SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" NGITI NG LANGIT "

2 posters

Go down

" NGITI NG LANGIT " Empty " NGITI NG LANGIT "

Post by Joel Tavarro Fri May 15, 2009 6:28 pm

“ NGITI NG LANGIT "
Joel Tavarro

Isang umagang natanglawan, maaliwalas na kalawakan
Ang sikat ni haring araw ay sadyang matutunghayan
Panibagong pag-asa, hamon ng kapalaran
Tibayan ang sarili, buong tatag na makipaglaban.

Hindi mapigilan, pagdungaw ng bakang-liwayawy
Lalantad ito’t mag-iiwan ng sugat at pilat sa buhay
Upang magsilbing aral at magamit sa paglalakba
Mga alaala ng nakaraan ay mapapalitan na ng kulay.

Suungin ang hirap at lungkot sa iyong pag-iisa
Tibayan ang pakikibaka, tatagan hangga’t makakaya
Darating din ang bukas na may kaakibat na ligaya
Sa iyong mga pagpapagal, ikaw din ang mananagana.

Ang lambak ng kahirapan ay mahirap matakasan
Ihanda ang sarili upang may lakas na mapagkuhanan
Sa burol ng problema, maaring bangin ang kahinatnan
Kung ikaw’y masisila, bagsak ay pagkasawi ng kapalaran.

Minsan ng ngumiti ang langit, huwag ng pakawalan
Dala nitong biyaya, gamitin sa tama’t ito’y pasalamatan
Kaloob ni bathalang Yahweh, dahil sa iyong pagpapasan
Sapagkat hindi mo siya nilimot kahit na nahihirapan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" NGITI NG LANGIT " Empty Re: " NGITI NG LANGIT "

Post by candy Fri May 15, 2009 8:20 pm

kuya salamat uli,may mga bagay sa atin na ipinagkaloob ang diyos kaya dapat matuto tayong pahalagahan at pagyamanin ang mga ito at higit sa lahat matuto tayong magpasalamat at magbahagi sa ating kapwa,dahil yon ang pinakaninanais ng ating ama na nasa langit.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum