SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

help po mga kababayan

4 posters

Go down

help po mga kababayan Empty help po mga kababayan

Post by boy bayo Sun Dec 06, 2009 9:20 pm

malaki po problema dito sa company namin
over ot simula pa nung september
pasok po namin 8;30 am hanggang 1am na ng umaga minsan 12 na pinakamaaga 11;30pm monday to sunday po ganyan mabigat po yng trabaho namin isa walang breaktym sa lunch at dinner 20 min.
lang sa lunch kung mabagal ka kumain papagalitan kapa ng kasamaham mo sa trabaho.problema di bayad yng breaktym namin.
pwersahang ot ginagawa sa amin dahil pag nag out kana dahil sobrang pagod ka pupuntahan ka sa kwarto mo sisigawan ka
dami salita...may mga naabutan na kmi dito na mga pinoy

ok lang daw sa kanila kasi malaki naman daw sahod oo umaabot sila 1.8 1.7 1.9 pero sagad walang rest day from sept. to feb seasonal kasi yng ot ot ng sagad dito.note po yng saturday,sunday namin 150% ang bayad ng ot nmin kahit inaabot na kami ng umaga.
ito yong reklamo namin dahil sa di maganda ugali mga kasamahan namin ng mga koreano puro mura utos yng kasamahan ko na babae eh sinagawan cia sinigawan din nia yng koreana sinumbong po sya
pujangnim namin pinagalitan kababayang kung pinay.

ginawa nung ksama ko nagpunta sa labor gusto na magparelease
inereklamo nmin lahat ng kagaguhan ng company namin pati bayad ng ot namin nagulat kami may taga labor na tumawag sa kanya bale translator sya pinay.sabi tama nman daw lahat computation ng bayad sa time namin saka di daw alam ng company ng manager namin na di kami pinagbrebreak sa lunch.pano po nangyari yon imposibleng di nila utos yon eh ang machine di pinapatay 2loy 2loy lahat ng empleyado hanguk man o wikuk saram walang breaktym.

gumanti ang company namin dahil sa nagreklamo kasama ko
kinaumagahan po pumasok na sa trabaho yng kasma ko
sinusundo sila ng samunim namin sa dorm nila tuwing umaga
nag time in na sya nakita sya ng mga taga opisina nga hanguk
nagtrabaho na sya di nia alam ni report sya ng araw na yon ng
manager namin na tumakas sya...tumawag sa kanya yng translator na pinay sa labor bat daw sya tumakas asan sya isang araw lang cia si pumasok nung nagpunta sya ng labor.

pati po ako nadamay dahil isang department kami 3 kmi don ibang ksmahan ko sa kabila.tudo utos na yong kwajang ko sa akin pati koreano ksma ko nag cr lang ako pinagalitan na ako hajima daw nawla lng ako saglit pasigaw na yong utos.sobrang hirap po dahil halos kmi na nga lahat gumawa pinag iinitan pa pati ako alam nman nila na 8;30am to 12pm pasok nmin pagod na pagod po ako pagpapawisan ka kahit winter sumasakit yng likod ko dahil nagbubuhat ako pabrika kami ng box karton nakabandle yon ng 15pcs kya medyo mabigat kinakarga ko yon sa truck na malaki.

1year 4 months na ako dito gusto ko na umalis dahil
diko na matiis trato sa akin ng ksma ko ok dati pero ngayon dina iba na trato sa akin kami nung ksma ko na babae na nagreklamo.ang trabaho kaya ko.problema ko pag nagreklamo ka binabaliktad nila pagdating sa labor.ayaw sumama ibang kasama ko dito magreklamo takot sila hanggang salita lng sila.malakas ang loob ng company namin dahil alam nilang takot mga ksma ko na matatagal na dito.
nakakatakot po dito dahil kaya nila gawin ano gusto nila

help nman po mga kababayan

tama po ba computation ng company namin sabi ng labor tama daw
pasok nmin monday to sunday
8;30am to 11;30pm or 12;00 or 1 am minsan inaabot kami ng 2 am or 3 am ng umaga mga 6 times a month september to feb ganyan pasok nmin

sinasahod namin 1.700,000 1.800.000won dipa kasama kaltas jan

ang work nmin mabigat lagi nagmamadali pali pali nagbubuhat nagtutulak work ko..pali pali dahil marami kami order tapos mga koreano walang tumatagal 1 day ayaw na kya naiiwan kami kulang lagi sa tao sobrang pagod.

help po mga kababayan

boy bayo
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 2
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 06/12/2009

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by zack Mon Dec 07, 2009 12:08 am

hello kabayan,

san ang location nyo dito sa korea so as maredirect namin kayo sa proper person/institution/organization na pwede madali makatulong s kalagayan nyo.

i will post also some recommendations later today. especially your pinoy co-worker needs to act quickly dahil nireport sya na tumakas na. try to save a copy of your payslip.

check this thread from time to time, i hope maayos agad problem nyo. God Bless
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by Dongrich Mon Dec 07, 2009 11:03 am

kabayang boy bayo,

ala eh abay d maganda yan ehh. sa totoo kabayan parang may doubt ako sa sahod niyo.sa amin nga yagan tsugan kung may overnyt ka ng dalawang linggo tapos overtime nmin from monday to friday is 2.5 hours lang...sasahod kami ng 2.2 to 2.3 million won.d nman masayado mabigat trabaho cnc operator kami ehh..how much more cguro sa inyo ilang oras overtime yan araw araw may pasok pa ng linggo ganun din na oras..kaya tama c admin zack bigay niyo info sa kanila pra matulungan kau.huwag na kayo umasa sa labor malapit sa inyo kc ibang mga taga labor ang may kalukuhan din..hope it helps.
Dongrich
Dongrich
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 255
Age : 41
Location : Changwon City,Gyeongsangnamdo,South Korea
Cellphone no. : 010-3147-9139
Reputation : 3
Points : 411
Registration date : 23/11/2009

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by welkyut Mon Dec 07, 2009 1:01 pm

naku po kuya...super marami tlgang masasamang koreano. hay

Ako rin po ngkaroon ng ganyang situasyon noong nanjan pako sa korea. 1 week nlng mauubos na ung 2months ko noon from release date ko, so nakapasok ako di-oras sa company na un..May mga TNT at EPS na doon sa pinasukan ko. At ang pinagtataka ko ay pumayag po sila sa ganoong situasyon. Na walang dinner, at super sa unpaid OT hanggng 11-12pm. (1million/mo) Ngaparelease me after some time at siyempre di me pinayagan. Isinumbong ko sa labor ang patakaran nila..pero nag ingat me dahil nga may mga tnt . Ngunit wlang ginawa ang labor dahil naturalmente, mas maniniwala sila sa kapwa nila korean.

Ngsumbong uli me sa ibng labor office at sinabihan lng ang sajang nmin ng tamang pagbabayad...at ayun wla na...wla nmn tlga silang ginagawang action...

Nakapanlulumo na sa kabila ng effort ko mag isa na magreport ay wla nmn me napala...hanggng sa ngun ang balita ko ay gnun parin ang palakad...hay

Inaabuso ang marami sa atin ngunit nananatiling tahimik para lng di mawalan ng trabaho. May point din sila...ngunit kung itoy magpapatuloy, kakayakayanin lng tayo ng mga yan. kagaya nlng ng ginawa nila sa marami nting mga teachers jan..na ginagawa na ring katulong or baby sitter. Sa kagustuhang kumita kahit mejo pinababa ang kanilang pagkatao..ay ok lng lagi....

Filipino Fighting!
welkyut
welkyut
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 191
Location : DASMARINAS, CAVITE
Reputation : 0
Points : 390
Registration date : 15/11/2008

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by boy bayo Wed Dec 09, 2009 12:24 am

try ko kuhanan ng picture time card namin tas copy ng payslip
namin dito post ko nalang dito.pero nung pumunta sa labor yng pujang namin kasi pinatawag sya sabi n pinay na translator ng labor tama daw computation ng company iniisip namin pano nagyari yon.hanggang ngyn pinag iinitan parin kaming dalawa s pwesto namin.
parang gusto ko ng hampasin ng bakal sa mukha katrabaho ko ska yng kwajang ko.
tinitimpi ko lang wala na nga kaming breaktym sa lunch pagkain diretso trabaho dahil palitan eh minsan pinapahuli aq kumain mga 1pm na or 1;30pm na aq nkakain.nakakatakot ugali ng company
namin pwede ka nila gawan ng masama.

dito po kami sa jeju island dulo ng korea
pabrika kami ng mga box kartonan.

boy bayo
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 2
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 06/12/2009

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by Dongrich Wed Dec 09, 2009 7:21 am

kabayang boy bayo,

ala ehh huwag kabayan masama yan.mas lalo pa lalala ang problema mo pagnahampas mo cla ng bakal timpi at tiis muna..d bali cla ang manakit sayo kc magbabayad yan cla sa pagkakaalam ko ha mga 30 000 000 won ang babayaran nila kung cnasaktan ka nila physically may batayan din yan ayon sa korean safety and labor laws..kaya huwag ka manakit jan baka ikaw pa ang magbayad ng ganung halaga..pwede kang lumipat ng ibang company lalo na ganyan ang kalagayan niyo jan.d na maganda yan.kung d tlaga maayos ng labor niyo jan sa jeju patulong kna sa POLO or sa FEWA organization..kahit anong oras pwede ka lumipat basta may release paper kang dala..cge ingat..
Dongrich
Dongrich
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 255
Age : 41
Location : Changwon City,Gyeongsangnamdo,South Korea
Cellphone no. : 010-3147-9139
Reputation : 3
Points : 411
Registration date : 23/11/2009

Back to top Go down

help po mga kababayan Empty Re: help po mga kababayan

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum