SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

HELE NI NANAY

4 posters

Go down

HELE NI NANAY Empty HELE NI NANAY

Post by Uishiro Fri Feb 11, 2011 11:38 pm

Entry #32

HELE NI NANAY

Ako'y isang maralitang hindi likas na makata,
Ngunit sadyang aking hilig ay paggawa nitong tula,
Kung ang buhay ko na hiram babawiin ni Bathala,
Nais kong sa buong mundo mapansin ang huling akda.

Kung ito ang huling tula na aking susulatin,
Ito'y aking iaalay sa ina kong ginigiliw,
Sa akda ay ilalakip taos pusong panalangin,
Upang sa kanyang karamdaman aking ina ay gumaling.

Kung ako ay manlililok sana aking iuukit,
Kung ako ay isang pintor sana aking iguguhit,
Sana'y aking aawitin kung ako ay mang-aawit,
Ang paalam sa aking ina sinisinta't iniibig.

Pagkat ako'y isinilang na kalahi ni Balagtas,
Patula kong sasambitin ang paalam sa inang liyag,
Sa akda ko'y ilalakip taos pusong pasalamat,
Sa ina kong minamahal na sa langit ay nagbuhat.

Ang ganda nitong mundo ay aking nasilayan,
Nang dahil sa aking ina na labis kong hinihirang,
Anumang bagay ang nakamit lahat ito ay aking utang,
Sa ina kong iniirog natatanging kayamanan.

Bago ako ay tuluyang sa mundo ay lumisan,
Nais kong muli ay marinig ang Hele ng aking nanay,
Ang hele na natatangi sa akin ay dumuduyan,
Nagdudulot ng ligaya sa puso kong nalulumbay.



Guys paki suportahan po natin ang isa nating ka tropa paki boto po ang entry number 32 at 74..lima po dapat ang iboboto nyo bahala na po kayo sa 3 basta po yung 2 entry 32 at 74 po..salamat po ito po yung link kung san pede po kayong bumoto ..salamat po

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1414483380687&set=a.1414473020428.49924.1790662212&theater
Uishiro
Uishiro
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1267
Location : Farmville sa Gyongi-do
Reputation : 12
Points : 1590
Registration date : 27/05/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by Bibimpap_Kuchuchang Fri Feb 11, 2011 11:45 pm

na antig ako katoto.
Bibimpap_Kuchuchang
Bibimpap_Kuchuchang
Mayor ng Bayan
Mayor ng Bayan

Number of posts : 712
Age : 47
Location : Gimpo SoKor
Reputation : 6
Points : 935
Registration date : 11/12/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by Uishiro Fri Feb 11, 2011 11:46 pm

Bibimpap_Kuchuchang wrote:na antig ako katoto.

kaantig antig ba? boto na hehehehe...
Uishiro
Uishiro
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1267
Location : Farmville sa Gyongi-do
Reputation : 12
Points : 1590
Registration date : 27/05/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by jastrid Sat Feb 12, 2011 7:40 pm

sana nandyan na ako para maka pag submit din ako ng entry ko...

but for now...i will just share my talents muna dito ... Very Happy
jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by msvaldez Sat Feb 12, 2011 7:52 pm

kading ayos ang tulay mo!fan mo na ako mula ngayon!
msvaldez
msvaldez
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 101
Age : 44
Location : SOUTH KOREA
Reputation : 0
Points : 137
Registration date : 18/05/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by jastrid Sat Feb 12, 2011 8:12 pm

Para sa iyo aking Ina
Jastrid


Utang ko sayo ang aking buhay
Buhay na binigyan mo ng kulay
Mga sakripisyo mo araw-araw
Ay nagsisilbi kong tanglaw

Kulang ang pasasalamat sayo
Para tanawin ang nagawa mo
Nag iisa ka sa puso ko aking Ina
Yan sana ay iyong madama

Ngunit sadyang ang buhay ay hiram
Kay bilis ng iyong pamama alam
Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon
Makasama ka pa ng mahabang panahon

Masakit man ang iyong pagkawala
Sa Dios ako ay walang pagdududa
Dahil batid ko ang kanyang nais
Ito man ay isang hapis

Sayo aking Ina itong aking tula
Tinipa para sa isang Inang dakila
Saan ka man naroroon ngayon
Pagmamahal mo ang sya kong baon
[b]
jastrid
jastrid
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 128
Age : 46
Location : Jeollabukdo,South Korea
Reputation : 0
Points : 162
Registration date : 07/07/2010

Back to top Go down

HELE NI NANAY Empty Re: HELE NI NANAY

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum