SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

A mother of all our Woes by freakish_alien

3 posters

Go down

A mother of all our Woes by freakish_alien Empty A mother of all our Woes by freakish_alien

Post by freakish_alien Sat May 03, 2008 12:13 pm

Ang Ina sa Lahat ng ating Pangamba

…….. Dahil pandesal ang batayan ng mabuting Ina

Sa isang tipikal na kaanyuan ng pamilyang Pilipino, sa banta ng krisis, sa kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan… Saan mo hahanapin ang mabuting Ina? Sapat na bang may nakahaying pandesal sa umagahan? Batayan ba ng pagiging mabuting ina ang bigyan ang anak ng diploma sa dingding, pagkain sa hapag kainan, isang desenteng bahay?

Saan at paano pa natin hahanapin ang isang mabuting Ina?

Kung iisipin at huhukayin ang tunay na kailngan ng isang anak, hindi sapat na batayan ng isang mabuting ina ang punan at tustusan ang pangangailangan ng katawang-lupa ng isang anak. Maraming pangangailangan ang isang anak na hindi nakikita at nabibigyang pansin. Sa kasaysayan at mga lathalain, sinasabing nasa aming mga kabataan-nakasalalay ang kainabukasan ng bayan at ng simbahan, malaki ang responsibilidad ng isang ina upang tawagin s'yang mabuting Ina.

Mula sa ugoy ng duyan nagsisimula na kaming magtanong. Sa bawat patak ng luha at iyak namin sa inyong kandungan, hinahabi din namin ang mga tanong sa mundong bago sa aming panlasa at paningin.. Kasabay ng pag-aaral namin ng aming unang alpabeto, ng aming unang mga tula, ng aming mga unang mga himig. Mula sa pagkabata hanggang marating namin ang ikalawang bahagi ng buhay , dumarami ang aming pagtatanong. Nadaragdagan ang pangailangan namin, maswerte kami dahil alam naming nariyan kayo para kami ay gabayan, at alam naming hindi kayo nakakalimot sa pangangailangan ng aming katawang lupa.

Sa paglakad namin sa dalampasigan ng buhay, may takot kaming nadarama sa kung ano ang darating na bukas, hindi namin alam kung saan kami dadalahin ng pagkakataon, kung saan sirkulo ng buhay sa ibabaw ng lupa kami masasadlak. Maraming mga bagay na nais naming tuklasin, mula sa aming sarili, sa aming mga kaibigan, kung anong propesyon ang mabuti para sa amin, sa mga tao at paligid. Naguguluhan kami sa iba't-ibang aral ng mundo. Mula sa adbokasya ng simbahan at adbokasya ng pamahalaan, hindi namin alam kung ano ang mas dapat naming paniwalaan, isabuhay at sundin. Iniisip namin kung ano ang intensyon ng mundo at ng tao para sa amin. At higit sa lahat kung ano ang intensyon ng Diyos para sa amin.

Kaya mabuting ina kayo para sa amin kung parehas ninyong natutugunan ang pangangailan naming inyong mga anak, ang pang-katawang lupa at pang-esperitwal. Kailngan namin ang isang ina sa mga oras na humihina ang aming esperito at paniniwala. Ang ina nagsasabi sa anak na "Anak sa Diyos ka kumapit" .Kailngan din namin ang isang ina na nagsasabing mas masarap mabuhay ng simple na nasa landas ng isang pagiging mabuting alagad ng Diyos. Kailangan din naming ang isang Idolo, ang isang ina na naglilingkod sa tao at simbahan, naghahatid ng mga aral ng Diyos , ang ina na nagsasabi sa anak ng mga nilalaman ng mabuting salita o bibliya.

Kailngan namin ng isang ina na magpapaliwanag ng maling paniniwala at pagkaunawa ng karamihan sa atin sa salitang binitiwan ng mga pari ang "Kaawaan mo ang mga naghihikahos" itoy hindi naghihikahahos sa pinansyal kundi naghihikahos na esperito ("Blessed the poor" it is not poor financially but poor in spirit). Kailangan din ng isang anak ang isang inang nakaagapay sa mga pagkakataong naguguluhan sa pangyayari ang isang anak, lalo pa kung ang isang anak ay may ibang prinsipyo at nalihis sa paniniwalang pangsimbahan. At ang inang nagsasabing "nangyayari ang lahat dahil ito ang gusto ng Diyos para sa'yo" bagay na pipigil sa amin upang saglit na matigil at gamutin ang lumalayong paniniwala.

Malalim at parang mahirap mahanap isang mabuting Ina sa sitwasyon at mayroon ngayon ang mundo. Mahirap din sa isang ina na mag-pakabuting ina sa pagkakataong naglalayag at naghahanap s'ya ng pagkukunan ng pagkain ng katawang lupa ng isang anak, mahirap dahil kailangan lumayo ang isang ina, kailangan maging isang inang OFW.

Subalit nasaan ka man mahal naming mga ina, laging nakaagapay ang Diyos at hinihintay lamang kayo para patunayan sa inyong mga anak na kayo'y isang mabuting Ina. Ano man ang layo ng dagat sa pagitan ninyo sa inyong mga anak, hayaan ninyong pagtapuin kayo ng Dioys sa pusod ng pag-ibig-sa pusod ng pagiging alagad ng Diyos. Gamitin ninyo ang technolohiyang mag-uugnay sa inyo para iparating sa Anak ang katagang "Anak napuno ako ng pag-asa at pag-ibig dahil sa paglilingkod ko sa Diyos".


Happy Mother's Day!!!

freakish_alien
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Age : 46
Location : Island Philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/03/2008

Back to top Go down

A mother of all our Woes by freakish_alien Empty Re: A mother of all our Woes by freakish_alien

Post by amie sison Tue Jul 29, 2008 12:24 pm

maraming maraming salamat po...being a mom is more than any treasure. the pregancy,giving birth, and motherhood are the best achievement of being a woman.

mother's day! wow...i feel so special that day. it's like a combined event for me and my son.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

A mother of all our Woes by freakish_alien Empty Re: A mother of all our Woes by freakish_alien

Post by chayen Sat Aug 16, 2008 8:23 am

tnx for sharing

hanga ligaw
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

A mother of all our Woes by freakish_alien Empty Re: A mother of all our Woes by freakish_alien

Post by amie sison Fri Aug 29, 2008 1:46 pm

i admire your articles..i also read some of these at onfino.com
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

A mother of all our Woes by freakish_alien Empty Re: A mother of all our Woes by freakish_alien

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum