SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SULAT NE INAY AT ITAY PARA SA ATIN

Go down

SULAT NE INAY AT ITAY PARA SA ATIN Empty SULAT NE INAY AT ITAY PARA SA ATIN

Post by msgrace7402 Mon Feb 15, 2010 1:43 pm

NOTE* Share ko lang po ito mula sa bulletin post ng good friend kung si Ricky SULAT NE INAY AT ITAY PARA SA ATIN Icon_biggrin


Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin -
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nag se-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o paki sulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas , ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana .... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
msgrace7402
msgrace7402
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 45
Age : 49
Location : Jeungpyeong-eup, Cheongju City, Chungbuk Province
Cellphone no. : 01027031326
Reputation : 0
Points : 78
Registration date : 15/08/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum