SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

5 posters

Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:06 pm

Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabula)

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong

“hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni Pagong

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing

Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong

Nag-isip ng malalin si Matsing

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Sabi nga:

Tuso man ang matsing, naiisahan din.

- W A K A S -


Last edited by Bibimpap_Kuchuchang on Fri Mar 11, 2011 1:30 pm; edited 1 time in total
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:14 pm

ANG ALAMAT NG PINYA

Noong
unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay
si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa
ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng
ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging
ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng
ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.





MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Pinya2
Isang
araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng
gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni
Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay
dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang
gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita
ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman
ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang
bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling
Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y
magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at
hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si
Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan,
wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak
ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap
niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang
kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni
Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran.
Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan
ng mata.MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Pinya
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na
sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap.
Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang
kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag
itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging
pinya.


Last edited by Bibimpap_Kuchuchang on Fri Mar 11, 2011 1:26 pm; edited 1 time in total
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:23 pm

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Makahiyathumb

ANG ALAMAT NG MAKAHIYA


Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.
Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.
Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.
Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.
Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.
Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.
Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.
“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska
Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.
Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.


Last edited by Bibimpap_Kuchuchang on Fri Mar 11, 2011 1:26 pm; edited 1 time in total
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:25 pm

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Uo8ioi7

ANG ALAMAT NG KASOY


Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.

Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:38 pm

Ang Lobo at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas
," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon
," ang sabi niya sa sarili.


Mga Aral:

Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim
na ubas"
dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.

Ang sour-graping o pagsasabi ng "sour grape" o "maasim na ubas" ay
maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa
sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto.


Mga halimbawa.

Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang
nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay
maaaring magsabi ng "hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto."
Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang.

Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay
dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan
tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil
ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal.
Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Mar 11, 2011 1:45 pm

SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan,
pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa
pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad
na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may
tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni
Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan
din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa
ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang
naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang
pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako,
ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa
ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing
kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang
magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.
Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang
magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan.
Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa
may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak
pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan
ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina
sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag
umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga
iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka
siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na
pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na
may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by SULYAPINAY Fri Mar 11, 2011 2:32 pm

lol! Kwentong pambata.hehe MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) 715310
SULYAPINAY
SULYAPINAY
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 99
Age : 38
Location : QC
Reputation : 3
Points : 103
Registration date : 25/02/2011

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Faxman Fri Mar 11, 2011 3:38 pm

Wow
Faxman
Faxman
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 171
Age : 40
Location : gyeongsangnam-do jinhae
Cellphone no. : 01025976258
Reputation : 0
Points : 329
Registration date : 28/11/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by erektuzereen Fri Mar 11, 2011 6:36 pm

tawa tawa ,e alamat ng itlog n PULA merun k?... tawa idol
erektuzereen
erektuzereen
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1296
Location : REFUGEE CAMP..
Reputation : 18
Points : 1922
Registration date : 11/10/2010

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by aldin Sat Mar 12, 2011 11:18 pm




,,,,,,,,,!??????
aldin
aldin
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 223
Age : 47
Location : chung-cheong buk-do jincheon gun gwanghaewon myeon kumkukri 395-1
Reputation : 3
Points : 290
Registration date : 03/12/2008

Back to top Go down

MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang) Empty Re: MGA KWENTO ALAMAT AT PABULANG PILIPINO (Kwento ni Lola Basyang)

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum