SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Kabayan... Tanong po ulit.

3 posters

Go down

Kabayan... Tanong po ulit. Empty Kabayan... Tanong po ulit.

Post by khalelzki Fri Jan 22, 2010 3:57 pm

Mga kabayan...nag inquire po kasi ulit ako sa POEA, tumawag ako sa hotline nila at nagtanong para inconfirm yung info na binigay sakin ni welkyut at tama nga po siya na mag antay nalang at ipopost daw sa site yung mga napiling registrants na pedeng kumuha ng KLT. (Thanks Welkyut)

After nila masagot, nag tanong po ulit ako sa kanila, tinanong ko po na yung registration po ba na na-postponed na dapat ay sa jan 25-29 ay iba sa e-registration? ang sagot po nila ay magkaiba daw yun.

Ngayon mga kababayan sa inyo pong kaalaman, Ano po ba yung registration na na-postponed at yung e-registration? magkaibang bagay po ba yun? Dapat ka paren ba mag register sa ipopost na date (tentative as of now) sa site ng POEA para ka ma-qualify to take the KLT? Kasi po ayokong maging kampante baka may hindi ako alam na ibang info regarding sa 6th KLT...

Salamat po sa inyong magiging tugon.

Mabuhay ang Sulyapinoy! ^_^

khalelzki
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 43
Registration date : 21/01/2010

Back to top Go down

Kabayan... Tanong po ulit. Empty Re: Kabayan... Tanong po ulit.

Post by zack Fri Jan 22, 2010 4:15 pm

khalelzki wrote:Mga kabayan...nag inquire po kasi ulit ako sa POEA, tumawag ako sa hotline nila at nagtanong para inconfirm yung info na binigay sakin ni welkyut at tama nga po siya na mag antay nalang at ipopost daw sa site yung mga napiling registrants na pedeng kumuha ng KLT. (Thanks Welkyut)

After nila masagot, nag tanong po ulit ako sa kanila, tinanong ko po na yung registration po ba na na-postponed na dapat ay sa jan 25-29 ay iba sa e-registration? ang sagot po nila ay magkaiba daw yun.

Ngayon mga kababayan sa inyo pong kaalaman, Ano po ba yung registration na na-postponed at yung e-registration? magkaibang bagay po ba yun? Dapat ka paren ba mag register sa ipopost na date (tentative as of now) sa site ng POEA para ka ma-qualify to take the KLT? Kasi po ayokong maging kampante baka may hindi ako alam na ibang info regarding sa 6th KLT...

Salamat po sa inyong magiging tugon.

Mabuhay ang Sulyapinoy! ^_^

Kabayan,

Magandang araw,

Maganda yung ginagawa mo na inaalam kung anu ang mga dapat gawin, at intindihin ng mabuti ang bawat proseso.

1. Ang unang step sa pag-aaply sa korea ay ang pagrehistro sa online database ng POEA. ito yung e-registration. Bale ito ang listahan ng mga gustong magapply sa korea. Subalit sa listahan na ito, base sa mga criteria ay mayroong mga hindi papasa or kulang sa inpormasyon o mga kwalipikasyon. Kung kaya't ito ay hindi nangangahulugan na maaari ka ng makagapply sa EPS.

2. Tulad ng iyong sinabi, maglalabas ng listahan ng mga mapipili mula sa listahan ng e-registration system, at ito ay ipopost sa poea website. Ang listahan na ito ang syang listahan ng mga maaaring kumuha ng KLT exam kung sila ay magpaparehistro.

3. Sa listahan na ito, maaaring ikaw ay mapabilang subalit kung hindi ka magpaparehistro para sa mga kukuha ng KLT. Hindi ka makakakuha ng exam. Ito yung registratrion na tinatanung mo. Dadalhin mo ang mga requirements na kailangan at maaari ka ng magantay para sa araw ng exam

4. Pagkatapos ng exam, dito na maglalabas ng listahan ng mga pumasa ang POEA. sa listahan ng mga pumasa tulad ng dati. Maaring magkaroon ng kategorya kung saan mapapabilang ang mga pumasa base sa resulta ng kani-kaniyang exam. At pagkatapos ay maglalabas ng panibagong listahan, per batch ng mga makakapagproseso na para sa Korea. Kalimitan, hinahati ito depende sa kailangan or mga bilang ng employer na kumuha ng pinoy mula sa roster ng mga nakapasa, di lang sa pinas kundi lahat ng bansa na kalahok ng EPS.

Kaya sa lahat ng mga nagnanais, hangad namin na kayo ay palarin at nawa ay matupad nyo ang hinahangad na buhay o pangarap sa tulong ng trabaho dito sa Korea.

Mabuhay po tayo lahat! cheers
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Kabayan... Tanong po ulit. Empty Re: Kabayan... Tanong po ulit.

Post by khalelzki Fri Jan 22, 2010 5:21 pm

Wow! Astig! salamat kabayan... Laking tulong talaga ng sulyapinoy.

Salamat ulit kabayan.

Mabuhay tayong lahat! ^_^

khalelzki
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Reputation : 0
Points : 43
Registration date : 21/01/2010

Back to top Go down

Kabayan... Tanong po ulit. Empty Re: Kabayan... Tanong po ulit.

Post by elaine Thu Jan 28, 2010 8:22 am

malalaman b online if nakaregistered na name sa database sa e-registration..kung hindi paano pr hindi n pupunta sa poea..ano no ang pwede tawagan to verify if nkregister n.thanks

elaine
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 1
Reputation : 0
Points : -6
Registration date : 21/01/2010

Back to top Go down

Kabayan... Tanong po ulit. Empty Re: Kabayan... Tanong po ulit.

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum