SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

...sA ArAw ng pAskO

2 posters

Go down

...sA ArAw ng pAskO Empty ...sA ArAw ng pAskO

Post by mikEL Fri Dec 05, 2008 5:18 pm

SA ARAW NG PASKO

Ano nga bang aking dapat na madama?
Sa araw ng pasko dapat bang magsaya?
Dapat bang pigilin luha sa mga mata?
Sapagkat ang pasko araw ng ligaya.

Alam kong sa pasko dapat na masaya,
Dapat na limutin ang mga problema,
Ngunit pa'no itong puso ko na aba?
Kung ikaw oh sinta 'kakasal sa iba.

Itong aking puso na tapat magmahal,
Sa araw ng pasko magiging luhaan,
Aking aaminin sadyang di ko alam,
Kung paano ito ay makakayanan?

Paano ang aking pangarap at nais?
Kung itong puso ko ay maghihinagpis,
Tanong ng puso ko sa ngayon ay bakit?
Bakit ba palad ko ay sadyang kaylupit.

Kung noon ang pasko pinakahihintay,
Ngayon nalulungkot ang puso't isipan
Pagluha ng mata hindi maiwasan,
Sapagkat sa pasko ako 'yong iiwan.

Sa araw ng pasko maglalahong lahat,
Ang ating binuo na mga pangarap,
Masakit isipin puso ko'y may sugat,
Kahit inialay pag-ibig na tapat.

Sa araw ng pasko dapat kong tanggapin,
Maglalahong ganap ang pag-ibig natin,
Masakit man sa'kin dapat kang limutin,
Dapat kang iwaglit sa puso't damdamin.

Sa araw ng pasko kahit na luhaan,
Hindi magagawa sa'yo ay magdamdam,
Sa araw ng pasko kahit na iiwan
Aking hangad pa rin 'yong kaligayahan.

mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...sA ArAw ng pAskO Empty Re: ...sA ArAw ng pAskO

Post by neon_rq Fri Dec 05, 2008 6:10 pm

naks...nice bro...galing mo tlaga idol...halik

ilang days na lng pala pasko na nman .. tagay tagay
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

...sA ArAw ng pAskO Empty Re: ...sA ArAw ng pAskO

Post by mikEL Fri Dec 05, 2008 11:01 pm

tnx neon
magaling ka rin naman

teka...
pasko na ba?
bakit nde q maramdaman
hahaha...
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...sA ArAw ng pAskO Empty Re: ...sA ArAw ng pAskO

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum