SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

vacation leave labor policy

2 posters

Go down

vacation leave labor policy Empty vacation leave labor policy

Post by johnmichael Thu Jun 06, 2013 11:54 am

hello po mga kababayan! sunny tanong ko lng hindi ba bayad ang legal holidays at saturdays/sundays kapag naka vacation leave?nalaman ko kc may annual vacation leave with pay daw.... kababakasyon ko lng last month 15 days unang bakasyon ko, 2years na ako sa company namin.. hndi nila binayaran kahit ung 1 legal holiday at week ends, (kc daw naka leave ako sabi sa samoshil nmin kaya hindi bayad)... ang pagkakaalam ko kc ang ikakaltas nila ay ung monday to friday lng, kc "tukkon" ung saturday at sunday.. hndi po b ganon? E-9 po visa ko



halimbawa ba chosuk at umuwi ka ng pinas hndi ka ba bayad?

johnmichael
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 1
Age : 41
Location : geumsan
Reputation : 0
Points : 3
Registration date : 06/06/2013

Back to top Go down

vacation leave labor policy Empty Re: vacation leave labor policy

Post by dericko Thu Jun 06, 2013 7:57 pm

Sangayon sa Standard Labor Law (SLA) ng Korea, ang pagbabakasyon tuwing panahon ng tag-init o taglamig ay hindi mandatoryo. Sa madaling salita, hindi kinakailangan ng kumpanyang magbigay ng summer o winter vacation sa kaniyang mga empleyado. Subalit, ang lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa kumpanyang may 5 o higit pang empleyado ay maaaring gumamit ng annual leave (연차휴가). Ibig sabihin, iyong mga nagtatrabaho sa mga kumpanyang may less than 5 workers ay hindi saklaw ng patakaran sa annual leave. Ang mga manggagawang maaaring mag-file ng annual leave ay iyong mga nakapagtrabaho sa kani-kanilang kumpanya sa loob ng 1 buong taon at nagtrabaho ng mahigit sa 80% ng working days (Artikulo 60 ng SLA). Samakatuwid, sa unang taon ng pagtatrabaho sa kumpanya'y wala pang leave na maaaring ifile ang mga empleyado. Sa susunod na taon ng kanilang pagtatrabaho, sila ay mabibigyan ng 15 araw na annual leave. Sa paggamit nito, hindi maaaring ikaltas ito ng employer sa inyong sweldo. Dahil sa ito ay “paid leave,” ang bayad para sa mga araw na ito’y nakabase sa average daily wage ng mga manggagawa (o minimum daily wage).


Gayunpaman, ang paggamit ng 15 araw na annual leave ay sangayon pa rin sa inyong employer. Kung halimbawa’y nais ninyong magbakasyon ng 15 araw sa Pilipinas sa buwan ng Disyembre at hindi kayo pinayagan ng inyong kumpanya, hindi ito sapat na dahilan sa pagpaparelease o kaya’y pagrereklamo sa Labor dahil ang mga employer ay may karapatan ding magdesisyon kung kailan ninyo maaaring gamitin ang nasabing annual leave.


Kung sakali namang hindi ninyo nagamit ang 15 araw na annual leave, kinakailangan kayong bayaran ng inyong kumpanya para dito (minimum wage/araw (base sa standard na 8 oras na pagtatrabaho)= KRW38,880 x 15 araw = KRW583,200). Halimbawa, 7 araw lamang kayo nakapagbakasyon at may natitira pa kayong 8 araw na hindi nagamit na bakasyon kinakailangang bigyan kayo ng inyong kumpanya ng karagdagang kabayaran para rito (KRW38,880 x 8 araw = KRW311,040). Subalit, kung sinabihan na kayo ng inyong kumpanyang gamitin ang nasabing leave ngunit kayo mismo ang tumanggi, wala kayong makukuhang kaukulang bayad para rito (Artikulo 61 ng SLA).


Ang mga manggagawa naman na hindi pa nakakaisang taon sa kumpanya ay maaari ring mag-file ng leave. Ito ang tinatawag na monthly leave (월차). Para sa 1 buong buwan ng pagtatrabaho, ang manggagawa ay bibigyan ng 1 araw na leave. Kung 6 na buwan na kayong nagtatrabaho sa inyong kumpanya, maaari kayong magleave ng 6 na araw. Gayunpaman, gaya ng annual leave, maaaring tumanggi ang employer dito. Hindi ito mandatoryo na kailangang gamitin sa loob ng 1 taon. Kung sakaling gagamit kayo ng monthly leave maaaring ikaltas ito sa inyong sweldo o ‘di kaya’y ibawas ito sa karampatang annual leave sa susunod na taon. Kaya’t sa pagleave ng 6 na araw maaaring kaltasan kayo ng KRW233,280(KRW38,880 x 6 araw) o kaya’y gawing 9 araw na lamang ang inyong annual leave sa susunod na taon.


Kapag nagbigay naman ng summer or winter vacation ang inyong kumpanya maaaring ibawas nila ito sa inyong sweldo (ibig sabihi’y hindi babawasan ang inyong annual leave) o bayaran nila ang araw na ‘yun subalit ibabawas nila ito sa annual leave ninyo. Natural lamang ang mga ganitong paraan sa pagbibigay ng summer or winter vacation. At gaya ng nabanggit sa itaas, hindi ito sapat na dahilan sa pagpaparelease. Ngunit kung parehong ginawa ito ng employer, o binawas sa sweldo at binawasan rin ang annual leave, saka pa lamang kayo maaaring magreklamo tungkol dito.

May mga kumpanya ring hindi nagpapasok tuwing red calendar days bilang kapalit ng annual leave. Gaya ng nabanggit ko noon, ang mga red calendar days ay hindi considered na "paid holidays." (http://migrantok.org/english/viewtopic.php?t=657) Kung kaya naman, maaaring gawing kapalit ang mga red calendar days para sa annual leave.
dericko
dericko
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 466
Age : 46
Location : gimpo city
Cellphone no. : 010-2288-0478.... .
Reputation : 21
Points : 902
Registration date : 09/06/2010

Back to top Go down

vacation leave labor policy Empty Re: vacation leave labor policy

Post by dericko Thu Jun 06, 2013 7:59 pm

yan po.. sana na sagot ang mga katanungan mo...
dericko
dericko
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 466
Age : 46
Location : gimpo city
Cellphone no. : 010-2288-0478.... .
Reputation : 21
Points : 902
Registration date : 09/06/2010

Back to top Go down

vacation leave labor policy Empty Re: vacation leave labor policy

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum