SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

+4
Simple girl
jscat25
melai_villaruel
MY NAME IS RAIN
8 posters

Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by MY NAME IS RAIN Mon Sep 10, 2012 11:24 am

>>>>>>>>>>>> REPOST <<<<<<<<<<<<<<<


“Pasalubong” (Isang Mensahe Para sa mga OFWs)

Ako nga pala si Jun. Anak ng isang bagong bayani.

Malinaw pa rin sa aking ala-ala ang gabing ‘yun December 23, 2010. Lasap na lasap ko na ang malamig na simoy ng hangin dahil magpapasko na. Nagpaplano na nga ako kung ano ang mga ihahanda namin sa noche buena dahil mula ng pumunta ng Saudi si tatay, ako na palagi ang nakatoka sa pagluluto. Pero iba ang kutob ko nung araw na ‘yun. Buong araw kasing hindi sumagot sa tawag at text namin si tatay. Isang araw bago ‘yun, nagpacheck-up siya sa pinakamalapit na ospital dahil na rin sa iniinda nyang pananakit ng dibdib. Kahina-hinala ang resulta ng ECG kaya pinayuhan syang bumalik kinabukasan para sa gamot at follow-up na check-up. Pero hindi namin sya nakontak buong araw. Inisip na lang namin na baka nasa ospital sya at naiwan sa bahay ‘yung cell phone nya. Mali kami. Nung gabi ding ‘yun, nabalot ng lungkot at hinagpis ang buong bahay namin matapos matanggap ang isang ‘di inaasahang tawag mula Saudi. Patay na po si Ka Robert…inatake sa puso…..

Hindi ko na maalala kung ano naramdaman ko nung oras na ‘yun. Naghalo ang gulat, sakit, at pagsisisi sa puso ko. Hindi ko inasahang mawawala sya dalawang araw bago magpasko at apat na buwan bago ako magtapos sa kolehiyo. Bigla kong naalala ang mga araw na halos iwasan ko ang mga tawag nya kasi busy ako, ang mga oras na halos magsawa na akong magsabi ng hello daddy, kamusta ka na? tuwing tatawag sya, at ang mga panahong mas pinahalagahan ko pa ang mga pasalubong na ipinangako nyang dadalhin nya pag-uwi nya sa ‘Pinas. Masakit…sobrang sakit.

Halos dalawang buwan kaming naghintay para sa bangkay nya. Makailang ulit kaming nagfollow-up sa DFA at OWWA para mapabilis ang pagdating nya. February 2011, lumapag na rin sa wakas sa NAIA ang mga labi ng tatay ko. Hindi ko akalaing ang mga tagpong napapanood ko lang dati sa TV ay naranasan namin nung mga oras na ‘yun. Kapit-kamay kaming tumungo sa cargo section upang salubungin ang isang mahabang kahong naglalaman ng bangkay ng tatay ko. Habang papalapit ng papalapit ang sasakyang nagdadala ng wooden casket, bigla kong naalala ang mga pasalubong na ipinangako ng tatay ko. Heto na ba ‘yun? Ito ba ang itsura ng balikbayan box na sinasabi nya? Pero imbis na saya, luha ng pangungulila ang lumabas sa mga mata ko.

Mahirap mawalan ng magulang at lalong masakit mawalan ng magulang kung sya’y OFW. Habang tinatype ko ang mga letra sa komposisyon kong ito, sabay ding umaagos ang luha ng pangungulila ko sa aking ama kahit isang taon na syang wala sa mundo. Kahit ilang taon pa siguro ang lumipas, hindi pa rin mawawala ang sakit na dinulot ng pagkamatay ng tatay ko. Ganito pala ang mawalan ng magulang. Habambuhay kang mangungulila sa mga payo, gabay, at pagmamahal nila. Miss na miss ko na po ang daddy ko. Sagad sa buto.

Naalala ko na naman ang salitang pasalubong na kaakibat na ng pagiging OFW. Simula ng mawala ang tatay ko, nag-iba na rin ang tingin ko sa pasalubong…..

Ok lang na wala akong mga imported na tsokolate, imported na mga gadgets, imported na damit, imported na sapatos, imported na sabon, imported na canned goods, imported na tooth paste, imported na bag, imported na cell phone, o kahit anong imported man ‘yan. Ok lang din sa akin kahit mahirap lang kami at nakakakain lang ng tatlong beses sa isang araw. Ok lang kahit walang mga pasalubong o balikbayan box basta nandito ang tatay ko….basta sama-sama kaming buong pamilya…basta masaya kami. Pero huli na ang lahat. Wala na ang tatay ko. Wala na ang bayani ng buhay ko.

Isang taon na ang nakalipas pero may kirot pa rin sa puso ko tuwing magbabalik-tanaw ako sa mga naranasan ng aking pamilya.

Tuwing makakakita ako ng OFW, naaalala ko lang ang mga pangarap ng tatay ko. Mahirap palang maging OFW kaya ganun na lang ang pagmamahal ko para sa kanila.

Ikaw? OFW ka ba? Kung oo, sana hayaan nyo po akong mahalin kita. Dahil sa pamamagitan nito, para na ring niyakap ko ang aking ama. Alam ko ang pinagdadaanan nyo. Malaki man ang mga ngiti nyo sa mga pictures nyo sa Facebook, alam kong may lungkot din na nakatago ‘dun. Hindi mo na kailangang aminin pero alam kong umiiyak ka kapag mag-isa ka na lang. Ayaw nyo kasing mag-alala ang mga mahal nyo sa buhay dito sa Pilipinas. Pero sana huwag nyong kalimutan na hindi lang pera at pasalubong ang kailangan ng pamilya nyong nangungulila sa pagmamahal at kalinga nyo. At sa mga anak at kamag-anak dito sa Pilipinas, sana maalala nyo rin na hindi pinupulot ng mga OFW ang pera sa abroad. Hindi po sila factory ng pera kundi mga taong masaya man sa panlabas, sumisigaw naman ang kanilang mga puso sa sobrang pangungulila sa mga halik at yakap nyo.

Sa mga OFWs saan mang panig ng mundo, mahal ko kayo at saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayong mga bagong bayani ng Pilipinas! Kayo po ang mga tunay na bayani sa puso ko. Sana’y dumating ang araw na hindi nyo na kailangang umalis pa ng bansa at tiisin ang matinding pangungulila. Hindi hamak na mas mahalaga pa rin ang OFW kaysa sa balikbayan box.

Magpapasko na naman pala. Miss ko na naman si Tatay.Wala mang pasalubong o balikbayan box, alam kong kasama ko pa rin sya.

Ako nga pala ulit si Jun. Ulila na sa ama pero mananatili pa ring proud na anak ng isang OFW...... cheers cheers tagay tagay
MY NAME IS RAIN
MY NAME IS RAIN
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 202
Location : seoul, south korea
Reputation : 3
Points : 383
Registration date : 27/06/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by melai_villaruel Mon Sep 10, 2012 3:53 pm

nkktouch nmnn story u..naala2 q tuloy ang tatay ko rin n namayapa....atleast kahit wla n cla d2 s mundo masaya n aq naktatak p rin s sila s pusot isipan ntin.. d n nila mararanasan ang hirap at lungkot d2 s mundong ibabaw... nice story...... bounce
melai_villaruel
melai_villaruel
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 81
Age : 46
Location : Calamba Laguna
Reputation : 0
Points : 123
Registration date : 04/04/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by jscat25 Mon Sep 10, 2012 6:02 pm

thanks sa mensahe mo para sa mga ofw sa buong mundo kht kelan tlga ang pagsi sisi ay nasa huli sabagay ganyan tlga ang buhay at di natin alm kung kelan ito babawiin ng mahal n dios ama maari din siguro n un ang way ni lord para na din makapagpahinga na ang iyong ama , di tulad nmin until now ay nkikipagsapalaran pa din sa bansang banyaga at lahat ng hirap at pasakit ay kasama nmin sa araw araw , ngaun na realized mo ang buhay ng isang ofw sana ma realized din ng iba ang kalagayan ng isang ofw ng mga pamilya nila ang hirap nmin d2 minsan akoy nagkasakit at naospital halos wala ako sinahod dahil di ako nakakapasok ng akoy magpadala ng maliit na halagang pera sa mahal kong inay ay ito ang sagot nya: anak, bakit ang liit naman ngaun? akoy biglang nalungkot sa tanong nya hndi ko msabi ang totoong nangyari sakin d2 dahil n din ayawko sila mag alala ... to be cont.

jscat25
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 114
Reputation : 0
Points : 191
Registration date : 22/11/2009

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by Simple girl Mon Sep 10, 2012 7:15 pm

nakaka touch sobra
Simple girl
Simple girl
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 89
Location : Pampanga
Reputation : 0
Points : 131
Registration date : 18/07/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by Bujing09 Tue Sep 11, 2012 2:30 pm

naranasan ko na rin laging may pasalubong... di man OFW magulang ko pero madalas may pasalubong din ako galing sa mga tropa at sa mga kamag-anak ko...
masarap at masaya ang laging may pasalubong kasi nga bukod sa libre imported pa meaning mas quality pa at mas mahal kumpara sa mga products natin kaya nga sobrang saya pag meron ka pasalubong...

pero ngaun... soon to be and hopefully magiging OFW narin ako...
ako nman ung magbibigay ng pasalubong...
mararanasan ko na rin ang naranasan ng mga tropa at kamag-anak ko na nagpapasalubong sakin, at tiyak marami na rin naghahangad ng pasalubong ko di pa man din ako nakakaalis...
kung pwede lang sana natin pabasa ung letter ni Rain sa kanila nang mabago pananaw nila sa PASALUBONG...

Let us pray na sana ang papasalubong natin sa kanila ay hindi ang gaya ng pasalubong ni Ka Robert kay Jun... pasalubong na hindi tuwa at saya ang mararanasan ng papasalubungan kundi lungkot at luha...

MABUHAY ANG MGA BAGONG BAYANI... MABUHAY ANG MGA OFW...
AT MABUHAY... ANG MGA MAGIGING OFW PA!..

MABUHAY!!!
MABUHAY!!!
Bujing09
Bujing09
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 143
Reputation : 0
Points : 209
Registration date : 17/07/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by jimann Tue Sep 11, 2012 2:32 pm

sino po may alam kng paano mag register ng unclaimed insurance?

jimann
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 21
Reputation : 3
Points : 56
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by lanie19 Mon Sep 17, 2012 1:50 pm

grabe tulo luha ko a

lanie19
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 76
Registration date : 23/07/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by mrtn_santos Wed Sep 19, 2012 10:53 am

grabe ang sakit ng ganyan
mrtn_santos
mrtn_santos
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 69
Reputation : 0
Points : 125
Registration date : 13/06/2012

Back to top Go down

PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)  Empty Re: PASALUBONG (isang mensahe para sa mga OFW's)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum