SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" MAPAGKALINGANG INA"

4 posters

Go down

" MAPAGKALINGANG INA" Empty " MAPAGKALINGANG INA"

Post by Joel Tavarro Thu May 14, 2009 1:43 pm

"MAPAGKALINGANG INA"
Joel Tavarro

“Huwag mong sayangin ang pagkakataong magkaroon ng matalino at mabait na asawa; higit pa sag into ang alindog niya.”(Ecclesiastico 7:19) Panahon na naman…ipinagdiriwang at pinagtutuunan natin ng pansin ang mga kahanga-hangang tungkulin at pambihirang katangian ng mga dakilang ina. Lalo na ang mga nangingibang-bayan na nakikipagsapalaran upang maghanap-buhay at matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya. Gaano nga ba kasaya o ano ang pakiramdam ng isang ina? Sapat na ba na matugunan niya ang pangailangan ng pamilya at mabigyang layaw ang mga anak nito upang tawagin siyang mabuting ina? Marahil ay maraming pamilya ang masaya sa araw na ito. Ngunit paano kung ang ina ay mag-isang itinataguyod ang kanyang mga anak? Dapat ring parangalan ang mga tulad nila sapagkat ipinamamalas nila ang katapangan at katatagan sa pagsuong sa buhay. Masasabing isang katalinuhan ang ginagawa nila dahil kahit na sila ay nag-iisa subalit nagagampanan pa rin ang pagiging magulang. Kinalimutan nila ang kanilang sarili upang maitaguyod ng maayos ang mga minamahal sa buhay. Nakapanghihinayang at nakakalungkot minsan na mayroong mga padre de pamilya na inabandona ang kanyang asawa at mga anak. Naaatim nitong tiisin sila, masunod lamang ang sariling kagustuhan. Samantalang ang butihin niyang maybahay ay sinisikap na buhayin at palakihin ng maayos ang kanilang mga supling. “Ang mabait na maybahay ay liwanag ng tahanan, parang araw na sumisikat sa rurok ng kalangitan.”(Ecclesiastico 26:16)

Isang ina ang nagpupunyaging mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalawa niyang anak kaya’t sinikap niyang makarating dito sa Korea . Tiniis niya ang lung kot at sobra ang pagtitipid upang makaipon agad at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak. Napalaki ito ng maayos bagamat malayo sila sa isa’t isa sa tulong at gabay ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga magulang. Minsan ay nagkasakit ang bunso at ito ay naospital. Sa laki ng gastusin ay halos maubos na ang kanyang ipon at mga naipundar hanggang sa siya ay magkautang. Pangarap niyang makabili ng sasakyan at mapaayos ang kanilang bahay. Subalit sa nangyari ay binalewala niya muna ang mga hangarin, maisalba lamang ang buhay ng kanyang anak. Bakit hindi matitiis ng ina ang kanyang anak? Nababagabag siya at hindi mapakali lalo kapag ang anak ay may karamdaman. Halos ibigay na niya ang lahat kahit na imposible kung ito ang magbibigay kasiyahan sa kanyang supling. Bakit kapag nasasaktan ang anak ay nasusugatan din ang puso ng isang ina? At mas higit pang nasisiyahan sa tagumpay ng anak? Masasabing tila misteryo ang nag-uugnay sa ina at anak, subalit isa lamang ang tiyak, dahil sa malaking pag-ibig na nangingibabaw sa puso ng isang mapagkalingang ina.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" MAPAGKALINGANG INA" Empty Re: " MAPAGKALINGANG INA"

Post by rubiah Thu May 14, 2009 5:27 pm

TAMA PO KAYO, AKO PO ISANG WORKING MOM PERO KAHIT PAGOD GALING TRABAHO, NAWAWALA DIN ANG PAGOD PAG 2 ANGELS KO NA ANG SASALUBONG SAKIN AT NIYAYAKAP NA NILA AKO. ANG SARAP NG PAKIRAMDAM.

THEY'RE THE ONE'S WHO MAKE ME GO ON THROUGH LIFE, THEY'RE MY JEWELS, THEY'RE MY LIFE.

MABUHAY PO ANG LAHAT NG MGA INA, INANG, NANANG, NANAY, MAMA, MOMMY'S!!!
rubiah
rubiah
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 265
Age : 49
Location : South Korea and Pinas
Reputation : 0
Points : 334
Registration date : 09/03/2009

Back to top Go down

" MAPAGKALINGANG INA" Empty Re: " MAPAGKALINGANG INA"

Post by candy Fri May 15, 2009 1:42 pm

Tama po k'yo sa lahat ng sinulat ninyo,dapat lagi nating tandaan na ang pagmamahal ng mga magulang lalo na ang isang ina ay walang kapantay dahil,handa n'yang tiisin o isakripisyo ang lahat para lang sa kanyang mga anak.dapat bilang mga anak tumbasan din natin ng pagmamahal at kabutihan ang lahat ng pagsasakripisyo ng ating mga magulang o ng ating ina.kaya sa lahat ng mga ina SALUDO po ako sa inyo.God Bless....most especially sa mga kapatid ko na nanay na din ngayon.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

" MAPAGKALINGANG INA" Empty Re: " MAPAGKALINGANG INA"

Post by chayen Wed Jun 10, 2009 7:37 pm

iyak iyak iyak
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

" MAPAGKALINGANG INA" Empty Re: " MAPAGKALINGANG INA"

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum