SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" ANG DUNONG "

2 posters

Go down

" ANG DUNONG " Empty " ANG DUNONG "

Post by Joel Tavarro Wed Jan 14, 2009 8:19 pm

“ ANG DUNONG “
Joel Y. Tavarro

Lahat ng bagay kapag lumabis ay walang halaga
Kung ito nama’y kapos magmukhang kaawa-awa
Gayun din ang talino, kung sobra, sa sarili’y labis ang tiwala
Bilib sa angking taglay, pagkat lahat ay maaaring magawa.

Madalas ang tao’y nananangan sa sariling karunungan
Kahit kanino ay makipagtagisan at makikipagpagalingan
Makamit lamang ang kasikatan upang paghanga ay makamtan
Ang bagwis na kakambal nito ay ang ugaling kayabangan.

Kung sa panahong nasa tuktok at tayog ng karangan
Tila hari sa palasyo, lahat ay alipin, lahat ay nais manduhan
Kadalasa’y di tumatanggap ng payo, pagkat mataas ang pinag-aralan
Mainam pa ang mangmang na ang kalooban ay lipos ng kababaan.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng dunong sa mundo
Ito ba’y pinagkaloob upang magbigay at lumikha ng gulo
Ang dunong sana’y gamitin sa mabuti nang walang halong kataasan
Sa kapwa ay isang malaking bagay at tunay na kagigiliwan.

Kapag labis ang dunong ay mistulang lason din sa kapaligiran
Sa malinaw na batis, sa gilid ay walang nabubuhay na halaman
Tubig na maiinom, di naman makapawi ng uhaw sa lalamunan
Nakapagdudulot nga ng layaw, tila halimaw naman sa kasikatan.

Kapag ito ay ginugol upang matanyag sa bawat adhikain
Parang layak na sagabal, tinik sa landas na tatahakin
Kaya naman ang dunong sa sanlibutang ito’y di dapat sambahin
Upang hindi mapatulad sa pobreng puno, walang yabong, walang lilim.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" ANG DUNONG " Empty Re: " ANG DUNONG "

Post by amie sison Wed Jan 14, 2009 10:06 pm

congrats po sa wedding...

miss you poh! see you soon!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum