SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

___Araw-araw ay Pasko__

4 posters

Go down

___Araw-araw ay Pasko__ Empty ___Araw-araw ay Pasko__

Post by angel Sat Oct 25, 2008 5:09 pm

__Araw-araw ay Pasko__


Midnight sale sa mga mall ay kaliwa’t kanan
Setyembre pa lamang ito’y kanila ng sinisimulan
Bibingka’t puto bumbong nagkalat na rin sa daan
Kasama’y mainit na salabat paborito ng karamihan

Mga Christmas Tree ay nagniningning at nagtataasan
Bongga talaga kung palamutian ng mga mayayaman
Mga pagkain t’wing Noche Buena nakatatakam tignan
Hamon at keso de bola nag-uumapaw sa hapag-kainan

Samantalang ang iba’y namamalimos sa lansangan
Sa kariton nakatira dahil walang bahay na masilungan
Namumulot ng tirang pagkain kahit pa sa basurahan
Upang kahit paano’y magkaroon ng laman ang tiyan

Suot nila palagi ay mga damit na animo‘y basahan
Madudungis ang pagmumukha at pangangatawan
Yapak at walang tsinelas kanilang paa kadalasan
Ang iba mga yagit ng kalsada kung sila’y bansagan

Simple lang naman ang kanilang mga kahilingan
Masaya na sila kahit lumang damit sila’y mabigyan
Makatanggap ng aguinaldo kahit ito ay barya man
Magkaroon ng konting pagkain na mapagsasaluhan

Di masama ang magbigay sa mga nangangailangan
Ang Pasko hindi na dapat hintayin para sila tulungan
Araw-araw maari namang maging parang kapaskuhan
Sabi nga “mas mabuting magbigay kaysa binibigyan”
santa
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

___Araw-araw ay Pasko__ Empty Re: ___Araw-araw ay Pasko__

Post by amie sison Thu Oct 30, 2008 4:28 pm

how i miss the celebration of christmas on our country.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

___Araw-araw ay Pasko__ Empty Re: ___Araw-araw ay Pasko__

Post by Joel Tavarro Thu Oct 30, 2008 6:06 pm

idol angel,

miss ko na talaga ang xmas sa pinas
kaya nga uuwi muna ako para makapagrelax
hehehe......thank you! halik
Redfox007
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

___Araw-araw ay Pasko__ Empty Re: ___Araw-araw ay Pasko__

Post by goodheart Fri Oct 31, 2008 8:52 am

my god! sarap umuwi i really miss my family:( Crying or Very sad
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

___Araw-araw ay Pasko__ Empty Re: ___Araw-araw ay Pasko__

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum