SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

--Kapayapaan sa halip na Digmaan--

5 posters

Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by angel Tue Sep 02, 2008 6:40 pm

Kapayapaan sa halip na Digmaan

Sa telebisyon araw-araw ay aking natutuhanghayan
Na sa parteng Mindanao may nagaganap kaguluhan
Mga militar at grupong MILF patuloy ang tugisan
Walang tigil at walang humpay na pagpapatayan


Pati mga inosenteng tao na wala namang kinalaman
Nadadamay, walang sinisino, mapa-bata o matanda man
Takbo dito , takbo doon hindi malaman kung saan
Makakatagpo ng ligtas na lugar upang kanilang masilungan


Kinailangang pansamantala muna nilang iwanan
Ang kanilang mga kabuhayan at pinagkakakitaan
Maging mga bata di na rin makapasok sa paaaralan
Sila pa naman ang sinasabing pag-asa ng ating bayan


Di ba ang lahat ay nagnanais ng kapayapaan
Subalit bakit nagka-ganito ang kinahinatnan
Kapwa Pilipino sa kapwa Pilipino ang naglalaban
Tayo ay iisang lahi bakit hindi na lang magbigayan


Iba-iba man ang ating relihiyon na pinaniniwalaan
Taga Luzon, Visayas o taga-Mindanao ka man
Hindi natin maaaring ikaila at hindi dapat talikuran
Na tayong lahat ay Pilipino at iisa ang pinagmulan


Hangad ko sana'y isip ng bawat isa ay maliwanagan
Sa Puso pairali’y huwag galit sa halip ay pagmamahalan
Pagkakanya-kanya at pagwawatak ay atin nawang maiwasan
Magkaisa't bansang Pilipinas ay ating pagsilbiha’t tulungan


Sana naman ay huwag maging gahaman sa kapangyarihan
Isipin muna ang kapakanan ng marami at di lang ng iilan
Itigil na ang walang saysay na digmaan, isulong ang kapayaan
Iwagayway ating bandila, “Mabuhay ang Pilipino” yan ang ipagsigawan
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by goodheart Wed Sep 03, 2008 6:08 pm

sighs...sana lahat ng tao ganito ang pananaw:) thanks for the very nice poem angel:) boboto ako sau..mananalo ka pag ako back up mo! nyahahaha! Very Happy
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by angel Wed Sep 03, 2008 6:33 pm

goodheart wrote:sighs...sana lahat ng tao ganito ang pananaw:) thanks for the very nice poem angel:) boboto ako sau..mananalo ka pag ako back up mo! nyahahaha! Very Happy

nyahahaha sis goodheart ...sino ba isasama u sis yung mga nasa picture lol! baka pwede sila sponsor needed pa hahaha...vote lang kayo everyday kahit sino ok lang just for the sake of fun...salamat sis goodheart halik
angel
angel
Board Member
Board Member

Number of posts : 847
Age : 45
Location : UAE
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/04/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by goodheart Thu Sep 04, 2008 4:40 am

maraming boboto sau sis..ur beauty and brain:) talented pa...pero para fair boboto muna ako sa kanila lahat ha? nayahah! Very Happy
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by Cielo Thu Sep 04, 2008 10:19 am

idol
Cielo
Cielo
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1312
Reputation : 0
Points : 139
Registration date : 18/02/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by amie sison Thu Sep 04, 2008 3:13 pm

PARA SA PILIPINAS

Gusto ko ring tulungan ang ating bayan
Ngunit ano ba ang mga paraan
Mahirap yata kung ako'y nag iisa lamang
Dapat tayong lahat ay magkatuwang.

Mababa na ang palitan ng piso
Na sabi nga tayo ay may progreso
Ngunit malayo sa nasaksihan ko
Kahirapan ang nakikita saan mang dako.

Sa Ayala na aking napagmasdan
Hindi bakas ang kahirapan
Kayang bilhin kahit may tatak man
At napupuno pa rin ang mga sinehan.

Di ko na ilalayo ang aking mga mata
Kung kahirapan lang ang dapat makita
Sa mga tao sa paligid aking nadarama
Sa kawalan ng kakayahang mabuhay na masagana.

Ano ba ang dahilan sa problemang ito
Wala sa Presidente o sangay ng gobyerno
Ito ay nasa bawat pagsisikap ng tao
Kung walang sipag, wala ring asenso.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by chayen Thu Sep 04, 2008 10:26 pm

hanga idol
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

--Kapayapaan sa halip na Digmaan-- Empty Re: --Kapayapaan sa halip na Digmaan--

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum