SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" YAHWEH "

2 posters

Go down

" YAHWEH " Empty " YAHWEH "

Post by Joel Tavarro Fri Oct 10, 2008 6:05 am

“ YAHWEH “
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
....4……at…….7.....

Laganap sa lupa ang iyong luningning
Hanggang sa langit laging pupurihin
Ang banal mong pangalan ay dadakilain
Nawa kami, araw at gabi’y pagpalain.

Lubos ang tiwala ng kumikilala sa’yong pangalan
Sapagkat wala pang dumulog na iyong tinanggihan
Diyos ng katarungan, maging ng karunungan
Lahat ng lalapit, iyong tinutulungan.

Anuman ang gawin, laging nasa iyo ang tagumpay
Pag-ibig mong walang maliw, sa puso ay dalisay
Batid naming ikaw ang aming katulong
Tagapagsanggalang at aming panginoon.

Ikaw ang makapangyarihang sandalan
Tanging muog, kanlungan at kublihan
Pagtitiwala namin sa iyo lamang ilalagak
Pasaning dinaranas, ikaw lamang ang lulutas.

Uhaw naming kaluluwa,tanging ikaw ang hangad
Parang tuyong lupa na tubig ang siyang lunas
Sa lilim ng iyong pakpak, aawit ng buong galak
Pagkat kami’y hawak mo, kaligtasa’y natitiyak.

Pinahihimlay mo kami sa mainam na pastulan
Kami’y inaakay mo sa tahimik na batisan
Umaasa sa mga pangako mong binitiwan
Sa matuwid na landas, itinuro mo yaong daraanan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" YAHWEH " Empty Re: " YAHWEH "

Post by amie sison Mon Oct 13, 2008 3:03 pm

PAPURI PARA KAY EL SHADDAI



Noong 2006 nakadalo ako sa pagdiriwang ng anibersaryo ng El Shaddai sa Tongsong Auditorium ginanap ito pagkatapos ng banal na misa. Hindi ako nakisaya dahil inisip ko na bakit pinagsabay ang selabrasyon ng magkaibang sekta sa lugar ng mga Katoliko. Hindi ko gutso maki isa sa pagsayaw nila at patalun-talon. Hindi ito normal para sa aking pananampalataya.

Pero lagi iyon sa isip ko sino nga ba ang pinapupurihan nila? At bakit ganun nila iyon bigyan ng halaga. Dahil hindi naman ako interesado lumipas ang mga araw na wala akong kaalaman tungkol dito.Mahalaga na sa akin ang nagsisimba sa Romano Katoliko at naglilingkod.

Nagkaroon ako ng pagkakataon makilala siya. Siguro dahil na rin sa ginusto niya na makilala ko siya. Siguro ay tinatawag niya ako. Siguro ay kailangan ko siya. Ngayon, isa na ako sa mga nagpupuri sa kaniya. Nagagalak magpatalun-talon at sumayaw para sa kanya. Nagsasakripisyo para manalangin.

Tila nagkaroon ng pagbabago. Napakaraming nangayaring pagsubok ang napagdaan ko ngunit alam ko naman na wala akong lakas para makayanan ang lahat. Mga pagsubok na kay hirap harapin mag-isa. Pero nagpatuloy ako manalangin ng walang sawa at umaasang hindi niya ako pababayaan. Sa lahat ng biyayang nakamit ko sa pamamagitan ng pagtulong niya, ang bawat araw upang papurihan sya ay kulang pa.

Anu nga ba ang magandang dulot ng El Shaddai at bakit parang hinahanap hanap ko na siya tuwing sabado ng gabi. Dito, hindi lang kami nananalangin para sa sarili namin. Ipanapanalangin din namin ang lahat ng mga tao sa buong mundo. Ang mga may sakit, pulitika, edukasyon, at iba pa.

Bagamat wala naman akong pang pinansyal na laan para sa tulong napag isipan ko na kahit ganun alam ko na ang aming mga panalangin ay ito ay napakalaking tulong na para sa bawat nangangailangan ng panalangin.

Sa pagkakatong ito, hindi na ako mag iisip kung bakit ganun nila papurihan si El Shaddai dahil isa na ako sa magbibigay ng mataas na papuri para sa kanya.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 40
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

" YAHWEH " Empty Re: " YAHWEH "

Post by Joel Tavarro Wed Oct 15, 2008 8:56 pm

Maraming Salamat............! halik
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" YAHWEH " Empty Re: " YAHWEH "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum