SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

4 posters

Go down

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo! Empty OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

Post by maykel_mike Sun Jul 22, 2012 10:41 pm

http://kuro-kuro.org/archives/6876


Bakit nga ba nag-a-abroad ang mga Pilipino? Dahil ba masarap mabuhay dito sa abroad? Dahil ba masarap ang pagkain dito sa abroad? O dahil ba magiging milyonaryo ka dito sa abroad?

Akala ng mga kababayan natin sa Pilipinas, masarap ang buhay natin dito sa abroad. Hindi nila alamna mas kina-iinggitan pa natin sila dahil sila, araw-araw andoon kasama si Juan dela Cruz, kasama ang pamilya, kinakain ang mga gulay sa likod bahay, nakikipagchismisan sa kapitbahay tuwing hapon, panay tawanan. Sarap ng buhay nila diba? Hindi nila alam, tayo halos hindi makakain habang nasa trabaho. Kahit gusto natin kumain ng gulay na sariwa, hindi natin magawa dahil minsan mahirap hanapin dito sa abraod ang mga gulay na hinahanap ng ating mga dila. Kung meron man eh sobrang mahal naman. Samantalang sila, isang lingon lang sa likod bahay abot kamay na.

Akala nila masarap ang buhay natin dito. Hindi nila alam na minu-minuto ay gumagawa tayo ng larawan sa isip natin ng mga lugar sa atin para man lang kahit paano ay maibsan ang pananabik natin na muling umapak sa lugar na kilak’han natin. Hindi nila alam na kahit bugbugan sa trabaho, wala kang choice kundi magtrabaho pa din. Kahit may sakit ka na, sige pa din sa kayod tapos uuwi ka sa bahay at ikaw lng mag-isa. Ikaw ang magluluto ng pagkain, maglalaba, maglilinis ng bahay. Lahat ‘yan ay gingawa natin kahit may sakit tayo dahil wala naman tayong choice diba? Akala niyo panay kain namin sa restaurant. Hindi niyo alam hanggang tingin lang kami kasi mahal at mas gusto pa namin ang pagkain niyo dyan sa Pinas.

Akala nila tuwing sahod ay nasa mall tayo, nagpapakasarap sa kinikita nating pera. Hindi nila alam andoon tayo, nakapila sa napakahabang linya sa banko para makapagpadala ng pera at pantustos sa araw-araw nila. Tapos pag-uwi sa bahay, kukuwentahin ang resibo saka iba-budget kung anumang natira para sa sarili. Hindi milyon ang kinikita namin dito, napakaliit lang ng sahod. Tama lang para sa isang buwan niyo dyan sa Pilipinas at tama lang din para sa amin dito. Minsan nga pinagpipilitan na lang naming pagkasyahin ang mga natitira sa amin.Wala naman kasi kaming choice kasi kayo talaga ang priority namin para mapabuti kayo. Kaya nga kami nag-abroad, hindi ba? Hindi kami ngwawaldas ng pera dito. Sa katunayan, todo tipid nga eh. Kaya kung nasaan at kailan ang 75% sale, dun lang kame lalabas at kahit malayo pa yan e ppuntahan namin para makabili lang ng ipapa door-to-door namin sa inyo.

‘Pag uuwi ka naman sa Pinas sasabihin sayo, “uy balikbayan! milyonaryo! painom ka naman!” Nakatatawa diba? Porket galing abroad milyonaryo na? Hindi nila alam kung anong hirap at pang-aalipustang dinanas natin dito makapag-uwi lang ng konting pera para sa pamilya tapos sasabihin milyonaryo ka? Magpapainom pa? Hahaha, kuya patawa ka. :p

Tama, sumasahod nga kami ng dolyar pero dolyar din naman ang ginagastos namin dito. Kahit mahal ang mga bilihin, wala kaming choice kundi bilhin lalo na kung talagang kailangan. Hindi kami nagrereklamo pero hindi din naman namin gustong mapalayo sa inyo pero eto lang kasi ang paraan para kahit paano mas gumaan ang buhay niyo, buhay natin. Ang hiling lang namin, sana pahalagahan niyo ang bawat sentimo na pinapadala namin. Sana ibili nyo ng pagkain at mga pangangailangan niyo, hindi yung sa sugal, barkada, alak at bisyo niyo lang gagastusin. Sana mag-aral kayong mabuti kasi yan na lang ang sukli sa hirap at pagod kasama luha namin dito. OFW kami, hindi kami milyonaryo… hindi pa! Very Happy

http://kuro-kuro.org/archives/6876
maykel_mike
maykel_mike
Ambassador
Ambassador

Number of posts : 2253
Location : Gyeongsangnam-do, Uichang-gu Changwon-si
Cellphone no. : 010-4965-0210
Reputation : 9
Points : 2918
Registration date : 05/01/2010

Back to top Go down

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo! Empty Re: OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

Post by Susan Enriquez Mon Jul 23, 2012 8:20 am

idol
Susan Enriquez
Susan Enriquez
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 196
Age : 38
Location : Ansan-si
Reputation : 3
Points : 305
Registration date : 28/06/2012

Back to top Go down

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo! Empty Re: OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

Post by axelrod Mon Jul 23, 2012 2:42 pm

napakagandang kuro-kuro nyan. Mabuhay ang mga Pinoy OFWs.

diba may thread na dito same as this?


axelrod
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 145
Reputation : 6
Points : 273
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo! Empty Re: OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

Post by jaimejr1977 Mon Jul 23, 2012 3:08 pm

idol

jaimejr1977
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 70
Reputation : 0
Points : 120
Registration date : 30/05/2012

Back to top Go down

OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo! Empty Re: OFW Lang Ako, Hindi Ako Milyonaryo!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum