SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Bayani mula sa Century old Blog

2 posters

Go down

Bayani mula sa Century old Blog Empty Bayani mula sa Century old Blog

Post by freakish_alien Mon Mar 24, 2008 12:09 am

Naretrieved ko lang ang piyesang ito sa century old blog ko na dating hosted ng bumagsak na server companny na may url na www.alaeh.net, pero salamat sa blogspot at nakasave pa lahat ito sa url na http://jtorrano.blogspot.com. Kaya sinamantala ko na ang holy week bakasyong grande at walang sawang namasyal sa site na to... may sambayanihan na pala at yung palgn serye na pinapadala sa akin ni 3D (Daddy Dude Dong) Padre Dong ay kopya nito. Happy Ester pala sa lahat ng miyembro ng sulyapinoy.org.

Sa lahat ng Bayani para sa inyo ang piyesang ito...

Bayani

Ganyan ang kanilang kasaysayan: aalis sila

Upang hanapin ang kalayaan, dati’y mula

Sa isang mananakop, at ngayon, sa kahirapan;

Hindi sila naiiba sa isang bayani ng epiko,

Umaalis para makipagsapalaran, magbabalik

Para bawiin ang kaharian, para magpakasal;

Hindi lahat, gayunman, ay ganyan ang kapalaran,

Gaya nina Rizal, Ninoy, at Contemplacion;

Bawat araw napatutunayan nating sayang lang

Ang kanilang kamatayan, dahil kaybabaw

Ng pagkakapunla ng aral sa ating mga pagkatao;

At inuulit-ulit lamang natin ang mga kwento

Ng pagsakop, ng pagkaalipin, ng pagtataksil;

Ang inakala nating pagpapatawad at paglimot

Ay tahasan palang pagwawalambahala,

O ang katamarang maghanap ng solusyon,

At ang karuwagang harapin iyon; sapagkat

Malungkot ang mag-isip, at ang gusto nati’y

Magsaya; kaya tama na ang isang mamamatay

Para sa lahat; husto na iyon; natubos na niya

Ang ating mga kaluluwa, at maglalaan tayo

Ng isang araw para siya’y alalahanin, hanggang

Makalimutan natin kung para saan iyon;

Gaya ng katubusang hatid ng mga OFW

sa maraming napasanla—lupa, katawan, at

maging kaluluwa ng bansa—upang makatawa

Ang mga naririto habang sila roo’y binabaka

Ang kakaibang alimuom, wika at pagmumukha,

Hanggang masanay sila sa nararamdamang

Kaliitan, at ituring na iyon mismo ang halaga nila,

Ang papel ng Filipino sa isang bansang seryoso

Na may malalaking layunin at ambisyon sa mundo;

Lahat tayo’y handang gawin ito pagdating

Ng pagkakataon; nagkapare-pareho rin tayo;

Iyan na marahil ang tinatawag na kultura;

Kaya nang pinalad na makaalis si Felipe, Sr.,

Hindi lamang kanyang mag-iina ang masaya,

Maging ang gobyerno; nabawasan kasi ng isa

Ang pinangakuan ng Pangulo, at nadagdagan

Ang magtutustos ng dolyar sa ekonomiya;

Ang mahalaga ay ang tiyaking hindi ito

Babagsak sa kanyang termino, at mapatunayang

Mas mabuti ang may PhD sa ekonomiks

Kaysa wala, o ang mapabilang sa koalisyon

Kaysa walang kabilangan, at ang makinabang

Sa pagbagsak ng isa pang kawawang bansa;

Sukat ka bang idolohin, ha, Angelo dela Cruz?

Kung ang pakinabang na iyo’y sinilo mo

Sa munting siwang ng talim sa iyong leeg?

Paano haharapin ng ibang hindi nakinabang

Ang nakaambang pagtaas ng presyo ng pandesal?

Magpapatuloy ang pangingibang-bansa, pila-pila,

At mula roo’y isusulat nila sa atin ang disiplina,

Ang kalinisan, at ang kamurahan ng tinapay;

Pagkat ang kakayahang bumili ng pandesal,

Ay isang seryosong usaping pang-ekonomiya;

Hindi ito dapat balewalain ng Malaca?ang,

Dahil maaaring ilunsad ang isang rebolusyon

Sa islogang, “Kapayapaan, Lupa, Pandesal;”

Ito na nga kaya ang rebolusyong magpapauwi

Sa mga anak para sa naghihingalong ina?

Sino kaya sa kanila ang magpapakaabala?

Aarkila na ba tayo ng masasakyan, at kahit

sa lugar ng digmaan, bibigyan natin ng puwang

Ang pananabik? Iinom ba tayo, aawit habang

Nakamulagat sa alindog ng malaking TV?

Maging kasintamis kaya ng dati ang tsokolate?

Paano kung isang sulat lamang ang dumating,

Hindi kapatid, ni isang pumapayag na bayani?

Gigiyagisin kaya ang kalooban natin ng tagubiling:

“Ipalibing n’yo na… kulang pa ba ang aming padala?”

Hahantong tayo sa pinakadulong tuldok,

Na hindi mawari kung ano yaong nawawala…

At buong akala nati’y—buo silang magbabalik.

freakish_alien
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Age : 46
Location : Island Philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/03/2008

Back to top Go down

Bayani mula sa Century old Blog Empty Re: Bayani mula sa Century old Blog

Post by amie sison Fri Oct 17, 2008 12:18 pm

Gusto ko ring tulungan ang ating bayan
Ngunit ano ba ang mga paraan
Mahirap yata kung ako'y nag iisa lamang
Dapat tayong lahat ay magkatuwang.

Mababa na ang palitan ng piso
Na sabi nga tayo ay may progreso
Ngunit malayo sa nasaksihan ko
Kahirapan ang nakikita saan mang dako.

Sa Ayala na aking napagmasdan
Hindi bakas ang kahirapan
Kayang bilhin kahit may tatak man
At napupuno pa rin ang mga sinehan.

Di ko na ilalayo ang aking mga mata
Kung kahirapan lang ang dapat makita
Sa mga tao sa paligid aking nadarama
Sa kawalan ng kakayahang mabuhay na masagana.

Ano ba ang dahilan sa problemang ito
Wala sa Presidente o sangay ng gobyerno
Ito ay nasa bawat pagsisikap ng tao
Kung walang sipag, wala ring asenso.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Bayani mula sa Century old Blog Empty Re: Bayani mula sa Century old Blog

Post by amie sison Fri Oct 17, 2008 12:18 pm

Gusto ko ring tulungan ang ating bayan
Ngunit ano ba ang mga paraan
Mahirap yata kung ako'y nag iisa lamang
Dapat tayong lahat ay magkatuwang.

Mababa na ang palitan ng piso
Na sabi nga tayo ay may progreso
Ngunit malayo sa nasaksihan ko
Kahirapan ang nakikita saan mang dako.

Sa Ayala na aking napagmasdan
Hindi bakas ang kahirapan
Kayang bilhin kahit may tatak man
At napupuno pa rin ang mga sinehan.

Di ko na ilalayo ang aking mga mata
Kung kahirapan lang ang dapat makita
Sa mga tao sa paligid aking nadarama
Sa kawalan ng kakayahang mabuhay na masagana.

Ano ba ang dahilan sa problemang ito
Wala sa Presidente o sangay ng gobyerno
Ito ay nasa bawat pagsisikap ng tao
Kung walang sipag, wala ring asenso.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Bayani mula sa Century old Blog Empty Re: Bayani mula sa Century old Blog

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum