SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Daal Kikka

Go down

Daal Kikka Empty Daal Kikka

Post by zedrake Tue Jun 22, 2010 8:30 pm

Perwisyo! Ang aga-aga ubo ng ubo
Nakita na ngang natutulog ang tao
Pigilin mo na muna kasi yan lolo
Pati tuloy ako naiistorbo

Araw-araw na lang ganito ang eksena
Uubo si lolo, maya-maya dudura
Yuck! Talaga namang nakakasuka
Isa pa! Nakakasuka namang talaga!

Tapos patutugtugin yung transistor nyang luma
Papakinggan na naman ang mga antigong kanta
Tapos titingin sa akin ng nakakaloko pa
Sabay sasabihin, "Apo, Daal Kikka"

Si lolo naman talaga, ang tanda tanda na
Nagpapa-cute pa at nag-iisip bata
Makaalis na nga lang at makagala
Bago pa tong araw ko e tuluyang masira

Ang sarap-sarap gumala sa kalyeng malawak
Ang saya-saya, ako'y galak na galak
Walang maingay na ubo ng ubo
Wala si lolo, walang perwisyo

Pagbalik ko nagkakagulo na
Ang bahay namin nagliliyab na
TEKA!!! TEKA!!! Nasaan ang lolo ko!!??
Lolo!! Lolo!! Naririnig mo ba ko!!??

Lipas na ang apoy, abo na ang bahay
At sa harapan ko si lolo, wala ng buhay
Gusto kong magwala sa mga kwentuhan
Kung bakit si lolo'y di ko na naabutan

Alam mo ba, nakalabas pa sya ng bahay kanina
Oo, makakaligtas pa sana sya
Kaso nagpumilit sya na bumalik sa loob
Dahil baka magtampo daw ang kanyang apo

Kasi naiwan sa loob ang mga laruan ko
Pati ang sapatos kong paborito
Babalikan daw nya ang mga gamit ko
Dahil tiyak daw na magagalit ako

Di ko na makilala ang katawan ni lolo
Yakap-yakap pa nya ang sapatos ko
Kahit mga paa ko ibibigay ko, Diyos ko
Ibalik mo lang po ang lolo ko

Ngayon, wala na ang mga ubo ni lolo
Wala na ang lumang tugtugin sa radyo
Di ko mapigil ang agos ng aking luha
Ngayong tahimik na, tahimik na tahimik na...

Lolo, patawarin mo po ako
Miss na miss na po kita lolo
Please po lolo bumalik ka na
Lolo...
Daal na Daal po Kikka...

zedrake
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 3
Reputation : 0
Points : 9
Registration date : 09/10/2009

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum