SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Kwentong Layf...

3 posters

Go down

Kwentong Layf... Empty Kwentong Layf...

Post by zedrake Fri Oct 16, 2009 10:49 am

AHAHA! Sige habol pulis na pulpol
Kaya kitang iwanan kahit pa sumisipol
Alin yang tyan mong ga-banga sa laki
Yan ba ang ipapalo mo sakin pag iyong nahuli?

Teka sino ka ba? Bakit ang sama mong makatingin?
Baka isang suntok ko lang di mo na kayanin
Ah, gusto mong marinig ang kwento ng buhay ko?
Gusto mong uriratin kung bakit ako nagkaganito?

Pwes umupo ka, makinig kang mabuti
Kung papaulit mo hindi na pe-pwede
Ihanda mo ang tenga mo sa isang kwento ng buhay
Buhay na mas masarap pa yata ang mamatay

Bata pa ko noon, masunurin sa magulang
Kahit na ba sa pagmamahal ay kinukulang
Lahat ginawa ko para lang maging matino
Pero talaga yatang hindi yun ang destinasyon ko

Ang tatay kong yagit din, construction worker
E ang kaso nahuling nagnanakaw sa hardware
Ok nga lang sana na sya e nasentensyahan
Akalain mo ba namang wala na palang labasan

Si nanay ayun naghanap ng iba
Kung sinu-sinong lalake ang sinamahan nya
Hanggang isang araw hindi na umuwi
Ang hirap pa nun ako e bagong tuli

Ganap ng binata, kaya na ang sarili
Pinagana ang mga kamay at mga daliri
E ambilis lang palang magkapera basta madiskarte
Hanapin mo yung mataba at mabagal na ale. Yari!

Pero minsan naaktuhan ako, loko kasi si kalbo iniwanan ako
Kita mo tong gwapo kong to, inasawa ng mga maton sa kalaboso
Lumaban ako, sinaksak ko pa nga yung isa
Eto ang kapalit, tong kaliwa kong mata

Ang lamig-lamig ng semento sa gabi
Matutulog kang inidoro ang katabi
Dun ko napagtanto ang mga kasalanan ko
Kaya sinubukan kong tumawag ng santo

Sinubukan ko ang kapangyarihan ng Diyos
Umasang mga sala ko'y matutubos
Pero ano, bingi pala ang Diyos mo!
Kunwari pa mahal ako, e iniwan din ako!

Kaya eto ako ngayon palaboy sa lansangan
Walang matirhan, kung saan na lang abutan!
O ngayong alam mo na ang kwento ng buhay ko!
Ano naman ngayon ang binabalak mo!?




Anak... Alam mo bang gabi-gabi Akong umiiyak...
Sa bawat sandaling buhay mo'y winawasak...
Gusto Kitang yakapin, gusto Kitang akayin...
Pero may isip ka na at hindi Kita alipin...

Anak...
Sana'y natutunan mong gamitin ang regalo Ko sayo
Sana'y nalaman mo ang mga tunay na hangarin Ko
Ikaw sana'y lilikha ng mabubuting bagay
Gamit ang iyong pambihirang mga kamay

Halika na anak, isasama na Kita
Hindi mo na nailagan ang bala kanina...

zedrake
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 3
Reputation : 0
Points : 9
Registration date : 09/10/2009

Back to top Go down

Kwentong Layf... Empty Re: Kwentong Layf...

Post by amie sison Sat Oct 17, 2009 1:41 am

wow! ang ganda po ng tula mo...medyo nakakatakot kasi very realistic kaso sa huli may moral.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Kwentong Layf... Empty Re: Kwentong Layf...

Post by enaj Sat Oct 17, 2009 5:51 pm

haayyyy dats lyf....mrami kakaranas ng ganung klase ng buhay pro kailangan lumaban...tnx for sharing kabyan!!!
enaj
enaj
Baranggay Captain 1st Term
Baranggay Captain 1st Term

Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009

Back to top Go down

Kwentong Layf... Empty Re: Kwentong Layf...

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum