Talento na galing sa kanya
Nais naming ipabasa

Kaya kung sino man
Ang may talentong yaman
Dito sa sa Sulyapinoy!
Inyo ng pasulyap hoy!

Kaya tayo ng maging makata
Kaysa tumunganga
Habang naghihintay ng EPI
Tayo muna'y magpaka senti

jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by jastrid Sat Feb 05, 2011 4:00 pm

ANG BUHAY NA BAYANI
(A tribute to all OFW around the world)


Buhay na bayani kung ikaw ay ituring
Dahil sa iyong remittance na tumatagingting

Di lang pamilya mo ang natutulungan mo
Maging ang Pilipinas na bayan mo

O kay sarap isipin na isa kang bayani
Dahil bansa mo ikaw ay itinatangi

Ngunit kung sa iyo ba ay may masamang mangyari
Ang gobyerno ba ay mag aatubili

Sa ating mga nakikita
Kayo na ang humusga




jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Sat Feb 05, 2011 7:25 pm

jastrid wrote: ANG BUHAY NA BAYANI
(A tribute to all OFW around the world)


Buhay na bayani kung ikaw ay ituring
Dahil sa iyong remittance na tumatagingting

Di lang pamilya mo ang natutulungan mo
Maging ang Pilipinas na bayan mo

O kay sarap isipin na isa kang bayani
Dahil bansa mo ikaw ay itinatangi

Ngunit kung sa iyo ba ay may masamang mangyari
Ang gobyerno ba ay mag aatubili

Sa ating mga nakikita
Kayo na ang humusga


Mabuhay kayong mga bagong makata....

Nakabibilib ang mga makatang babae
Sa paglikha ng tula, silay mga responsable
Simple lang ang dating at walang kaarte-arte
Kaya naman ang tulad ko'y baka kanyang madale.

Paglikha sa panitikan iyong pagharian
Galing mo at talento, sa iba'y ipangalandakan
Subalit kaunting alalay upang walang masagasaan
at mabansagang makatang nakikipagpaligsahan.

Dito naman ay hindi pagalingan sa napiling larangan
Mahalaga'y marunong kang lumikha, makipag-ambagan
Henyo sa paglalaro ng titik, salita ay mayroong kahulugan
Mababaw man o malalim, basta galing sa kaibuturan.

Magpatuloy ka lang sa pagsusulat sa website na ito
Dito'y malaya kang ilabas ang iyong natatagong talento
Asahan mong mga comment nila ay nakatataba ng puso
Kaya naman magagalak kang magpaskil, ikaw'y ganado.

Mabuhay ka makata... kayong mga bagong naming kasamahan
Nagpupugay ang mga letra, sila'y inyo ding paglaruan
Dito sa mundong napili mo, mahirap nilang malampasan
Bihira na lamang ang dito'y nabibigay ng panahon, naglalaan
.


idol idol idol idol idol
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by jastrid Sat Feb 05, 2011 10:29 pm

J oy is what We want for life

O n this day on

E verybody should spread

L ove...

T rust...

A nd Faith so that

V ision of Joy

A re within our reach

R emember to pray

R each out to HIM coz..He is always

O nline for Us...

jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by miko_vision Sat Feb 05, 2011 10:38 pm

jastrid wrote:J oy is what We want for life

O n this day on

E verybody should spread

L ove...

T rust...

A nd Faith so that

V ision of Joy

A re within our reach

R emember to pray

R each out to HIM coz..He is always

O nline for Us...


ayus nabuo yung name ni sir joel idol idol
miko_vision
miko_vision
Konsehal ng Bayan
Konsehal ng Bayan

Number of posts : 695
Age : 44
Location : poechon-si farmville sa bundok tralala...
Cellphone no. : 010-*6**-7673
Reputation : 6
Points : 897
Registration date : 06/07/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by jastrid Sat Feb 05, 2011 11:18 pm

Salamat Makata


Salamat makata at ikaw ay napabilib
Sa aming mga babaeng may laman ang dibdib
Wag magpaka berde,laman ng puso aking ibig sabihin
Kita mo ikaw ay napangiti ng aking bigkasin

Itong paggawa ng tula ay sadyang di biro
Sapagkat kailangan nito ay talino
Di lang basta talino kailangan din ng puso
Upang bawat salita ay mag ibayo

Di naman ako nandito para makipag paligsahan
Ang nais ko lang ay tayo ay maghalinhinan
Kung meron man nasasagasaan ang samo ko'y patawad
Sapagkat ang nasa inyong harapan ay di huwad

Akin lamang binabahagi laman ng aking puso
Pusong makata at pusong totoo
Kaya sa susunod na tulang gagawin
Ang hiling nyo ang aking nanaisin

Nang sa ganon aking isip ay mahasa
Dahil galak ang aking tinatamasa
Sa tuwing aking tula ay inyong binabasa
Muli salamat makata sa iyong pagbabasa
jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

" ANG MAKATA " Empty Re: " ANG MAKATA "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum