SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO "

2 posters

Go down

" PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO " Empty " PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO "

Post by Joel Tavarro Tue Oct 21, 2008 11:19 pm

"PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO"
Redfox007

Masarap pag-usapan ang mga bagay-bagay lalo na kung tungkol sa kabutihan tulad ng “pagkakaisa”. Halimbawa, ang mga langgam na hindi natin masyadong binibigyan ng pansin, subalit kung ating pagtutuunan ng mas malalim na pagninilay ay mainam din na ihambing ang kanilang ugali sa tao. Bagamat hindi nga sila nakapagsasalita ngunit makikita sa kanilang mga gawa ang pagkakaisa, nagtutulungan at nagdadamayan na para bagang namamayani nga sa kanila ang pag-iibigan. Sama-sama sila sa paglilikom ng pagkain at maging sa pagtatanggol ng kanilang tahanan o ari-arian sa panahon na mayroon silang mga kalaban. Anupa't nakakatuwang pagmasdan kung marahil ay ganito rin ang mga Pilipino sa bawat gawain o proyekto na may ngiti sa labing nagtutulungan at nagdadamayan. Sama-samang gumagawa at kumikilos sa bawat gawain. Ang lahat ng bagay ay gumagaan kapag tulong-tulong.

Paano naman kaya kung ang nais ay pagbabago ngunit walang pagkakaisa? Mahirap maabot ang layunin ng isang grupo o samahan kapag may anumang bagay na humahadlang. Katulad ng inggitan, siraan, o di kaya'y samaan ng loob, mga negatibong katangian na pumipigil sa pagdaloy ng pag-ibig sa isa't isa. Sabi ng ilan na ang ganitong pag-uugali ay minana pa raw mula sa mga Kastila, ang mag-asal talangka sa kapwa. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung kaya lalong bumabagal ang pag-unlad o naghihirap ang marami nating mga kababayan.

Bilang mga Pilipino, magkaroon sana tayo ng adhikaing maipakita ang pagiging Kristiyano, lalong lalo na sa pag-uugali. Hangarin naman nawa nating mga naglilingkod sa komunidad ang maging isang magandang halimbawa upang sa gayon ay karapat-dapat nating tanggapin ang respeto o paggalang mula sa iba. Sa ganito malalaman at makikitang tunay ngang nanahan sa atin ang pagbabagong dulot ng ating pagsunod kay Kristo. Hindi hamak na napakainam pagmasdan ang lahing nagkakaisa at nagtuturingang magkakapatid nang may pag-ibig sa bawat isa. "Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, ang nagkakaisa't laging sama-samang magkakapatid. " (Awit 133:1) Napakadaling kamtin ang mithiing “pagbabago” kapag ganito ang makikita sa lahat ng Pilipino. Magaganap lamang ito kapag samahan ng paggawa at hindi lamang puro salita.

Katulad ng pananampalataya sa Diyos, hindi hanggang pakikinig lamang ng kanyang Mabuting Balita, bagkus kailangan itong isabuhay. Sapagkat patay kung maituturing ang pananampalatayang walang kalakip na pagkilos o paggawa, parang umiinom ng tubig na hindi nakakapawi ng uhaw. Sadyang napakahirap magbago kung walang interes at pagpupursige. Ito ay isang desisyon na gagawin ng buong pagtitiyaga. Ang mga tila buhanging ginto sa ilog na malapit sa minahan ay matiyagang sinasala at binibistay upang makita at pagsama-samahin, tutunawin at huhubugin. Lalabas ang ganda, anyo at hugis ayon sa maibigan pagkatapos ng pagdalisay nito. Disiplina ang kailangan, katagang ayaw na ayaw marinig ng karamihan sapagkat para itong tunog ng paputok na nakalapat sa tenga. Subalit kailangan at dapat magsimula ito sa ating mga sarili. Bagamat mahirap sa umpisa ngunit kung araw-araw hanggang sa makasanayan ng gawin ay hindi mo na namamalayang malaki na pala ang pinagkaiba kaysa dati. Magiging ganap ang ating pagbabago ayon sa ating pagsisikap at maibahagi rin natin ito ng mahusay sa komunidad o pamayanang ating kinabibilangan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO " Empty Re: " PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO "

Post by amie sison Wed Oct 22, 2008 12:12 am

wow...thank you for your essay...

what if gawa tayo ng book...then bigay natin yung half sa charity...
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

" PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO " Empty Re: " PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO "

Post by Joel Tavarro Thu Oct 23, 2008 7:59 am

Maraming salamat sa'yo ms. amie
napakagandang layunin iyan
sana marami pa ang makaisip
na tumulong o makatulong sa kapwa.
god bless.......
hanga
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO " Empty Re: " PAG-IBIG TUNGO SA PAGBABAGO "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum