SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA

3 posters

Go down

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA Empty PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA

Post by reeve Wed May 14, 2008 1:13 pm

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA

By Mama Ems





Minsan ay may nagtanong sa akin, “Hindi ka ba nahihirapan?” Ang sagot ko ay, “Ano ba namang klaseng tanong yan! Obvious ba? Syempre naman! Bakit mo naman naitanong?” “Eh kasi kami, dalawa ng naghahanapbuhay at dalawa lang ang anak namin hirap pa, samantalang ikaw nagi-isa at apat pa ang mga anak mo…. Kaya ko naitanong.” “Sa awa at grasya ng Panginoon, nakakaraos,” masaya kong sagot na may kasamang buntong hininga.


Kaninang umaga, biglang bumalik sa aking alaala ang pangyayaring ito at naitanong sa aking sarili: “Paano nga ba nagiging posible ang lahat ng ito? Isa-isang pumukaw sa aking isipan ang kabutihan at awa ng Panginoon sa pagpapadala ng hindi lamang iisang katuwang, kung hindi napakaraming katuwang ko sa pagtupad ng aking tungkulin bilang isang ina bagamat ako ay malayo sa aking mga anak. Walang katapusang pasasalamat ang aking nadama:


Una, sa aking mga anak na sa kabila ng kanilang mga murang isipan ay pilit na inuunawa ang aming kalagayan sa buhay at pinagbubuti ang kanilang paga-aral, nagsisikap maging mabuting mga bata, magagalang, may pananampalataya, at pagpapahalaga sa ibang tao;

Pangalawa, sa aking mga ate, kuya, bayaw at hipag na tumatayong ama at ina sa aking mga anak, dumadalo sa mga pulong at pagtitipon sa paaralan, natataranta kapag sila ay may mga sakit at karamdaman, nagtuturo at gumagawa sa kanilang mga asignatura sa eskwela, naghahatid at nagsusundo sa paaralan, pinagsasabihan at nagtutuwid ng kamalian ng mga bata, kumakalong, kumakarga, humahalik at nagpaparamdam ng tunay na pagmamahal ng isang magulang;

Pangatlo, sa aking mga pamangkin na nagaalaga, nagbibigay-payo, nagpapakita ng magandang halimbawa, naghihikayat upang mag-aral ng mabuti, magdasal, magkaroon ng takot sa Diyos, at magkaroon ng tamang asal ang aking mga anak;

Pangapat, sa lahat ng mga kaibigan ko dito sa Korea at sa Pilipinas na di nagsasawang makinig, tumulong (material, pinansiyal, moral at espiritwal), makiramay sa hirap at ginhawa, magbigay lakas ng loob, nagtitiwala, nakakaunawa, at tumatanggap sa akin sa kabila ng aking mga kahinaan at pagkakamali;

Panglima, sa teknolohiya na siyang napakalaking tulong sa aming magi-ina upang patuloy na maramdaman ang init ng pagmamahalan sa isa’t isa, na siyang naging daan upang magampanan sa abot ng aking makakaya ang aking pagtuturo, pagsubaybay, paggabay, at pakikipag-usap sa aking mga anak.
At higit sa lahat, sa Poong maykapal na ni minsan ay hindi ako iniwanan, bagkus siyang aking naging katuwang sa kabila ng lahat ng hirap, pagsubok, at pasakit na aking pinagdadaanan at patuloy na tinatahak, SIYANG nagpapagaan ng mga krus sa aking buhay, SIYANG aking naging takbuhan tuwing ako ay masaya, SIYANG aking naging sumbungan tuwing ako’y nahihirapan at nakakaramdam na ng pagal at pagod ng katawan, SIYANG aking iniiyakan, SIYANG aking kausap mula paggising hanggang sa pagtulog



SA INYONG LAHAT, MARAMING SALAMAT!!!
AKO’Y NAGAGALAK DAHIL AKO’Y NAGING ISANG INA!!!!
HAPPY MOTHER’S DAY!!!
reeve
reeve
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 274
Age : 38
Location : Anyang City, South Korea
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 02/03/2008

Back to top Go down

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA Empty ur great

Post by angeliqueparker2007 Sun Jun 08, 2008 6:15 am

yan ang ina.i admire you po. flower queen

angeliqueparker2007
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Location : batangas
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA Empty Re: PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA

Post by amie sison Tue Jul 29, 2008 12:18 pm

mama ems...idol ko yan, as a missionary and a mother!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA Empty Re: PASASALAMAT NG MIGRANTENG INA

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum