PUSONG MAPAGMAHAL
2 posters
Page 1 of 1
PUSONG MAPAGMAHAL
PUSONG MAPAGMAHAL
Bro. Joel Tavarro
"Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog Niya ang kanyang buhay bilang halimuyak na hain sa Diyos“. ( Efeso 5:2 )
Bro. Joel Tavarro
"Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog Niya ang kanyang buhay bilang halimuyak na hain sa Diyos“. ( Efeso 5:2 )
Kaybilis nang panahon… buwan na naman ng pag-ibig. At kung usaping pag-ibig ang tinutukoy halos ang lahat ay kinikilig. Kahit magpabalik-balik pa nang kuwento nito ay hindi nakasasawang pakinggan lalo na kung ang tao ay ganap na umiibig. Hay….. ang pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat masunod lamang. Lumang kataga subalit hanggang sa kasalukuyan ay umiiral pa rin at masarap pakinggan. Ang pag-ibig ay may iba’t ibang mukha ito ay ang “Familial” tumutukoy sa pag-iibigan ng magkapamilya o magkadugo “Phileo“ pag-ibig na mamamalas sa mga magkaibigan na walang halong malisya. “Agape“ ang walang hanggang pag-ibig na hindi naghihitay nang anumang kapalit tulad ng ipinamamalas ni Kristo Jesus para sa sangkatauhan. At “Eros“ ang pag-ibig naman na naghahari sa mga mag-asawa o magkasintahan. Minsan kahit sabihing isang hangal ay hindi pa rin iniintidi o winawalang bahala nalang ang naririnig na pangungutya buhat sa iba. Sapagkat ang pag-ibig daw ay bulag at bingi. Marahil tama nga sila, dahil mayroong mangingibig na kahit nasasakatan ay tinitiis pa rin huwag lamang maglaho sa buhay nila ang pinakamamahal. Ang pag-ibig ay maikukumpara sa hangin na kailangan ng ating katawan upang mabuhay. Nakatutuwang isipin na kapag umiibig ang isang tao ang lahat ng bagay o nasa paligid niya ay maganda at hindi maintindihan kung anong kagalakan ang bumabalot dito kapag nasisilayan na ang minamahal. Tila isang bitamina nakapagdudulot ng kakaibang istamina o lakas sa atin. Ganado sa lahat ng bagay dahil mayroong inspirasyon na kumikiliti sa ating puso. Kung magagawa lamang natin na hatakin o pabilisin ang pagtakbo ng bawat araw upang muling masilayan ang iniibig ay gagawin natin. Kung iniibig natin ang isang tao lahat ng bagay na nasa kanya ay handa nating tanggapin kahit na ang kanyang kahinaan at ang madilim na nakaraan. Sadya ngang walang mata ang pag-ibig.
Natuturuan ba ang puso na magmahal? Minsan may nagtanong sa akin, napaisip ako ng matagal. Naglaro sa aking isipan na dipende kung ang mamahalin ay handang tapatan ang nadarama para sa umaasang puso na mamahalin din siya. Oo nga’t pag-ibig na rin matatawag na ang kapuwa natin ay hindi ginagawan ng masama o ikapapahamak nito. Kaya nga, dipende sa uri ng pag-ibig na dapat matukoy kung ano ang motibo. Nakalulungkot kung minsan na may mga babaeng binubugbog subalit hinahayaan na lamang ang kanyang kasintahan o asawa sa gawin sa kanya ang ganun, totoo kaya yun? Pag-ibig nga bang matatawag yun? Ang pagkakaalam ko sa pag-ibig ay puno ng pagmamahalan at handang magbata sa hirap at ginhawa, mapanuyo at hitik sa lambingan, maalalahanin at mapag-aruga. “ Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak nito ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang sa wakas “ ( 1 Corinto 13: 4 -7 ).
Katulad ng pag-ibig na alok ni Kristo para sa atin, kahit na palagi tayong nagkakasala nariyan pa rin ang walang hanggang pag-ibig Niya. Tao lamang ang naghuhulagpos sa nakalulunod at nakalululang pagmamahal ng Diyos. Tao rin ang pumipili kung bakit nagkakasala dahil sa maling pag-ibig. Kaya gumising ka! Oo, ikaw nga… Namnamin mo ang pag-ibig ng Diyos para na rin sa iyong ikabubuti. Kung ating pagsusumikapang basahin ang Banal na Aklat na naitala sa buong kabanata ni propeta ( Isaias 53 ). Dito ay sinasabing isusugo ng Diyos ang kanyang bugtong na anak upang ipamalas sa lahat, na tayo ay Kanyang iniibig sa kabila nang tayo ay makasalanan. Magbabata at magdurusa subalit hindi nagmaktol o nagreklamo kahit gaputok. Magsasakripisyo upang matubos sa pagkakasala na dapat tayo ang dumanas at hindi Siya. “ Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya “ ( Juan 3:16 ). Sapagkat ang tunay na pag-ibig ay nagmumula lamang sa Diyos. Kung ang sentro ng pag-ibig natin ay palaging nasa kay Kristo lalo na sa mag-asawa o magkasintahan masasabing matibay na muog dahil ang Panginoon lamang ang tanging saksi at sanggalang sa mga sasalakay dito.
Hay… napakasarap talagang pag-usapan ang pag-ibig. Hindi naman masama ang humanga sa kapuwa lalo na kung talagang siya ay kahanga-hanga, basta bigyan lamang ng limitasyon o hangganan ang ating sarili. Halimbawa na humahanga tayo sa isang tao sabihin nating “Ang galing talaga ni Lord, napakahusay ng pagkakahubog o pagkakalikha sa taong ito” hindi ba nangibabaw pa rin ang pag-ibig sa Panginoon?

Joel Tavarro- Kagalang-galang na Mamamayan
- Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008
Re: PUSONG MAPAGMAHAL
alinecalleja- Senador
- Number of posts : 2558
Location : asan si chung chungnamdo
Cellphone no. : 01030441876
Reputation : 0
Points : 3110
Registration date : 29/09/2009
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888