SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" PAGNILAYAN AT PAGSISIHAN "

2 posters

Go down

" PAGNILAYAN AT PAGSISIHAN " Empty " PAGNILAYAN AT PAGSISIHAN "

Post by Joel Tavarro Fri Apr 03, 2009 8:08 am

“ Pagnilayan at Pagsisihan “
Joel Tavarro

Paggunita sa panahong ito, nawa’y bigyang halaga
Alalahanin ang paghihirap ni Kristo doon sa Golgota
Pinaratangan siya’t inako, kasalanang di naman niya ginawa
Dahil sa pag-ibig sa sangkatauhan, tinubos tayo sa pagkakasala.

Sarili ay masdan ngayon, paghihirap niya’y iyong binalewala
Pagyakap sa makamundong kinahihiligan, ikaw ba’y natutuwa
Pangamba’y di alintana, patutunguhan ng ‘yong kaluluwa
Sa pook ng kawalan, di pakikinggan ang pagmamakaawa.

Sodoma at Gomora, nandirito na rin ba sa Korea?
Sa mga nangungulila’t nalulumbay, ito ay kahali-halina
Pamawi nga ba sa kalungkutan, gayundin sa pag-iisa
‘Anila, tugon sa malamig na gabi, karamay tuwina.

Huwag hayaang maging kasangkapan ka at alipinin
Sapagkat kung nanaising makaahon, sala ay limutin
Puso ay buksan mo lamang, tanggapin Siya’t papasukin
Upang makaahon sa lusak, sa buhay mo Siya ang paghariin.

Ngayon, pagnilayan at pagsisihan, mga nagawang kamalian
Kabutihan Niya’y dili-dilihin, magsikap ka’t ikaw ay tutulungan
Ang makaahon sa putikan, sambit ng pusong hangad ay kapatawaran
Tatahakin ang katuwiran, patungo sa mainam Niyang pastulan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" PAGNILAYAN AT PAGSISIHAN " Empty Re: " PAGNILAYAN AT PAGSISIHAN "

Post by amie sison Thu Apr 09, 2009 2:01 pm

salamat po sa tula. Very Happy
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum