SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

+4
jaiemz
josephpatrol
rafael79
bhenshoot
8 posters

Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by bhenshoot Wed Oct 06, 2010 1:00 am

Nang dumating kami sa kumpanya sa korea,meron kaming nadatnan na 3 na illegal worker o TNT. 2 sa kanila ay nasa 8 taon na ang tagal. Ang pinakamatagal ay si kuya jun. 13 years na sya sa korea. Isa syang mabait, matulungin at palakaibigan.subalit 4 na buwan ko lang sya nakasama.Sa trabaho, di nya kmi pinabayaan,sa gamit na kailangan,pera at maging sa pagkabili ko ng kaunaunahang cellphone..sya ang tumayong translator. yung isa.. mahilig sa inom, myembro sya ng guardian at medyo bad influence dahilmahilig magyaya ng songtan o salaminan.. 6 month ko lang sya nakasama dahil nahuli sa city. yung isa naman..pinsan ng pinsan ni kuya jun. isa syang misteryoso. kahawig nya si noynoy aquino,panot din at laging nakangisi. mabait naman pagwalang sumpong. di nya kami inalalayan o tinuruan sa trabaho. Medyo meron syang mental problem dahil ayon kay kuya jun, lahat ng kapatid nya ay nasiraan ng ulo.tuwing bilog ang buwan, bigla bigla,siya ay nagagalit ng walang dahilan. Lahat kaming eps ay kanyang inaway ng walang dahilan.maging yung isang tnt na kasama namin ay kanyang inaway.galit sa mga eps lalo na nang siya na lang nagiisa na tnt.una nyang nabiktima ay si bay na kasama ko from cebu. sinigaw sigawan nya at hinamon ng suntukan dahil narinig daw nya na sumigaw ito sa kanya pero walang katotohanan. madalas nya kaming siraan sa aming amo at pinapahamak.Minsan naisip ko, ito siguro ang resulta ng pagkakahomesick. after 1 year na pakikisama..sa wakas, umuwi rin ng pinas. ito ang mga alaala na naranasan ko sa mga tnt na nakasama ko.. Ikaw ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan sa mga TNT na nakasama mo??
bhenshoot
bhenshoot
Ambassador
Ambassador

Number of posts : 2071
Age : 46
Location : Geonggi-do hwaseong-si cheongnam myeon
Reputation : 27
Points : 3004
Registration date : 20/05/2009

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by rafael79 Wed Oct 06, 2010 11:27 pm

Nung unang dating ko dito sa company namin ay may tatlong Pinoy TNT,syempre noong una mas maganda habang tumatagal doon mo malalaman at makikita kung sino ang ok at hindi.YUng isa ay mabait at ok sya para sa akin,yung pangalawa liliparin ka sa sobrang lakas ng ipo-ipo...Yung pangatlo sobra ang ugali,out of 100% cguro i'll give him 90% pangit ang ugali.Magnanakaw ng pagkain sa ref.,tamad,feeling bossing,lalabas na lang sa room para kumain.Tinatanggalan kami ng internet connection.Manggugulang.Meal allowance namin ninanakaw nya,di nya binibigay samin.Nagpaparemit kami sa frend nya at sya ang garantur,instead na 5% lang ang interest sa cash advance,ginagawa nyang 10% kc sa kanya na pupunta ang kalahati tapos binabago nya ang palitan,nalaman ko na lang yun nung sya ay umuwi na ng Pinas.Sipsip sa Boss namin.Mas mahaba ang oras nya sa camfrog kesa sa work nya.

rafael79
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 31
Reputation : 0
Points : 49
Registration date : 01/02/2009

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by josephpatrol Thu Oct 07, 2010 1:34 am

aus ang experiience mo sa mga tnt mr benshoot, kakatawa kaya napilitan tuluy ako mag share kahit antok nako,mostly kase nagbabasa lang ako sa sulyap about sa mga new topics

unang tapak ko sa korea, mga tnt ang unang nag turo sakin ng kulturang korea,wala masyado pilipino sa daan noon sa gwangju, may nakilala ko sa daan 2 girl TNT sila taga baguio, dahil tipid na tipid kame sa 11,000 won nun ,di kame masyado bumilbili ng card, hanggang nakasalubong namin sila at kame ay naghahanap ng phone booth,sabi namin tatawag kame pinas at kadarating lang namin, sabay abot nung isang gurl na tnt ,o ito mayrun pa yan , gamitin nyo nalang, tapos may mga nakilala ko mga tnt taga batangas ayun sobra babait nila ,libre inum dahil bagong dating lang kame,libre pa yosi at mga kwentong batangas na nakakatawa, mababait sila , den binigyan nila ko sarili service na motor ,gamitjn ko hanggat gusto ko pati kotse ni ricky taga batangas din ,pahiram nila lahat at sila rin unang nagpahiram ng pera sakin advance ng 500.000 won pang allowancwe sa pinas, dat tym walang patubo,marami sila tinuru sakin, minsan isang gabi habang ako ay tumatawag sa pon booth ,may nakilkala ko taga minalin pampanga, dahil nakita nya ko na manipis ang damit ko sabi nya punta daw muna kame sa kaniyang bahay, pinakain nya ko ng merienda ,siempre sama ko kaagad kase excited makita at makasama ang mga pilipino , bingyan nya ko jacket,cap, mga t shrt at pitaka sabi nya marami daw sia damit kase travbaho nya sa damitan hanggang nahuli na un, sila din nagturu sakin na mag computer , may kaibigan ako eps galit sia sa mga tnt (sabi nya wag daw ako magtiwala- bukang bibig nya pag nagalit daw sia papahuli nya ang mga TNT sa company nya)tingin kase nya mga kalaban ang tnt ganun din ang tingin ko nung una sa mga tnt pero nagkamali pala ko ,wala sa visa un kundi nasa pag katao ng isang migranteng manggawa sa korea kung paapaano ang magiging pakikisama nya sa kapwa nya pilipino
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by jaiemz Thu Oct 07, 2010 10:23 am

an saya nmn ng kwentuhan dito.. nais ko rin ishare un mga xperiences ko.

Nung unang dating ng grupo ko sa korea, tnt rin ang tumulong at ngguide sa amin.. may car ung isa, at xa ang nging tgapghatid nmin, kung kelangan nmin mamalengke, bumili ng phone, mg-asikaso ng ganito , gnoon, kht puyat p xa galing sa panggabing trabaho. at meron din ngbigay ng phonecard pra mktawag kmi sa pinas. fall season dating kmi korea,at wala kmi dalang makakapal n jacket, so di rin nila pnagdamot sa min un mga gamit nila, at pnpgamit p s min mga computers nila pra mkchat nmin mhal nmin sa pinas. Isinama rin kmi kung saan my phil food store (d p kmi mrunong kumain ng korean fud, anghang!) Isinama rin kmi sa hyewa pra mkita nmin ang little phil ng korea kung saan mdami pinoy. Meron din nmn dong citizen n ng korea, 17yrs ng married sa koreana n xang tumutulong sa community ng tnt don sa lugar nmin, pinakang-kuya naming lahat. Lhat mbait cla at willing tumulong.. Tinuruan kmi ng ilang mga tips pano makisabay sa buhay korea. Masaya kasama ang grupong iyon ng Tnt , Un nga lang d ako cgurado kung mrami n clang naipon dhil halos weekend-마다, meron clang gimik.. tagal n nila sa korea.8-10 yrs.. meron don nanganak n ng ilang beses at pnapauwi nlng mg-isa un baby.. D nmn ako ung tipong gimikera, kya nka-distansya ako sa knila pgdating sa mga gimikz at lakaran. May isa rin kc akong d agree sa mga gngawa nila, un ay ang pgkkaroon ng k-couple, dhil my mga pmilya cla s pinas, but then, gumagawa cla ng kalokohan don. pero sa pkikisama at overall, wala ako masabi, malaki ang nging utang n loob ko sa knila. they helped me grow.. too bad, last year, ni-raid ang company n pnapasukan ng halos 8 tnt at lahat cla nhuli, isang pinay lng n may visa ang natira, at nsabayan p ng sunod-sunod n raid sa mga bhay-bahay sa lugar n un, ..
May mga ilang pgkakataon nga n mtaas tingin ng mga my visa sa srili nila.. Un tipong pagtapak mo sa isang company, ask agad nila "my visa kb?".. at un pg sagot mo ng "wala, tnt ako.."... don prang inferiority n ang ipaparamdam nila sau. Un mga na-meet kong Tnt, humble naman at alam nila kung saan cla lulugar, they just wanna have fun, ng wla nmng naapakan.
so, TNT man o hindi, mtuto sanang mag-ipon kc hndi pnghabang buhay n merong opportunity n mbbgay sa tin habng nsa korea tau.
jaiemz
jaiemz
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 164
Reputation : 0
Points : 225
Registration date : 27/07/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by else1628 Thu Oct 07, 2010 5:40 pm

dahil sa mga tnt cra mukha ko napagkamalan akong kasama ng isang grupong kaaway nila ang masaklap wala man lang tulong sa kanila sila na may kasalanan cla pa galit tinakbo ko sarili ko sa ospital nagkaroon ako ng 2 scar sa mukha 5 inches ung isa ung isa 3 inches gumastos ako ng malaki para maibalik lng ung normal n mukha ko pero mron pa rin marka at d gaano halata. mrn mga grupo n pasimuno sa panggagago sa mga ibang lahi iba ang mayayari ung mga walang kamamalaymalay. dahil sa mga tnt kaya waiting pa rin ang iba n wala pang employer at dahil sa mga tnt marami ang nccrang pamilya. maraming kalokohan at katarantadohan ang mga tnt sa korea palibhasa illegal sila kaya kaya nilng gawin gusto nila. di nmn sa lahat pero karamihan yan ang experience ko sa korea for 3 yrs. pasensya na sa mga ntamaan pero un ang totoo at mahirap man aminin. nung unang dating ko sa korea tnt ang tumolong samen sya rin ngpahamak samen porke marung clang magsalita ng hangul sinisiraan ka na pala di mo alam. kaya pag dating sa korea mag observe muna bago maniwala.
else1628
else1628
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 69
Reputation : 0
Points : 89
Registration date : 29/07/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by else1628 Thu Oct 07, 2010 5:46 pm

masakit man dinanas ko sa mga tnt pinapasa Diyos ko na lng sila sana maliwanagan sila sa mga kalokohan nila at sana wag makarma pamilya nila
else1628
else1628
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 69
Reputation : 0
Points : 89
Registration date : 29/07/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by adjong Mon Oct 11, 2010 9:36 pm

ganyan pla nga nga tnt dto sa korea nakakatakot

adjong
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 28
Reputation : 0
Points : 93
Registration date : 26/09/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by henry25 Wed Oct 13, 2010 9:08 pm

its better to be alone than to have a bad companion! Nung una nkisama din ako s mga tnt,then na discover ko s kanila n sila ung nagnanakaw ng mga motor,kaya todo iwas ako..

henry25
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 4
Reputation : 0
Points : 14
Registration date : 01/07/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by Freeman Wed Oct 13, 2010 9:31 pm

May kaibigan akong mga TNT, mas magaling silang makisama kaysa sa mga Legal na EPS, minsan may mga EPS pa ang nagsusumbong sa kanila, although legal ako dito, I cant blame them na pumarehas dahil nasisira ang image ng mga pilipino dito sa korea, since mahirap ang buhay sa pilipinas, at kapwa ko sila pilipino, gaya rin natin sila, gusto rin guminhawa ang pamumuhay

wala pa naman akong bad experience against a TNT,

@henry, nababalitaan ko ito, ito ba yung sa seoul?
Freeman
Freeman
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 24
Reputation : 0
Points : 44
Registration date : 14/09/2010

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by bhenshoot Wed Oct 13, 2010 9:57 pm

Di lang naman TnT ang gumagawa nito..maging eps din.. meron dito sa amin sa jeongnam..eps kasabwat ang isang TnT..nagnanakaw naman ng bisikleta gamit ang bolt cutter..ibinebenta nila ito ng mas mura.. di lang po pinoy..maging ibang lahi..
bhenshoot
bhenshoot
Ambassador
Ambassador

Number of posts : 2071
Age : 46
Location : Geonggi-do hwaseong-si cheongnam myeon
Reputation : 27
Points : 3004
Registration date : 20/05/2009

Back to top Go down

TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo Empty Re: TANONG? Ano ang mga magaganda at di magagandang karanasan nyo sa mga TNT na nakasama nyo

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum