SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

4 posters

Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 7:40 pm

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking
minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Ang mga babae na aking minahal
Sa akda kong ito bida'y sila naman
Magagandang bulaklak magiging katawagan
Pagkat sila sakin mahalagang tunay.

Sa tula kong ito iisa-isahin
Mga binibini na aking giniliw
Sila ang nagbigay sigla sa damdamin
Katulad ng mga bulaklak sa hardin.

Si rOsAs ang labis kong minahal
Magmula pa noong aking kabataan
Kahit ibigin s'ya walang karapatan
Hindi ko magawang siya'y kalimutan.

Kahit katayuan ay langit at lupa
Dito sa puso ko di siya mawala
Kahit nasasaktan laging lumuluha
Ang limutin siya ay hindi magawa.

Si rOsAL na naging aking kasintahan
Hindi ko akalaing ako ay iiwan
Akala ko noon doon sa simbahan
Ang patutunguhan ng pagmamahalan.

Hindi ko akalaing sa iisang iglap
Ang kanyang pag-ibig maglalahong ganap
Sa sakit na dulot puso ko'y nawasak
Hindi makabangon sa natamong sugat.

Sayang nong ako'y minahal ni sAmpAgUitA
Binalewala ko ang pag-ibig niya
Nang ako'y magising ay sadyang huli na
Kaya nanghinayang itong pusong aba.

Saan ko siya ngayon hahanapin
Upang maipadama ang aking damdamin
Bakit aking puso huli na nagising
Kaya pagdurusa ngayon ang kapiling.

Bata pa ako noong si dAisy ay makilala
Kaya di naipaglaban pag-ibig sa kanya
Dahil ang relihiyon nami'y magkaiba
Pinilit limutin namin ang isa't-isa

Kahit nadarama pag-ibig na tapat
Sa mga balakid kami'y naging duwag
Siguro nga kami hindi magkapalad
Kaya mga plano ay naglahong lahat.

Kahit di ko gaanong minahal si gUmAmELA
Masaya rin ako pag siya'y kasama
Kanyang mga ngiti nagbibigay sigla
Sa pusong sugatan dulot ay ligaya.

Sayang sapagkat di ko sinubukan
Puso ay mahulog sa kanya ng lubusan
Bakit ba huli na aking natuklasan
Mahalaga siya dito sa'king buhay

Labis kong nasaktan si iLAng-iLAng
Pagkat pag-ibig n'ya aking tinanggihan
Akala ko kasi hindi siya mahal
Kaya binalewala pag-ibig na alay

Hindi ko kasi agad nadama
Dito sa puso ko may puwang din siya
Lubhang kalungkutan aking nakasama
Nang siya'y sumuko't umibig sa iba.

Si tULip ng aking ligawan
Siya ay mayroon ng kasintahan
Ang aking pagtingin ay naunawaan
Kaya di nagbago ang pagkakaibigan.

Kahit mayroon na siya ngayong asawa
Magkaibigang tunay pa rin kaming dal'wa
Kadalasan sakin laging biro niya
Kung hanggang ngayon mahal ko pa siya.

Si Orchids ay dito ko nakilala
Sa kanyang katangian hanga akong talaga
Pero dahil siya mayro'ng ibang sinta
Pag-ibig na laan di maipadama.

Wala akong plano na siya'y guluhin
Kaya pag-ibig ko sa kanya ay lihim
Itong aking puso kahit na manimdim
Kung kaligayahan n'ya aking tatanggapin

Nakakatawa nga naman ang buhay
Pagkat mapagbiro itong kapalaran
Bakit sa malayong hardin tumatanaw
Gayong may bulaklak tayong abot-kamay.

Kailan ko nga kaya masisilayan
Bulaklak na sa akin ay nakalaan
Saan ko nga kaya matatagpuan
Makakasama ko habang nabubuhay...
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by neon_rq Thu Sep 18, 2008 8:10 pm

bro alien ayos ang poem mo ha

pwede ba ako pa tutor sau minsan hahahha tawa

baka may seminar ka for making poem sabihan mo ako ha aattend ako nyahahahaha para balagtasan tau lahat dito heheheh

ok bro keep it up...yan ang galing n di makuha kelanman ng kung cino man...
idol idol

tagay tagay
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 9:10 pm

ganun ba bo neon?

galing ka din naman ah

about sa seminar
mahal kazee
kung sakali
hahaha

dyoks

d mo na kailangan un,
magaling ka na oki...
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by angel Sat Sep 20, 2008 3:59 pm

hanga talaga ako sa iyo, ikaw ay talagang magaling
sa tula pagmamahal mo sa kanila ay iyong ipinarating
inilabas mo ang iyong damdamin na sobrang maigting
sana 'sang araw tunay na magmamahal sa iyo'y dumating

huwag ka lamang magsasawang dumalaw sa mga hardin
malay mo bulaklak na para sa iyo ay matagpuan na rin
maghintay ka lamang at huwag sanang maging mainipin
magdasal ka lamang at sintang ginigiliw ika'y pagpapalain hanga

Alien pagdating sa paggawa ng tula ika'y aking idolo
taas ang kamay ko, sa iyo talaga ako ay saludo
mapa-bagay, kulay, prutas, bulaklak man o tao
nabibigayan mo ng buhay at magandang kwento idol idol idol
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by angel Sat Sep 20, 2008 4:08 pm

nalimutan ko salamat nga pala sa pagsama mo
ng hilingin ang tulip na bulaklak kong paborito
mga bago mong tula ay muling aabangan ko
teka hulaan ko tungkol ba sa mga hayop ito... lol!


salamat ulit sa pagbabahagi mo...maraming taong nakakarelate sa mga poems mo keep it up bro... cheers
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by mikEL Sat Sep 20, 2008 5:53 pm

salamat sa iyo kaibigang angel
sa mga papuring kaloob mo sa akin
hindi naman po ako tunay na magaling
sa katunayan ikaw mas higit sa akin

paano mo naman nahulaan
susunod kong tula mga hayop naman
baka yao'y hindi masulat kaibigan
bpagkat kumplekado mga hayop na yan...
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by angel Sat Sep 20, 2008 7:22 pm

aba tula nga para sa mga hayop ang nais mong gawan
naku tama ka medyo komplikado ang ugali ng mga yan
mahirap na at baka mayroon pang umaray at tamaan
pero alam ko magaling ka naman kaya iyo ring subukan
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by crazy_kim Thu Sep 25, 2008 8:16 pm

tagay ligaw halik idol hanga
crazy_kim
crazy_kim
Senador
Senador

Number of posts : 2579
Age : 42
Location : ...deep down under
Reputation : 0
Points : 178
Registration date : 04/03/2008

Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by Guest Thu Sep 25, 2008 8:34 pm

grabe galing mo tlga alien halik

Guest
Guest


Back to top Go down

...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA... Empty Re: ...pArA sA mgA bULAkLAk nA Aking minAhAL, EstE...bAbAE pALA...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum