SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" SA MULING PAGKABUHAY "....

Go down

" SA MULING PAGKABUHAY ".... Empty " SA MULING PAGKABUHAY "....

Post by Joel Tavarro Fri Apr 10, 2009 6:00 pm

“ Sa Muling Pagkabuhay “
Joel Tavarro

Paggunita sa muling pagkabuhay ni Kristo Jesus
Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya’y ipinako sa krus
Nawa ay baybayin na ang matuwid na lansangan
Ang mga kasalanan ay iwan na sa libingan.

Tahakin ang liwanag na siya nating tanglaw
Na nagbibigay ng bagong pag-asa sa araw-araw
Wagas na pag-ibig niya’y palaging nangingibabaw
Huwag magkunwari, iwasan ang mapagpaimbabaw.

Ngayon nga’y nagsisisi, bukas nama’y muling babalik
Tila baboy na matapos paliguan, lulublob muli sa putik
Asong matapos mabusog, iluluwa’t muling kakanin
Koronang tinik, pako sa mga kamay at paa’y lalong idiniin.

Hanggang kailan mahuhumaling sa ganitong libangan
Kailangan pa bang makaranas ng mga kapighatian
Kamalasan at matinding sakit, bago ito lubayan
Kung saan ay nakaratay na sa banig ng karamdaman.

Sa muling pagkabuhay sana ay maliwanagan
Ang puso’t isipan ay iyong buksan tungo sa tamang daan
Mga gawang hindi wasto, nawa’y talikdan na’t wakasan
Upang buhay dito sa mundo’y may magandang patutunguhan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum