SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Pls... help me para malinawagan po ako....

+4
lhea
zack
jangsebyok
gwapongbatangas
8 posters

Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by gwapongbatangas Thu Jan 14, 2010 9:11 pm

[b]Gud day po, i just need an urgent response, nagpost na po ako dati dito, dati po nagtanong ako about dun sa mga pangyayari sa company namin about sojourn period, sabi po dito ng mga kaibigan sa sulyap tuloy ko lang tapusin ko ung 3 yrs ko sa company,(mag 3 yrs na po ako sa april) then wala rin daw problem kapag lumipat na ako, bakit po ngayon pumunta kami ng labor taliwas ang sinabi ng labor sa sinasabi dito sa sulyap, the labor said na nakadepende raw sa amo kung irerecontract ka pa kasi kung halimbawa raw na abutin ka pa ng end ng contract mo tapos sabi ng sajang mo close na company di ka na makakabalik, so that means wala na ung 2 yrs ko,ano po ung totoo at ano po ba ang dapat kong gawin?pls... i need your help....thanks in advance God bless!

gwapongbatangas
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 66
Reputation : 0
Points : 226
Registration date : 08/11/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by gwapongbatangas Thu Jan 14, 2010 9:56 pm

sino po ung nakakaalam ng no. ni sir dave board member, gusto ko lang pong kausapin , may itatanong lang po about sa problem ko sa company namin, pls...pls..pls... help me....thanks po!God bless po sa lahat!

gwapongbatangas
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 66
Reputation : 0
Points : 226
Registration date : 08/11/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by jangsebyok Thu Jan 14, 2010 10:01 pm

just wanna say this^^ its an infor i'vw got from a friend na may alam s labor law.

accdg to him!! just waht the labor told u eh dpat i renew ng amo mo un contract mo bgo mg end un 3 years pr mkpg work kp hir ng almost 2 years without the nedd to exit. pero kung d k nga i renew ng amo mo sad to say u nid to exit and wait for 6 months and try again n mg apply s poea . or mg TNt hehe joke..
maybe for u to clarify this issue better address yur queries sa MOLAB.

jangsebyok
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 35
Age : 44
Location : yangju city, gyeonggi do, south korea
Cellphone no. : 010 8*9* *7*0
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 18/09/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by gwapongbatangas Fri Jan 15, 2010 5:45 am

thanks to kabayang jr torres for the info last night, salamat talaga sa mga informations....God bless pare....

gwapongbatangas
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 66
Reputation : 0
Points : 226
Registration date : 08/11/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by zack Fri Jan 15, 2010 6:43 am

gwapongbatangas wrote:[b]Gud day po, i just need an urgent response, nagpost na po ako dati dito, dati po nagtanong ako about dun sa mga pangyayari sa company namin about sojourn period, sabi po dito ng mga kaibigan sa sulyap tuloy ko lang tapusin ko ung 3 yrs ko sa company,(mag 3 yrs na po ako sa april) then wala rin daw problem kapag lumipat na ako, bakit po ngayon pumunta kami ng labor taliwas ang sinabi ng labor sa sinasabi dito sa sulyap, the labor said na nakadepende raw sa amo kung irerecontract ka pa kasi kung halimbawa raw na abutin ka pa ng end ng contract mo tapos sabi ng sajang mo close na company di ka na makakabalik, so that means wala na ung 2 yrs ko,ano po ung totoo at ano po ba ang dapat kong gawin?pls... i need your help....thanks in advance God bless!

kabayan,

magandang araw!

hinanap ko yung dati mong post, at nabasa ko nga na may mga nagcomment regarding sa katanungan mo. Nais ko lang po ipaalala na makabubuti po na ang sagot ay manggaling sa mga mismong may katungkulan sa Sulyapinoy tulad ng Board members ng FEWA at ng Sulyapinoy Publication, Administrators ng Wbsite at Editorial Staff. Hindi po kasi maiwasan ng iba na magpayo kahit na wala pa po pagbabasehan ang kanilang mga sagot, lalo na at ang iyong dating katanungan ay ipinost ng mga panahon na malabo pa ang issue ng 3+3 o 3+2.


Unang una, sa iyong pagkakasabi ay mag 3 taon ka na sa April, ibig sabihin nito ay papasok ka sa 3yrs + 1yr and 10months. Iyan ay kung papalarin ka na irehire ng huling kumpanya mo sa pagtatapos ng iyong 3 year sojourn period.Kung hindi ka nila irerehire, awtomatikong ibig sabihin nito na tapos na ang iyong 3 taon kotrata sa Korea at kinakailangan mo ng bumalik ng Pinas. Kung papalarin namin na marehire, ay dun mo makukuha ang extension na 1 year and 10 months na di na kinakailangan magexit sa Pinas, pero maaari kang magbakasyon kung papayagan ka ng iyong employer. Sa loob ng 1 taon at 10 buwan, maaari kang makalipat ng ibang kumpanya kung ang iyong rason ay valid o may sapat na batayan ng naaayon sa itinakda ng Ministry of Labor. At para po sa kaalaman ng nakararami. Ang sinuman maypapabilang sa 3 yrs + 1yr & 10mos ay madadagdagan ng 2 pang extra na release count kung kayat sa loob ng 3yrs + 1yr & 10mos, lahat magkakaroon ng total na 5 pagkakataon ( o higit pa kung ang rason ay dahil sa employer tulad ng pagkalugi ng negosyo etc) magpalit ng kumpanya.

Lilinawin ko ulit, kung doon sa sinasabi mo na mag 3 taon ka sa april at sinasabi mo na sakto ka mag 3yrs at bigla sasabihin ng amo mo na sarado na ang kumpanya. Magkakaroon nga ng pagkalito sa bahaging ito. una, dahil sa ang maaari lamang magrehire sa iyo ay ang pinakahuling amo mo bago magtapos ang 3 taon na sa pagkakataon ito ay magsasara na ang kumpanya, kung kaya't wala ng magrerehire sa iyo. At ang pangalawa ay di ibinibilang sa release ang mga rasong ang amo o kumpanya ang syang dahilan tulad ng pagsasara o pagkalugi ng kompanya. Sa dalawang punto na ito, maaaring maguluhan at magkaroon mismo ng magkaibang interpretasyon ang ibat ibang labor offices dito sa Korea. Kung kaya't kung nararamdaman mo na magsasara ang kumpanya gayong malayo pa ang april, subukan mong humingi ng release ngayun pa lang at ng makalipat ka sa isang kumpanya na maganda ang status at siguradong irere-hire ka. Kung di maaiwasan, at sakaling dumating sa punto na katulad ng iyong sinasabi, Mangyaring makipagugnayan sa NLCC, nakakapagsalita sila ng English at sila ang magpapaliwanag o magbibigay ng tamang desisyon na maaaring itama nila ang maling pagintindi ng Labor office na nakakasakop sa iyo, o dili kaya ay sang-ayunan nila ang syang pagiinterpreta ng Labor office na yun, at maging pinal ang desisyon. Sa ganun paman, mangyari na makipagugnayan ka sa amin kapag nagkaproblema, ngunit aking maipapayo na makipagusap ka ng maaayos ngayun pa lang sa iyong amo na nais mo marehire. kung di nila maibibigay ang rehire ay humingi ka ng release paper. Nasa maagap na paglutas ng problema at pagalam ng mga dapat gawin ang magiging solusyon ng iyong problema.

Sana ay naliwanagan ka kabayan.

Sumasaladu,

Christian "Zack" Robles cheers idol
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by zack Fri Jan 15, 2010 8:25 am

pahabol na paglilinaw para sa 5 counts ng release.

kung ikaw ay kabilang sa 3yrs + 1yr and 10mos...
3 beses ka pwede magparelease sa loob ng 3 yrs at kapag narehire ka, sa panibagong 1 yr and 10 mos... ikaw ay mabibigyan ng 2 beses na pagkakataon na magpalit kapag ikaw ay narehire na...

so kung sa loob ng 3 taon ay sa isang kumpanya ka lang... pagkarehire mo at ikaw ay may 1 yr and 10 mos, 2 na lang na release ang maaari mo i-avail.


Sana ay mas naliwanagan kayo.
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by lhea Fri Jan 15, 2010 9:40 am

im hoping po na naliwanagan na po kau..

thank u po kuya zack..

GOD BLESS
lhea
lhea
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 70
Age : 38
Location : seoul korea
Reputation : 0
Points : 91
Registration date : 04/12/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by pidol9 Fri Jan 15, 2010 6:09 pm

mr. ZACT, ask ko lang if ilang years p kmi d2 na rehire kmi d2 sa company namin at nakabalik d2 last feb 15 2009 so this coming feb 15 2010 ay 1 year na kmi ilang years p kmi pwede mag stay d2 tama ba na sakop kmi ng plus 3 years? kung sakop kmi ng plus 3 years so bali sa feb 2012 doon pa kmi uuwi . tama po ba yon? pki explain nman po para maliwanagan ako tnx at more power sulyap pinoy

pidol9
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 90
Location : hasung wonsonri
Reputation : 0
Points : 213
Registration date : 06/10/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by shiningaries Fri Jan 15, 2010 10:16 pm

Kabayang Pidol,

Share ko lang po in my case, i've been rehired last may 2009 and ive seen dun sa insurance na pinirmahan ko na my insurance covered is from may 2009 to may 2012. So sakop po tayo ng additional 3 years...
shiningaries
shiningaries
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 51
Age : 44
Location : kwangju city, south korea
Reputation : 0
Points : 81
Registration date : 16/10/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by zack Sat Jan 16, 2010 9:21 am

pidol9 wrote:mr. ZACT, ask ko lang if ilang years p kmi d2 na rehire kmi d2 sa company namin at nakabalik d2 last feb 15 2009 so this coming feb 15 2010 ay 1 year na kmi ilang years p kmi pwede mag stay d2 tama ba na sakop kmi ng plus 3 years? kung sakop kmi ng plus 3 years so bali sa feb 2012 doon pa kmi uuwi . tama po ba yon? pki explain nman po para maliwanagan ako tnx at more power sulyap pinoy

kabayan pidol9,

bago ang lahat, nasa pinaka main page ng sulyapinoy (portal) ang kalatas na ipinaaalam ng ating Labor Attache na si Atty. Delmer Cruz na :

pakiclick at pakibasa dito : Announcement


makikita dyan na sa ikatlong kondisyon ka napapabilang, yan ay yung mga eps worker na nasa kasalukuyan ng nasa ikalawang sojourn period bago mag . So ibig sabihin, 3 taon ang ikalawang sojourn period mo dito sa korea.

Sa kasalukyan, eto po ang pinakasimpleng paliwaanag kung paaano mo maalalaman kung sa 3+3 or sa 3+1yr&10mos ka napapabilang :

1. Lahat po ng nakauwi na ng pinas bago mag december 9 2009 at nakakuha ng reemployment ay kabilang sa 3+ 3 yrs.

2. Lahat po ng mga EPS na may end contract sa Decmber 9, 2009 to March 9 2010 na nairegester ng kanilang employer para sa reemployment bago mag december 9, 2009 ay kabilang sa tinatawag na prescribed period, ay napapabilang pa din sa 3+3 yrs.

3. At sa lahat po ng mag-e-end ng 3-yrs contract ng December 9 2009 pataas ( maliban sa mga naiparehistro ng kanilang amo bago mag december 9 at pasok sa itinakdang 90 araw mula december 9, 20009 , sila po ay kabilang na sa 3yrs+1yr&10mos

Sa iyong kaso kabayang pidol, ika ay nasa 3+3yrs so tama ka na sa March 2012 ka pa uuwi ng Pinas.

Mabuhay tayo lahat!
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by bong_1706 Sun Jan 17, 2010 5:54 pm

i like the way you explain, thank you so much for exerting effort ..mabuhay po tayo.

bong_1706
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 2
Reputation : 0
Points : 4
Registration date : 04/03/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by pidol9 Sun Jan 17, 2010 7:31 pm

mr zact maraming salamat po sa maliwanag na kasagutan nyo, sana po ay marami pa kyo matugunan na problema at matulungan na kapwa natin pilipino, saludo po ako sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng sulyap pinoy, mabuhay po kayo

pidol9
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 90
Location : hasung wonsonri
Reputation : 0
Points : 213
Registration date : 06/10/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by arcarn Tue Jan 19, 2010 9:09 pm

mr zack april 03 2010 po tapos ng contract ko pano po kung d ako na register ng amo ko dun sa prescribe period n 30 to 90 days before end of contract bale halimbawa po nkalimutan nya less than 30 days n lng bgo nya nlaman.automatic po b n uuwi nko ng pinas nun kc tapos n 3 yrs contract ko dhil d ako n register within 30-90 days period? maraming salamat po
arcarn
arcarn
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 82
Age : 46
Location : Batangas Philippines
Cellphone no. : 0916-2700408
Reputation : 0
Points : 271
Registration date : 29/11/2009

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by zack Wed Jan 27, 2010 1:58 pm

arcarn wrote:mr zack april 03 2010 po tapos ng contract ko pano po kung d ako na register ng amo ko dun sa prescribe period n 30 to 90 days before end of contract bale halimbawa po nkalimutan nya less than 30 days n lng bgo nya nlaman.automatic po b n uuwi nko ng pinas nun kc tapos n 3 yrs contract ko dhil d ako n register within 30-90 days period? maraming salamat po

sa katotohanan, meron po na narereemploy na mga kababayan natin ng less than the prescribed 30days(upto 90). Subalit para maiwasan po ang mga nagiging komplikasyon or iba pa problema, mangyari po na kausapin nyo na ang inyong amo bago pa mag 30days sa kadahilanang may mga EPS worker na akala nila ay irereemploy sila so kampante na nagaantay ng reemployment at pagdating ng end of 3yr sojourn ay saka lang malalaman na di pala sila irereemploy kung kaya't uwi na sila sa pinas. Pangalawa may ilan naman na di agad makabili ng ticket para makapagbakasyon dahil di pa narereemploy. May iba pa po kadahilanan, subalit kesa po magantay, mas maganda na kausapin nyo na ang inyong amo bago pa magsisi sa huli.
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Pls... help me para malinawagan po ako.... Empty Re: Pls... help me para malinawagan po ako....

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum