SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

revise na batas tungkol po sa release...

4 posters

Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty revise na batas tungkol po sa release...

Post by dericko Sat Jul 07, 2012 4:04 pm

Notipikasyon ukol sa Pagpapalit ng Trabaho (i.e. Pagpaparelease) sa kadahilanang hindi kasalanan ng Dayuhang Manggagawa
- kapag ang dahilan ay makatarungan,
hindi ito isasama sa limitasyon ng bilang ng pagpaparelease –

o Noong nakaraang Hulyo 2, 2012 (Lunes), inanunsiyo ng Ministry of Labor and Employment (MOEL) ang desisyon tungkol sa pagpapatupad ng nirebisang batas ukol sa pagpapalit ng trabaho (i.e., pagpaparelease) ng mga dayuhang manggagawa. Ayon sa nasabing batas, lilinawin nito ang mga dahilan sa pagpaparelease na hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa, gaya halimbawa kung sa loob ng pagtatrabaho ng 1 taon ay 2 buwan o higit pang 70% ng sweldo (o mas mababa pa) lang ang naibibigay ng kumpanya dahil sa pagkalugi; o kung 2 buwan o higit pang hindi nakakatanggap ng sweldo ang mga manggagawa, at iba pang mga dahilang hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa.

l Sa kasalukuyan, may limitasyon ang bilang at kinikilalang mga dahilan sa pagpaparelease ng mga dayuhang manggagawa. Ito ay isinagawa upang maprotektahan ang mga trabahong lokal.

* Pagpaparelease ng Dayuhang Manggagawa: pinapayagan ang pagpaparelease sa unang 3 taon, 3 beses; 2 beses sa susunod na 2 taon.

l Subalit, sa pamamagitan ng notipikasyong ito, lilinawin ang napagdesisyunang mga dahilang hindi na ipapabilang sa bilang ng limitasyon ng pagpaparelease.

o Ang notipikasyong ito’y base sa nirebisang regulasyon tungkol sa pagpaparelease sangayon sa 『Mga Batas Kaugnay ang Pagtatrabaho ng mga Dayuhang Manggagawa』 (nirebisa noong Pebrero 1, ipapatupad sa Hulyo 2) at inihanda na rin ang kaugnay na aksyon para rito.

l Sa nirebisang batas, ang mga dahilan na hindi na isasama sa limitasyon ng bilang ng pagpaparelease ay ang mga sumusunod: kagaya ng nakasaad sa dating batas, ang pagkalugi o pagsasara ng kumpanya; bukod pa rito, idinagdag din ang pagkakansela o limitasyon sa pagtanggap ng employment permit ng employer (ibig sabihin, hindi maaaring tumanggap ng dayuhang manggawa ang kumpanya), paglabag ng employer sa employment conditions at hindi makatarungang pagtrato sa dayuhang manggagawa. Ang iba pang mga dahila’y ipagbibigay-alam ng direktor ng MOEL.

Dahilan at Bilang ng Pagpaparelease (Artikulo 25, Blg. 1)>

Kasalukuyang Batas

Nirebisang Batas
Dahilan sa Pagpaparelease

Bilang

Dahilan sa Pagpaparelease

Bilang
1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho

kasama sa bilang

1. terminasyon ng kontrata o paghinto sa trabaho

kasama sa bilang
2. pagkalugi o pagsasara ng Kumpanya, iba pang dahilan na hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa at mahirap ng magpatuloy sa pagtatrabaho

hindi kasama sa bilang

2. pagkalugi o pagsasara ng kumpanya, kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa, hindi makatarungang pagtrato at iba pang mga dahilang sangayon sa panlipunang pamantayan na tinatanggap na dahilan upang huminto sa pagtatrabaho ang manggagawa. Ito ay kailangang tumutupad sa notipikasyon ng direktor ng MOEL.

hindi kasama sa bilang
3. kanselasyon ng employment permit, limitasyon sa pagbibigay ng trabaho sa dayuhang manggagawa

kasama sa bilang
4. paglabag sa mga kondisyon ng pagtatrabaho o paglabag sa kontrata o batas ng EPS, hindi makatarungan pagtrato

kasama sa bilang
5. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1)

kasama sa bilang

3. pagkakasakit, aksidente (artikulo 30, blg.1)

kasama sa bilang

o Samakatuwid, malinaw sa nasabing nirebisang batas ang tatlong pangunahing dahilan na tinatanggap bilang mga kadahilanang hindi kasalanan ng dayuhang manggagawa:

l Una, kapag napatunayang dahil sa pagkalugi o pagsasara ng kumpanya’y hindi na maaaring magtrabaho pang muli

- ~ pagkalugi at kawalan ng trabaho, tuluyan ng pagsasara dahil sa pagkalugi ~pagkatanggal sa trabaho upang maisalba ang kumpanya ~ kung biglang ayaw tanggapin ng employer ang manggagawa sa kanyang unang pagpasok ng sa bansa at bago siya mailipat sa kanyang kumpanya, atbp.

l Ikalawa, hindi na makapagtrabahong muli ang dayuhang manggagawa dahil sa paglabag ng employer sa mga kondisyon sa pagtatrabaho (employment conditions) o hindi makatarungang pagtrato

- ~ paglabag ng employer sa employment conditions ~hindi pagbibigay ng sweldo o naantalang pagbibigay ng sweldo ~hindi makatarungang pagtrato (pambubugbog (physical assault), kinagawiang berbal na pang-aabuso (habitual verbal abuse), sexual harassment, panggagahasa, hindi makatarungang diskriminasyon, atbp.)

l Ikatlo, kung kinansela ng kinauukulang institusyon ang employment permit ng employer o kung nakatanggap sila ng limitasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa.

o Sa pamamagitan ng notipikasyong ito, inaasahan na maging malinaw at mas magiging maaayos ang pagpapatupad ng nasabing batas ukol sa dahilan ng pagpaparelease ng mga dayuhang manggagawa.

l Bukod pa rito, sa pangangasiwang pang-internal, kung dati’y laging nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa hindi malinaw na pamantayan tungkol dito, inaasahan na mas bababa ang mga kaso ng argumento kaugnay ang nasabing bagay.

o Ayon kay Tae-hee Lee ng Workforce Management Department, “sa pamamagitan ng ipatutupad na notipikasyong ito, inaasahang mas mapapabuti ang pag-unawa tungkol sa pagpaparelease at maiiwasan na rin ang mga argumento tungkol dito.” Dagdag pa niya, “pinaplano namin ang mas makatwirang pagpapatupad ng batas upang sa ganoon ay hindi na malagay sa hindi magandang sitwasyon ang mga dayuhang manggagawa, lalo na’t hindi nila kasalanan ang paglipat ng pinagtatrabahuhan at upang maiwasan rin ang madalas na pagpapalit nila ng trabaho na maaaring magdulot ng paglala ng kakulangan sa manggagawa ng mga maliliit na kumpanya.”
dericko
dericko
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 466
Age : 46
Location : gimpo city
Cellphone no. : 010-2288-0478.... .
Reputation : 21
Points : 902
Registration date : 09/06/2010

Back to top Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty Re: revise na batas tungkol po sa release...

Post by onatano1331 Sun Jul 08, 2012 12:11 am

maraming salamat sa inpormasyun kabayan...
onatano1331
onatano1331
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 480
Location : hwaseong ,kyoung gi do
Cellphone no. : 010-5941-6429 or 010 2891 5499
Reputation : 3
Points : 935
Registration date : 19/08/2008

Back to top Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty Re: revise na batas tungkol po sa release...

Post by bloodyjapz Sun Jul 08, 2012 12:58 am

eh ung s case ko pre mkakabalik pb ako, kc ndi ko natapos contract ko, nka one(1) year and three(3) months lng ako... maraming slamat pre
bloodyjapz
bloodyjapz
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 146
Reputation : 3
Points : 463
Registration date : 09/06/2012

Back to top Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty Re: revise na batas tungkol po sa release...

Post by jamescute31 Sun Jul 08, 2012 10:44 pm

salamat sa info.kabayan cheers
jamescute31
jamescute31
Konsehal ng Bayan
Konsehal ng Bayan

Number of posts : 667
Location : marikina city
Cellphone no. : 09464279771
Reputation : 3
Points : 1214
Registration date : 04/03/2012

Back to top Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty Re: revise na batas tungkol po sa release...

Post by dericko Mon Jul 09, 2012 2:14 am

pwede po... basta naka pasa ka ng klt exam pwede po yan....wala ka namang nilabag na labor law...
dericko
dericko
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 466
Age : 46
Location : gimpo city
Cellphone no. : 010-2288-0478.... .
Reputation : 21
Points : 902
Registration date : 09/06/2010

Back to top Go down

revise na batas tungkol po sa release...  Empty Re: revise na batas tungkol po sa release...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum