SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Happy Mother's Day Mami (sana)

2 posters

Go down

Happy Mother's Day Mami (sana) Empty Happy Mother's Day Mami (sana)

Post by zedrake Fri Oct 09, 2009 1:26 pm

Happy Mother's Day Mami (sana)


Good morning mommy...
Ang ganda naman ng iyong mga ngiti...
Excited na kong malaman mong nandito ako
Ako yata ang pinakamagandang regalo sayo

Paglabas ko yayakapin kita ng mahigpit
Habang ipinaghehele ng iyong mga awit
Papawiin ko ang iyong mga luha
Sa pamamagitan ng mga munting uha
Sana mami, mapansin mo na ako
Nagmamahal na binhi sa sinapupunan mo


Mami alam mo ba isang buwan na ko dito
Naiinip na nga akong madama ang yakap mo
Pero tiyak ko excited ka na rin
Na ako'y alagaan at pangitiin
Hindi bale sandali na lang naman
Ano ba naman ang walo pang buwan


Yehey! Mami 2nd month na natin
Tuwang-tuwa ako't iyo na ring napansin
Nandito na ako, ang cute na cute mong baby
Sinong kamukha? Di mo pa masabi

Hindi bale paglabas ko tiyak matutuwa ka
Syempre kamukha mo ko sayo yata ako mana
Ang mapupula mong mga labi, mga matang nakangiti
Paglaki ko gagayahin kita, idol yata kita mami!


Pangatlong buwan na natin mami naiinip ka na ba?
Narinig ko ang lahat, sobra ang aking saya
Sabi mo pupunta tayong clinic para magpatingin
Relax lang mami ha, wag masyadong isipin
Para sayo magpapalakas ako
Para sayo titibayan ko
Para sayo magpapakabait ako
Lahat gagawin ko para lang po sayo


Mami? Bakit ka po umiiyak?
Ah siguro sa labis na galak...
Siguro kasi hindi mo na matiis
Na mahalikan ang labi kong maninipis
Sabi ko na nga ba love na love mo ko
Syempre love na love din kita mami ko
Bukas kamo babalik tayo sa doktor
Tapos ikakabit ulit ako sa monitor
Yehey! Champion talaga ang mami ko
Hinding-hindi ko sasayangin ang mga luha mo


Mami andyan ka po ba? Bakit po madilim?
Wala akong marinig, paligid ko ay itim
Mami aray! Mami ang hapdi!
Bakit wala ka po ngayon sa aking tabi?
Naririnig mo ba ang aking mga iyak
Habang ang katawan ko'y kanilang binibiyak?
Sobra ang hapdi, sobra ang sakit
Hindi ko na po yata kayang mangunyapit

Mami ayaw mo na po ba sa akin?
Hindi mo na po ba ako yayakapin?
Hindi na po ba tayo mamamasyal?
Tulad ng lagi kong ipinagdarasal?
Mami akala ko po ba love mo ko?
Akala ko magiging masaya tayo?
Pero di bale kahit nagkaganito
Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo

Sa huling sandali, gusto ko pong masabi
Ikaw ang the best... Happy Mother's Day Mami...

zedrake
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 3
Reputation : 0
Points : 9
Registration date : 09/10/2009

Back to top Go down

Happy Mother's Day Mami (sana) Empty Re: Happy Mother's Day Mami (sana)

Post by mykeemchee Fri Oct 09, 2009 10:20 pm

aborted???waaaa Happy Mother's Day Mami (sana) Icon_scratch Happy Mother's Day Mami (sana) 660678
mykeemchee
mykeemchee
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 380
Age : 42
Location : hongkong
Cellphone no. : +85283552829
Reputation : 3
Points : 468
Registration date : 06/09/2009

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum