SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" PATAWAD "

2 posters

Go down

" PATAWAD " Empty " PATAWAD "

Post by Joel Tavarro Wed Apr 08, 2009 6:00 pm

“ PATAWAD “
Joel Tavarro

Hindi sinasadyang ikaw ay malambat
Nang katangiang di malaman kung alamat
Liyo ang pag-iisip, ano nga bang nagustuhan
Di masisisi, nag-uumapaw na pakiramdam.

Sapagkat tayo, minsan ay naging magkalapit
Kahit ako ay makulit ngunit di hamak namang mabait
Nagkamali pala ako at ikaw ay itinuring kong kaibigan
Subalit umasa kang tayo ay maging magkasintahan.

Namumutawing hitsura, perpektong pegura
Kabighaning ganda at luningning na mga mata
Mayuming galaw, alindog ng katawan
Tinig na malumanay, sa pandinig ay nakainam.

Kasalanang mahalay, mapanilong galamay
Ayokong mahulog sa bitag ng kaaway
Di maaakit sapagkat mayroon ng sinisinta
Pag-ibig mong alok, kaakibat ay sumpa.

Tatanggihan lamang at dapat lang iwasan
Mga malas sa buhay, marapat na layuan
Ako’y maginoo, mayroong isang salita
Higit sa lahat may takot kay Bathala.

Pagsuway sa kanya ay hindi magagawa
Nawa’y iyong matanggap, pag-ibig mo’y di tama
Huwag ng ipilit at baka ika’y aking kamuhian
Paanong gagawin upang hindi ka masaktan.

Mapahiya man ako sa pagharap sa iyo
Ngunit ako’y ako pa rin at walang pagbabago
Ipapaalam sa iyo buhat sa pinakailalim ng puso
Sabay sambit ng patawad sa iyo!
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" PATAWAD " Empty Re: " PATAWAD "

Post by amie sison Thu Apr 09, 2009 2:00 pm

naku hindi ka pa ba tinitigilan ng humahabol sa iyo? naks gwapo mo po kasi!

have a blessed holy week.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum