SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

5 posters

Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by anna_rose Tue Sep 16, 2008 7:05 pm

(ANO NGA BA ITO)


 


Ano nga ba ito?
Itong puso kong nakakalito,
Na hindi kumikibo,
Kapag ikaw ay nandito.

Ano nga ba ito?
Nararamdaman ba’y totoo?
O isang panaginip lamang na di totoo,
Sa imahinasyon ng isang tao.

Kailan kaya darating ang panahon,
Na pag-ibig sa iyo ay maglaon,
O di kaya’y tuluyang mawala
Upang di na muling mabahala.

Ngunit, pag-ibig nga ba’y madaling mawala?
Sa isang taong minahal talaga?
Kaya ayaw ko siyang lumisan,
Dito sa puso kong uliran.

Habang ikaw ay nasa tabi,
Ako ay di mapakali.
Bakit nga ba ganito?
Ang puso ay di makakibo.

Tuwing gabi ay iniisip ka,
Hinahanap at gustong Makita,
Iniisip ang panahong magkasama
Upang makatulog ng maganda.

Ano nga ba ito?
Ako ba ay nananaginip lang ba?
Ang lagi kong pinangangamba.

Nang ako’y magising,
Agad kong napansin,
Panaginip lang pala,
Ang lahat kong inaalala.
<img : :

 


(O MAHAL KO,,)


 


O mahal ko
Ako ngayo’y nababaliw na sa’yo,
Laging iniisip, laging inaalala,
Tuwing gabi, tuwing umaga.

Minamasdan ko ang iyong mukha,
Kapag ikaw ay nakatunganga.
Talagang gwapo ka,
At di mapapantayan ng iba.

Ako’y nababaliw na talaga,
At wala akong pakialam sa iba,
Kung ano man ang gusto nilang sabihin,
Basta ako’y nandito, handa kang mahalin.
<img

(ANO NGA BA ANG NAGAWA KO)


 


O mahal ko,
Ako ay nasasaktan sa ginagawa mo,
Bakit mo ba ako ginaganito?
Puso ko’y nadudurog dahil sa’yo.

Ano bang kasalanan ang aking nagawa
Upang puso’y saktan mo bigla
Hindi naman kita binabalewala
Para ikaw ay mawalan ng tiwala.

Ako nama’y tapat sa iyo
At ‘yun ay totoo.
Hindi naman ako nagsisinungaling,
Upang ako ay lumayo sa iyong piling.

O mahal ko, bakit, bakit,
Anong nagawa ko na sa iyo’y nagpasakit.
Sa ginagawa mong ito,
Puso ko ngayo’y nalilito.

Ano nga ba ang nagawa ko?
Na nagpasakit sa iyong puso.
Sana ay napatawad mo na,
Itong puso kong nagdurusa.


 


(PAANO NA AKO)


 


Paano na ako?
Ako’y iniwan mo.
Paano na ang puso ko,
Na nagmamahal sa’yo.

Ba’t mo ako pinagpalit?
Sa taong sa aki’y malapit.
Puso ko ay napakasakit,
Sa ginawa mong pagpalit.

Hindi na ba sapat?
Ang pag-ibig kong tapat?
Upang ipagpalit mo bigla,
At sa akin ay mawalan ng tiwala?

Talagang napakasakit,
At puso ko’y ipit na ipit,
Dahil kaibigan ko pa,
Ang pinagpalit mo bigla.

Paano na ako?
Sa’n na ba ang iyong mga pangako?
Hindi ka ba naaawa?
Sa pag-iwan mo bigla?

Paano na ako?
Mga pangako mo ay napapako.
Hindi ko na kaya,
Ang iyong mga nagawa.

Tuwing kayo’y magkasama,
Pakiramdam ko’y sumasama.
Mundo ko’y gumuguho,
Basta’t magkasama kayo.

Paano na ako?
Ano ng gagawin ko?
Buhay ko’y wala ng silbi.
Kapag ikaw ay mawawala sa tabi.

Hindi ko matanggap,
Ang iyong pagtatanggap.
Kaya ako’y magbibigti na lamang,
Upang kayo’y makalimutan.
Paalam.


(SAWING PAG-IBIG)


 


O mahal ko,
Lahat-lahat ay ginawa ko na para sa’yo.
Pag-ibig ko’y inalay sa’yo ng buong-buo,
Para makuha lamang ang tinitibok ng iyong puso.

Nais kitang ibigin,
Dahil ito ang sinisigaw ng aking damdamin.
Nais kitang mahalin,
Ngunit di ko pa kayang sabihin.

Sa pagdaan ng panahon,
Pag-ibig ko sayo’y hinamon.
‘yun ang pag-ibig ng iba,
Kaya pag-ibig ko ri’y na balewala.

Ako ay higit na nasaktan,
Dahil gusto mo ay ang aking kaibigan.
Talagang napakahirap ng aking pinasukan,
Kaya mahirap rin itong takasan.

Batid ko na wala na akong pag-asa,
Dahil gusto mo ay tanging iisa,
At ‘yun ay kundi siya,
Kaibigan kong matagal ko ng kilala.

Ako’y minsa’y napapaiyak,
Habang kayo ay humahalakhak.
Minsan tuloy gusto kong uminom ng alak,
Upang makaramdam naman ng galak.

Paano na ako?
Wala ka na sa tabi ko.
Paano na ako?
Lubos na nasasaktan dahil sa’yo.

Sana ako nalang ang iyong ibigin,
Para sumaya ang aking damdamin.
Sana ako nalang ang iyong mahalin,
Upang pag-ibig ko’y maramdaman mo rin.


HOPE YOU LIKE THIS,,THANKS SA MAKAKABASA,,


PARA SA MGA MEMBER NG CBOX....




 

anna_rose
anna_rose
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 14
Age : 43
Location : beijing china
Cellphone no. : 00639286128815
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 01/07/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty PAHABOL...

Post by anna_rose Tue Sep 16, 2008 7:17 pm

(PAG-IBIG)


 


Pag-ibig na wagas


Hindi magwawakas


Dumating man ang bukas


Itoy hindi malas


 


Pag-ibig ko sayo'y


Totoong totoo


Akoy hindi mapagbiro


Lalo na at usapan ay puso


 


Pag-ibig na walang kupas


Dadalin hanggang sa wakas


At kailan man ay hindi naging malas


Oras at araw man ay lumipas...

anna_rose
anna_rose
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 14
Age : 43
Location : beijing china
Cellphone no. : 00639286128815
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 01/07/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty Re: I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by angel Tue Sep 16, 2008 7:48 pm

dami ng tula u sis galing galing..dagdagan u pa..

keep it up sis anna halik ligaw


idol idol
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty Re: I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by amie sison Tue Sep 16, 2008 10:14 pm

PAANO BA?


Paano ba kita iintayin
Kung meron pang magmamahal sa akin
Kung nagkalayo tayo sana iyong tanggapin
At hiling ko wag mo akong guguluhin

Sa pagtapos ng event na aking sinalihan
Ano ba ang susunod kong paglilibangan
Magpupuyat ba ako doon sa PC bang
O solo flight na kakanta doon sa Nore bang

Bakit ba kita di makalimutan
Kahit na lubha mo akong sinaktan
Sa mga mata ko bakas ang kalungkutan
Pinipilit magsaya para wrinkles ay maiwasan

Di ko kayang umibig muli
Dahil ang puso ko ikaw ang pinipili
Paghingi mo nang sorry bakit yata huli
Sa priorities ko paano kita masasali.

Tanggapin ko na lang ang hamon ng buhay
Na sa buhay pag-ibig lamang ang pagkalumbay
Mas matimbang ang pagkalumbay
Dahil sa pag-ibig lagi nalilinlang.

OFTEN BROKENHEARTED


Mga paliwanag mo ay hindi na kailangan
Sa sitwasyong ganito alam ko na ang kasagutan
Dahil ako ay lagi nasasaktan
Pananakit sa akin ay isa na lang libangan

Sa friendster mo ay di na ako kabilang
Sa YM msg ko di mo na mareplyan
Sa cellphone mo kahit isang ring di ko mapakinggan
Kitang kita naman ang isang kasagutan

Minsan ko nang nasabi sayo na ayoko sayo
Pagkat sa pag ibig kabiguan kapalit nito
Paulit ulit lang bakit ganito
Sa isang relasyon,nasasaktan lang ang puso ko

Pag nagkita tayo muli paano na
Masasabi ko ba na mahal pa kita
Or deadma ka lang sa aking mga mata
Di ko rin alam nahala na

Pagkatapos ba nito dapat pa ba akong magmahal
Magtiwala sa iba na ako'y iingatan
Paano kung pagtibok ng puso ko di ko na mapakinggan
Pagkat manhid na laging nasasaktan
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty Re: I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by neon_rq Thu Sep 18, 2008 8:12 pm

annaaaaaaaaaaaaaaaaaa

galing mo rin pala gumawa ha baka meron kpa jan share mo ha

matanung ko lng???? anu nakain mo at nakabuo ka ng ganito kadami at sunod sunod pa hahahhaha

seriously....i like ur poem....natural na natural ang dating (buti hndi naging artificial) hahahaha lol! tawa

keep it up!!!!!!!!!!!!
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty Re: I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by mikEL Thu Sep 18, 2008 9:20 pm

uu nga
tama sila

magaling ka

ipagpatuloy mo yan

mabuhay ka
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS... Empty Re: I HOPE YOU LIKE IT,, JUST READ IT MY POEMS...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum