SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" WALANG HANGGANG PASASALAMAT "

2 posters

Go down

" WALANG HANGGANG PASASALAMAT " Empty " WALANG HANGGANG PASASALAMAT "

Post by Joel Tavarro Fri May 15, 2009 6:24 pm

Walang Hanggang Pasasalamat
Joel Tavarro



Maituturing na isang malaking utang na loob ang ating pagkasilang dito sa mundo na ating ginagalawan. Dahil dito, nararapat lamang ang isang walang hanggang pasasalamat sa Diyos sapagkat binigyan Niya tayo ng pagkakataong masilayan ang kagandahan ng daigdig na Kanyang nilikha. Inaruga Niya tayo mula sa umpisa ng ating buhay. Sa tulong na rin at patnubay ng ating mga magulang, lumaki tayong maayos at natutong kumilala sa ating Tagapaglikha. Nagkaroon ng takot sa Kanya at sinahod ang lahat ng Kanyang mga pagpapala buhat sa langit. Bagamat naglalakbay nga tayo na may maraming pagsubok at hirap sa landas na ating dinaraanan, subalit hindi Niya ayo hinahayaang matangay nito at tuluyang manghina.

Balik-tanaw tayo minsan pa sa bayang ating pinagmulan. Paano nga ba ayo nakarating sa mayamang bansang ito? Hindi ba dahil sa habag Niya kung kaya nag-aani tayo ng mga biyaya na Kanyang inihasik tulad dito sa Korea . Napapasalamatan mo na kaya Siya sa pagkakapunta dito? Marami ang nagbibigay ng mga alay sa pamamagitan ng pera o pagkain bilang pasasalamat. Dapat rin nating mabatid na ang tunay na kailangan ng Panginoon ay ang ihandog ang sarili na may malinis na puso. May mga nangangako sa Diyos na sa sandaling tutugunin ang kahilingan nilang makapangibang bansa, doon ay hahanapin Siya’t paglilingkuran. Ibinigay nga ang kahilingan ngunit ang nakakalungkot, tila nagka-amnesya yata at ang pangako ay natakpan na ng iba’t ibang gawaing makasanlibutan. “Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin mo agad. Ayaw Niya ng mayabang, kaya tuparin mo ang iyong pangako sa Kanya. Mabuti pang huwag ka nang mangangako kaysa mangangako ka ng hindi mo tutuparin.” Ito’y isang paalaala na inihayag sa atin sa aklat ng
(Mangangaral 5:5-6.)

Tuwing umaga ay nararapat lamang tayong magpasalamat sa Panginoon sapagkat pinahintulutan pa Niyang mamulat ang ating mga mata at tumibok ang ating puso. Tunay na maraming bagay tayong dapat ipagpasalamat sa Kanya. Sa trabaho, sa mga kaibigan, sa pag-iingat, at higit sa lahat, sa biyaya ng buhay na natatanggap natin araw-araw. Nais ng Diyos na hilingin natin ang Kanyang pagsama sa lahat ng ating gagawin. Paglabas ng pintuan upang magtungo sa trabaho, yayain mo Siya, “Lord, let’s go! Magtrabaho muli tayo!” Gumagaan ang lahat kapag kasama Siya palagi. Hindi ba’t nakakagaan din sa pakiramdam ang salitang “salamat” sa tuwing maririnig ito? Maliit man o malaking bagay ang ating natanggap o di kaya ay ibinigay, dapat pa rin natin itong ipagpasalamat. Bagamat napaka-simple lamang ng salitang ito, subalit parang musika sa pandinig na punong-puno ng kahulugan. Sa kabilang banda, nakakawalang-gana naman kapag hindi ito namumutawi sa bibig ng isang taong tumanggap ng kagandahang-loob buhat sa iba. Gayun din sa Panginoon, bagamat isa Siyang Diyos na mapagbigay at tigib ng kabutihan, nais rin Niyang sa tuwina ay marinig mula sa atin ang walang hanggang pasasalamat! “Lagi kayong magpasalamat sa Diyos at Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” (Efeso 5:20).
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" WALANG HANGGANG PASASALAMAT " Empty wALANG HANGGANG PASASALAMAT

Post by candy Fri May 15, 2009 8:11 pm

Kuya ang ganda naman ng ibinahagi mo ngayon,tunay nga po na patuloy kang ginagamit ng Diyos upang ipaalala saming lahat na kung meron mang mas mahalaga at dapat unahin dito sa mundong ating ginagalawan yon ay walang iba kundi s'ya.sana mas marami pa ang makabasa ng sulat mo na ito.God Bless.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum