SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

+33
reycute21
OegukSaram
jay21korea
henry25
simpleperorock
kaiwheyna
gelyn
axl
dizon7016
nonoy34
acidicboi69
kellyboei
zhel1976
jaerith14
erektuzereen
swoopcel07
eps_daegu
animaselisa
otonsaram
siul_sopmac71
denner
drakejosef
giedz
barcheliah
bhenshoot
chousik
Uishiro
ernie obias
gmylene96@yahoo.com
josephpatrol
boy034037
jaiemz
zack
37 posters

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by zack Tue Oct 26, 2010 8:27 pm

Magandang araw mga kabayan!

Una po sa lahat, kaya ko po naisipang gumawa ng thread na ito ay dahil sa marami sa ating mga kababayan na kabilang sa KLT 6 na nakarating na dito sa South Korea at nagsimula ng magtrabaho ang may sari-saring reklamo at marami ay nagnanais na magparelease na agad.

Ang mga susunod kong sasabihin ay aking personal na opinion at payo para sa mga bagong dating upang sa gayon ay mas maintindihan natin ang sitwasyon ng pagtatrabaho, ng kalagayan at karapatan ng bawat EPS at higit sa lahat, ay ang mas malaking magiging epekto na magsasalamin kung anu ang magiging imahe sa pangkalahatan ng Manggagawang Pinoy sa mata ng mga Koreano base sa nagiging trend/gawi/gawain ng mga Pilipino partikular sa mga bagong dating na EPS.

Una po, noong nasa Pinas, lahat po tayo ay binibigyang babala na ng ating mga namumuno sa POEA at sa iba't ibang sangay ng gobyerno na kabilang sa mga nagtutulong tulong upang makapagpadala ng lakas-paggawa dito sa Korea tungkol sa uri ng trabaho. Hindi na po lingid sa lahat ang salitang pagsasalarawan na ginagamit, ito ay ang 3D. Dirty, Difficult and Dangerous. Dali kabisaduhin pero hindi po yata inintinding mabuti bago magdesisyun na pumalaot dito sa Korea upang makipagsapalaran sa trabaho. siguro wag na natin gamitin ang 3D, gawin na lang nating 3M. Marumi, Mahirap at Mapanganib.

Sa sarili mo, sabihin mo na ako ay magtatrabaho sa korea sa isang marumi, mahirap at mapanganib na trabaho. kung marumi, di ba mas nakakalamang na mabaho? o may amoy na di tayo sanay tulad ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto? Mahirap dahil kailangan mong maging pamilyar sa trabaho na inuutusan ka sa salitang di mo kabisado o ganun kapamilyar, mahirap dahil kailangan sabay sabay na gumagana ang iyong isip, ang lakas ng katawan at magka-minsan, pati mga pansariling pangangailangan tulad ng pagpunta sa palikuran ay kailangang pigilan muna bago makaalis sa harap ng makina upang maiwasan ang problema. Marami pang pwedeng pagmulan ng pagiging mahirap sa trabaho. basta mahirap ang trabaho na papasukin mo. Mapanganib, siguro magandang pamukaw sa lahat ang kaso ni kabayang eltorpedo, psensya na kabayan at sinama ko dito sa aking mga sinasabi, dahil sa napapanahon at marami ang nakabasa sa paghingi mo ng tulong dahil sa aksidenteng nangyari sa loob ng trabaho. Dito kasi sa korea, kapag mahirap at marumi ang trabaho, hindi ba takaw-aksidente? kung kaya't kinakailangan ang higit na pag-iingat at ang presensya ng pag-iisip? kung kaya't pagsamahin mo yung tatlo para mabuo ang 3D o 3M at sabihin sa iyo na ito ang magiging trabaho mo, dapat, tinanung mo ang iyong sarili mabuti at hinanda mo ang iyong puso, isip at katawan sa pagsabak dito sa Korea.

Mayroon po tayong mga karapatan, pero po bago natin buksan ang karapatang-pantao, habang nasa Pinas, marami sa atin o halos lahat ay pinaliwanagan na kung anu meron ugali ang mga Koreano. Nangunguna na diyan ang nambabatok, sumisigaw at nagmumura.
Tignan po natin ang sitwasyon na derederecho ang trabaho, kailangan matuto ka, pero di kayo magkaunawaan ng katrabaho mong koreano, malamang na hindi maiwasan na maginit ang ulo ng kasama mong koreano lalo't sinusubukan ka nyang kausapin pero di kayo magkaintindihan. Kung kaya't may ilang koreano na napapasigaw o di kaya ay napapamura minsan sa pagutos, pagpapaliwanag sa atin sa trabaho. Sa pambabatok, kahit sino syempre di papayag na batukan, pero sanay sila sa ganyan, pero sa aking obserbasyon, maliit na bilang lang ang mga ito. Subalit iyan ay dulot na din minsan ng hirap sa komunikasyon.
Sa pananadyak at iba pang klase ng pananakit, sigurado pong mali po ito kahit na anu dahilan nila, maliban na lamang kung ikaw nauna nanakit, o di kaya ay minura mo sila e ke-bago-bago mo, siguradong ikaw ang mali.

Para po sa lahat, mayroon pong isang katangian na dapat nating laging tandaan, gawin at taglayin para maging mas magaan ng konti ang mahirap na sitwasyon ng karamihan sa mga bago pa lang dito sa Korea.

Dapat po tayo ay mayroong :

Perseverance - ito na siguro ang pinakamagandang quality na dapat taglayin ng lahat ng pinoy dito sa korea.

ayon sa isang website (i-click ang link na ito
Definition of perseverance)

What is perseverance?

Perseverance is commitment, hard work, patience, endurance.
Perseverance is being able to bear difficulties calmly and without complaint.
Perseverance is trying again and again.

kung ikaw ay may dedikasyon, nagsusumikap ng mabuti, mapagpasensya, at mapagtiis, kahit siguro gaano kahirap sa simula, sigurado kahit paunti-unti gagaan ang trabaho.

Sa totoo po, bihira po siguro ang hindi nahirapan sa mga pinoy sa unang pagsabak nila sa trabaho dito sa Korea, iba-iba man ng pagkakwento, pero kung sasalain halos may magkakatulad na reklamo. Pero sa mga matatagal na, pag ganyang usapan, makikita mo tinatawanan na lang nila yung mga napagdaanan. Bakit? kasi ngayun e gamay na ang trabaho, nakuha na nila loob ng mga katrabahong koreano. Napabilib na nila sa husay magtrabaho. Nakikipagsabayan na sa kwentuhan at tawanan, lalo na sa pag-oras na kasiyahan at inuman. Pero lahat sila, dumaan sa ritwal ng hirap ng pagsisimula ng trabaho mula sa kakaunti o walang kaalaman sa lenggwahe, uri ng trabaho atbp.

Kaya wag muna po kayo magreklamo, subukan nyo muna paghusayan ang pagtatrabaho, pakikisama, at higit sa lahat pakikibagay sa mga koreano, pag nakita na nila ang mga magaganda mong katangian, makita mo sila naman ang makikibgay sa iyo. Magpapaturo kahit paisa-isang linya ng Ingles. Madadamay sa pagiging masayahin at palangiti ng isang Pinoy. Marami sa kanila di sanay makisalamuha sa banyaga, minsan tinatago ng pagsigaw at pagmumura ang kalituhan kung paano nila kayo pakikisamahan, at ipapakita na sila ang kailangan mo muna sundin bago ka nila intindihin.

Kahit po gaaano tayo kapagod, bigyan po natin ang sarili na matuto ng kahit paisa-isang salita o ekspresyon, dito po sa sulyap, bakit di mo ipost ang iyong gustong sabihin sa tagalog o english tapos ay hingi ka ng tulong sa mga bihasa sa korean kung paano mo ito sasabihin sa kausap mong koreano o kapwa banyaga na nagaaral/marunong na ng korean.

Kung marami po sa atin ang magpaparelease, makikita po sa datos ng Labor at ng iba pang ahensya na bakit nasa manufacturing na ang mga pinoy ay marami pa din ang nagpaparelease at nagrereklamo, anu ang magiging epekto nito? sa susunod mas maliit na porsyento na ng pinoy ang kakailanganin para punan ang kakulangan ng trabaho dito sa korea, marami pang bansa ang nagnanais na makapagpadala, paano kung sila ay magagaling na magsalita at maayos din sa trabaho, lalong magiging tagilid tayo sa kompitensya, kawawa ang mga nagnanais pa na makapagtrabaho dito. Bakit nga ba wala o maliit na ang job offers para sa pinoy para sa Agriculture, Fisheries, Construction atbp? Siguro ngayun may ideya ka na!

3M jobs po, kasi ang EPS po ay talagang ginawa para sa mga SMEs o Small and/to Medium Enterprises. Kaya po may maririnig kayo na family business ang employer etc. Kung napuna nyo yung post ni Kabayang Emart, malaking kumpanya sila pero pinagbawalan sila na kumuha mula sa roster ng klt/topik passers sa pinas, kasi mas pinapaboran ng labor/etc ang mga SMEs na makakuha ng mga manggagawang dayuhan. Kung kaya, ang karaniwang magagandang trabaho ng malalaking kumpanya ay bihira. Swerte ang mga mapupunta dito. Kaya karamihan, sa mga SMEs po magtatrabaho. Kaya para sa mga nasa Pinas po, wag po tayo mangarap na ang babagsakan ay sa mga malalaki at naggagandahang kumpanya. Swerte na lang po pag sa mga ganyan mapapasok.

Ang payo ko, Huwag muna agad isiping magparelease, kasi e pagnagsabi ka na magpaparelease ka, tapos wala naman pala sa tinatanggap na dahilan para makapagparelease, mas magiging mahirap sa iyo lalo ang magtrabaho dahil, bumaba na ang tingin sa iyo ng mga employer mo, nahirapan o nasigawan lang ayaw na. Sabi ng mga nakatrabaho kong koreano, na umaalis din sa aking dating napasukan, bakit kako ayaw mo pala dito di ka pa umaalis, sabi kasi nila, mas maganda na makakumpleto ka ng isang taon, para sa record, makikita na matiyaga ka, maaaring umalis ka sa trabaho dahil di ka tinaasan ng sahod, kulang ang benefits etc etc, pero aalis sya ng mganda ang record. Ganun din po dapat tayo, kasi po, para po sa kaalaman ng lahat, ngayun po ay makukuha na ang employment records sa mga labor center, kaya bago umuwi ay makukuha natin ito. Pero kung sa record mo ay makikita halimbawa sa unang taon ay 3 beses ka nagparelease, ilan duon ay di tumagal ng ilang buwan, tapos sa sumunod na 3 taon ay ganun pa din, 3 beses parelease , hindi ba kahit sabihin na 6 na taon ka sa korea, magtataka na ang makakabasa ng employment record mo na bakit 6 na taon, higit 6 n employer? masagwa yata.

Tiisin nyo lang po muna sa una nyo company, kasi wala kasiguraduhan na kung makakalipat, e mas madali, mas maganda o mas malaki ang pwede sahurin. Kapag mahusay ka na sa trabaho, minumura ka pa din, sinisigawan, subukan mo naman sabihin yung saloobin mo, kung di ka nila iintindihin, nagawa mo na lahat para mapagbuti trabaho, pakikitungo, nakiusap ka na ayusin ang pakikitungo nila sa iyo, dun ka magdesisyon na lumipat... dahil sigurado sa susunod na kumpanya, kung marami ka na alam, sa lengwahe, kultura, ugali, pagtatrabaho, atbp sa simula pa lang makikita na agad yan, sigurado, aalagaan ka pa nila.

Sabi nga, ang isang bagay na di mo pinaghihirapan, di mo mamahalin, kaya paghirapan po muna nating makuha ang mga kinakailangang katangian sa ating unang trabaho ng sa gayon, kung kinakailangan talaga lumipat, syento por syento madali kayo makakapag-adjust.

Nabanggit ko po kanina na meron sinu-sunod ang labor offices para payagan ka na magparelease, igagawa ko po iyun ng isa pang thread sa mga susunod na araw, pero para dun sa iba, magsaliksik lang po kayo sa ating site gamit ang search function, makikita nyo na ang mga ito.

Tandaan po natin, nakasalalay po sa ating mga EPS na nandito na sa Korea ang kapalaran ng mga nagnanais na mapabilang sa EPS sa hinaharap kung kaya't kung paghuhusayan ng lahat, siguradong mas malaki sa inaaasahan ang kakailanganing bilang ng mga manggagawang Pinoy na manggagaling sa ating bansa.

Iwasan po natin ang inggit, bka may makita lang tayo o marinig na maganda sa ibang kumpanya, gumawa na tayo ng paraan para makalipat. baka di po natin alam, e mas maganda pa pala sa iniwan nating trabaho yung ating lilipatan.

Mahaba-haba na itong aking naisulat, marami pa sana akong gustong sabihin, pero ang buod ng lahat, kabayan, perseverance, dagdagan mo pa ng armas ng kaalaman sa korean language, magaling na pakikitungo, at tamang kaalaman samga batas na umiiral dito sa Korea, sigurado, gagaan at gagaan ang pagtingin mo sa trabaho mo. Sa hirap ng trabaho, dapat na pahalagahan ang ating mga kikitain, kumbaga, kung ayaw mo ng mahirap ng trabaho, tyagain mo muna, ipon ka ng pangnegosyo, para di ka manatili sa pagtitiis sa trabahong mahirap at malayo sa mga minamahal sa buhay. Huwag din po tayo makakalimot sa Maykapal, lahat ng biyaya, maging ibinibigay ito sa paraang mahirap makamit, wag po nating kakalimutan, na yung mga nagkakaroon ng tsansa na makapagtrabaho dito sa Korea ay mas mapalad pa din sa mga nasa pinas na wala makitang trabaho o di kaya ay nagtatyaga sa kakarampot na sweldo.

Dalangin at hangad ko para sa lahat ng Pinoy dito sa Korea ang tagumpay ang katuparan ng lahat ng inyong mga pangarap! Pagsumikapan nating maabot ang mga ito, gaano man kahirap ang landas papunta sa isang masagana at masayang hinaharap. Mabuhay po tayong lahat! kambe
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by jaiemz Tue Oct 26, 2010 9:03 pm

salamat admin Zack,. isang npakagandang layunin at impormatibong thread.. Sana ai maliwanagan ng husto ang mga kababayan nating baguhan p lng sa Korea..

PATIENCE AND PERSEVERANCE is a virtue...!
flower
jaiemz
jaiemz
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 164
Reputation : 0
Points : 225
Registration date : 27/07/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by boy034037 Tue Oct 26, 2010 10:55 pm

Guys lets all get inspired....

boy034037
Board Member
Board Member

Number of posts : 823
Location : INCHEON, SOUTH KOREA
Reputation : 6
Points : 1326
Registration date : 27/09/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by josephpatrol Wed Oct 27, 2010 12:01 am

magandang gabi po sa lahat, maraming salamat sa ating Web Admin sa informative at inspiring message .

sa tagal po namin dito sa korea, until now po meron pang instances na nahihrapan pa rin kame sa sitwasyon at hirap ng trabaho at sa ngaun patuloy papo , na mas marami pa ako mismong dapat malamn sa pakikisalamuha sa mga koreano at mga trabahong dapat ma improve at matutunan..

akin din pong idadagdag na kung hindi kayo pasensyado sa korea , hindi po kau tatagal or posibleng maging TNT lamang... maniwala po kau

akin din gustong idagdag na about po sa nabasang kong personal messsage ni mr. obias sa kin regarding kay eltorpedo sa naaksidenteng daliri(naputol puba?!) akin pong katatapos lang kausap ang Labor attache atty. Felecitas Bay ng embahada at kasalukuyan pong wi no work-out ng embahada ang kanyang kaso. Salamt kabayan ernie orbias sa pag bigay ng info regarding kay sir eltorpedo. at kanila pong aasikasuhing mabuti ang kalagayan ng atin kababayan, sa tulong din ng OWWA and POLO (Maam Rose Ilo) and (Joey Dizon)

Gusto kupo kaung paalam na inaasikaso po tayong mabuti ngaun ng ating embahada sa mga problemang atin na eencounter ngunit kailngan din pong kau ay maging mahusay ,matiyaga, masipag at pasensyado sa trabaho.

regarding po dun sa nababatukan ,akin na rin pong naireport sa embahada kanina lamang sa pag uusap namin ng ating labor attache.pag aralan muna po bago kau ay magreklamo or magparelis, malaki po kase ang disadvantage sa madaliaang pagpaparelis.

gagawin kuna pong daan ang tread ng admin para ipaabot ang mga bagong dating sa korea kagabi lamang na sinundo ng mga taga embahada 107 po ata kulang ng isa dahil nagbackout mismo ang isang manggawa(as per labor attache Bay)

kasalukyan pong nsa mahigit kumulang na 700 daan na ang nakapasok sa klt 6. at sa pakikipag uganyan muli ng atin dating presidente arroyo ay personal po siyang nagpasalamt sa HRD korea upang ,ma appreciate ng hrd korea na tayo ay buong pusong nakagpapsalamat sa pag hire ng mga pilipino at upang matiyak ang magandang flow ng pagpasok ng manggagawa sa korea.

at kasalukuyan pong marami parin ang nahuhuling TNT dito at bago bumalik ng pampanga si governor pineda nitong nagdaang araw lamang ay may nahuling dalawang pinoy na taga pampanga na kanyan namang bibigyan tulong financial upang makabalik sa pampanga(pamasahe-personal assistance ng governor).

mas maganda pong mag aral ng salitang koreano at ihanda ang sarili sa pagpasok dito sa korea.dahil ayon sa aking nakuhang impormasyonay marami po ang papasok na eps dito. Gudnews po iyan. ayon sa aking reliable source..

ang inyo pong problema ipinopost dito ay naiparating narin ng FEWA sa pangunguna ni FEWA president Marzy at ng mga naglilingkod sa inyong mga sulyap officers.
personal kupong pinasasalamatan si sir dave/ na akin ng napasalamat ng personal ,muli po ang aking buong pusong pasasalamt sa bumubuo ng sulyap at ng FEWA/ZAck. dahil hindi po madali ang inyong ginagawa dahil may kanya kanya rin kaung mga trabaho. mabuhay po kau..at wag magsawa sa pagbibigay ng tamng impormasyon at assistance sa mga kabbayanan natin

paalala po meron pong meeting tungkol sa PAG_IBIG na gaganapin sa tongshong highskul nitong linggo oct.31st sa hyewa at inimbithan po ang sinuman na gusto dumalo sa pagpupulong.. HIndi po makakrating si vice presiddent jejomar binay sa pagpupulong

tagapag paabot nang kaunting impormasyon, pakicorrect na lang po ang iba pang mga maling info ,many thanks
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by gmylene96@yahoo.com Wed Oct 27, 2010 12:31 am

thnx po sa info sir joseph..
gmylene96@yahoo.com
gmylene96@yahoo.com
Baranggay Councilor
Baranggay Councilor

Number of posts : 340
Location : tanza,cavite phils..
Reputation : 3
Points : 441
Registration date : 30/01/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by zack Wed Oct 27, 2010 5:04 am

salamat po, para po sa mga nakakabasa, paki-repost po ng link sa FB, FS, YM status etc, para po mas marami tayo mga kaibigan na makabasa. maraming salamat sir Joseph, i believe marami na siguro tutulong kay eltorpedo, naipaabot na din namin ni kabayang Marzy sa mga kinauukulan ang kanyang problema.

Gandang umaga sa lahat, alis muna ako, pasok muna sa work.

Have a great day everyone!
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by ernie obias Wed Oct 27, 2010 10:02 am

it's really great to feel and know that despite everything, Filipinos help each other, regardless of their status...
with this information, we hope new migrant workers may enlighten their minds on whatever decisions they partake...

Mabuhay all OFWs!

ernie obias
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 92
Location : Seoul
Reputation : 0
Points : 201
Registration date : 02/07/2009

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by Uishiro Wed Oct 27, 2010 10:15 am

Thank you sir Zack....ako man din po ay nababahala sa mga nababsa ko na negatibo...at alam ko rin po na mahirap ang susuungin kong trabaho. Salamat sa mga nasabi nyong info. sa amin..maraming salamat at sana maunawaan ng mga kapwa ko KLT Batch 6 kung gano talaga kahirap jan sa Korea. Salamat sa mga payo kahit may takot at kaba ay may baon naman akong lakas ng loob sa mga nabasa ko..Salamat Po.
Uishiro
Uishiro
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1267
Location : Farmville sa Gyongi-do
Reputation : 12
Points : 1590
Registration date : 27/05/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by chousik Wed Oct 27, 2010 10:38 am

thanks po sir zack...

wala pa siguro akong karapatang husgahan yung mga kababayan nating nagpapa-release na agad o kaya ay yung mga ilang beses nang nagpapa-release... kasi wala pa naman akong experience sa korea... hindi ko pa nararanasan ang buhay dyan...

dahil isa akong first timer, wala akong ibang maiaambag kundi ang tulungang maging aware tungkol dito ang mga kasamahan natin na naghihintay pa ng employer at kahit yung mga nandyan na sa korea...

meron akong nakilala sa pila sa poea noon may 2010.. nabanggit nga nya na me mga koreanong nambabatok... meron din daw nanghihipo sa mga pribadong parte ng katawan ng babae at maging ng mga lalaki...

ang tanging apela ko lang po sa mga kababayan nating nandyan na sa korea ngayon, sana po tulungan nyo kaming magkaroon man lang ng magandang image sa paningin ng mga employers... hindi ko po sinasabing maging martir kayo at saluhin nyo ang lahat ng pambabatok at pambabastos nila... pahabain nyo lang nang kaunti ang pasensya nyo at pagbutihin pa ang pagtatrabaho... kasi hindi naman sila mananakit kung wala tayong ginagawang masama o mali...

sabi nga po, "Obey first before you Complain..."
chousik
chousik
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1247
Age : 35
Location : Tanauan City, Batangas
Reputation : 3
Points : 1444
Registration date : 27/07/2009

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by bhenshoot Wed Oct 27, 2010 11:03 am

[quote="chousik

ang tanging apela ko lang po sa mga kababayan nating nandyan na sa korea ngayon, sana po tulungan nyo kaming magkaroon man lang ng magandang image sa paningin ng mga employers... hindi ko po sinasabing maging martir kayo at saluhin nyo ang lahat ng pambabatok at pambabastos nila... pahabain nyo lang nang kaunti ang pasensya nyo at pagbutihin pa ang pagtatrabaho... kasi hindi naman sila mananakit kung wala tayong ginagawang masama o mali...

sabi nga po, "Obey first before you Complain..."[/quote]

tama ka miss chousik . madali po magparelease kung gugustuhin dahil marami pwede malapitan na tutulong. pero wag din natin abusuhin ang release.magpaparelease ng walang valid reason kaya magsisinungaling sa labor para gawan ng paraan marelease. may iba kc na magpaparelease dahil gusto mas malaki sahod o mas madali. ilan na rin ang nagparelease sa kumpanya namin dahil ayaw sa bundok, malayo sa couple o barkada at bisyo.at gusto mas malaki sahod.. isipin natin ang ibang kababayan natin na nasisira sa ganitong gawain kung kayat napipilitan silang kumuha nalang ng ibang lahi.
bhenshoot
bhenshoot
Ambassador
Ambassador

Number of posts : 2071
Age : 46
Location : Geonggi-do hwaseong-si cheongnam myeon
Reputation : 27
Points : 3004
Registration date : 20/05/2009

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by barcheliah Wed Oct 27, 2010 11:12 am

zack wrote:Magandang araw mga kabayan!

Una po sa lahat, kaya ko po naisipang gumawa ng thread na ito ay dahil sa marami sa ating mga kababayan na kabilang sa KLT 6 na nakarating na dito sa South Korea at nagsimula ng magtrabaho ang may sari-saring reklamo at marami ay nagnanais na magparelease na agad.

Ang mga susunod kong sasabihin ay aking personal na opinion at payo para sa mga bagong dating upang sa gayon ay mas maintindihan natin ang sitwasyon ng pagtatrabaho, ng kalagayan at karapatan ng bawat EPS at higit sa lahat, ay ang mas malaking magiging epekto na magsasalamin kung anu ang magiging imahe sa pangkalahatan ng Manggagawang Pinoy sa mata ng mga Koreano base sa nagiging trend/gawi/gawain ng mga Pilipino partikular sa mga bagong dating na EPS.

Una po, noong nasa Pinas, lahat po tayo ay binibigyang babala na ng ating mga namumuno sa POEA at sa iba't ibang sangay ng gobyerno na kabilang sa mga nagtutulong tulong upang makapagpadala ng lakas-paggawa dito sa Korea tungkol sa uri ng trabaho. Hindi na po lingid sa lahat ang salitang pagsasalarawan na ginagamit, ito ay ang 3D. Dirty, Difficult and Dangerous. Dali kabisaduhin pero hindi po yata inintinding mabuti bago magdesisyun na pumalaot dito sa Korea upang makipagsapalaran sa trabaho. siguro wag na natin gamitin ang 3D, gawin na lang nating 3M. Marumi, Mahirap at Mapanganib.

Sa sarili mo, sabihin mo na ako ay magtatrabaho sa korea sa isang marumi, mahirap at mapanganib na trabaho. kung marumi, di ba mas nakakalamang na mabaho? o may amoy na di tayo sanay tulad ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto? Mahirap dahil kailangan mong maging pamilyar sa trabaho na inuutusan ka sa salitang di mo kabisado o ganun kapamilyar, mahirap dahil kailangan sabay sabay na gumagana ang iyong isip, ang lakas ng katawan at magka-minsan, pati mga pansariling pangangailangan tulad ng pagpunta sa palikuran ay kailangang pigilan muna bago makaalis sa harap ng makina upang maiwasan ang problema. Marami pang pwedeng pagmulan ng pagiging mahirap sa trabaho. basta mahirap ang trabaho na papasukin mo. Mapanganib, siguro magandang pamukaw sa lahat ang kaso ni kabayang eltorpedo, psensya na kabayan at sinama ko dito sa aking mga sinasabi, dahil sa napapanahon at marami ang nakabasa sa paghingi mo ng tulong dahil sa aksidenteng nangyari sa loob ng trabaho. Dito kasi sa korea, kapag mahirap at marumi ang trabaho, hindi ba takaw-aksidente? kung kaya't kinakailangan ang higit na pag-iingat at ang presensya ng pag-iisip? kung kaya't pagsamahin mo yung tatlo para mabuo ang 3D o 3M at sabihin sa iyo na ito ang magiging trabaho mo, dapat, tinanung mo ang iyong sarili mabuti at hinanda mo ang iyong puso, isip at katawan sa pagsabak dito sa Korea.

Mayroon po tayong mga karapatan, pero po bago natin buksan ang karapatang-pantao, habang nasa Pinas, marami sa atin o halos lahat ay pinaliwanagan na kung anu meron ugali ang mga Koreano. Nangunguna na diyan ang nambabatok, sumisigaw at nagmumura.
Tignan po natin ang sitwasyon na derederecho ang trabaho, kailangan matuto ka, pero di kayo magkaunawaan ng katrabaho mong koreano, malamang na hindi maiwasan na maginit ang ulo ng kasama mong koreano lalo't sinusubukan ka nyang kausapin pero di kayo magkaintindihan. Kung kaya't may ilang koreano na napapasigaw o di kaya ay napapamura minsan sa pagutos, pagpapaliwanag sa atin sa trabaho. Sa pambabatok, kahit sino syempre di papayag na batukan, pero sanay sila sa ganyan, pero sa aking obserbasyon, maliit na bilang lang ang mga ito. Subalit iyan ay dulot na din minsan ng hirap sa komunikasyon.
Sa pananadyak at iba pang klase ng pananakit, sigurado pong mali po ito kahit na anu dahilan nila, maliban na lamang kung ikaw nauna nanakit, o di kaya ay minura mo sila e ke-bago-bago mo, siguradong ikaw ang mali.

Para po sa lahat, mayroon pong isang katangian na dapat nating laging tandaan, gawin at taglayin para maging mas magaan ng konti ang mahirap na sitwasyon ng karamihan sa mga bago pa lang dito sa Korea.

Dapat po tayo ay mayroong :

Perseverance - ito na siguro ang pinakamagandang quality na dapat taglayin ng lahat ng pinoy dito sa korea.

ayon sa isang website (i-click ang link na ito
Definition of perseverance)

What is perseverance?

Perseverance is commitment, hard work, patience, endurance.
Perseverance is being able to bear difficulties calmly and without complaint.
Perseverance is trying again and again.

kung ikaw ay may dedikasyon, nagsusumikap ng mabuti, mapagpasensya, at mapagtiis, kahit siguro gaano kahirap sa simula, sigurado kahit paunti-unti gagaan ang trabaho.

Sa totoo po, bihira po siguro ang hindi nahirapan sa mga pinoy sa unang pagsabak nila sa trabaho dito sa Korea, iba-iba man ng pagkakwento, pero kung sasalain halos may magkakatulad na reklamo. Pero sa mga matatagal na, pag ganyang usapan, makikita mo tinatawanan na lang nila yung mga napagdaanan. Bakit? kasi ngayun e gamay na ang trabaho, nakuha na nila loob ng mga katrabahong koreano. Napabilib na nila sa husay magtrabaho. Nakikipagsabayan na sa kwentuhan at tawanan, lalo na sa pag-oras na kasiyahan at inuman. Pero lahat sila, dumaan sa ritwal ng hirap ng pagsisimula ng trabaho mula sa kakaunti o walang kaalaman sa lenggwahe, uri ng trabaho atbp.

Kaya wag muna po kayo magreklamo, subukan nyo muna paghusayan ang pagtatrabaho, pakikisama, at higit sa lahat pakikibagay sa mga koreano, pag nakita na nila ang mga magaganda mong katangian, makita mo sila naman ang makikibgay sa iyo. Magpapaturo kahit paisa-isang linya ng Ingles. Madadamay sa pagiging masayahin at palangiti ng isang Pinoy. Marami sa kanila di sanay makisalamuha sa banyaga, minsan tinatago ng pagsigaw at pagmumura ang kalituhan kung paano nila kayo pakikisamahan, at ipapakita na sila ang kailangan mo muna sundin bago ka nila intindihin.

Kahit po gaaano tayo kapagod, bigyan po natin ang sarili na matuto ng kahit paisa-isang salita o ekspresyon, dito po sa sulyap, bakit di mo ipost ang iyong gustong sabihin sa tagalog o english tapos ay hingi ka ng tulong sa mga bihasa sa korean kung paano mo ito sasabihin sa kausap mong koreano o kapwa banyaga na nagaaral/marunong na ng korean.

Kung marami po sa atin ang magpaparelease, makikita po sa datos ng Labor at ng iba pang ahensya na bakit nasa manufacturing na ang mga pinoy ay marami pa din ang nagpaparelease at nagrereklamo, anu ang magiging epekto nito? sa susunod mas maliit na porsyento na ng pinoy ang kakailanganin para punan ang kakulangan ng trabaho dito sa korea, marami pang bansa ang nagnanais na makapagpadala, paano kung sila ay magagaling na magsalita at maayos din sa trabaho, lalong magiging tagilid tayo sa kompitensya, kawawa ang mga nagnanais pa na makapagtrabaho dito. Bakit nga ba wala o maliit na ang job offers para sa pinoy para sa Agriculture, Fisheries, Construction atbp? Siguro ngayun may ideya ka na!

3M jobs po, kasi ang EPS po ay talagang ginawa para sa mga SMEs o Small and/to Medium Enterprises. Kaya po may maririnig kayo na family business ang employer etc. Kung napuna nyo yung post ni Kabayang Emart, malaking kumpanya sila pero pinagbawalan sila na kumuha mula sa roster ng klt/topik passers sa pinas, kasi mas pinapaboran ng labor/etc ang mga SMEs na makakuha ng mga manggagawang dayuhan. Kung kaya, ang karaniwang magagandang trabaho ng malalaking kumpanya ay bihira. Swerte ang mga mapupunta dito. Kaya karamihan, sa mga SMEs po magtatrabaho. Kaya para sa mga nasa Pinas po, wag po tayo mangarap na ang babagsakan ay sa mga malalaki at naggagandahang kumpanya. Swerte na lang po pag sa mga ganyan mapapasok.

Ang payo ko, Huwag muna agad isiping magparelease, kasi e pagnagsabi ka na magpaparelease ka, tapos wala naman pala sa tinatanggap na dahilan para makapagparelease, mas magiging mahirap sa iyo lalo ang magtrabaho dahil, bumaba na ang tingin sa iyo ng mga employer mo, nahirapan o nasigawan lang ayaw na. Sabi ng mga nakatrabaho kong koreano, na umaalis din sa aking dating napasukan, bakit kako ayaw mo pala dito di ka pa umaalis, sabi kasi nila, mas maganda na makakumpleto ka ng isang taon, para sa record, makikita na matiyaga ka, maaaring umalis ka sa trabaho dahil di ka tinaasan ng sahod, kulang ang benefits etc etc, pero aalis sya ng mganda ang record. Ganun din po dapat tayo, kasi po, para po sa kaalaman ng lahat, ngayun po ay makukuha na ang employment records sa mga labor center, kaya bago umuwi ay makukuha natin ito. Pero kung sa record mo ay makikita halimbawa sa unang taon ay 3 beses ka nagparelease, ilan duon ay di tumagal ng ilang buwan, tapos sa sumunod na 3 taon ay ganun pa din, 3 beses parelease , hindi ba kahit sabihin na 6 na taon ka sa korea, magtataka na ang makakabasa ng employment record mo na bakit 6 na taon, higit 6 n employer? masagwa yata.

Tiisin nyo lang po muna sa una nyo company, kasi wala kasiguraduhan na kung makakalipat, e mas madali, mas maganda o mas malaki ang pwede sahurin. Kapag mahusay ka na sa trabaho, minumura ka pa din, sinisigawan, subukan mo naman sabihin yung saloobin mo, kung di ka nila iintindihin, nagawa mo na lahat para mapagbuti trabaho, pakikitungo, nakiusap ka na ayusin ang pakikitungo nila sa iyo, dun ka magdesisyon na lumipat... dahil sigurado sa susunod na kumpanya, kung marami ka na alam, sa lengwahe, kultura, ugali, pagtatrabaho, atbp sa simula pa lang makikita na agad yan, sigurado, aalagaan ka pa nila.

Sabi nga, ang isang bagay na di mo pinaghihirapan, di mo mamahalin, kaya paghirapan po muna nating makuha ang mga kinakailangang katangian sa ating unang trabaho ng sa gayon, kung kinakailangan talaga lumipat, syento por syento madali kayo makakapag-adjust.

Nabanggit ko po kanina na meron sinu-sunod ang labor offices para payagan ka na magparelease, igagawa ko po iyun ng isa pang thread sa mga susunod na araw, pero para dun sa iba, magsaliksik lang po kayo sa ating site gamit ang search function, makikita nyo na ang mga ito.

Tandaan po natin, nakasalalay po sa ating mga EPS na nandito na sa Korea ang kapalaran ng mga nagnanais na mapabilang sa EPS sa hinaharap kung kaya't kung paghuhusayan ng lahat, siguradong mas malaki sa inaaasahan ang kakailanganing bilang ng mga manggagawang Pinoy na manggagaling sa ating bansa.

Iwasan po natin ang inggit, bka may makita lang tayo o marinig na maganda sa ibang kumpanya, gumawa na tayo ng paraan para makalipat. baka di po natin alam, e mas maganda pa pala sa iniwan nating trabaho yung ating lilipatan.

Mahaba-haba na itong aking naisulat, marami pa sana akong gustong sabihin, pero ang buod ng lahat, kabayan, perseverance, dagdagan mo pa ng armas ng kaalaman sa korean language, magaling na pakikitungo, at tamang kaalaman samga batas na umiiral dito sa Korea, sigurado, gagaan at gagaan ang pagtingin mo sa trabaho mo. Sa hirap ng trabaho, dapat na pahalagahan ang ating mga kikitain, kumbaga, kung ayaw mo ng mahirap ng trabaho, tyagain mo muna, ipon ka ng pangnegosyo, para di ka manatili sa pagtitiis sa trabahong mahirap at malayo sa mga minamahal sa buhay. Huwag din po tayo makakalimot sa Maykapal, lahat ng biyaya, maging ibinibigay ito sa paraang mahirap makamit, wag po nating kakalimutan, na yung mga nagkakaroon ng tsansa na makapagtrabaho dito sa Korea ay mas mapalad pa din sa mga nasa pinas na wala makitang trabaho o di kaya ay nagtatyaga sa kakarampot na sweldo.

Dalangin at hangad ko para sa lahat ng Pinoy dito sa Korea ang tagumpay ang katuparan ng lahat ng inyong mga pangarap! Pagsumikapan nating maabot ang mga ito, gaano man kahirap ang landas papunta sa isang masagana at masayang hinaharap. Mabuhay po tayong lahat! kambe

salamat po sir zack napakaganda po ng cnabi nung yan at mga payo.. Smile

barcheliah
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 287
Location : Daegu, South Korea
Reputation : 0
Points : 352
Registration date : 22/03/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by josephpatrol Wed Oct 27, 2010 2:38 pm

sa mga gustong mag add po lalo na ang kapampangan add pampangabrotherskorea@yahoo.com sa facebook[b]
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by giedz Wed Oct 27, 2010 8:01 pm

salamat po kabayang zack...saludo po ako sa isang tulad mo n may malawak na pang unawa at malawak na pananaw sa buhay...napkalaking tulong po lahat ng binigay nyong payo...di ko pa man po nararanasan mapunta jan...naiintindihan ko po bawat nais nyong ipaliwanag...dahil dito po sa pinas isa ako sa naging manggagawa ng mga company...importante po sa tao ang sobrang tiyaga..anuman pong hirap isa yun sa puhunan natin para magtagumpay ang isang tao sa buhay...kahit anong dami ng trabahong meron tayo sa paligid kung wala tayong tiyaga wla ding saysay yun...

naway kung palarin akong makatuntong ng korea naway lahat po ng sinabi nyo ay maging sandata ko at inspirasyon para mas higit pang matatag sa buhay na susungin sa korea...at sana marating ko rin ang opisina ng fewa pagdating ng araw...

god bless po and more power..
giedz
giedz
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 597
Location : gyeonggi-do pocheon-si
Reputation : 6
Points : 909
Registration date : 14/05/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty Re: Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease!

Post by giedz Wed Oct 27, 2010 8:08 pm

salamat kabayang joseph patrol sana pag nanjan na me ma meet ko rin kayo sampu ng mga ka batch kong 6th klt...

napakalaking tulong lahat ng info nyo..naway lalo pang lumawig ang forum na ito at samahan ng mga pinoy jan sa korea...proud ako sa mga katulad nyo...

god bless po sa ating lahat...
giedz
giedz
Baranggay Captain 3rd Term
Baranggay Captain 3rd Term

Number of posts : 597
Location : gyeonggi-do pocheon-si
Reputation : 6
Points : 909
Registration date : 14/05/2010

Back to top Go down

Para sa mga EPS na bagong dating dito sa Korea at nais magparelease! Empty para po sa mga bagong dating na eps(hope it can give u some tips)gudlak to all

Post by josephpatrol Fri Nov 05, 2010 12:16 am