SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" SA DAIGDIG NG MAKATA "

5 posters

Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Thu Oct 09, 2008 8:01 am

SA DAIGDIG NG MAKATA “
...........Redfox007..........

Bakit ang alon ng dagat ay hindi makalampas sa buhangin
Sa pananaw ng mga manunulat, lahat ay pilit sasagutin
Ang bawat talata at talinghaga ay kaysarap isipin
Naglalakbay ang diwa, pang-unawa ay pilit kakatasin.

Tutuklasin ang hiwaga ng salita na mahirap abutin
Kung saan ay maaaring sungkitin ang buwan at bituin
Tubig at langis ay pwedeng pagsamahi’t ulan ay pipigilin
Sapagkat sa daigdig ng makata, lahat ay maaaring gawin.

Pinunpon ng mga titik upang lumikha ng mga tulain
Lahat ay nais iparating, may malalim na ibig sabihin
Sa saliw ng panulat,marami ang humanga at namangha
Kaya sino ang makaaarok ng talino at unawa.

Maliban kay Yahweh na siyang lumalang ng sanlibutan
Ang balon ng kaisipan ay masasabing isang kapangyarihan
Anila, sinasayang ang taglay at angking kaalaman
Ituon na lamang daw sa ibang mapagkakakitaan.

Hindi manghihinayang, ibubuhos sa mahal na kababayan
Husga ng iba, pobre daw sa mata ng karamihan
Ang paghabi nito’y aming kaligayahan sa puso at isipan
Ganito talaga ang libangan ng mahilig sa balangkasan.

Sa tuwing makahawak na ng papel at panulat
Bawat kumpas ng kamay ay mahirap nang maawat
Sapagkat isang karangalan kung kami ay sumusulat
Maipahayag ang maiksing saloobin at ito’y maisiwalat.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by mikEL Thu Oct 09, 2008 6:19 pm

tunay na ang isang ipinanganak na makata
maituturing na ganap na pinagpala
sapagkat may talinong galing kay Bathala
kaya nakagagawa makakahulugang tula

wala naman talagang likas na magaling
lahat tayo ay may kakayahang angkin
nararapat lamang nating pagyamanin
dapat na tuklasin ang husay at galing...
alien
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Thu Oct 09, 2008 7:28 pm

maraming salamat sa iyo kaibigan
ang papuri sa akin huwag naman pakasobrahan
baka ako'y kanilang hanapan ng tula na pakaaabangan
marami daw ang humahanga, sapagkat may kabuluhan.

ang totoo hindi ko malaman kung saan
nang galing ang mga balitang iyan
may narinig ako ngunit iilan
dahil nga sa ako'y baguhan.........
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by amie sison Thu Oct 09, 2008 8:53 pm

PARA KAY YAHWE


Dati sa akin ito ay palaisipan
Kung bakit ba sila nagsasayawan
Kahit sa misa na ipinagdiriwang
Si Kristo na kanilang pinapupurihan.

Ibang sekta ba ito ang aking tanong
Ngunit sa sarili ko lamang ito binubulong
Bakit pagpupuri ay umuusbong
Sa bawat nanalig sa mahal na Poon.

Si El Shaddai na hindi ko kilala
Nalaman sa bansang Korea
Pananampalataya ay lumalim pa
Dahil ipinapanalangin rin ang iba.

Kay sarap talaga ang maging isang lingkod
Sa mga problema ay nakakawala ng pagod
Pagmamahal na sadyang nakakalugod
Bigkis na suporta na parang tungkod.

Anibersaryo na ni Yahweh El Shaddai
Na nagpapagaan ng ating buhay
Sana makasama kayo sa pag pupugay
At asahan nyo ang kanyang gabay.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Thu Oct 09, 2008 10:28 pm

para kay amie........

maraming salamat sayo ikaw ay nariyan
ang pangalang yahweh ay iyong pinagsisigawan
sa ginawa mong iyan ikaw ay dapat kagiliwan
dahil siya ay iyong pinapupurihan.

nawa ipagkaloob sayo ang ibayong kalakasan
ang may takot sa kanya'y, tunay na karunungan
sa susunod na araw, tula mo'y aking tatapatan
pangako, YAHWEH din, aking pamamagatan.

batid kong ako'y kilala mo sa likod ng aking pangalan
kung kaya't ipinakita, tula mong kay inam pagmasdan
dalangin ko ay makita ang tunay mong kagandahan
kabutihan sa puso, ikaw ay aking kaibigan......God bless!!!
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by angel Sat Oct 11, 2008 5:47 pm

kaysarap basahin ng iyong tula
tunay na ika'y isang makata
ako ay sadyang namamangha
sa ganda ng iyong mga akda


redfox i salute u ..ur blessed,share more of yours poems..keept it up ... idol
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by marj Wed Oct 15, 2008 6:26 pm

such a talent!
thank you for sharing!
more power! :hug:
marj
marj
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1859
Age : 48
Location : S.Korea
Reputation : 0
Points : 85
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by Joel Tavarro Wed Oct 15, 2008 6:34 pm

Maraming salamat po sa inyong lahat!!!
sana palagi ninyong pagtiyagaan na pasyalan at basahin
ang mga akda ko..........nakakataba ng puso at lalung
nakakaganang magpost. Magpapakilala din po ako pagkatapos
ng patimpalak ng sulyapinoy. God bless............
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" SA DAIGDIG NG MAKATA " Empty Re: " SA DAIGDIG NG MAKATA "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum