SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

One Philippines - poems

3 posters

Go down

One Philippines - poems Empty One Philippines - poems

Post by zack Sat Jul 18, 2009 4:38 pm

Tulang-paanyaya sa mga kababayan dito sa Seoul, South Korea
na makilahok sa ika-5 ng Hulyo 2009 sa sabayang pagdiriwang ng
14th Filipino Migrant Workers Day
111th Philippine Independence day
60th year of the Philippines-Korea Bilateral Relations
Sa Banpo Park (Along Hang River, Banpo Bridge)
published in Sambayanan Volume 14, Issue 25 (June 21,2009 Issue)

Pangingibang-Lupa
(A Filipino Migrant Workers Day poem)
by zack


Tangan ang pangarap,
    buong-kisig na hinarap
kaway ng pangakong,
    pamilya'y maiahon sa hirap
kabang kinimkim sa dibdib,
    binaliko't ginawang sangkap
Sa banyangang lupain....
    ...nagtyaga, nagtiis, nagsikap

libo-libong kababayan
    walang takot na sumuong
baong talento at sipag
    pinamalas at pinagyabong
Pawis, dugo at luha
    sa araw-araw ay bumabalong
bawat salaping kapalit...
    ...sa kaanak inilaan, inipon, itinulong

Buong taong subsob
    sarili'y laging okupado
diwa ng pandarayuhan
    isang araw ay sumaludo
kayagin mga kalipi
    saksihan ang entablado
itinakdang pagtitipon...
    ...makiisa, makisaya, makihalubilo

Piging na nabanggit,
    tulad mo'y pinahahalagahan;
Migranteng mga Pinoy,
    papupurihan at pararangalan.
saang-dako man mapadpad
    ating iwagayway pagiging makabayan,
Kontribusyong di-matatawaran...
    ...sa pamilya, ekonomiya at sangkatauhan


=======================================================

Tula para sa itula para sa ika-60 taon ng Bilateral Relations ng Pilipinas at Korea
Published in Samabayan, Volume 14, Issue 27 (July 05,2009)

Pinas-Korea
(tula para sa ika-60 taon
ng Bilateral Relations)
by Zack

anim na dekada ng namamayagpag
pagsasamahang subok na sa tatag
dalawang lupaing tunay na marilag
Pinas at Korea bayang nililiyag

ugnayang umusbong sa pagtutulungan
sa binansagang nalimutang digmaan
sundalong Pinoy kaagapay sa labanan
Timog Korea, kalayaa'y nakamtan

sa kasalukuyan, lalong pina-igting
pagkakaibigang sakdal-ubod-galing
trabaho't negosyo pangunahing supling
palitan ng kultura sabayang nagningning

kay laking tulong ng Korea sa Pinas
bukod sa puhunan, turismo'y lumakas
kanilang estudyante bansa'y binagtas
sa 'ting tulong sa wikang Ingles tumatas

lakas-paggawa'y luwas nating katuwang
pang-ekonomyang lagay lalong lumutang
hilaw na produktong sangkap sa paglinang
malaking tunay kanilang pakinabang

Ating idalangin sa Poong Maykapal
lalong pagyabong pagsasamang matagal
Magkaagapay sa adhikaing banal
Tunay! mabuhay! relasyong bilateral




===================================

Tula para sa paggunita ng ika-111 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas
published online at
http://kalayaan.co.nr

http://kalayaan.co.nr
by zack


Ika-isandaan at labing isang taon na pala ngayong taon
Araw ng kalayaan ng Pilipinas, kay bilis nga ng panahon
internet ang gamit sa pagsariwa, dating natutunang leksiyon
ako tuloy ay napaisip, paano kung internet dati na ay meron

kung may internet lang noon, malamang ganito ang nangyari
sa tinaguriang dakilang lumpong, si G. Apolinario Mabini
admin ng katipunan website, utak ng himagsikang itinangi
mga kalatas at balita sana'y, sa email na lang pinapamahagi

anu nga kaya ang naging takbo ng nangungunang lapian
Kataas-taasang Kagalang-galangan Katipunan ng mga anak ng Bayan
Marahil sa online Forum, binalangkas mga istratehiya sa laban
palitan ng opinion at balita, hitik sa bunga ang naging tugunan

siguro kung may internet na dati, mas marami na ang nakabasa
mga pambihirang likha ni Gat Jose Rizal, ating bayaning pang-una
marahil sikat siyang blogger, bawat isulat nakaabang ang madla
siguradong mas maraming Pilipino, naantig ang damdaming makabansa

Marahil kung may internet na noon, angking galing at talino
sikat na sikat ang mga pinoy saan mang sulok ng mundo
tulad na magkapatid na Luna, sa Photobucket sana'y numero uno
maging sa youtube naipasok live na pagpinta at pagdibuho

kung nagkagayon nga at may internet noong unang kapanahunan
mga dakilang laban ni Andres Bonifacio, sa video malamang ay nakunan
live online broadcast ng labanan sa internet masasaksihan
libo-libong pinoy disin sanay, sa gyera ay nagtulungan

sa pagiisip aking napagtanto, siguro nga ay mas mabuti na
internet noong panahon nila di pa uso, di pa nalikha
mas napahahalagahan ang naiambag, sa kasaysayan ng mga nakibaka
di birong hirap at sakripisyo,Bayaning tunay mga nagsipag-alsa

aking hiling, sa kasalukuyan at sa darating na mga dekada pa
sa tulong ng internet, mga bayani ay patuloy na mas maalala
inter-active media ng mga kasaysayan, larawan at mga likha
pagdakila ng mga kabataan, sa mga bayaning kamangha-mangha


====================================

pasensya na po sinabay-sabay ko na sa isa post dahil sa
Sabayang pagdiriwang ng mga nabanggit na Mahahalagang Okasyon
enjoy reading! kambe


Last edited by Zack on Sat Jul 18, 2009 4:56 pm; edited 1 time in total
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

One Philippines - poems Empty Re: One Philippines - poems

Post by goodheart Sat Jul 18, 2009 4:46 pm

magaling, magaling! kambe
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

One Philippines - poems Empty Re: One Philippines - poems

Post by candy Sat Jul 18, 2009 8:47 pm

okey lang yon kabayan,napakaganda ng ibinahagi mo samin at na remind mo kami kung ano ang dapat o meron sa ngayon at ano ang kahalagahan nito.salamat and ingat po.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

One Philippines - poems Empty Re: One Philippines - poems

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum