Just sharing to you All
+3
johntiae
alonakeum
neon_rq
7 posters
Page 1 of 1
Just sharing to you All
Just sharing to you all...
Filipino
Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay
hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang
paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono,
katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi
nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating
buong bansa.
Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong
sarili na maipagmamalaki sa mundo..
Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho
sa Orchard Road (parang EDSA) m ula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang
parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa
shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag
Ramadan sa Dubai.
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang
takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng
kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa
ibang tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per
hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis
"Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng
sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga
papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang
banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa
sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa
lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng
systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging
ganyan sa Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic
Administrator na si Gordon ay may katwiran ng
sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay
pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye,
tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan
sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano
ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan?
Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa
tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat
maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din
sa Japan .
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno
at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng
pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang
lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit
hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura
sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng
anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang
hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga
dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng
kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta
ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas
tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba,
kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na
hindi natin iniisip ang ating katungkulan na
ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag
nakikita natin ang karahasan sa kabataan,
pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa,
samantalang sinimulan natin ito sa hindi
pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng
tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang
magbago. Ano ang magagawa kung ako lang
ang magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sangkap ng sistema?
Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo
ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang
syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan.
Pero hindi kasama IKAW at AKO.
Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong
handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili,
pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas
na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong
mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr.
Clean na dumating at maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo.
Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik
ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika
upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin
sa kanilang sistema.
Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo
tayo sa Japan o Hongkong.
Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa
Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano
patungong Gitnang Silangan.
Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip
at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa.
Walang nag-iisip na handugan ang sistema.
Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera.
Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay
matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan
ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa
konsyensya.
Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang
mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa
upang maitugma sa ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa
ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat
upang ang Pilipinas ay maging tulad ng
Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas
sa atin.

neon_rq- Co-Admin
- Number of posts : 2223
Age : 37
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008
Re: Just sharing to you All
thanks po sa pag share...
alonakeum- Kagalang-galang na Mamamayan
- Number of posts : 199
Age : 38
Location : eunpyonggu,seoul
Reputation : 6
Points : 268
Registration date : 29/07/2009
Re: Just sharing to you All
salamat sa pag share mo kaibigan,lahat ng nasabi sa talata tama, bakithindi natin tulungan ang ating sariling bansa para maging maayos at maunlad,at hindi ibang bansa lagi ang ibinibida natin, hindi naman sariling ating sana maging inspirasyon ito para kumilos tayo,
johntiae- Tapat na Mamamayan
- Number of posts : 108
Age : 48
Reputation : 0
Points : 241
Registration date : 27/08/2009
Re: Just sharing to you All
Salamat Kabayan...
brylle_71- Mamamayan
- Number of posts : 14
Age : 52
Location : South Korea
Cellphone no. : 010-31431843
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 18/10/2009
Re: Just sharing to you All
tama yan kabayan ang pagbabago ay kelangan sa ating mga sarili muna mag umpisa.salamat pre sa pag share.
arcarn- Super Sipag na Mamamayan
- Number of posts : 82
Age : 46
Location : Batangas Philippines
Cellphone no. : 0916-2700408
Reputation : 0
Points : 271
Registration date : 29/11/2009
Re: Just sharing to you All
very well said kabayang neon...
Tama nga naman di ba?bakit kapag bansa natin ang pinaguusapan puro pintas na lang at puna ang naririnig sau?.Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas,simulan natin sa mga sarili natin ang pagrespeto sa ating lahing pinanggalingan,para respetuhin din tau ng mga taga-ibang bansa.
Dito sa korea at sa ibang bansa,nakaranas na ako ng discriminasyon mula sa ibang lahi. Porke daw 3rd world country ang Pinas,mga mabababang uri...mga bansa ng domestic helpers(sa Singapore at hongkong),mga entertainers( sa japan at korea)...etc...etc...hay naku!kapag sinabi mo sa mga bagong kakilala mong ibang lahi lalo na at korean na pinay ka,yung iba,parang nandidiri sau,bigla ka na lang iiwan. Yung iba naman,bubulungan ka na magEnglish na lang kau para di ba,sosyal?at para daw di ka mahalatang Pinay...(experience ko po yan pero di naman lahat,some cases lang)
Kung sila di tau binibigyan ng respeto,At ikaw din kabayan kong Pilipino eh wala ni konting pagmamahal sa bansang pinanggalingan mo,eh sino ang aasahan mong gagawa niyan?...
Malamang naririnig kasi nila ang mga negative comments mo tungkol sa bansa natin,o nagbabasa din sila ng news(oo isa din yan)at baka kapag nagpunta ka ng korea at pinagkkwento ka ng mga kaibigan mong koreano't koreana,bibirahan mo agad ng kwento tungkol sa traffic sa manila at edsa,saka corruption ng gobyerno,mga over estimated na bilang ng addict ,at ang mga batang lansangan na walang magulang,o kaya ang talamak na holdapan o snatching,aba'y mukhang ikaw mismo ang sumisira sa image ng bansa mo.Nakalimutan mong banggitin kung gaano kasaya ang pagdiriwang ng mga kapistahan at kapaskuhan sa pinas,ang kagandahan ng ating likas na yaman,lalo na ang mga magagandang beaches natin....o kaya pagiging hospitable ng pinoy...at ang masasarap nating pagkain,nasan na ang kwento mo tungkol sa magagandang tourist spots sa atin?o di ba?mas inspiring naman pag-usapan ang mga magagandang bagay....di mo lang pinapakita ang pagmamahal mo sa bansa mo,binibigyan mo pa ng respeto ang mga kababayan mo.
Akala tuloy nila,sobrang hirap ng pinas kaya tau nangingibang bansa para magtrabaho.Ang sagot ko jan mali sila...dahil sila nga gustong mangibang bansa pero di makapunta kasi di marunong magenglish. Ang Pinoy,kahit saan meron...at laging maaasahan sa trabaho kahit saan mo ilagay.Ayan di ba?kahit english carabao o kaya english na ewan,basta me alam kahit konting english eh ok na,dahil masipag naman magtrabaho...ganyan ang pinoy di ba?matalino,maabilidad,magaling,may puso..talentado...marangal at natatangi sa mundo.
So next time na magkwentuhan kau...Sana puro positive naman ang marinig ko.
"BE PROUD TO BE PINOY"

helengrace28- Mamamayan
- Number of posts : 7
Age : 42
Location : Gwangju City,Korea
Reputation : 0
Points : 11
Registration date : 02/05/2010
Re: Just sharing to you All
tama ka ate SALUDO ako sayo yan ang nwawala sating mga pinoy mahirap mang aminin pero totoo........yan din malimit q marinig n tayong mga pilipino daw hnd proud s bansa natin..
tnx for sharing.......
proud to be PINOY
tnx for sharing.......
proud to be PINOY
MARUE- Super Sipag na Mamamayan
- Number of posts : 78
Age : 41
Cellphone no. : 01028920383
Reputation : 3
Points : 184
Registration date : 30/01/2009
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888