SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

a day with the enemy- migrant worker Korea

+28
loth
danisko
rodora_17
wildcard_08
Dongrich
matthias
cowboy_cyrus
giedz
lanz
spencereyes
thessrj
lhai
zack
Uishiro
kissinger_19
Macel752003
otonsaram
kaplog
ernie obias
kiotsukete
fhergain
markodukutero
Tatum
yelzica
jangsebyok
owin
tachy
josephpatrol
32 posters

Page 2 of 3 Previous  1, 2, 3  Next

Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Uishiro Mon Jun 28, 2010 9:35 am

Mga kabayan linawin ko lang po ha ang FORUM ay ginawa upang mag bigay ng malayang opinyon at reaction...Kung nais po nating galangin tayo ng iba eh galangin din po natin sila. Ang sa akin lang po wala sanang mapipikon o mang aaway, lahat naman po ng mga sinabi nyo ay may punto base sa mga naging karanasan natin. Andito po tayo para lalong lumawak ang ating kaalaman tungkol sa pagtatrabaho at karanasan sa Korea. Wag po sana nating personalin ang mga kumento ng iba....nagpapasalamat po ako dahila lumawak ang pang unawa ko tungkol sa Korea. Mahirap talaga mag trabaho sa lupa ng banyaga..eh kahit san naman eh, kahit mapa Saudi,Sudan,Italy at iba pa..mahirap talaga. Alam namin yun kahit first timer lang po kami...kaya sana po wag po magdamdam sa mga kumento ng iba...kung nais mong linawin ang isang bagay magbigay ka rin ng kumento sa isang propesyunal na paraan....Isang magandang kaugalian ng Pinoy ay ang pakikisama, Legal man o TNT......lets pray po sa ikabubuti ng mga EPS worker sa Korea. Very Happy
Uishiro
Uishiro
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1267
Location : Farmville sa Gyongi-do
Reputation : 12
Points : 1590
Registration date : 27/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Dongrich Mon Jun 28, 2010 12:33 pm

goodday sa lahat..i agree about the opinion at pinaglalaban ni Sir josephpatrol..kabayang tachy kung wala kang magawa at di mo kayang ipaglaban ang kapwa mo Pilipino at ang sariling mong bansang PILIPINAS..pwede ba tumahimik ka nlang..hayaan niyo po ang ibang taong nagmalasakit sa kapwa natin..kung ano man ang resulta hindi lang cia ang nkinabang kundi tayong lahat at hindi lang mga Pilipinong TNT's kundi lahat ng bansa na may mga TNT dto sa Korea...At please lang po kabayang tachy wag u na i discriminate ang bansa natin magtulungan po tayo..Para kcing inaadvertise mo kung ano ang bansa natin..peace kabayan..
Dongrich
Dongrich
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 255
Age : 41
Location : Changwon City,Gyeongsangnamdo,South Korea
Cellphone no. : 010-3147-9139
Reputation : 3
Points : 411
Registration date : 23/11/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Mon Jun 28, 2010 1:58 pm

i admire this person,isa pu cyang eps, nsa age esrly 30's probably, she went to a rally asking government to stop cracjdown,even though legal ciya. shes a brave woman. para sa kabutihang ng ubang tao.isang ehemplo. mabuhay po kau
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Mon Jun 28, 2010 10:56 pm

Isang magandang araw sa lahat!

Nais kong papurihan ang mga nagsisagot sa thread na ito na nagpapatunay na nais nyong makisangkot sa mga usaping makakaapekto sa ating kinabukasan at higit na papuri sa mga taong nagsipagbahagi ng kanilang mga kuro-kuro sa tama o propesyonal na paraan. Bagamat mas pinili kong hindi magbigay ng agarang opinion, sana ay magbukas ng kamalayan ng marami nating kababayan ang aking munti kaisipan sa paglilimi ng napapanahong usapin ng legalisasyon ng TNT, crackdown at ang pagkakaroon ng mga kaso na may violation of human rights. Hayaan nyong himayin ko ang ilang bagay upang sa pamamagitan sana ng aking munting kaisipan ay makatulong sana na maliwanagan ang isip ng marami nating kababayan.


Bakit nga ba hindi na lang gawing legal ng gobyerno ng Korea ang lahat ng ilegal/TNT sa kanilang bansa?


Una, ating pakaisipin na hindi magiging sagot sa tuluyang pagkawala ng mga TNT ang pagsasalegal ng lahat ng ilegal na dayuhan dito sa South Korea, bagkus ay magiging dahilan pa ito ng pagpasok ng mga bagong dayuhang nanaisin ding maging tnt sa korea para sila din ay maging legal na manggawa pagnagkataon. Kung kaya't mas lalong di makokontrol ng Korea ang paglobo ng bilang ng mga TNT.

Ikalawa, Nais kong bigyang papuri ang Gobyerno ng Korea at kalahok na bansa sa sa pangkasalukuyang gumaganang EPS Program. Ang mga aktibong myembro ng FEWA, SULYAPINOY at mga sumusubaybay sa ating newsletter at website ay nagiging saksi sa mga pagbabago sa loob ng EPS program. Kahit anung bagong programa ng isang gobyerno ay mas nakakalamang na maraming butas at kakulangan kung kaya't sa mga nagdaang taon, makikita natin na nagkakaroon ng mga pagsususog/pagbabago sa panuntunan ng EPs at ilan na dito ay tulad ng extension of sojourn, basehan ng pagpaparelease, pagtatalaga ng sangay na maaaring makipagugnayan ang mga dayuhan hinggil sa mga patakaran ng EPS, pagkakaroon ng programa sa mga magtatapos ng kontrata para makahanap ng trabaho sa pinas. Ginawa ang EPS program upang mabigyang pagkakataon ng Korea ang lahat ng mga nagnanais na makapagtrabaho bilang skilled worker sa lahat ng kalahok na bansa upang maging isang legal na migranteng manggagawa sa bansang Korea at sa gayun ay makinabang sa mga bagay tulad ng Pension, Separation Pay, Tax refund, medical insurance etc. Kung kaya't lahat ng nagnanais na makapagtrabaho sas korea ay kailangang magaral ng lengwahe at kulturang koreano upang mas mapadali ang pakikibagay sa working environment dito sa Korea. Kung kaya't kung gagawing legal ang lahat ng TNT, mababalewala ang matagal na pinaghirapan, pinagisipan at sistematikong pamamaraan ng maayos na pagbibigay ng kakayahang maging legal na manggagawa ng isang dayuhan sa Korea. Maaapektuhan ang mga kapwa pinoy na nasa Pinas pa lamang at nagnanais na mapabilang sa EPS. Paano maaapektuhan? sa pagsasalegal ng mga TNT maaaring hindi makaapekto sa pangangailan ng mga kompanyang nandito sa Korea dahil ang mga TNT ay may trabaho na, pero imbes na naisin ng isang tao sa pinas na maging EPS, magiging kaisipan ng sinuman na nasa pinas na mas madali pa sigurong mag tourist na lang at maging TNT dahil magiging legal din naman sila. Dahil dito maaapektuhan ang Programang EPS at masasayang lahat ng pinaghirapan ng mga nagkakaisang ahensya ng gobyerno ng Korea gayundin ang mga kalahok na bansa. Mawalan ng sistema ang pagpasok ng mga dayuhang manggawa sa Korea.

Panghuli, Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa maraming bagay at isa na dito ang tax, kung kaya't ang mga kumpanya na may TNT ay nakakatipid sa binabayarang tax, pabor sa may-ari ng kumpanya, subalit hindi nakakatulong sa gobyerno ng Korea. Sa pangmalakihang pagtingin, malaking halaga din ang kailangan taon taon sa kaban ng isang bansang maunlad, kaya ang mga TNT ay kanilang nais alisin ng sa gayon ay makatulong ang mga legal na manggagawa sa higit na pagunlad ng bansa.


Mayroon bang ginagawa ang gobyerno ng Korea para sa mga TNT?

Sa kasalukuyan ay binuksan ng Korea ang amnestiya hanggang sa katapusan ng agosto na hinihikayat ang mga TNT na boluntaryong sumuko at umuwi ng Pilipinas upang sa gayon ay pagkalipas ng itinakdang panahon ay muling makabalik dito sa Korea sa ilalim ng EPS Program. Kung tutuusin makatwiran ang inihaing solusyon ng gobyerno ng Korea sa mga TNT dahil ipinaparehas sila sa mga gusto pa lang makarating ng Korea, lamang pa sila dahil marunong na sila ng lengwaheng koreano, puntos sa pagkuha ng KLT exam. Ang tanging magiging hadlang ay ang limitasyon sa edad ng pagaapply, dahilan upang ang isang TNT kung lampas na sa hinihinging maximum na edad ay hindi na makabalik, at isiping ipagpatuloy na makipagsapalarang magtrabaho bilang isang ilegal na manggagawa.

Patungkol sa magandang pakikitungo ng Korea, ang bansang Nepal ay ipinapatawag ang lahat ng kanilang kababayang TNT na magsiuwi, kapalit ng pagdadagdag ng bilang ng kakailanganing manggagawang legal sa Nepal. Narito ang kaugnay na balita : http://www.koreatimes.co.kr/www/news/nation/2010/01/120_59591.html


Anu ba ang magandang ipaglaban sa napapanahong isyu ng crackdown?

tulad nga ng mga kaso ng marahas na paghuli, dapat itong kondenahin, anu mang uri ng human rights violation ay di dapat hinahayaang paulit ulit na mangyari. Kahit sino kung iyang issue na iyan ang dala mo, sigurado susuportahan ang ipapinaglalaban.


Sa iyong pananaw anu ba ang mga magagandang isusog sa mga bumabalangkas ng batas dito sa Korea?

bagamat kulang ako sa kaalaman upang makita ang lahat ng maaaring saklawin ng TNT at problema ng mga EPS workers, may ilan bagay ang sa akin ay naobserbahan at sa tingin ko ay magandang imungkahi.

1. Tulad ng mga EPS na naging TNT dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga amo, pero kung susuriin ang visa nya sa kasalukuyan ay pasok pa sa dapat nyang kontrata sa bansang korea, mas maganda sigurong imungkahi na magkaroon ng parang balik-eps program, upang maging legal muli ang mga naging tnt na eps at ng sa gayon ay matapos nila ang kanilang kontrata.

2. Para sa mga magtatapos ng kontrata sa korea na EPS at mga TNT kukuha ng amnestiya. Pagkakaroon ng programa na pagsasaprayoridad na makabalik muli sa korea pagkatapos ng pananatili sa pinas ng panahong itatakda ng korea. Upang maiwasan na magisip na magtnt ang isang legal na manggagawa dahil sigurado naman silang makakabalik ng korea, kahit magantay halimbawa ng isang taon. (para ka lang nagbakasyon hehehe)

3. Sa mga legal na magugustuhan ng kanilang mga amo at patapos na ang kontrata, kakayahan sa mga amo na makapagrekwes sa labor office nila na maextend ang visa ng mga mangagawang dayuhan dahil sa skills na taglay, at
hirap mag train ulit ng panibagong tauhan.

4. Sa mga TNT, buksan din ang pinto sa programang ibinibigay sa mga uuwing EPS pagkatapos ng kontrata. Mapapabilang sila sa mga listahan ng pinoy na nasa pinas na pwedeng i-hire ng mga Koreanong mamumuhunan sa Pilipinas dahi kung tutusin, mas magagaling sila magkorean sa tagal ng stay nila sa Korea.


Marami pa sigurong pwedeng maimungkahi , dagdagan nyo n mga kabayan!

Sa isyung pakikipagdialogue ng FEWA/Sulyapinoy sa usapin ng mga TNT para suportahan ang kasalukuyan nilang pinaglalaban base sa mga naka post sa taas, Ang FEWA ay organisasyon ng mga legal na manggagawang pinoy na
napapabilang sa EPS program dito sa Korea, kung kaya't kami ay direktang nakikinabang sa sistemang ito. Base sa mga nabanggit ko sa taas, Ang FEWA base sa aking personal na opinion ay hindi hayagang susuporta sa ipinaglalaban ng mga TNT dahil kami ang isa sa mga maaapektuhan gayun din ang mga kababayan natin sa pinas na nagnanais din mapabilang sa EPS na nagtatyagang pumila, mag ayong requirements, magaral ng korean, kumuha ng exam, gumastos ng pamasahe, maglaan ng oras at higit sa lahat sumunod sa hinihingi ng korea at ng POEA.

Ako, sampu ng aking mga kasama ay marami ding mga kaibigan na TNT, sino bang ayaw na guminhawa ang buhay ng mga kaibigan TNT o kababayan. Lahat ay magnanais na maging legal sila, at ayon sa korea, binibigyan sila ng tyansa.

Hindi lang sa pakikibaka sa kalsada maipapakita ang suporta, sabi nga ng mga bayani natin, minsan, mas matalim ang pluma. Naipakita na natin yan sa ipinaglaban nating balak na paglilipat ng NPS sa SSS sa ating pensyon. Dahil
lumalaban tayo sa parang maiintindihan ng mga bumabalangkas ng batas. Hindi ang mga sigaw sa kalsada. Nasubukan ko na ding makibaka sa kalsada nung nasa Pinas pa, pero sa huli lagi kong tinatanong, bakit bihira makakita ng epekto (pwera na lang sa mga mala-EDSAng pakikibaka)

Maaaring sumuporta sa ipinaglalaban ng mga TNT ang lahat ng mga legal, bilang mga indibidwal, hindi dala ang grupong kinabibilangan, dahil sa huli, sya ay sumusuporta dala ang isiping sarili nyang desisyon kaya sya kasama
niyo. Kahit ako kung may oras, uupo at makikinig sa mga speech ninyo sa kalsada dahil mayroon akong mapupulot sigurado, dahil galing sa mga personal ninyong karanasan ang aking maririnig. Sa totoo, ako din ay may pangamba na
baka balang araw mapabilang ako sa mga TNT dahil sa hirap ng buhay sa Pinas, kung kaya't isa sa mga dahilan kaya ko nasa sulyapinoy/fewa na volunteer, ay magkaroon ng tyansa na mauna sa balita, makisangkot sa mga usapin, at paminsan minsan ay direktang makapagmungkahi sa ating mga namumuno.


Sana magkaroon ng mas magaganda pang suhestiyon na pwede nating ihain sa ating representante sa paggawa dito sa Korea (sa pamamagitan ng ating Labor Attache, Embassy etc) mas epektibo ang mapayapang pamamaraan. Dun mas makikita ng mga Koreano na ginagamit natin ang ating utak hindi ang kalam ng tiyan para humanap ng maagap na lunas.

Hangad ko na nakapagbukas sana ng kaisipan sa marami nating kababayan ang munti ko pinagmuni-munihan base sa mga nakapost dito sa thread na ito. Lahat po ay tama, may puntos, subalit sa huli, nasa atin ang kakanyahan na

magdesisyon dahil tanging tayo ang huhubog ng ating kinabukasan.

Handa akong makipagusap at makinig, nasa Hyewa ako sa Linggo. Sa mga interesado, nasa opisina po kami ng Fewa sa

2nd Flr ng Woori Bank. Kita kita po tayo.

Muli, isang mapagpalayang araw/gabi sa inyong Lahat!


Admin Zack
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by wildcard_08 Tue Jun 29, 2010 12:43 am

..maraming salamat po kabayang zack sa info Very Happy
wildcard_08
wildcard_08
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 25
Age : 45
Reputation : 0
Points : 33
Registration date : 01/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by tachy Tue Jun 29, 2010 1:11 am

a big-big applause!!!vow ako sa mga sinabi mo Mr. Admin, thanks a lot!

tachy
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 89
Reputation : 3
Points : 141
Registration date : 21/12/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by giedz Tue Jun 29, 2010 3:52 am

maraming salamat sa ipinyon mo kabayang zack...malinaw na nalinaw...ang solusyon ay sa paraang patas pa rin...god bless and more power sa sulyapinoy...
giedz
giedz
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 597
Location : gyeonggi-do pocheon-si
Reputation : 6
Points : 909
Registration date : 14/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by kiotsukete Tue Jun 29, 2010 5:06 am

_this issue really caught my interests that i found my self researching on the internet on issues related to this. just by mere searching the words ''undocumented overseas filipino workers around the world'' and ''undocumented overseas filipino workerrs in south korea'', i was able to fully undertand c0mpare the situatins of ofw's in different countries. so interesting. just searching the word south korea gaved me a detailed information of the country im aiming to work if given the chance. Try it you will discover alot.
kiotsukete
kiotsukete
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 279
Age : 41
Location : ansan si, gyeonggi-do
Cellphone no. : 01086725798
Reputation : 0
Points : 383
Registration date : 02/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Tue Jun 29, 2010 9:07 am

Una, ating pakaisipin na hindi magiging sagot sa tuluyang pagkawala ng mga TNT ang pagsasalegal ng lahat ng ilegal na dayuhan dito sa South Korea, bagkus ay magiging dahilan pa ito ng pagpasok ng mga bagong dayuhang nanaisin ding maging tnt sa korea para sila din ay maging legal na manggawa pagnagkataon. Kung kaya't mas lalong di makokontrol ng Korea ang paglobo ng bilang ng mga TNT.

Maaapektuhan ang mga kapwa pinoy na nasa Pinas pa lamang at nagnanais na mapabilang sa EPS. Paano maaapektuhan? sa pagsasalegal ng mga TNT maaaring hindi makaapekto sa pangangailan ng mga kompanyang nandito sa Korea dahil ang mga TNT ay may trabaho na, pero imbes na naisin ng isang tao sa pinas na maging EPS, magiging kaisipan ng sinuman na nasa pinas na mas madali pa sigurong mag tourist na lang at maging TNT dahil magiging legal din naman sila. Dahil dito maaapektuhan ang Programang EPS at masasayang lahat ng pinaghirapan ng mga nagkakaisang ahensya ng gobyerno ng Korea gayundin ang mga kalahok na bansa. Mawalan ng sistema ang pagpasok ng mga dayuhang manggawa sa Korea.


Kailangan pa ba ipaliwanag yan.... ang linaw oh....
kung nakakaintindi ka .. makisama ka...
legalize.. legalize.. asa ka pa... shut your mouth up!!!
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by spencereyes Tue Jun 29, 2010 9:14 am

salamat sir zack.. sana malinawan na ang mga low IQ!!! kambe

spencereyes
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 25/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by tachy Tue Jun 29, 2010 9:19 am

a round of applause!!!Horayyyyy! at the end, the positive idea with good intention will come out...go-go-go!

tachy
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 89
Reputation : 3
Points : 141
Registration date : 21/12/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by rodora_17 Tue Jun 29, 2010 10:28 am

isa akong masugid na mambabasa ng sulyapinoy. isa rin ako sa mga nangangarap na makapagkorea subalit hindi ako pinalad sa klt 6 at umaasa na sa susunod na exam ay makapasa na... napukaw po ako ng topic na ito kaya ninais ko pong magbigay ng aking komento hinggil sa aking mga nabasa...
sa una pa laman ay mapapansin mo... a day with the enemy.... enemy ba silang maituturing???hindi po . hindi ba..? dahil sila ay tunay na kabalikat ng ating bayan...
nais ko pong makibahagi sa mga taong tunay tumutulong na kahit sa papanong paraan ay sila ay naglalakas ng loob para sa tunay na kabutihan maitaya man nila ang kanilang buhay... sila ay mga tunay na bayani... nabugbug man sila dito sa mga unang talakayan pero patuloy parin ang kanilang magandang hangarin...
marahil hindi man sila parangalan ng bayan pero maraming tao o mambabasa dito ang tunay na saludo sa kanila...
isa na ako don...
saludo po ako sa inyo!!!
sir Tachy
sir Ernie Tobias

sir Uishiro
Jangsebyok
otonsaram
giedz
kiotsukete
kissinger
wildcard08
spencerreyes
at siyempre kay sir ZACK
mabuhay po kayo... Pagpalain po kayo

joseph, fhergian, Dongrich.markdukutero.. is that clear???
sa huli ay mananahig parin ang kabutihan...
go PHILIPPINES!!!

rodora_17
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 8
Age : 39
Location : baguio
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Tatum Tue Jun 29, 2010 11:38 am

Hay buti na lang may nakapagbigay linaw sa ating lahat..tnx sir zack sana malinawan na ang isip ang mga readers d2...ayan c kabayang tachy ngumingiti na hehe anyway i salute u kuya coz u have a positive thinking...
Tatum
Tatum
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1326
Age : 42
Location : gwangu city
Cellphone no. : 01057871425
Reputation : 0
Points : 1576
Registration date : 30/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Tatum Tue Jun 29, 2010 11:39 am

Hay buti na lang may nakapagbigay linaw sa ating lahat..tnx sir zack sana malinawan na ang isip ang mga readers d2...ayan c kabayang tachy ngumingiti na hehe anyway i salute u kuya coz u have a positive thinking...sana wala ng negative comments nor ala ng kontra...peace on eath goodwil 2 men...
Tatum
Tatum
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1326
Age : 42
Location : gwangu city
Cellphone no. : 01057871425
Reputation : 0
Points : 1576
Registration date : 30/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Tue Jun 29, 2010 1:23 pm

Dongrich wrote:goodday sa lahat..i agree about the opinion at pinaglalaban ni Sir josephpatrol..kabayang tachy kung wala kang magawa at di mo kayang ipaglaban ang kapwa mo Pilipino at ang sariling mong bansang PILIPINAS..pwede ba tumahimik ka nlang..hayaan niyo po ang ibang taong nagmalasakit sa kapwa natin..kung ano man ang resulta hindi lang cia ang nkinabang kundi tayong lahat at hindi lang mga Pilipinong TNT's kundi lahat ng bansa na may mga TNT dto sa Korea...At please lang po kabayang tachy wag u na i discriminate ang bansa natin magtulungan po tayo..Para kcing inaadvertise mo kung ano ang bansa natin..peace kabayan..

feeling mo hero ka. kapal ng mukha mo
yabang mo! magbasa ka kasi ng batas. tira ka ng tira e.

cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Tue Jun 29, 2010 1:29 pm

sir tachy mabuhay ka. may the god bless you all the time.
maraming salamat din sa linaw na binigay ng admin na sir zack.
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by tachy Tue Jun 29, 2010 3:29 pm

see madami sa ating mga kababayan ang may positibong kaisipan pero nakakalungkot din na may ilan sa ating mga kababayan na nakikilahok sa usaping ito ngunit hindi nila alam ang kanilang tinatahak, bagkus ang kanilang layunin ay agarang lunas sa isang problema na makakapagbigay na mas malaking problema sa mga nakakarami,madami na po ako karanasan pagdating sa isyung panlipunan, at hindi ko po ito sinasabi na isa akong perpektong tao, mas mainam na maging simpleng tao ka na nag-oobserba sa lipunan na iyong ginagalawan at hindi puro Pogi points lang or makilala sa issueng ito... nagpapasalamat po ako sa mga taong nakaintindi at lumahok sa issueng ito, madami po ako natanggap na mga PM, ang ilan po sa kanila ay hinusgahan ang aking pagkatao,malaya po kayo makakapanghusga sa tao, pero hindi nyo po ako kilala at alam ang laman ng aking kaisipan, eto lang po masasabi ko sa inyo "mag-aral po muna kayo ng Batas nila d2 sa Korea" bago nyo po ako husgahan, isa po ako Pro-Philippines, hindi ko po ikinahihiya maging Pinoy dahil ang Pinas po ang humubog at nagpalago sa aking kaisipan na akin po tinatamasa ngayon, wala po sa Pinas ang kahirapan eto po ay nasa tao or indibidwal na gustong maging mahirap (wala po sa usaping legalisasyon kung bakit mahirap or nahihirapan ang iba nating mga kababayang walang visa) madami po akong kamag-anak d2 sa korea na matatagal na, pero akin pong mungkahi sa kanila na sumunod sa batas na kanilang sinasakupan, choice nalang po nila kung saan sila pupunta...maging mapagmatyag sa mga issue, pag-aralang mabuti at himayin ang bawat isyung panlipunan,salamat po!

tachy
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 89
Reputation : 3
Points : 141
Registration date : 21/12/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by danisko Tue Jun 29, 2010 4:13 pm

Sobra po talgang malawak usapin ang kinahaharap nyo Patrol ng Pilipino...tanggapin po natin at wag po natin masamain ang comments dito kahit po laban at masakit para sa inyo..bagkus gamitin po nyo ito na challenge sa inyo para makapagpatuloy..nagbbukas din ito ng mga kaunawaan upang di rin kau mabigla at mapunta sa wala ang naumpisahan nyo...ganun po ang tunay na HERO..tumatanggap at open minded..di po necessary na makipagdialgoue o makipagkita sa inyo..the intention is good..pero siguro tutukan na lang ang pagkalinga at pagtulong sa mga naabuso, nahuli, naapi at naargabyadong indibdwal dito tutal puso naman kamo gamit ..kung BATAS e alam na..pero kung gagawin na prang tama ang isang maling bagay na sa tingin ng iba ay gamit ang baluktot na pangangatwitran e..tlagang may di sasangayon at me kokontra.

Tachy at sa iba pa po natin kakababayan.. try to fill the loop holes na makikita para makapagpatuloy si Patrol ng Pilipino tutal di naman lingid sa kaalaman natin na meron din namang maganda ang intensyon sa gusto mangyari(ito ung pra sa mga naabuso daw ng employer or korean spouses etc.)..dba?

Zach very well said sana madiscuss mu rin yan ke Patrol ng Pilipino.

Cyrus wag mu pagalitan yan si Dongrich...ganyan tlga yan maraming galit jan wahahahaha

danisko
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 86
Age : 44
Location : Gyeongsangnamdo
Reputation : 0
Points : 117
Registration date : 26/10/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by giedz Tue Jun 29, 2010 5:15 pm

salamat kabayang rodora_17...naway ang lahat ay maging malinaw at lahat ng katanungan ay magkaroon ng kasagutan sa maayos at mgandang layunin at paraan...
giedz
giedz
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 597
Location : gyeonggi-do pocheon-si
Reputation : 6
Points : 909
Registration date : 14/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Tue Jun 29, 2010 5:55 pm

wag nalang po nating pansinin ang mga nagbabaya-bayaning makikitid ang utak. sadyang mahirap makipag-usap sa mga taong barado ang isip.
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Tue Jun 29, 2010 6:06 pm

danisko wrote:Sobra po talgang malawak usapin ang kinahaharap nyo Patrol ng Pilipino...tanggapin po natin at wag po natin masamain ang comments dito kahit po laban at masakit para sa inyo..bagkus gamitin po nyo ito na challenge sa inyo para makapagpatuloy..nagbbukas din ito ng mga kaunawaan upang di rin kau mabigla at mapunta sa wala ang naumpisahan nyo...ganun po ang tunay na HERO..tumatanggap at open minded..di po necessary na makipagdialgoue o makipagkita sa inyo..the intention is good..pero siguro tutukan na lang ang pagkalinga at pagtulong sa mga naabuso, nahuli, naapi at naargabyadong indibdwal dito tutal puso naman kamo gamit ..kung BATAS e alam na..pero kung gagawin na prang tama ang isang maling bagay na sa tingin ng iba ay gamit ang baluktot na pangangatwitran e..tlagang may di sasangayon at me kokontra.

Tachy at sa iba pa po natin kakababayan.. try to fill the loop holes na makikita para makapagpatuloy si Patrol ng Pilipino tutal di naman lingid sa kaalaman natin na meron din namang maganda ang intensyon sa gusto mangyari(ito ung pra sa mga naabuso daw ng employer or korean spouses etc.)..dba?

Zach very well said sana madiscuss mu rin yan ke Patrol ng Pilipino.

Cyrus wag mu pagalitan yan si Dongrich...ganyan tlga yan maraming galit jan wahahahaha

siguro nga madaming galit sa taong yan.. maangas magsalita kala mo magaling.. tnt ba yan??

sa mga makakalis na eps-klt 6 ngayon taon na to maipaPangako sana nila na hindi sila mag tTNT
sana pagkatapos ng kanilang kontrata umuwi sila. wag nman sana sila selfish dahil may mga susunod pang klt na darating..
tuparin sana nila ang kontrata nila.
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by loth Tue Jun 29, 2010 9:50 pm

i like the topic, hindi ko pa nabasa lahat ng post dito...i try my best na basahin lahat

loth
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 1
Age : 43
Location : Cebu, Philippines
Cellphone no. : 09198560569
Reputation : 0
Points : 1
Registration date : 29/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Tue Jun 29, 2010 11:45 pm

mr cowboy_cyrus , kamusta napo ang rancho??same as rodora17 - first post nyo palang from baguio ,malamig na araw po jan,,,heheheh ,,newly registered din si cowboy-- ganda po sa sulyap no- may freedom of speech----walng limited airtime hehehehh,,si cowboy po registered june 27, welcome to sulyapinoy,,6 post at ora mismo binabanatan moko -san puba kau korea or pinas? hinay hinay lang sir -maam kuno halatadong nag aaya ng kaalyado si mr tachi ah , nway sir kaunting hinay lang sir sa pagpapatakbo ng kabayo baka asthamahin kau sakin sa galit- or di kya 3rd account karin like lagalag heheheh???,, jok-joke lang.. curious lang ,,chingu ya?

nway sir/maam,,madami mang magalit ,mayabang ,naiinis at sabihin muna ng isang million won na beses na maasta ako ,it doesnt matter to me. as long dat wat i do and wat i share will benefit my fello filipino,

about ur issue na nagbabayani-bayanihan or HERO, mariah carey sir? heheheh
sir for ur knowledge and information maging si jose rizal at ninoy aquino ay hindi nila naisip na sila ay bayani- kusa pong nating ibinigay iyon sa kanila. kailan man di pumasok sa isang taong lumahok sa rally ang maging isang superhero. LASTIKMAN is dat u?. correction ito po ay isang prinsipyo! CAPITAL PRINSIPYO na kanilang pinaninindigan di lamang para kabutihan nila or ung tinatwag ng iba na personal na interes. ito po ay kusang loob at responsibility sa abot ng kanyang makakaya. kaya mr tachi at sinuman ang tamaan hindi ibig sabihin nasa rally ang ibang tao ay nagpapakabayani na! ito ay paninindigan na kung saan nakikita nila na mayroong libo libong pilipino na tnt na makikinabang at nag aasam ng panibagong yugto ng kanilang paghahanp buhay sa korea.. hindi lamang po lamag kilos protesta ang aming itintaguyod maging sa mas maayos na pakikipag dialogue...

NGAUN MR TACHI AT MR COWBOY AT MR LAGALAG KUNO- QUESTION ???

PRO CRACKDOWN BA KAU? BAKET DAMI MO PRoBLEMA SA POSTING!!!

sa mga aplicante po ng EPS program ,kaantabay nyo po kame sa inyong pagdating dito sa korea- taliwas po sa reaksyon ni mr tachi- ang inyong isang posibleng pagka hire dito sa korea ay maginging base ayon sa inyong work experience, mas marami at malawak na experience mas madali at maaga kau makakrating sa mga red devils dehan minguk korea. wag po kau magpa brainwashed, hindi po tnt ang dahilan kung bakit nanjan kau at di pa nakakaalis, at if GODs willing makakarating po kau dito ,just keep on praying.. i never thought makakrating ako ng korea, while working in the government in our province, napakabilis po ng pag-alis ko kase kusa itong dumating at pinagkaloob,siguro po sa dala ng mga previous job experiences ko pati na pagpunta ko sa dalawang nagdaang trabaho sa saipan at guam...Nagtataka lang ako baket agens kau sa aming isinusulong, kaantabay namin ang united nation human rights sa aming objective,im agens rally protesting the government especially in P.I. pero napansin ko na may kailngan manguna sa bagay na ito upang guminhawa naman ang buhay TNT.. ayaw ko basta na lang umupo sa computer at magtype at magsend ng kung anu anu negative thoughts,,bagkus ginagawa namin ito ng paraan sa abot ng aming makakaya..

sa lahat ng mga tnt na apektado sa issue ipagpaumahin ninyo ang kanilang mga saloobin,at naway di nyo ito damdamin at bagkus ay umusbong pa ang kababaang loob at pang unawa sa kanila...


kung ang isang tnt ay mahuhuli ,siya ay makukulong ng 10 to 15 days at magbabayad ng penalty base sa kanyang years of stay..

WHY NOT GOVERNMENT OF KOREA LET ILLEGAL MIGRANT WORKERS PAY PENALTY BASE FROM THEIR YEARS OF STAY AND BE GRANTED AN AMNESTY OF PERMIT TO WORK- DIBA NAKATULONG PA SILA AGEN SA HUMAN BEING. IF THE LATE PRESIDENT RHO GRANT IT BEFORE WHY NOT MR. LEE WHO GAVE TRILLIONS OF WON in his personal money TO indigent KOREANS ,WHY NOT SHARE HIS GENEROSITY BY GIVING AMNESTY FOR ILLEGAL WORKERS A PERMIT TO WORK!!!!!

SABI NGA NI MANNY VILLAR - WHY NOT GIVE DEM VISA INSTEAD NA PAUWIIN MO SILA ,,I AGREE WITH HIS OPINION...

IKAW NA NASA PILIPINAS MAS GUGUSTUHIN MUBA NA MAKULONG , MAGBAYAD NG PENALTY ANG KAPWA MO PILIPINO PARA LANG IKAW AY MAKARATING NG KOREA!! ALAM NYO PUBA KUNG ILANG LIBONG PILIPINO ANG MAWAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA CRACKDOWN AT DEPORTATION!!!!GUSTONG MONG MAGHANApBUHAY HABANG ANG TNT ANG SIYANG MAWALAN ?

PANAHON NG NPS-SSS ISSSUE PARA SA MGA EPS ,HINDI LAMANG PO EPS ANG NAKIBAKA JAN SA HARRAP NG EMBASSY MAGING MGA KAMUKHANG NYONG PINOY NA TNT ...at hindi lamang po ang issue ng tnt ang pinaglalaban ng organisasyon maging issue ng eps.. alamin po nyo ang objective ng grupo

ipagpaumanhin ninyo hindi po nagkatagpo ang ating prinsipyo at pananaw sa buhay . saan man kami palarin at dalhin ng aming ipinaglalaban ,,hindi titigil ang protesta ,mawala man ako sa korea at mawala man kame sa korea ,mayroon parin tatayo at susunud na magtutuluy ng laban para sa kapakanan ng ibAng kababayan..
KUNG DI KARIN NAMAN TUTULONG ,WAG KA NAMAN MAGPABIGAT [quote] Very Happy
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Tue Jun 29, 2010 11:59 pm

TO MR JR TORRES 01049680723 UNG PONG TAGA PINAS BEFORE, NA SETTLE KONA UNG PROBLEM NYA, NAGABAYAD NAPO UNG COMPANY,EDGAR PO ATA UN ,MANY THANKS ,DAMI AKSE ACTIVITY KAYA DI TAYO NAGKAKATAGPO ON AIR HEHEHEH GODBLESS SIR PATAWAGIN MO NALANG SAKIN UNG TAO,ILL TRY MY BEST TO FIND SOLUTION, KATAPOS KO LANG DUN SA BATANG HINAHANAP ANG UNG AMA NYANG KOREAN DITO ,,MAGALING KA TALAGANG TUMAYMING SIR,,,WALA NAKO COMMITMENT!!! KIP IT UP
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Wed Jun 30, 2010 7:40 am

sabi na nga ba yon din ang sasabihin ni josephpatrol eh.. ulit ulit .. heheheh
intindihin nio nlang po yon message ng admin...

anyway good morning po sa lahat...


Last edited by cowboy_cyrus on Wed Jun 30, 2010 8:23 am; edited 1 time in total
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Wed Jun 30, 2010 7:44 am

zack wrote:Isang magandang araw sa lahat!

Nais kong papurihan ang mga nagsisagot sa thread na ito na nagpapatunay na nais nyong makisangkot sa mga usaping makakaapekto sa ating kinabukasan at higit na papuri sa mga taong nagsipagbahagi ng kanilang mga kuro-kuro sa tama o propesyonal na paraan. Bagamat mas pinili kong hindi magbigay ng agarang opinion, sana ay magbukas ng kamalayan ng marami nating kababayan ang aking munti kaisipan sa paglilimi ng napapanahong usapin ng legalisasyon ng TNT, crackdown at ang pagkakaroon ng mga kaso na may violation of human rights. Hayaan nyong himayin ko ang ilang bagay upang sa pamamagitan sana ng aking munting kaisipan ay makatulong sana na maliwanagan ang isip ng marami nating kababayan.


Bakit nga ba hindi na lang gawing legal ng gobyerno ng Korea ang lahat ng ilegal/TNT sa kanilang bansa?


Una, ating pakaisipin na hindi magiging sagot sa tuluyang pagkawala ng mga TNT ang pagsasalegal ng lahat ng ilegal na dayuhan dito sa South Korea, bagkus ay magiging dahilan pa ito ng pagpasok ng mga bagong dayuhang nanaisin ding maging tnt sa korea para sila din ay maging legal na manggawa pagnagkataon. Kung kaya't mas lalong di makokontrol ng Korea ang paglobo ng bilang ng mga TNT.

Ikalawa, Nais kong bigyang papuri ang Gobyerno ng Korea at kalahok na bansa sa sa pangkasalukuyang gumaganang EPS Program. Ang mga aktibong myembro ng FEWA, SULYAPINOY at mga sumusubaybay sa ating newsletter at website ay nagiging saksi sa mga pagbabago sa loob ng EPS program. Kahit anung bagong programa ng isang gobyerno ay mas nakakalamang na maraming butas at kakulangan kung kaya't sa mga nagdaang taon, makikita natin na nagkakaroon ng mga pagsususog/pagbabago sa panuntunan ng EPs at ilan na dito ay tulad ng extension of sojourn, basehan ng pagpaparelease, pagtatalaga ng sangay na maaaring makipagugnayan ang mga dayuhan hinggil sa mga patakaran ng EPS, pagkakaroon ng programa sa mga magtatapos ng kontrata para makahanap ng trabaho sa pinas. Ginawa ang EPS program upang mabigyang pagkakataon ng Korea ang lahat ng mga nagnanais na makapagtrabaho bilang skilled worker sa lahat ng kalahok na bansa upang maging isang legal na migranteng manggagawa sa bansang Korea at sa gayun ay makinabang sa mga bagay tulad ng Pension, Separation Pay, Tax refund, medical insurance etc. Kung kaya't lahat ng nagnanais na makapagtrabaho sas korea ay kailangang magaral ng lengwahe at kulturang koreano upang mas mapadali ang pakikibagay sa working environment dito sa Korea. Kung kaya't kung gagawing legal ang lahat ng TNT, mababalewala ang matagal na pinaghirapan, pinagisipan at sistematikong pamamaraan ng maayos na pagbibigay ng kakayahang maging legal na manggagawa ng isang dayuhan sa Korea. Maaapektuhan ang mga kapwa pinoy na nasa Pinas pa lamang at nagnanais na mapabilang sa EPS. Paano maaapektuhan? sa pagsasalegal ng mga TNT maaaring hindi makaapekto sa pangangailan ng mga kompanyang nandito sa Korea dahil ang mga TNT ay may trabaho na, pero imbes na naisin ng isang tao sa pinas na maging EPS, magiging kaisipan ng sinuman na nasa pinas na mas madali pa sigurong mag tourist na lang at maging TNT dahil magiging legal din naman sila. Dahil dito maaapektuhan ang Programang EPS at masasayang lahat ng pinaghirapan ng mga nagkakaisang ahensya ng gobyerno ng Korea gayundin ang mga kalahok na bansa. Mawalan ng sistema ang pagpasok ng mga dayuhang manggawa sa Korea.

Panghuli, Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalalay sa maraming bagay at isa na dito ang tax, kung kaya't ang mga kumpanya na may TNT ay nakakatipid sa binabayarang tax, pabor sa may-ari ng kumpanya, subalit hindi nakakatulong sa gobyerno ng Korea. Sa pangmalakihang pagtingin, malaking halaga din ang kailangan taon taon sa kaban ng isang bansang maunlad, kaya ang mga TNT ay kanilang nais alisin ng sa gayon ay makatulong ang mga legal na manggagawa sa higit na pagunlad ng bansa.


Mayroon bang ginagawa ang gobyerno ng Korea para sa mga TNT?

Sa kasalukuyan ay binuksan ng Korea ang amnestiya hanggang sa katapusan ng agosto na hinihikayat ang mga TNT na boluntaryong sumuko at umuwi ng Pilipinas upang sa gayon ay pagkalipas ng itinakdang panahon ay muling makabalik dito sa Korea sa ilalim ng EPS Program. Kung tutuusin makatwiran ang inihaing solusyon ng gobyerno ng Korea sa mga TNT dahil ipinaparehas sila sa mga gusto pa lang makarating ng Korea, lamang pa sila dahil marunong na sila ng lengwaheng koreano, puntos sa pagkuha ng KLT exam. Ang tanging magiging hadlang ay ang limitasyon sa edad ng pagaapply, dahilan upang ang isang TNT kung lampas na sa hinihinging maximum na edad ay hindi na makabalik, at isiping ipagpatuloy na makipagsapalarang magtrabaho bilang isang ilegal na manggagawa.

Patungkol sa magandang pakikitungo ng Korea, ang bansang Nepal ay ipinapatawag ang lahat ng kanilang kababayang TNT na magsiuwi, kapalit ng pagdadagdag ng bilang ng kakailanganing manggagawang legal sa Nepal. Narito ang kaugnay na balita : http://www.koreatimes.co.kr/www/news/nation/2010/01/120_59591.html


Anu ba ang magandang ipaglaban sa napapanahong isyu ng crackdown?

tulad nga ng mga kaso ng marahas na paghuli, dapat itong kondenahin, anu mang uri ng human rights violation ay di dapat hinahayaang paulit ulit na mangyari. Kahit sino kung iyang issue na iyan ang dala mo, sigurado susuportahan ang ipapinaglalaban.


Sa iyong pananaw anu ba ang mga magagandang isusog sa mga bumabalangkas ng batas dito sa Korea?

bagamat kulang ako sa kaalaman upang makita ang lahat ng maaaring saklawin ng TNT at problema ng mga EPS workers, may ilan bagay ang sa akin ay naobserbahan at sa tingin ko ay magandang imungkahi.

1. Tulad ng mga EPS na naging TNT dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga amo, pero kung susuriin ang visa nya sa kasalukuyan ay pasok pa sa dapat nyang kontrata sa bansang korea, mas maganda sigurong imungkahi na magkaroon ng parang balik-eps program, upang maging legal muli ang mga naging tnt na eps at ng sa gayon ay matapos nila ang kanilang kontrata.

2. Para sa mga magtatapos ng kontrata sa korea na EPS at mga TNT kukuha ng amnestiya. Pagkakaroon ng programa na pagsasaprayoridad na makabalik muli sa korea pagkatapos ng pananatili sa pinas ng panahong itatakda ng korea. Upang maiwasan na magisip na magtnt ang isang legal na manggagawa dahil sigurado naman silang makakabalik ng korea, kahit magantay halimbawa ng isang taon. (para ka lang nagbakasyon hehehe)

3. Sa mga legal na magugustuhan ng kanilang mga amo at patapos na ang kontrata, kakayahan sa mga amo na makapagrekwes sa labor office nila na maextend ang visa ng mga mangagawang dayuhan dahil sa skills na taglay, at
hirap mag train ulit ng panibagong tauhan.

4. Sa mga TNT, buksan din ang pinto sa programang ibinibigay sa mga uuwing EPS pagkatapos ng kontrata. Mapapabilang sila sa mga listahan ng pinoy na nasa pinas na pwedeng i-hire ng mga Koreanong mamumuhunan sa Pilipinas dahi kung tutusin, mas magagaling sila magkorean sa tagal ng stay nila sa Korea.


Marami pa sigurong pwedeng maimungkahi , dagdagan nyo n mga kabayan!

Sa isyung pakikipagdialogue ng FEWA/Sulyapinoy sa usapin ng mga TNT para suportahan ang kasalukuyan nilang pinaglalaban base sa mga naka post sa taas, Ang FEWA ay organisasyon ng mga legal na manggagawang pinoy na
napapabilang sa EPS program dito sa Korea, kung kaya't kami ay direktang nakikinabang sa sistemang ito. Base sa mga nabanggit ko sa taas, Ang FEWA base sa aking personal na opinion ay hindi hayagang susuporta sa ipinaglalaban ng mga TNT dahil kami ang isa sa mga maaapektuhan gayun din ang mga kababayan natin sa pinas na nagnanais din mapabilang sa EPS na nagtatyagang pumila, mag ayong requirements, magaral ng korean, kumuha ng exam, gumastos ng pamasahe, maglaan ng oras at higit sa lahat sumunod sa hinihingi ng korea at ng POEA.

Ako, sampu ng aking mga kasama ay marami ding mga kaibigan na TNT, sino bang ayaw na guminhawa ang buhay ng mga kaibigan TNT o kababayan. Lahat ay magnanais na maging legal sila, at ayon sa korea, binibigyan sila ng tyansa.

Hindi lang sa pakikibaka sa kalsada maipapakita ang suporta, sabi nga ng mga bayani natin, minsan, mas matalim ang pluma. Naipakita na natin yan sa ipinaglaban nating balak na paglilipat ng NPS sa SSS sa ating pensyon. Dahil
lumalaban tayo sa parang maiintindihan ng mga bumabalangkas ng batas. Hindi ang mga sigaw sa kalsada. Nasubukan ko na ding makibaka sa kalsada nung nasa Pinas pa, pero sa huli lagi kong tinatanong, bakit bihira makakita ng epekto (pwera na lang sa mga mala-EDSAng pakikibaka)

Maaaring sumuporta sa ipinaglalaban ng mga TNT ang lahat ng mga legal, bilang mga indibidwal, hindi dala ang grupong kinabibilangan, dahil sa huli, sya ay sumusuporta dala ang isiping sarili nyang desisyon kaya sya kasama
niyo. Kahit ako kung may oras, uupo at makikinig sa mga speech ninyo sa kalsada dahil mayroon akong mapupulot sigurado, dahil galing sa mga personal ninyong karanasan ang aking maririnig. Sa totoo, ako din ay may pangamba na
baka balang araw mapabilang ako sa mga TNT dahil sa hirap ng buhay sa Pinas, kung kaya't isa sa mga dahilan kaya ko nasa sulyapinoy/fewa na volunteer, ay magkaroon ng tyansa na mauna sa balita, makisangkot sa mga usapin, at paminsan minsan ay direktang makapagmungkahi sa ating mga namumuno.


Sana magkaroon ng mas magaganda pang suhestiyon na pwede nating ihain sa ating representante sa paggawa dito sa Korea (sa pamamagitan ng ating Labor Attache, Embassy etc) mas epektibo ang mapayapang pamamaraan. Dun mas makikita ng mga Koreano na ginagamit natin ang ating utak hindi ang kalam ng tiyan para humanap ng maagap na lunas.

Hangad ko na nakapagbukas sana ng kaisipan sa marami nating kababayan ang munti ko pinagmuni-munihan base sa mga nakapost dito sa thread na ito. Lahat po ay tama, may puntos, subalit sa huli, nasa atin ang kakanyahan na

magdesisyon dahil tanging tayo ang huhubog ng ating kinabukasan.

Handa akong makipagusap at makinig, nasa Hyewa ako sa Linggo. Sa mga interesado, nasa opisina po kami ng Fewa sa

2nd Flr ng Woori Bank. Kita kita po tayo.

Muli, isang mapagpalayang araw/gabi sa inyong Lahat!


Admin Zack

pakibasa ulit. wag makulit.. eto po yon katotohanan, tunay at makatarungan...
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by cowboy_cyrus Wed Jun 30, 2010 8:21 am

eto po ang pumukaw ng pansin sakin dito kaya po ako post dito...

galing po ito kay sir ERNIE OBIAS at labis akong naniniwala sa kanya
at ung nasa taas galing po kay sir ZaCk yan .

good day.

this is a call of attention to the moderator/s of this website. browsing to the information posted in this website was/were found irrelevant to the site and therefore, defeats the purpose of this site's existence. what is really the point of this existence? what is really the end goal of this site?
moderators of this site should find time in evaluating the posted information as there are some issues posted that may or rather will definitely affect its existence and worst, day may come that this site will be full of issues which addresses their personal interests or emotions rather than focusing on information, (take note: RELIABLE INFORMATION) that may deemed necessary and helpful to the readers.
mind you readers, this website is search able and therefore can be read worldwide, and there are some language translators which can turn your posts in a more understandable manner.
* get away with personal interests, emotions and other things when posting some information, as much as possible post information that are reliable and will of great help to the readers.
* don't make this site a venue for hot and unprofessional discussion as it will only give negative connotations to some readers/visitors and of foreign nationals
* before posting any information, kindly assess first what you are sharing, will it serve for the benefit of everybody? will it make us proud as Filipino? will it not degrade our race? ...
* as much as possible don't make this site as venue or way of showcasing to other country what are the lapses of our race, because we are only inviting readers/visitors to laugh on us.
* opinions are highly respected, & nobody can say that opinion is right nor wrong, however, opinion should be placed in a right way/manner and opinion should also be anchored with reliable information to make it more credible.
* any kind of information you share reflects on what kind of personality you have, therefore, whatever kind of information posted in this site, reflects what kind of race Filipinos have. this site can help each & everyone of us uplift the culture and nature of our folks, so instead of throwing negative sights, opinion & other irrelevant issues, why not divert it into a more positive manner which can create upliftment of our race....

to the sulyapinoy administrators, may i suggest to make evaluation of the posted information in your site. you are the right people who can control this site, and the right people to distinguish what kind of site you want this sulyapinoy to be... (take a look in one of the posted information "a day with enemy....") try to assess or evaluate that information, try to evaluate the language and the terms used by the contributors, ... looking at it, it only degrade the Filipinos, especially OFW's... do we really want that to happen? is it the goal of this site? there are other posts which you can find irrelevant and not in anchored with the purpose of this site (unless, it is your purpose? huh?!)

creating a website means responsibility. having a website does not end on that point, but responsibilities also there. it should be continuously checked and evaluated whether the content or information is really of help to the browser/reader, whether the content really fit on its purpose.

this post dear readers does not have to do nor against anybody's post, this is just merely a wake up call on being responsible and mature enough in handling situations and cases like these. i hope this post will not lead to any negative connotations, indeed should serve and take as a challenge for the improvement of this site.

is it rewarding if this site will be recognized with HIGH RESPECT rather than the other way around?

come to think of it...

June 25 po ang post na yan nabasa ko nung june 27 kaya po ako nagreg dito


Last edited by cowboy_cyrus on Wed Jun 30, 2010 12:38 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : highligths ko lang yon problema sa post ni joseph patrol)
cowboy_cyrus
cowboy_cyrus
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 50
Reputation : 0
Points : 80
Registration date : 27/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Wed Jun 30, 2010 8:48 am

Nakakalungkot isipin na ang isang napapanahong usapin ay magiging isang masiglang palitan sana ng magagandang pananaw subalit sa pagkakataong ito ay nabahiran ng mga negatibong komento at pasaring sa mga nakilahok sa topic na ito.

Nais ko sanang kunin ang pagkakataon na ito para paalalahanan ang lahat sa umiiral na panuntunan sa website na ito.

Narito ang ilan sa kanila

1. Kung tayo po ay magpopost ng isang artikulo, bigyan po natin ng karampatang pagkilala ang nagsulat sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng may akda. Kung galing sa libro, ibigay ang pahina at pangalan ng libro. Kung galing sa peryodiko, ang pangalan ng dyaryo, araw ng pagkalimbag at pahinang o seksyong kinapapalooban. Kung galing sa internet, ang link ng website o ang direktang link ng pinagkunan. Tulad ng lagi ko sinasabi, ang ating mga writers sa newsletter ay naghahangad din na mabigyan ng tamang pagkilala sa kanilang mga naisulat kung ito ay malalagay sa ibang website o anumang pahayagan. Hindi po kami nagkukulang, sa ibang nagpopost, baka hindi nyo lang po nachecheck ang inbox nyo, may message po ako na pakilagyan ng sapat na detalye ang mga ipinopost dito.

2. Feel free to express your opinion provided you do it in a polite manner.
Kung nais po natin na maging kaiga-igaya o makakuha ng simpatiya/suporta/positibong opinion, hindi po ba dapat na sa atin magsimula ang pagpapakumbaba at pagpipilit na maipaliwanag sa maayos na paraan ang ating mga kuro-kuro. Sa atin po ay naituro na "galangin mo ang iba para galangin ka din nila". Ang pagiging malumanay ay isang napakabisang sandata para maiparating ng maaayos ang ating nais ipahayag. Hindi kailanman naging maganda ang tugon sa mga pabalang at walang galang na pagsagot.

3.Racist Talks or Negative Ideas towards a group are not allowed.
Bagamat may mga grupo na nabanggit sa itaas, sa tingin ko ay wala namang nalabag o mapanirang puri na naipahayag.

Subalit hayaan nyo bigyan uli ng pahapyaw na eksplanasyon ang grupong FEWA at SULYAPINOY.

Ang FEWA/SULYAPINOY ay tinatag ng mga EPS workers para sa mga kapwa EPS workers para isulong ang mga usapin/aktibidad/atbp na may kinalalaman sa EPS at EPS workers. Subalit hindi nalilimitahan dito ng aming adhikain, bagkus kami din ay tumutulong sa komunidad ng mga Pinoy dito sa Korea, at kadikit na nagsusulong ng mga magagandang usapin ng mga grupo tulad ng simbahan at ng ahensya ng ating gobyerno. Tumutulong po kami sa lahat ng pinoy na narito sa Korea. Mangyari lamang, naipaliwanag ko na kung bakit di pwedeng hayagang sumuporta ang aming grupo dala ang pangalang FEWA sa ipinaglalaban ng mga TNT dahil taliwas ito sa sistemang paggawa na aming kinabibilangan. Subalit, kami ay sumusuporta sa mga kababayan nating TNT bilang mga indibidwal na Pinoy na nagnanais mapabuti ang kalagayan ng mga TNT dito sa Korea. Inuulit ko aNG FEWA bilang grupo ay hindi pwedeng basta-bastang direktang sumuporta pero ang mga miyembro ng FEWA ay maaaring sumuporta ng FEWA bilang mga pinoy na naniniwala sa pinaglalaban ng mga kapwa natin pinoy na TNT. Sana malinaw na ang punto na ito.

Ang FEWA ay nasasaklaw ng aming itinataas na polisiya at by-laws kung kaya't mayroon kaming pamantayan at limitasyon. Sa lahat ng mga grupo na sumuporta sa labang "No to NPS-SSS Treaty" dati, lubos po ang pasasalamat ng FEWA/SULYAPINOY sa pagtulong ninyo. Naway mas marami pa tayong maisulong na makakabuti sa mga kababayan natin.


Ang pagti-TNT po ay isang personal na desisyon, na sa simula pa lamang ay alam na nating labag sa umiiral na batas dito sa Korea, subalit dahil sa maraming kadahilanan, napipilitan ang isang tao, para suungin ang mahirap na buhay ng isang tnt mabigyan lamang ng maayos o maalwang buhay ang mga mahal nila sa Pinas. Ilan sa pinakamalalapit ko na kaibigan dito sa Korea ay TNT kung kayat naiintindihan ko ang kanilang mga hinaing. Ang buhay ay walang kasiguraduhan kung kayat kahit ang mga legal ay nagiging tnt pagdating ng di-maiwasang panahon.

Ang mga grupong hayagang nakikibaka, ay kapuri-puri dahil sa mga efforts at oras na kanilang ginugugol bukod pa ang ilang pagkakataon na sila ay nagsasakripisyo at nalalagay sa mga mapanganib na sitwasyon.

Sa aking napuna sa taas, walang naging problema sa mga grupong nabanggit bagkus ay mga personal na tugunan ng di kaaya-ayang komento ang nagpapagulo sa isang maganda sanang talakayan.

kung kaya't ang :

4. Avoid posting defamatory comments or opinions to another member.

Ito po sana ang ating pakaiwasan, ang topic po ang ating busisiin hindi ang mga tao sa likod ng bawat komento.
walang mabuting maidudulot sa magkabilang panig ang palitan ng mapanghusgang salita lalo na ang paggamit ng mga salitang nakakababa ng dignidad ng isang tao, respect begets respect. Matuto tayong maging magalang o kung nagkamali ay humingi ng paumanhin, ugali na dapat taglay ng tunay na kagalang-galang.


5. If you have a problem with another member of this community, use the Personal Message (PM) button
to tell a Administrator, Super Moderators, Moderators about the
situation and we will try to solve it.


para maiwasan ang paglala, imbes na sa thread magcomment ay daanin natin sa private messages sa pagitan muna ng mga taong sangkot, at kung hindi maresolba ng kay okayo lang, ay saka po natin hingan ng tulong ang mga admin at moderators.



Ang maling akala, o minsan ay maling interpretasyon sa ilang bagay ang minsan ang nagiging sanhi ng mga biglaang pagtugon. Sana kung meron tayo hindi naintindihan na punto, o hindi maganda ang dating sa atin, makapitong beses po sana natin munang basahin ulit at pagisipan ang isasagot para makita ng mga mambabasa na may lalim at pinagisipan ang ating mga sagot lalo na kung ito ay pagsalungat sa isang topic o komento.

Sabi nga nung kasabihan " Kapag ang ilog ay tahimik, ito ay malalim, at kung ito ay maingay, mababaw", kung kayat wag po tayo padalos dalos at sagot ng sagot.


Wala po ako pinapatamaan na sino man, ito po ay bukas para sa lahat lalo na po na hindi sa lahat ng oras ay nababantayan namin ang inyong mga pinaguusapan sa forum na ito. Sana ay maging aral sa lahat na walang magiging katapusan at paulit ulit kung hindi magpapakumbaba at humingi ng paumanhin, at daanin sa malumanay at magalang na pamamaraan ang pagbibigay ng ating mga opinion.

Sa huli, nais kong bukas pa din sana ang thread na ito sa mga positiong komento, subalit mapipilitan akong isara o burahin kung di matitigil ang mga pasaring o di kaya ay direktang batuhan ng negatibong komento.

Igalang po natin ang bawat isa!

Mabuhay po ang bawat Pilipino!

Admin Zack
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Thu Jul 01, 2010 10:48 pm

Magandang araw po sa lahat ng sumali sa usapin sa forum na ito. Gusto ko din pong magpasalamat sa pagkakataon na mabuksan ang paksang ito para magkaroon ng dayalogo tungkol sa usapin ng mga manggagawang walang sapat na dokumentasyon (undocumented workers).

Ako po ang sumulat ng artikulong "A day with the Enemy". Ito po ay batay sa pakikipag-usap namin sa Immigration director ng Incheon. Kasama ko po sa paghaharap na ito ang ilang mga lider ng simbahan, presidente ng union, human rights group at ilan pang mga aktibista. Lahat sila ay Koreano, ako lang po ang nag-iisang migrante sa diskusyong iyan.

Gusto ko po sanang talakayin ang bawat puntos na nalahad sa usaping ito at minabuti ko pong isa-isahin lahat. Kung meron man po akong nakaligtaan ay nais ko po sanang ihingi ng paumanhin. Inaasahan ko din po na kung meron kayong katanungan ay ilalahad ninyo ang inyong mga tanong at opinyon sa isang malumanay na paraan para po maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan.

Bibigyan ko lang po kayo ng background tungkol sa usaping ito. Kung kelan ba nagsimula ang pag-dagsa ng trabahador sa Korea, ano ang kondisyon ng kanilang pagtigil, kondisyon ng pagtatrabaho, benepisyo at kung paano ba tayo dumating sa sitwasyong ito.

Unang dumagsa ang migranteng manggagawa sa Korea nuong taong 1980 nuong mag-host ang Korea ng world cup games. Naging bukas ang pintuan ng Korea sa mga manggagawang ito dahil ang industriya nila ay may mahigpit na panggangailangan ng manggagawa. Kaunti na lang kasi ang mga Koreano na nais magtrabaho sa mga tinatawag nating "3D" jobs ng Korea. Nuon ay maganda ang kita ng mga migrante, pareho lang ng sa Koreano. Malakas ang unyon ng mga Koreanong manggagawa kung kaya't napangangalagaan ng mabuti ang karapatan at kalagayan ng mga lokal na manggagawa. Dahil sa unti-unting dumadami ang mga migranteng manggagawa, naisip nila na dapat magkaroon ng paraan upang makontrol ang minoryang ito, marahil naisip din nila na maari nilang makontrol ang pamamayagpag ng mga unyon dahil magkakaroon na ng kompetisyon (access to cheaper labor).

Ginawa ng gobyerno ng Korea ang Trainee system kung saan ang mga migrante ay 10% mas mababa ang minimum wage, walang insurance, mahabang trainee period, walang benepisyo (bonus, overtime pay, night differential, etc.), walang karapatan na ipaglaban ang mga kaso ng hindi pagbabayad ng sahod, pang-aabuso at pananakit.

Nabago lang ang sistema ng maipakita ng mga migrante ang kanilang pagkaka-isa. Dumami at lumaki ang mga demonstrasyon. Lumakas din ang pakikipag-alyansa ng mga labor rights activist, human rights activists, social movement activists, simbahan, estudyante at mga unyon kung kaya't napilitan ang gobyernong makipag-dayalogo sa isyung ito. Dumating din na ang naging resulta ng usaping ito ay ang pagkakahati ng grupo. Naisip ng grupo ng simbahan at ng ilang social groups na suportahan ang isang sistema para sa manggagawa na tinatawag nating EPS ngayon. Tinutulan ito ng kalakhan ng grupo ng migrante dahil ang sistemang ito dahil ipinapaubaya pa din ang lahat ng kontrol sa among kapitalista, na siyang pangunahing lumalabag sa batas manggagawa(labor law). Bagamat malakas pa din ang pagtutol ng kabilang grupo ng migrante at aktibista, naratipika pa din ang EPS dahil naging hati ang pananaw. Kasabay nito ay ang pagbibigay ng limitadong amnestiya para sa mga mangagawang nag-"overstay" dito sa Korea. Ang mga "undocumented workers" na tumigil sa Korea ng kulang ng apat na taon ay maaring umuwi at mag-apply para sa panibagong sistema. Ang mga tumigil sa Korea ng higit pa sa apat na taon ay hindi binigyan ng pagkakataon na mabenepisyuhan ng sistemang ito kaya't minabuti nilang manatili dito.

2003 sinimulan EPS at mabilis na sumunod ang crackdown. Nuon pa man mahigpit na tinututulan ito ng mga grupong sinabi ko kanina, kasama na duon ang MTU. Dumami ang nagpakamatay, nasugatan at naimbalido, nagkaron ng diprensya sa isip, at nasira ang kinabukasan. Isa sa pinakamalaking isyu noon ay ang pagpapakamatay ng isang chinese sa loob ng Yeosu detention center. Sinunog nya ang kanyang sarili at dahil sa takot ng immigration personel na makatakas ang ibang nakakulong duon, tinanggihan nila na buksan ang pinto na ang naging resulta ay ang pagkamatay ng 9 pang taong nakakulong duon.

Naniniwala ako na ayon sa batas ng konstitusyon ng Korea karapatan nilang proteksyunan ang kanilang "sovereignty" subalit nasa konstitusyon din nila ang pagbibigay ng karapatang pantao ng bawat tao. OO, KASAMA DUN ANG MIGRANTE. Ang crackdown din ay sumusuway sa batas hindi lang ng Korea kundi pati international laws tulad ng "Miranda Rights Law". Sa ngayon po ay nasa korte pa ang usaping ito at kasalukuyang pinag-aaralan.

Ang konklusyon: Ang nilalabanan namin ay (1) ang legalidad ng crackdown at ang kawalan ng respeto sa karapatang pantao. (2) Ang EPS na nagiging dahilan kung bakit patuloy pa din ang pagdami ng mga manggagawang walang papel. (3) Ang pagpapalit ng EPS system sa Working Permit System. Ang WPS ay walang restriksyon sa pagpapalit ng trabaho, mapapabuti ang kundisyon ng pagtatrabaho, pantay na karapatan sa lahat, makakapag-ipon ng sapat dahil mas hahaba ang panahon na maari tayong makapagtrabaho sa Korea at 'di na kakailanganing maging "undocumented worker", magkakaroon din tayo ng karapatan na dalhin ang ating pamilya para maiwasan ang pagkawasak ng pamilya at maiiwasan na din ang mga walang saysay na pagkamatay at pagkawasak ng buhay ng migrante. Naniniwala kami na kung mapapalakas natin ang ating sariling kakayahan na pinansyal, pag naka-ipon ng sapat ang manggagawa mas nanaisin nilang umuwi para mag-"invest" sa sarili nating bayan. Ang lokal na "investment" na ito, lalo na kung sistemang kooperatiba, ay gagawa ng trabaho at maaaring makapag-ahon sa ating bayan sa kahirapan.

Paumanhin po sa haba pero marami pa pong kasunod.

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Thu Jul 01, 2010 11:07 pm

Bakit ba may mga "undocumented workers (walang papel)"?

Hindi po lahat ng mga "walang papel" sa Korea ay nagtungo dito ay gamit ang tourist visa. Sari-saring dahilan po kung bakit nawawalan ng papel ang isang manggagawa. Sa EPS, dahil sa pagkakatali sa amo hindi natin kayang basta lumipat ng trabaho. Dahil sa pangit na kondisyon ng ating trabaho, dahil sa kalimitang pang-aabuso ng amo, dahil nakaligtaan ng among irehistro ang manggagawa nila o sa iba pang mga dahilan madaling maubos ang restriksyon ng pagpapalit(3x o higit pa depende sa iilang kondisyon). Ikalawa dahil sa discriminasyon sa mga manggagawa, polisiya din ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng labor center at immigration offices na proteksyunan ang mga mapang-abusong kumpanya higit pa sa manggagawa. Kaya't napakahirap na ipaglaban ang "no-count" sa probisyong iyon. Limitado ang paghahanap ng panibagong trabaho- dahil kailangan nating gamitin ang paglilipat-trabaho natin, kailangan nating suriin ang kumpanyang papasukan natin bago tayo magpa-rehistro sa kanila. Bawal din sa batas ang magtrabaho ka ng hindi ka naka-rehistro kaya walang tayong "evaluation period". Marami din ang hindi nakakaalam na hindi tayo pwedeng basta na lang palayasin sa kumpanya dahil ito ay isang labor violation. Marami ang tumatakas sa pang-aabuso ng amo. Maraming tumatakas sa Agricultural industry at Fishery industry at ang pinakabago ay ang Construction industry. Sa mga industriyang ito higit na mas mababa ang kita at benepisyo, walang tiyak na holiday o trabaho, mas mahirap at mas delikadong trabaho ang mga ito kung kaya't marami din ang tumatakas dito.

May mga bansang kahit may EPS ay may broker fee pa din at talagang napaka-laking halaga pa din ang binabayaran nila kaya't hindi sapat ang naipon. Mas mahirap din ang lagay sa bansa nila kung ikukumpara sa Pinas kaya't karamihan sa kanila ang pumiling magtrabaho ng walang papel. Hindi rin natin maaring sabihin na magiging sapat ang kinikita ng bawat isa para sa indibidwal na pangagailangan dahil hindi pare-pareho ang ating kondisyon. Merong nagpapa-aral sa kolehiyo, nagpapagamot ng may sakit, nag-iipon lang ng sapat para makapagtayo ng negosyo, naloloko ng amo sa sahod kaya't walang ipon, maliban pa sa mga taong may kakaunting kita lamang. Mas malaki na ang gastos ng karamihan sa atin dahil sa bukod sa pagbabayad ng bahay, pagkain at mga utilities, tumataas din ang halaga ng mga ito. At ngayon mas maikli na din ang panahon nang ipagtatrabaho ng mga inabot ng "EPS revision"(3+3years ginawang 3+1year10 months-ito ay depende pa din sa amo). Meron ding mga tumakas sa asawang Koreano dahil sa pagmamalupit at ibang pang mga dahilan. Meron ding mga may hawak ng entertainers visa na ibinugaw sa prostitutsyon ng amo o biktima ng human trafficking. Ano pa man ang dahilan, halos lahat tayo biktima ng kahirapan sa ating bansa kaya mas pinili nating lumayo sa pamilya natin para makipag-sapalaran sa ibang bansa.


michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Thu Jul 01, 2010 11:09 pm

Bakit mas malaki pa ang pinsala ang ginagawa ng mga "Multi-National corporations at iba pang foreign investors" gaya ng Hanjin sa Pilipinas?

Bagamat puno nang patayan at krimen ang ating balita meron pa din namang iilang mga dyaryo at tv na may mataas na kalidad pagdating sa paghahatid ng balita. Pero kung impormasyon ang kailangan natin nariryan din ang internet na maari nating kunsultahin upang malaman ang mga balita at pangyayari sa lahat ng dako ng mundo. Masasabi kong mas mayaman sa impormasyon ang internet kaysa sa mga komersyal na dyaryo at telebisyon sa atin. Malaya din nating maibibigay ang ang ating mga pananaw sa mga isyung hindi lamang pambansa kundi pandaigdigan.

Kung titingnan po ninyo ang yaman ng buong daigdig ay naipon lang sa iilang tao at iilang mga bansa. Mas nakakarami pa din ang naghihirap at nauubusan ng kabuhayan. Kahit po sa mayamang bansa ng Korea marami din po ang naghihirap, inaagawan ng lupa at ari-arian, at mga inaapi. Hindi nga lang kasing-hikahos ng sa atin pero sila man may mga sinisikap baguhin sa kanilang sistema. Para sa mga tumigil dito ng higit 3 taon na, kung mapapansin po ninyo mas mahirap ang pamumuhay ngayon sa Korea kumpara nuong 2008. Dahil tumaas lahat ng bilihin, bumaba ang halaga ng won at dollar. Nuong 2006 ang 1$ ay 850\ lamang ang 1$ naman ay nagkakahalaga ng higit 50pesos. Ngayon 1,1++W na ang bawat 1$ at hindi na tumataas ng 50pesos ang halaga ng dollar. Pero ganun pa man hindi natin kayang kitain sa Pilipinas ang kinikita nating sa Korea.

Dahil sa kawalan ng trabaho, naging makabuluhan sa mga korporasyong ito na alisin ang investment sa kanilang bayan at dalhin ang mga kumpanya sa mga mahihirap na bansa kung saan mas mura ang pag-gawa, walang sapat na proteksyon sa karapatan ng manggagawa, may likas na yaman, ligtas na pamumuhunan, may inprastruktura at proteksyon ng pamahalaan ng bansang pinuntahan.

Dito na ngayon pumasok ang mga government to government agreements at corporations-government agreements. Meron silang tax-cuts, autonomy, unlimited access to our land and resources (at the right price). Dito na rin pumapasok ang pang-aabuso. Triumph, Nestle, Hanjin ang pinakamainit ngayon at nagdadamihan pang mga SME's na nasa Pilipinas ngayon.

Sa Hanjin, malaki ang binayad ng pamahalaan para sa mga infrastructure developments para sa ating bansa. Sa site, walang sapat na proteksyon kaya't 17 manggagawa na ang namamatay at higit pa sa dami ang napinsala. Dumadanas din sila ng pagpapahirap mula sa mga Koreanong namumuno sa site. May mga Pilipinong binugbog, inalipusta, at meron ding pinagbilad sa araw ng hubo't hubad sa loob ng 8 oras. Bakit pumapayag ang mga kababayan natin sa ganito? Dahil sa desperasyon. Ipinagpalit nila ang dignidad nila para merong mapagsaluhan sa hapag-kainan ang kanilang pamilya. Sa isang bagong bukas na factory na patahian ng damit. 500 katao ang pinagtrabaho ng walang tigil sa loob ng 3 buwan kaunting pahinga, extra joss at tabletang karaniwang ipinapainom sa mga manggagawa sa Korea nuong dekada 70-90. Itong gamot na ito ay nagbibigay ng lakas at nakakapagpanatiling gising sa isang taong iminom ng gamot na ito. Ito lamang ang natanggap nila mula sa kumpanya. Pinakyaw ang trabaho kaya walang sahod sa loob ng 3 buwan na ito nang matapos ang order pinagpahinga sila at pagbalik nila ng kumpanya wala na ni isang gamit at tao silang nadatnan. Masaklap pa, umutang pa ang Koreanong may-ari sa banko natin sa Pilipinas para makapamuhunan. Pati ang banko, tinakbuhan. Sa Mindanao, ekta-ektaryang lupa ang ninakaw ng isang Korean company mula sa mga magsasaka, syempre sa tulong ng mga tiwaling opisyal. Duon nagtanim sila ng halaman para sa paggawa ng bio-diesel product. Ang Nestle, ilang labor leaders na ang pinatay wala pa rin silang nakakamtang hustisya at sagot sa kanilang mga hinaing. Sa Triumph, tuloy pa din ang pagpapahirap sa trabahador.

Sa mga krimen, dalawa na ang Koreano na pumatay sa mismong pamilya nilang Pilipino. Isa sa Antipolo kung san sinunog nya ang kanyang mag-ina. Isa sa Boracay kung san pinagsasak ng Koreano ang kanyang asawa. Marami na ding kaso ng mga kababaihan nating niligawan at pinangakuan ng mga nobyo nilang Koreano, binuntis pagkatapos ay tinakbuhan.

Wala sa aking intensyon na impluwensyahan ang kahit sino upang magalit sa mga Koreano. Pero gaya nga ng sinabi ko nung nauna. May mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayaring ito. Maliban sa mga korporasyon na mas mataas ang pagpapahalaga sa pera kaysa sa tao, kaya kong lawakan ang pang-unawa ko sa mga personal na trahedya. Gaya din ng pilit kong pag-intindi sa Pilipinong gumahasa at pumatay sa isang estudyanteng dalagita nuong nakaraan ilang taon.

Gusto ko din sanang ibahagi ang isang magandang balita kung saan may ilan tayong kababayan na pinatunayan ang pagkabayani ng tunay na Pilipino. Sa lugar din na kung saan naganap ang paggahasa at pagpapatay sa dalagita ilang taon na nakaraan, may ilang Pinoy ang nakapagligtas sa isang estudyante din na muntik nang magahasa ng isang Koreano. Patunay lang ito na lahat tayo tao lang. May gumagawa ng masama. May gumagawa ng mabuti. Hindi porke't iba ang lahi mo o galing ka sa isang mahirap na bansa mas mataas ang potensyal mo na gumawa ng krimen. Hindi porke't wala kang papel ay "illegal" ka na. Walang kahit sino ang "illegal" maaring ang pamamaraan o gawain ay pwedeng tawaging "illegal", pero ang tao ay ipinanganak na malaya at me dangal kaya't hindi pwedeng ikabit sa tao ang turing na "illegal". Ang mga migrante ng pumasok sa Korea ay manggagawa. Dalawa ang uri ng manggagawa. Isang may papel, isang wala.

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Thu Jul 01, 2010 11:32 pm

THANKS FOR EXPLAINING MICHEL2SEE KASE I JUST USED MY PON DURING REPLY,, KOL ME IF U HAVE TYM 01049680723...

IF U HAVE TYM ON SUNDAY LETS MEET AT WOORI BANK JUST GIVE ME A KOL ,,THANKS

TO ZACK:::: THIS IS THE REASON WHY I DIDNT POSE HUS ARTICLE OWN THIS ,,,,

MR. ZACK IPAGPAUMANHIN NINYO DAT I DIDNT POST THE WRITER OF THIS ARTICLE KASE IM GIVING PROTECTION TO OTHER PIPOL,,BECAUSE DIS IS A SENSITIVE ISSUE FOR US DAHIL BITBIT NAMIN ANG KARAPATAN NG MGA MANGGAWA AT GOBYERNO ANG AMING NASASAGASAAN..


MARAMING SALAMAT PO 감사합니다

MAGANDANG GABI PO SA LAHAT...
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Thu Jul 01, 2010 11:40 pm

Sa panghuli po, pasensya na po talaga sa haba, ako man ay naniniwala na ang legalisasyon ay hindi ang tamang sagot sa problema ng mga manggagawa. Ngunit, isa lang pong paraan para mapunan ang pangkasalukuyang pangangailangan dahil matindi po talaga ang naging epekto ng crackdown hindi lang sa mga migrante kundi pati sa industriya ng Korea at simpleng mamamayan. Ang Industriya ngayon ay may 40% na kakulangan sa mga manggagawa may panawagan ang samahan ng SME's ng "flexible cracdown" pero sa totoo ay nananawagan silang pansamantalang itigil ang crackdown hanggat hindi pa napupunan ang kakulangan. Ang mga Koreanong medyo mukhang foreigner ay nakakaranas din ng bagsik ng crackdown dahil sa maling akala.

Kagaya din ng sinabi ni admin Zack, lahat tayo ay di nakakasigurado sa magiging pananaw natin sa kinabukasan. Maaring sa tawag ng pangangailangan, mapilitan din tayong maging isa sa mga tinutugis ng immigration.

Isa din po sa paraan ng gobyerno at ng kapitalista ang gawing pansamantala ang mga manggagawa dahil mas madali po itong gibain. Pag walang pagkakaisa, walang tunay na pagbabago at pagpapabuti.

Ang mga positibong pagbabago sa polisiya ay bunga ng mahaba at mahirap na pakikipaglaban ng mga taong piniling manindigan para sa karapatan ng manggagawa at migrante. Ang mga mamamayan mismo ng Korea ang kasama naming naninindigan para sa karapatan nating lahat. Kaya mayroong kaunting proteksyon sa ilalim ng EPS ay bunga iyan ng pakikibaka ng mga "undocumented workers" noong early 2000. At patuloy pa din naming isinusulong.

Isa po akong EPS worker. Hindi po ako nakatapos ng kolehiyo di gaya nung ibang kababayan natin sa forum na ito. Malayo po sa isip ko ang magpakabayani o magpasikat. Napakarami po ng mga kaso ng pang-aabuso ang natatanggap namin sa araw-araw at sigurado ako kung bubuksan ninyo ang mga mata nyo sa mga nasa paligid ninyo, kayo man ay maapektuhan sa mga masamang karanasan nila, natin. Pinili ko pong manindigan hindi lang po para sa karapatang pantao ng mga walang papel. Pinili ko pong manindigan para sa mga manggagawa dahil tayo ay hindi lang po tayo manggagawa. Tayo po ay tao. Ipinaglalaban ko po ay ang dangal bilang tao. Hindi po pera, edukasyon o prebilehiyo ang sukatan ng pagkatao kundi ang ating dangal. Alipin lang po ang walang dangal. Naniniwala po ako na tayo bilang manggagawa at hindi alipin ay may obligasyon na ipag-tanggol ang dangal ng bawat isa.

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Fri Jul 02, 2010 12:28 am

Isa din pong clarification. Yung line na "you are just a stupid migrant worker...." was an implication. Ibig sabihin yun po ang dating pero hindi po niya sinabi. Reading between the lines kumbaga. Ang eksaktong sinabi po nya ay "mabuti siguro pag aralan mo muna ang batas at kung may tanong ka i-email mo ang lahat at sasagautin namin." baka po may mag-react ulit kung marunong magtagalog ung immigration, in korean po niya sinabi.

Sabi din po nya mas pangit ang immigration policy natin dahil every 2 months magbabayad sila para may extension.

Actually po, sya ang hindi nakipag-debate sa akin dahil sinabi ko po na pinag-aralan ko na lahat ng polisiya nila at nakikita, nararamdaman at dokumentado ang mga resulta.

Yun pong mga me gusto ng statistics, EPS policy education, Labor Law education, Language education, leadership training, gender-sensitivity training, Labor Rights Education, counselling, media education and soon computer class. Maari po ninyo kaming puntahan sa MTU office 202 Seoul Building, Chungjeongno, Sodaemungu Seoul.

Matuturuan po namin kayo kung pano mag-file ng wage claims, accident insurances, release etc. We are pro-active kaya po hindi po kami nagmamaka-awa sa mga amo. We use the law!
Sodaemun station line 5, exit number 1

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by giedz Fri Jul 02, 2010 3:27 am

maraming salamat kabayang michel2see...napakalaking tulong lahat ng mga information na binibigay ninyo sa amin lalo sa mga katulad naming wala pang experience sa trabaho sa ibang bansa...

sa mga bumubuo at mga miyembro ng sulyapinoy mabuhay tayong lahat...naway lalo pang lumawig ang forum na ito para mas marami pang matulungan at mabigyan ng inpormasyon sa totoong buhay ng isang ofw o kahit ng isang pangkaraniwang mamamayan lang...

anuman po ang kahinatnan ng buhay ng isang tao yun ay base sa kanyang ginawa, pananaw sa buhay at ginustong tahaking landas...lahat tayo ay taong ngkakamali at lahat din tayo ay binibigyan ng pagkakataon na ituwid lahat ng mga mali natin...pero lahat po ng pagbabago ay magmumula sa ating mga puso at sarili para sa susunod na laban ay mas higit na tayong matatag...

maraming salamat po...
giedz
giedz
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 597
Location : gyeonggi-do pocheon-si
Reputation : 6
Points : 909
Registration date : 14/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by owin Fri Jul 02, 2010 3:49 am


to mam Madel and Dr. An Sang Kwoo of KAPWAKO organization in Busan Area

at sa mga tnt na nakasama ko sa Busan maraming salamat!..di ko kayo makakalimutan

sa pagligtas nyo sa buhay ko..mukang makakabalik po ako ulit dyan sana magkita kita ulit

tayo pag may pagkakataon..
owin
owin
Board Member
Board Member

Number of posts : 809
Location : incheon city, south korea
Reputation : 12
Points : 1109
Registration date : 18/02/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Fri Jul 02, 2010 8:49 am

Sir Giedz, salamat din po sa pagtitiyaga sa pagbasa ng mga naisulat ko.

Kung gusto nyo pa po ng ibang impormasyon tungkol sa isyu ng Korean Labor Policy at ebalwasyon tungkol sa sistema ng pagkuha nila ng mga trabahador may mga released reports ang Amnesty international na gumawa ng masuring pananaliksik sa sitwasyon ng mga dayuhang manggagawa sa Korea. Nariyan din po ang mga report ng UN special rapporteurs.

Ipo-post ko po sana ang mga link kaya lang nais ko po munang magpaalam sa moderators ng site na ito kung maari ko bang gawin iyon, para naman po magbigay pasintabi.

Ipagpaumanhin nyo din po sana ang paggamit ko ng Ingles sa aking naging akda, alam ko pong isa iyon sa naging dahilan kung bakit nagkaroon ng di pagkaka-unawaan. Iyon po ay para na din sa International audience/solidarity groups na sumusuporta sa amin na patuloy na nakikipag-ugnayan sa amin upang alamin ang kundisyon ng bawat isa.

Nais ko din pong ipaabot sa inyong kaalaman na hindi lang po kami sa Korea ang kumukondena sa Crackdown. Nadala po namin ang isyung ito sa Global Forum on Migration and Development sa Greece nuong nakaraang taon. Naipaabot din namin sa Japan ang pagkakapareho ng sitwasyon ng migrante sa pagitan ng Japan at Korea. (ang crackdown po ay sistemeng kinopya ng Korea mula sa Japan).

Sana po ay maging mas malawig ang kaalaman ng bawat isa sa atin. Naging maganda pong pagkakataon ito para mapukaw ang ating kuryosidad. Sana po ay manatili tayong gutom at uhaw sa kaalaman.

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Uishiro Fri Jul 02, 2010 9:18 am

Very Happy Maraming Salamat kabayan sa pagmulat mo sa amin ng tunay na kalagayan ng mga manggagawang Pinoy sa Korea.

Sana po ay maging mas malawig ang kaalaman ng bawat isa sa atin. Naging maganda pong pagkakataon ito para mapukaw ang ating kuryosidad. Sana po ay manatili tayong gutom at uhaw sa kaalaman.

Makaka asa ka sa sinabi mong yan.....
Uishiro
Uishiro
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1267
Location : Farmville sa Gyongi-do
Reputation : 12
Points : 1590
Registration date : 27/05/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by spencereyes Fri Jul 02, 2010 10:03 am

uhaw at gutom:


70% Support Crackdown On Those Who Hire Illegal Immigrants
Published 06/04/2010 - 9:17 p.m. CST

Seventy percent (70%) of U.S. voters favor strict government sanctions on employers who hire illegal immigrants, according to a new Rasmussen Reports national telephone survey. Only 21% oppose such sanctions.

A year ago, 68% supported tough employer sanctions. Four years ago, when the Senate debate over immigration reform was at its height, 60% supported such sanctions.

Voters also are more strongly supportive of strict government sanctions on landlords who rent or sell property to illegal immigrants. Fifty percent (50%) now favor such sanctions, up from 48% last year and 44% in 2006.

Thirty-three percent (33%) oppose cracking down on landlords who rent or sell to illegal immigrants, and 17% more are undecided.

Right now, 56% of voters think the policies of the federal government actually encourage illegal immigration.

Still, there is a big distinction in the minds of voters between dealing with illegal immigrants and overall immigration policy. Sixty percent (60%) favor a welcoming immigration policy that excludes only national security threats, criminals and those who would come here to live off our welfare system. Twenty-six percent (26%) disagree with such a policy. These sentiments have held steady over the past four years.

Yet those who support such a policy feel even more strongly that there should be strict government sanctions against both employers and landlords who deal with illegal immigrants.

The survey of 1,000 Likely U.S. Voters was conducted on June 1-2, 2010 by Rasmussen Reports. The margin of sampling error is +/- 3 percentage points with a 95% level of confidence. Field work for all Rasmussen Reports surveys is conducted by Pulse Opinion Research, LLC. See methodology.

Mainstream voters and the Political Class don’t see eye-to-eye, as is often the case. While 60% of Mainstream voters favor tough sanctions on landlords who rent or sell to illegal immigrants, 53% of the Political Class oppose such sanctions. Seventy-eight percent (78%) of Mainstream voters think there should be tough government sanctions on employers, too, but the Political Class is narrowly divided on the question.

Support for tough sanctions against both employers and landlords is highest among middle-income voters who earn $40,000 to $100,000 per year.

Republicans and voters not affiliated with either party are much more supportive of tough sanctions in both areas than Democrats are.

As the national debate over Arizona’s new immigration law continues, voters overwhelmingly oppose allowing illegal immigrants to be eligible for state and federal government benefits. Fifty-eight percent (58%) say a child born to an illegal immigrant in this country should not automatically become a U.S. citizen, as the law currently allows.

Arizona officials say their law is necessary because the federal government is failing to enforce federal immigration policy. Illegals, they say, are hurting the state both in terms of cost to the taxpayer and public safety. President Obama, Mexican President Felipe Calderon and others have complained that the state’s law could lead to racial profiling, but 58% of voters nationwide favor passage of a law like Arizona’s in their own state.

Legislators in Washington once again are talking about immigration reform, but voters across the nation remain skeptical about the federal government’s role in the immigration debate. Three-out-of-four voters believe that the federal government is not doing enough to secure the nation’s borders.

Among voters who are angry about immigration, 83% are angry at the federal government. Only 12% direct their anger at the immigrants.

Most voters continue to say as they have for years that gaining control of the border is more important than legalizing the status of undocumented workers. In fact, 67% now say military troops should be sent to the Mexican border to prevent illegal immigration.

source: http://thewestsidestory.net/article/News/News_to_Use/70_Support_Crackdown_On_Those_Who_Hire_Illegal_Immigrants/20248

pakibasa lang po as an example


Last edited by spencereyes on Fri Jul 02, 2010 10:15 am; edited 5 times in total

spencereyes
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 25/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by spencereyes Fri Jul 02, 2010 10:07 am

top comment in the above post:



Illegal Aliens
Illegal aliens are destroying this Country, and one would have to be almost blind not to see this. How much longer do we have to support these illegal aliens? How much longer do we have to school their illegal alien children? How much longer are we going to let them have our jobs? How much longer are we going to put up with all the crime, stolen identities, forged documents, fake green cards? How much longer are we going to allow these illegal aliens to send money out of this Country and bring our Country down? Oh, amnesty will correct all this. WRONG! Nothing will change except we wouldn't be able to call them illegal aliens any more. Let's get rid of these illegal aliens! Let's get them back to their own Country where they belong!

It's time for ZERO TOLERENCE with these illegal aliens. It's time for them get out of this Country and back in their own Country where they belong. When we get rid of the illegal aliens, we will get rid of all the problems that go with them. THAT IS A FACT!


Delaware Bob

spencereyes
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 25/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by michel2see Sat Jul 03, 2010 1:17 am

Maraming salamat po kabayang spence reyes.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------
For Your Information>http://nhclc.blogspot.com/ ; http://www.hispaniccoalitionforcir.com/

A Bold Outspoken Leader

By Fidel "Butch" Montoya
El Semanario 6/23/2010


Last week, AFL-CIO President Frank Trumka spoke before the City Club of Cleveland, giving a major speech calling on union members from the economically hard hit rust-belt region to embrace comprehensive immigration reform.

Trumka acknowledged the economic predicament Cleveland union workers have endured due to the poor economy and great recession.

"Cleveland embodies both the consequences of our failed economic policies of the last three decades - and our hope for a different future. The economic crisis has hit hard here -116,000 lost jobs in the last decade in Cuyahoga County. Eighty-six thousand home foreclosures last year alone."

It was not only unusual for Trumka to give this speech supporting immigration reform in Cleveland in front of union members and business leaders, it demonstrated his exceptional leadership abilities to speak out on an issue he believes must be heard.

He criticized the low wage, high consumption society that imports more and more of what we consume and that it was time to embrace a new national strategy for a global economy.

But for our economy to change means acknowledging that the economic policies of the past have not worked and that it is going to take "world class workforce skills and workforce rights and trade policies that serve the interests of the American people."

Trumka made it clear that in order to have this national narrative about changing our economic strategy, a national introspective look at our personal opinions and political beliefs is necessary.

"Today I also want to talk to you about what may seem like a strange subject--immigration--because it is patently clear that we cannot talk about our national workforce strategy unless we face head-on our own contradictions, hypocrisy and history on immigration."

Trumka spoke of the bigotry and racism his family faced when they first came to this country. "My parents fled poverty and war from different corners of Europe. We were the last hired and first fired, the people who did the hardest and most dangerous work, the people whose pay got shorted because we didn't know the language and were afraid to complain."

He made the case that undocumented immigrants are facing the same intolerance his family faced years ago. Trumka said immigrant families who came to America to find their dream, are now biased of undocumented immigrants seeking the very same dream they wanted in America.

"And yet today I hear from working people who should know better, some in my own family - that those immigrants are taking our jobs, ruining our country. Haven't we been here before?

When I hear that kind of talk, I want to say, did an immigrant move your plant overseas? Did an immigrant take away your pension? Or cut your health care? Did an immigrant destroy American workers' right to organize? Or crash the financial system? Did immigrant workers write the trade laws that have done so much harm to Ohio?"

Trumka said the American Dream brought scores of people to this country, so that "all of us will have a fair portion of the good things in life. Time to be with our families. The chances for our children to get an education and the opportunity to make their own way in the world. Laws that protect us, not oppress us."

Trumka said it was time for immigration reform because employers like cheap labor, like workers who are afraid to organize, afraid to complain when they are mistreated or robbed of their wages and benefits. Borders that are "open enough to ensure an endless supply of socially and legally powerless cheap labor."

Outlining reasons for immigration reform, Trumka made it clear that as members of the union movement, it was time for workers to unite under a banner of fair wages, right to organize, right to work without fear of retaliation, and the right for a pathway that will allow undocumented immigrants to be part of our country from day one.

Trumka spoke passionately of how our country has turned to hate and dissension because of the lack of compelling moral leadership; allowing the voices of hate to feed the public's anger, pain and desperation. "We see today a dangerous drift toward a politics of hate."

Unless our leaders become advocates of change and push for a progressive perspective on the economy that respects workers, the voices of hate will only continue to breed and drag our country in the wrong direction.

Therein lays the problem. We need more leaders like Trumka who are not afraid to speak out to audiences who have used the undocumented immigrant as the scapegoat. The activists of hate have taken advantage of this economic recession to prey upon the anger, depression, and unemployment.

President Obama has not consistently called upon the "haters and racists" to put an end to their bigotry. There is no moral leadership from the President for comprehensive immigration reform. He has not even made comprehensive immigration reform a priority for his administration, much less articulating a political strategy pushing for legislation.

In fact, Obama has prioritized immigration enforcement concentrating on families, not those with criminal backgrounds.

Other politicians are missing in action as well when it comes to advocating for immigration reform or for calling an end to the hate and racism. Thank God, faith leaders have taken forceful steps to call upon the President for immigration reform and have condemned the unjust laws and hate in our country.

Frank Trumka has taken on a significant role as a leader and it was very bold for him to take his message into the heartland of the rust belt. As a strong American, he understands what is necessary so all can achieve the American Dream.

"We as a nation must be true to our better selves - employers must not make a buck on the backs of workers who live in fear of deportation, and workers must stand together in the workplace for good jobs, safe jobs, health care for all, and retirement security we can count on. And so when we talk about making the American Dream real, the labor movement stands for making it real for all of us who do the work of our country. All of us - no matter what we look like, who we choose to love, or where we come from. Surely there we can find common ground."

Our political leaders must change the dialogue and alter the national tone and narrative on comprehensive immigration reform. The voices of hate and dissension will only prey upon people who fail to realize undocumented immigrants only want what our immigrant families wanted and worked for, the American Dream.

http://www.elsemanario.net/
6/23/2010

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Fidel "Butch" Montoya is Director of H. S. Power and Light Ministries - Latino Faith Initiative. He was the Vice President/News Director of KUSA - TV Channel 9 News from 1985-1990, and worked at the news station for 24 years. Montoya also served as Deputy Mayor of City and County of Denver from 1995-1999; as the Manager of Public Safety for the City and County of Denver from 1994-2000. Montoya was Licensed to preach in 1972. He serves on the Executive Council for the Hispanic Coalition for Comprehensive Immigration Reform.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kung babasahin po natin ang American history, hindi po mga puti ang nakatira sa Amerika nuong unang panahon, kundi mga Native Americans. Ang California at Arizona mismo ay parte ng Mexican territory. Inagaw ito ng mga imperyalistang puti dahil sa mga gold deposits at upang mapalawak ang kanilang nasasakupan. Samakatuwid sila man dati ding migrante na naging imperyalista. Sensitibo sila sa usapin ng Karapatang pantao kaya't marami pa ding tumutuligsa sa nangyayari sa Arizona ngayon.

Kung tutuusin ang mga walang papel sa Amerika ay nagbabayad ng karampatang buwis at kontribusyon sa social security ngunit hindi nila makuha ang mga benepisyong ito dahil hindi sa kanila nakapangalan.

Sa isang parte ng US-Mexican border, may 15 yr old na U.S citizen namalapit sa border ang napatay ng militar. Para sa kaalaman ng lahat legal po ang pag-aari ng baril sa ilang bayang tulad ng Arizona. Pinapayagan din po ang pag gamit nito lalo na sa mga "rancher" dahil sa mga hayop na maaring manalakay sa kanilang mga alaga.

Hindi trabaho ng militar ang magbantay ng border dahil iba po ang kanilang training. Sila po ay sinanay sa pagpatay hindi gaya ng pulis at border patrol na sinanay sa pag-control lamang at "preservation of human life". Dahil sa nakadapa sila napagkamalan silang hayop at pinaputukan ng bata. Agad nilang ginantihan ng putok at tinamaan ang bata kung kaya't namatay ito.

May mga pagkakataon na Kahit ang mga pulis at border patrol na may training ay mayroon ding kamaliang nagagawa: http://www.democracynow.org/2010/6/10/mexican_teenager_shot_dead_on_mexican

Gaya po ng crackdown, ang Arizona Bill (S.B.1070) ay lumalabag sa mismong konstitusyon ng Amerika. Ang recomendasyon din na baguhin ang karapatan ng mga batang ipinanganak sa Amerika ay hindi na pwedeng ituring na amerikano/amerikana ay labag sa Amendment number 14 ng US Constitution.

"Amendment 14 - Citizenship Rights. Ratified 7/9/1868.
1. All persons born or naturalized in the United States, and subject to the jurisdiction thereof, are citizens of the United States and of the State wherein they reside. No State shall make or enforce any law which shall abridge the privileges or immunities of citizens of the United States; nor shall any State deprive any person of life, liberty, or property, without due process of law; nor deny to any person within its jurisdiction the equal protection of the laws."


Sa puntos po namin, isa lang ang itinatanong namin sa aming sarili. Ano po ba ang mas mahalaga? People or Profit? At kung babasahin ninyo po ang problema ng ekonomiya mabuti po sigurong paglimian natin at himayin; Bakit ba dumadami ang nawawalan ng trabaho sa mga mayamang bansa gaya ng Amerika at mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas?

Gaya din po ng karamihan sa atin (kasama po ako duon nung bagong dating pa lang ako dito), ang mga middle class na nakakarami sa Amerika ay hindi din po sapat ang kaalaman tungkol sa usapin at implikasyon ng immigration, economics at ideologies. Sa Korea ay ganun din po. Kaya po malaking tulong ang mga forum na ito para makapag-palitan ng kuro-kuro.

Isa pa po sa mga bagay na maganda nating pag-aralan: "Neo-Liberalism, FTA, WTO, atbp."

Ang migration ay isang natural phenomenon. Kahit sa magdaang panahon ang mga sinaunang tao ay lumilipat ng lugar pag hindi na sapat at angkop sa pangangailangan ng bawat isa ang mga bagay na kinakailangan nya para mabuhay, kapag ang buhay nya ay nasa panganib at sa ilang pagkakataon dahil sa kagustuhan ng pagbabago.

michel2see
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Sat Jul 03, 2010 8:23 am

Gaya ng aking paunang pagbati kay michel2see sa isang PM, hayaan nyong buksan ko ang aking tugon sa isang nahahawig na pagbati:

"Isang maaliwalas na umaga sa inyong lahat!"

Kahit na makulimlim ang panahon ngayung araw na ito dito sa aming lugar, nasabi kong maaliwalas ang umaga dahil palinaw ng palinaw ang mga nalalagay na impormasyon sa thread na ito.

Mas marami na tayong kaisapan masusuri at kasabay nito ay mga panibagong katanungan. Inaaanyayahan ko ang lahat na magsuri at magtanung. Mas marami na ngayong maaaring makapagbigay ng tamang kasagutan sa mga gumugulo sa ating mga isipan.

Paumanhin sa paggamit ng salitang "illegal" na bagamat palasak na ginagamit patungkol sa mga TNT o yung mga walang papel ay di maiwasang maging sensitibo ng ilan sa ating mga kabayan. (Sabagay kahit siguro ako ang magtrabaho ng walang papel ayoko patawag ng illegal. Pwede na ang TNT o Artista, hehehe)

Isantabi ang pagbibiro, ang malalim na usapin ng migration, Karapatang pantao, Mga internasyunal na batas na kasama ng nabanggit ng nasimulang topic sa taas ay kinakailangan ng malawak na pagsusuri, kasama na dito ang pagbalik-tanaw sa nakaraan, ang mga sistemang ginamit ng Korea ukol sa undocumented migrant workers, saan ito naging matagumpay, nagkulang, at mga panibagong sistemang kanilang ipinaiiral para malutas ang mga problema.

Lubos akong nagpapasalamat at napukaw ang orihinal na may-akda ng nasabing pasimulang usapin sa thread na ito. Kabayang michel2see welcome sa SULYAPINOY.

Sa aming naging palitan ng mensahe sa PM, iisa ang aming paniniwala na ang di magagandang tugunan ang siyang naging ugat ng di naging magandang takbo ng usapan dito sa pasimula. Subalit nitong bandang huli, mayroon ng mga nagbabahagi ng malilinaw na pananaw o pagsuporta sa isang magalang na pamamaraan.

Iwasan po nating dalhin sa personalan ang mga usapin bagkus ay gamitin natin ang kakayahang magisip upang makapagbigay ng mga magagandang kaisapan o di kaya ay maging bukas tayo sa paglalabas ng mga katanungan dahil sa mga bagong pumapasok na kaalaman o opinyon.

Siguro nga ay magkakaiba ang ating mga pamamaraan at pinaniniwalaan, pero hindi ba napakaganda kung sa huli ay magkikita ang ating mga paniniwala sa iisang mapapagkasunduang ideya na dadalhin ng bawat isa at sa huli ay isang tinig na dadalhin saan man tayo mapadpad, lalo na kung kinakailangang manindigan para sa karapatan natin o ng kapwa natin Pilipino pati na din ng kapwa tao.

Sana ay mas mapalawig pa ang talakayan, kaya mga kabayan, magtanong lang po tayo. Tayo naman ay pipiliting sagutin sa abot ng ating makakaya.

Muli, mensahe para sa lahat, wag po nating kalimutang magbigay pagkilala sa mga akda ng iba, mas maganda pa kung ating maipagpapaalam bago ilathala o ibahagi tulad sa forum na ito.

Maraming salamat sa lahat!

Tuloy tuloy lang po ang buhos ng kaalaman!

muli, isang maaliwalas na umaga sa inyong lahat!


Admin Zack
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Sat Jul 03, 2010 8:38 am

Dagdag Kaalaman : Anu ba yung tinatawag na Miranda Warning/Rights?

Kung tayo po ay mahilig manood ng mga pelikula, sigurado akong narinig nyo na ang Miranda Warning, ito po yung linyang madalas na binabanggit bago kwestyunin/interoga kapag sya ay naging suspect, nahuli sa aktong kriminal, atbp.

You have the right to remain silent. Anything you say can and will be
used against you in a court of law. You have the right to an attorney.
If you cannot afford an attorney, one will be appointed to you. Do you
understand these rights as they have been read to you?


Base sa link na ito : Findlaw on Miranda Rights

What if the Police Fail to Advise Me of My Miranda Rights?
When police officers question a suspect in custody without first
giving the Miranda warning, any statement or confession made is presumed
to be involuntary, and cannot be used against the suspect in any
criminal case. Any evidence discovered as a result of that statement or
confession will likely also be thrown out of the case.

For example, suppose Dan is arrested and, without being read his
Miranda rights, is questioned by police officers about a bank robbery.
Unaware that he has the right to remain silent, Dan confesses to
committing the robbery and tells the police that the money is buried in
his backyard. Acting on this information, the police dig up the money.
When Dan's attorney challenges the confession in court, the judge will
likely find it unlawful. This means that, not only will the confession
be thrown out of the case against Dan, but so will the money itself,
because it was discovered solely as a result of the unlawful confession.


Sa Kabuung detalye, narito ang wiki link para sa mas malinaw na paliwanag :
Miranda Rights and the Fifth amendment
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by spencereyes Sat Jul 03, 2010 11:34 am

good morning michel2see!!! heheehh ang haba nio mag post... heheheheh...
pero to sumarize po ang gusto nio lang po sabihin eh.. meron nagkakamali...tama?
meron po talaga... agree po ako don...
ang punto ko lang po talaga bakit kailangan pa ipaglaban ang isang bagay na alam mong hindi talaga pweding manalo...
don po sa pinost ko 70 over 30 po ang laban.... gets nio po?? marami po ang pabor sa crackdown..
don naman po sa mga reklamador 83% po galit lang pero hindi naman sila humaharap 12%percent lang po yon mga dumudunog sa immigration.
Paki basa nlang po yon kay sir zack klarong-klaro po explanation nia tungkol sa mga consequences na pweding mangyari kung ililegalize nila yon mga undocumented. kung hindi nio po magetz wala po tayong magagawa.

spencereyes
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 25/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Sat Jul 03, 2010 1:58 pm

,sa dami namin experiences ,sa awareness namin sa bawat migranteng naabuso,lumabas po kau,alamin sa kababayan mong mga migranteng pinoy at malalaman mo kung bakit may kagaya ni maam michelle,tinataya knyang sarili para maipaglaban ang para sa ibang nangangailngan at hindi ang para sa sariling katatuyuan lamang.hindi makaya naming basta na lang manuod sa katotohanang aming napapansin at umupo ng di kumikilos,. may mga manunuod or audiences lamang,may mga actual kameng mga basehan,mga causes,mga actual na imbestigasyon,tunay na karanasan,hindi po batay sa mga nababasa report sa internet lamang. magtanung po kau sa inyong kapaligiran jn sa korea,wag po kau mag focus sa eps lamang,magtanung pu kau sa ibang pilipino hindi lamang sa sarili nyong kaisipan..kung may makikita at maririnig kang hinaing,kikilos ba ang isang pilipinong kagaya mo,or magbibingibingihan at magbubulagbulagan,kung mayroon,kulang sa kaalaman sa karapatan ng iyong kababayan ,kung may hihingi bng tulong sa iyo,kaya mubang magsakripisyo ?,kikilos kb?o manunuod lng.wag po tayong maging makasarili. si michel may taglay ciyang kaalaman,mayroon ciyang guts para kumilos hinde para dumaldal lamang, kailan man hindi naging mali ang makiramay sa mga kapwa namin pilipino na alam namin ang kanilang pangangailangan,.di man magwagi ang aming layunin ang importanti gumawa kme ng mga bagay na alam nmin may umaasa at mga pilipinong migrante ng korea na kailngan ang atensyon,pagkalinga at consideration,mabuhay po kau maam michel,maraming salamat po sa inyo.hindi namin kailangan ma appreciate ng mga taong kunttento na sa kanyang sariling buhay.kikilos kme hanggat kya nmin.
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by spencereyes Sat Jul 03, 2010 2:38 pm

kabayan naligaw yata ang copy paste mo - remove ko muna for evaluation, palitan mo na lang if wrong post, wait mo naman if tama pala, wanna read it first

(post about paradise lost , an epic poem) - zack


Last edited by zack on Sat Jul 03, 2010 3:49 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong post / needs evaluation first, will repost if deemed fit for this topic)

spencereyes
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 25/06/2010

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Sat Jul 03, 2010 3:47 pm

Paumanhin kung magiging mahaba ulit ang aking pagsagot sa thread na ito.

Bago ako tuloy tuloy na pumalaot sa mg usaping bubuksan, nais ko sanang ipaunawa sa lahat na naniniwala din po ako sa mga ipininaglalaban nila joseph at michel, meron din po kaming mga bagay na pagkakasunduan buhat sa kanilang mga kaisipan. Siguro lang po talagang napakalawak ng usaping ito na siguradong magkakaroon ng hati-hating reaksyon. Hindi po mali ang kanilang ipinaglalaban, kung tutuusin kung makakamit ang mga yun, marami ang makikinabang. Nagkakaiba lamang ng pananaw kung sino ba ang apektado at hindi, at minsan kakulangan sa pagtingin sa magiging pangmahabaang epekto ng mga bagay-bagay. Payo lang sa lahat, dapat tayo ay hindi tumitigil sa paghimok sa ibang tao ukol sa ating ipinaglalaban. Hindi dapat yung pangangatwiran na kung di ka makakatulong, ay wag na maging pabigat, minsan kailangan mo ng ibang opinion para mas makita ang tama, or mas mapatunayan na tama ka. Sa pakikibaka, mas malaki ang tyansa kung marami ang nakikipaglaban, kung kaya't dapat na gawin nating ugali ang mangumbinsi sa tamang pamamaraan, manghikayat sa parang pagpapaliwanag, at sa huli hindi ba yung mga inaakala natin na pabigat ay baka sila pa ang makatulong. Kung may tamaan, paumanhin subalit, ilang beses na ako nagpahiwatig na pilitin at igalang natin ang batas ng site na ito. Ang isang lider bagong maging ganap na lider ay kinakailangan munang maging mabuting tagasunod, kaya paano ka susundin ng iba kung ikaw mismo ay di marunong sumunod.



Sa pagpapatuloy....

mangyaring magbukas ako ng ilang mga punto ngayun, at pagkatapos ay ibahagi ninyo ang inyong opinion (sa magalang na pamamaraan) para matalakay natin ng maayos.


"Ignorance of the law excuses no one"

Madalas natin marinig ito sa TV, sa korte, sa mga pelikula atbp. Subalit nakakaligtaan natin ang importansya nito. Kung ang bawat EPS na pupunta sa Korea ay malalaman lahat ng karapatan nya under ng EPS at ng labor laws ng Korea, hindi siguro kasing dami ang mga nagsi-alis na lang bigla sa kanilang mga amo ng walang paalam at walang release paper dahilan para sila ay mapabilang sa mga irregular migrant workers. Hindi kasing dami ang di sumusulweldo ng tama, at hindi kasing dami ang naaabuso, kulang o walang benepisyo atbp.

Kung alam lang sana ng mga kababayan natin ang mga organisasyon/tao/ahensya ng gobyerno natin at ng Korea na maaaring tumulong sa kanilang sitwayon, higit na mas marami sigurado ang naiayos ang kanilang sahod, pabahay o mga pagkukulang ng amo. Sa maniwala kayo't sa hindi meron mga labor offices na nakakatulong sa mga regular migrant workers pagdating sa mga payo, at minsan ay sila pa mismo ang maglilinaw sa inyong amo ng inyong mga karapatan. Isa pa ay ang NLCC o National Labor and Consulting Center. Under po ito ng Ministry of Labor at sila ay nagtalaga ng mga taong sasagot sa naiintindihan mong lengwahe. Personal kong naranasan na matulungan ng NLCC ng kinailangan kong iwanan ang aking trabaho, 3yrs and 6mos po ako dun, dumating sa punto dala ng resesyon na humina ang kumpanya at magbawas ng napakaraming tao, pinalad akong di matanggal subalit ako ay inatasan nung una ng trabahong para sa dalawang tao o higit at pangalawa ay magtrbaho sa ibang lugar(hindi sa lugar ng aming kumpanya) ng walang sapat na proteksyon. Naging pangunahin kong rason ang deteriorating working condition (i-evaluate ng NLCC) at pangalawa ay ang pagtatrabaho sa lugar na hindi ako nakarehistro. Dahil sa hirap sa pagpapaliwanag sa aking amo at mga katrabaho (hindi po malalim ang aking kalaaman sa Salitang Korean), ay malaki ang naitulong ng Koreano sa NLCC na marunong mag English na syang nagpaliwanag sa aking amo ng mga dahilan para marelease sa aking trabaho, at naging dahilan para makalipat sa mas magandang trabaho.

Kung susuriin, alam ko ang mga rason para makapagparelease, alam ko din sino ang maaaring makatulong sa akin.
Kung Kaya't naiwasan ko na manatili sa palalang sitwasyon ng aking trabaho at kumpanya, makuha ang aking mga benepisyo, at higit sa lahat, sa pagkakataong iyon, makapili na ng kumpanya na sa tingin ko ay magiging maganda para sa akin.

Sa mga nandito sa korea aralin po natin ang ating mga karapatan, marami na pong na-ipost sa forum na ito, magsaliksik lang po tayo ng konti, dinidiscuss din po ang ilan sa ating newsletter. Nagsasagawa po ang iba't ibang grupo ng mga Seminar. Sa mga paparating, habang may oras pa at hindi pa kayo babad sa oras ng trabaho dito sa Korea, aralin nyo na po ang EPS Program at kaakibat na batas.

Malipat naman po tayo sa mas malalim na batas, ang batas pantao. Dito mas makikita ang malalim na ipinaglalaban ng kasamahan nating si michel2see at joseph. Totoo po kasi na hindi dahil wala silang papel ay di na magiging pantay ang pagtingin sa karapatang pantao nila, tulad ng mga nagaganap na marahas na pagkasakote ng ilan sa ating mga kababayan. Subalit totoo nga bang wala silang naitutulong? Mali po ito, sa katotohanan, malaki po ang naitutulong ng mga tnt, sa mga Small and Medium Enterprises. Sapagkat, sila ay di kinakailangang bayaran ang mga dapat sanang benepisyo tulad ng pension, health care etc. Kung kaya't mas malaki ang kinikita at naitatabing pera ng mga amo nila, dahilan para mas lumago ang kanilang mga negosyo. Ang mga walang papel din ay di mapili sa trabaho (hindi lahat) subalit dahil sa kanilang sitwasyon, mas mahirap kasi sila makahanap ng trabaho (pero dyan mo makikita ang pagtutulungan ng mga pinoy basta alam nila na may bakanteng trabaho at nangangailangan ng Pinoy). Marami pa po tayong makikitang ipinaglalaban nila maging bukas lang ang isip at balikan ang kanilang naisulat. Malaki din po ang naiambag nila sa labang No to NPS-SSS Treaty.

Meron nagtanung sa akin sa PM na ayaw magpakilala, gusto nyang malaman bakit nga po ba naging less than 5yrs na lamang po ang total sojourn period ng isang EPS Worker mula sa 3+3yrs.

Sa aking pananaw....
Maganda po nating tignan ang isang problema na naidulot ng requirement na paguwi ng pinas matapos ang unang tatlong taon ng isang EPS worker. Sa mga kumpanya na seasonal, meron pong panahon na ang isang EPS ay nakakaranas ng mahabang pahinga sa trabaho, (may ilan na swerte dahil kahit di nagtatrabaho ay sumusuweldo buwan buwan bukod pa ang libreng pabahay, benepisyo, etc) at pagdating ng peak season, sabi nga, unawain ang amo dahil hataw sa order, kaya't minsan lumalampas sa oras ang trabaho(walang problema basta bayad ng tama ang sahod). kung matatapat sa peak season ang pagtatapos ng mga EPS worker, mapipilayan ang produksyon ng mga kumpanya partikular ang maliliit at dahil mahirap magtrain ng bagong trabahador) walang magawa ang mga amo kundi sundin ang batas at hayaang umuwi sa pinas para marenew ng panibagong 3 taon ang kontrata. Ang hinaing na ito ay sinulusyunan ng pagrerenew ng kontrata ng di na kailangang magexit sa pinas, subalit sa batas ng Korea, meron itong matatamaan kung kaya kinailangan itong paikliin mula sa total na 6yrs ay naging less than 5yrs.

Anu nga ba yung batas na iyon? ito po ay ang batas na sumasaklaw sa pagkakamit ng Korean Citizenship sa pamamaraan ng naturalisasyon (ipagpaumanhin kung may mga mali sa aking punto, pakitama na lang sa inyong comment, di po ako nagaral ng korean law, bukod pa dito ang ibang kadahilanan kung bakit naging less than 5 yrs).

Sa batas, maaari kang maging korean citizen sa 3 pamamaraan kung ikaw ay dayuhan, o may lahing nagugat sa Korea o dating korean na narenounced ang pagiging korean.


General naturalization, simplified naturalization, and special naturalization.

akin lamang pong papahapyawan ang General naturalization sapagkat dito papasok ang naging issue ng less than 5 yrs.

ano ba ang basic requirements ng general naturalization? (paalala, meron pang karagdagang requirements)


1. Maintain a legal address for five years in Korea
2. Must be an adult, according to Korean law (= 20 years old)
3. Must have clean and orderly behavior (= no criminals or those with communicable disease)
4. Must have the ability to support oneself, or must have other family members who can support the whole family (usually proven by a professional license, real estate deeds, or a bank account with at least $30,000)
5. Must have basic Korean language ability and knowledge about Korean culture (involves written test and an interview – the test is around fourth grade level.)
from : http://www.hikorea.go.kr/pt/InfoDetailR_en.pt?categoryId=2&parentId=399&catSeq=&showMenuId=377

sa totoo tanging ang mahirap sa requirement sa dating immigration law ng korea ay ang pagkakaroon at pagmementena ng legal na address sa loob ng 5 taon. Kinakailangan mong magkaroon ng trabaho. Pero ang mga EPS at mga legal na nagtatrabahong dayuhan ay makakaya ang requirements na ito. Manatili ka lang legal sa isang kumpanya sa 5 taon(walang uwian?), pasok sa itinakdang edad, magandang record, at kakayahan na suportahan ng sarili ay maaari ka na maging legal ( ayon po ito sa lumang batas, meron na po updated na napakahirap maging isang citizen ng Korea)

kung kaya't para makaiwas sa pagbibigay ng Citizenship kinailangan mas mababa sa 5 taon ang total na kontrata.

Sa kasalukuyan ay nagkaroon at magkakaroon pa ng pagbabago sa immigration law, partikular ang napakataas na requirements para sa mga dayuhan. (Kahit po ang mga nakapagasawa na ng koreans ay itinaas ang requirements)

Sa UK po ay may tinatawag na Indefinite Leave to Remain: http://en.wikipedia.org/wiki/Indefinite_leave_to_remain kung saan kapag meron kang ganitong status sa iyong visa at nakapagstay ka ng 5 taon sa UK. Maaari ka ng makapagapply ng citizenship.

Kung sakali mang magkaroon ng panibagong extension ng sojourn period (Sana, hehehe), sigurado na kailangan munang umuwi sa pinas para marecontract.


Huli kong uusisain ay ang maximum na chance para magparelease ang isang EPS.

bagamat mahaba na ang aking post, hindi ko na idetalye ang mga balidong dahilan para makapagparelease, para macount ang release at para maconsider na no count kung sakali na marelease ka at makahanap ka ng trabaho, akin lamang pong titignan sa pespektibo ng magkabilang panig at ng gobyerno ang dahilan sa pagkakaroon ng limit sa kung ilan beses pwede magparelease ang isang EPS Worker.

Kung titignan, bakit nga ba hindi na lamang walang limitasyon ang mga EPS worker sa pagpaparelease at bagkus bukod sa limitado ay may mga mga balido lamang na rason na pwede tanggapin? Sapagkat, sa kadahilanang nais ng gobyerno na maging patas para sa side ng manggagawa at ng may-ari ng mga kumpanya.

Sa pagkakaroon ng safety nets sa pagitan ng manggagawa at ng kumpanya, naiiwasan ang dagliang paglipat o paglipat-lipat ng trabaho ng mga EPS. Apektado ang mga kumpanya na pagaalisan ng mga EPS lalo na at 3D jobs ang mga sakop ng EPS program. Hindi pwede na basta mahirapan ng konti ay aalis na sa trabaho at lilipat sa mas madali, o pag nakabalita na mas maganda pasahod sa isang kababayan kahit na wala naman problema sa kumpanya nya, ay basta na lang makapagpaparelease para makahanap ng mas magandang pasahod, pabahay, benepisyo etc. Kawawa po ang mga Kumpanyang maaapektuhan. Iniiwasang maging mapili ang mga EPS workers sa trabaho. Bukod pa dito, meron po tayo 1 taon sa bawat kumpanya papasukan, kung maayos ang kumpanya napasukan, pero nais maghanap ng mas maganda trabaho, pwede po tayo di na pumirma sa nasabing kumpanya at makakuha ng release paper para makapagtrabaho sa iba. Sa tingin ko ay balanse ang umiiral na patakaran sa pagpaparelease. sa paunang 3 taon 2 beses ka pwede makakumpleto ng 1 taon tapos ay ang pahuling taon ay para sa among syang pwedeng magextend sa iyo, dagdag mo pa ang 3 beses na counted na parelease pwera pa ang mga no counts na parelease pero pinapayagan kang makapagparelease (tulad ng pagkalugi ng kumpanya). additional na 3 beses na maximum release count sa mga sakop ng 3+3 at 2 release count sa 3+1yr&10mos.

Sa huli ang maipapayo ko ay alamin ninyo ang batas, ang inyo mga karapatan para makapagtrabaho ng mahusay, makapamuhay ng maayos dito sa korea at higit sa lahat, makapagimpok o mapaghandaan ang hinaharap! Maraming pong grupo ang nagbibigay kalaaman sa mga kababayan natin tulad ng mga nabanggit sa thread na ito.


Sa susunod naman po ang iba pang usapin at subukan din nating palawigan ang tungkol sa mga walang papel na kababayan, mga pwede maitulong at maaaring makitang mga panibagong usapin.

Bukas po sa pagtatama, komento, opinion at mga katanungan ang inyong lingkod sa inyong nabanggit!

Salamat sa mga matatyagang nagbabasa, sabi nga ni Ernie (Baron) Knowledge is Power!


Admin Zack
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by josephpatrol Sat Jul 03, 2010 8:45 pm

sir zack meron pong usaping pang crackdown na magaganap 3:30 pm, darating po ang mga representante ng mga taga embassy khit batid kong ikaw ay eps, kung nais nyo pong magmasid at makknig sa dialogue na magaganap,,hyewa dong po,txt ko sa inyo ang exact location,bka ito ay makadadag sa iyong kaalaman upang mai share pa sa ating mga. kababayan ng sulyap, im on a mobile pon kaya im always on the rush,,tnx at sensya npo,magandang gabi po sa lahat
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Dongrich Sat Jul 03, 2010 9:32 pm

go..go..go kabayang Josephpatrol at Ma'am Michelle sana malapit lang ako jan sa SEOUL isa rin ako sa mga sumasama sa inyo sa kilos na to..Ako poy may visa at legal..sang ayon po ako sa mga pinaglalaban niyo parehas po tayo ng pananaw kc dito sa organisasyon nmin sa Changwon ganyan din hinaing ng mga kababayan natin na aming tinutulungan..Ang layo ko kc mlapit ako sa BUSAN mga 30 minutes to 1 hour..Mabuhay po tayong nkipaglaban para sa kapwa lalo na sa karapatang pantao..
Dongrich
Dongrich
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 255
Age : 41
Location : Changwon City,Gyeongsangnamdo,South Korea
Cellphone no. : 010-3147-9139
Reputation : 3
Points : 411
Registration date : 23/11/2009

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by zack Sat Jul 03, 2010 10:30 pm

josephpatrol wrote:sir zack meron pong usaping pang crackdown na magaganap 3:30 pm, darating po ang mga representante ng mga taga embassy khit batid kong ikaw ay eps, kung nais nyo pong magmasid at makknig sa dialogue na magaganap,,hyewa dong po,txt ko sa inyo ang exact location,bka ito ay makadadag sa iyong kaalaman upang mai share pa sa ating mga. kababayan ng sulyap, im on a mobile pon kaya im always on the rush,,tnx at sensya npo,magandang gabi po sa lahat

Nasa hyewa dong lang ako bukas, may number na ako kay michel2see, di ko alam kung anu oras meeting ng FEWA pero pag hindi magkasabay o may oras pa, makikinig ako, at kabayan, kahit EPS ako, tulad ng sabi ko, sinusuportahan ko kayo, bilang personal na desisyon, hindi dala ang pangalan ng grupo o mga grupo na aking kinabibilangan.
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

a day with the enemy- migrant worker Korea - Page 2 Empty Re: a day with the enemy- migrant worker Korea

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 2 of 3 Previous  1, 2, 3  Next

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum