SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

+31
nadskie17
johncarlos
joeliza14
sirhcidol
lhea
mykeemchee
chatsky
sherellg
chayen
kurapika
panget13
joearon_1126
msgrace7402
ernie obias
nikulasu
Cielo
ronn005
Lothp
marzy
enaj
honey0910
MARUE
tachy
johntiae
josephpatrol
candy
aldin
psykofat
aries ventura
amie sison
neon_rq
35 posters

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Fri Sep 11, 2009 8:23 pm

Kabayan, Kapuso, Kapamilya basahin mo ito medyo mahaba pero makabuluhan ang mensaheng ito nang isang kapwa Pilipino makikilala mo ang mga tunay na Bayani ng bansang Pilipinas.

Message:

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW. At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ...
Nais ko ring ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito. Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga nurses sa U.S., Canada, Europa at Australia; Doctors, Engineers at Managers sa Middle East, Teachers sa Texas at iba pang Estado ng America; Caregivers sa U.K. at Canada; Domestic Helpers sa Italy; Chef sa mga Luxury Cruises; Accountants sa Singapore at Hongkong siguro ay mas malaki ang sweldo kumpara sa ibang OFW, but to say that they're rich is a fallacy (amen!). Pero alam niyo ba mas marami ang naghihirap na OFW mas marami ang nagsasakripisyo kumpara sa maginhawa ang buhay sa ibang bansa iilan lang ang sinusuwerte ilan lang may sariling apartment or flat, ilan lang ang nakakatulog nang mahimbing.

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga tao sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollars, riyals o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang. Alam niyo ba ang hirap nang pagkaroon ng green card sa America ang iba napipilitang mag asawa nang itim o puti matupad lang ang American dream. Sa Canada kailangan mong mag antay ng dalawang taon bago ka makauwi para lang ma antay mo ang residents’ visa status mo kahit namatayan ka na o magkasakit mag titiis ka, sa Italy kailangan mong mag antay ng amnesty mula sa gobyerno nang Italia para may legal na papel ka, alam mo ba ang tirahan ng mga Pilipino sa Italia siksikan sila grabe minsan sampu sa isang maliit na kuwarto parang sardinas. Gayon din sa gitnang silangan minsan kailangan mo pang magmakaawa sa sponsor mo para bigyan ka ng exit/re-entry para lang makauwi ka ng Pilipinas. Ang iba nagpapalit pa nga ng relihiyon para lang magkaroon ng magandang position sa kumpanya. Alam niyo ba ang istorya ng mga babaing naabuso sa Jordan, UAE, Saudi Arabia , Qatar , Kuwait at marami pang bansa sa Middle East . Madaming nabubugbog nang malulupit na among Egyptian, Jordanian at Arabo, ang mga nagagahasa na pakarami kahit nga lalaki pag napagtripan ka o malasin ka babastusin ka minsan pa nga na re-rape din. And for sure di lang bakla ang nagagahasa pati mga tunay na lalaki ganon kahayop ang mga yan at ganon kahayok sa laman ang mga walanghiyang yan samahan mo pa ng mga Pakistani at Indianong mababaho. Ganon kahirap ang buhay nila sa Gitanang Silangan. Ang mga factory worker sa Taiwan nakikipag sapalaran kahit ibang pangalan ang ginagamit sa passport para lang makabalik sa trabaho kahit mag loan pa sila makapagbigay lang ng placement fee na di bababa sa 100K. Ang mga entertainer sa Japan alam niyo ba ang hirap na pinagdadaanan nila masasabing mayaman ang bansang hapon pero marami din ang demonya diyan hayok sa laman di lahat ng entertainer sa Japan ay nag papatable or nag papatakeout pero ang iba ay wlalang choice kapit sa patalim. Ang daming pinagdaaanang sakripisyo nang mga OFW na tanging OFW lang ang nakakaalam.

Salamat na lang talaga sa TFC ng ABS-CBN at Pinoy TV ng GMA kahit papaano napapawi ang lungkot ng mga Pinoy. Buti na lang at may Jollibee na sa America , Brunei , Hongkong , Saudi Arabia . May Chowking na din sa Dubai at Abu Dhabi , Goldilocks, Max’s, Red Ribbon Gerry ’s Grill at maraming pang iba sa California . Laking tulong ng mga ito para mapawi ang lungkot na dinadala ng mga OFW.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang napanot at kalbo na sa dami ng stress na pinag dadaanan nila. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis.. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong hirap ang pinag dadaanan, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak adik o nabuntis/nakabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion . Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, mangga at bagoong, lechon na may mang tomas, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy mapa Regal, Viva, Star Cinema, GMA kahit pa Seiko yan, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag nagkukuwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga. Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.

Buti pa si Manny Pacquiao laging pogi kay Ginang Arroyo sa mga Senador at Congressman sana ganon din sila ituring natin silang tunay at Buhay na Bayani isipin na lang natin kung wala sila pano ang Ekonomiya ng ating Bansa ang Bansang kanilang pinakakamahal.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!! Proud ako sa iyo.

Nagmamahal,

Juan Dela Cruz

neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by amie sison Fri Sep 11, 2009 9:39 pm

yeah...buti na lang naintindihan na ako ng pamilya ko kasi nakita na nila ako kung paano mag trabaho dito. at si nanay na experience na kung paano magkaroon ng koreanong amo.

salamat kuya neon!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 40
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Fri Sep 11, 2009 10:07 pm

amie sison wrote:yeah...buti na lang naintindihan na ako ng pamilya ko kasi nakita na nila ako kung paano mag trabaho dito. at si nanay na experience na kung paano magkaroon ng koreanong amo.

salamat kuya neon!

korek..kaya dpat maging proud taung mga Pinoy..OFW.. tagay
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by aries ventura Fri Sep 11, 2009 10:27 pm

wow! ok ito!dapat talaga na malaman ng mga kapamilya natin sa pinas na mahirap work dito sa abroad...tnx bro... Very Happy
aries ventura
aries ventura
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 105
Age : 44
Location : paltan near in faran
Reputation : 0
Points : 131
Registration date : 05/04/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by psykofat Fri Sep 11, 2009 11:32 pm

[b]yan naman talaga ang realidad kaso lang ang iba satin di makaka intindi( i mean sa pinas) pag sabihin mo na wala kang pera naipon... naku! sabihin kaagad ayaw mo lang mag pautang or magpahiram, galing abroad walang pera....hay naku nalng...
pero salamat tol sa pag share...
iyak
psykofat
psykofat
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Location : Kyungnam, Gimhae Si, Nedong______ SoKor
Reputation : 0
Points : 13
Registration date : 20/01/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Fri Sep 11, 2009 11:54 pm

korek.... kaya maganda pag uwi s pinas wala n lng pera hahaha kasi magdala ka man o wala dami pa din sabihin sau mga tao dun bwahaha lol!
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by aldin Sat Sep 12, 2009 12:08 am

Salamat bro,,,,Naiyak ako... iyak
aldin
aldin
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 223
Age : 47
Location : chung-cheong buk-do jincheon gun gwanghaewon myeon kumkukri 395-1
Reputation : 3
Points : 290
Registration date : 03/12/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by candy Sat Sep 12, 2009 10:45 am

kabayan salamat sa pag share, actually ang dami kong napulot na aral.para sakin, minsan may mga pagkakamali din yung nasa abroard kase, minsan, hindi nila sinasabi yung totoong situation nila sa family nila, kaya akala nung iba o ng family nila, napakadaling kitain ng pera kaya ganon na lang kung gumasta at di mag malasakit sa pinaghihirapan ng nasa abroad.minsan kailangan din nating ipaalam sa kanila kung ano ba ang totoong ginagawa natin at paano natin kinikita ang pera at ng sa ganon, maiwasan ang mga ganitong sitwas'yon pag-uwi natin sa pinas.God Bless.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by josephpatrol Sat Sep 12, 2009 11:31 am

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS 715310 SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS 715310 SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS 715310

thanks congressman for sharing this wonderful article!!

napakaganda nya,, at very expreessive..

sana maintindihan ng bansang pilipinas (pamilya-kamaganak) ang tunay na kahulugan ng OFW....

mabuhay ang mga OFW!!!!
josephpatrol
josephpatrol
Board Member
Board Member

Number of posts : 835
Location : hyewa-dong,seoul
Reputation : 12
Points : 1429
Registration date : 02/06/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Sat Sep 12, 2009 12:53 pm

tama ka kabayang joseph..... were being Proud to be PINOY..OFW
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by johntiae Sat Sep 12, 2009 1:14 pm

tnx po for sharing, i hope this will be an eye opener for our folks back home
isip
johntiae
johntiae
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 108
Age : 48
Reputation : 0
Points : 241
Registration date : 27/08/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by tachy Sat Sep 12, 2009 3:00 pm

ang cute,heart touching ha!ngayon i'm proud to be an OFW...daming lesson,katuwa!

tachy
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 89
Reputation : 3
Points : 141
Registration date : 21/12/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by MARUE Sun Sep 13, 2009 2:20 am

SALAMAT PO KAPATID N CONGRESSMAN,,SN MBASA TO NG MGA TAKSIL NTING ASAWA.... AT MGA IBA NTING NATUTULUNGAN PR PAG UWI NTIN NG PINAS E MGING PROUD NMN CLA SATIN AT HND LANG PASALUBONG AGAD ANG HINIHINGI....HAY NAKU BUHAY PARANG LIFE.....S TINGIN KY NTIN MAGIGING KATULAD DIN NG KOREA OR IBA PANG BANSA ANG PINAS FOR EXAMPLE ANG KOREA DB DATI MAS MHIRAP P SATIN ITO AT MARAMI DIN CLA MGA NGING OVERSEAS WORKER.....KAYA KAYA NTIN Rolling Eyes Rolling Eyes Question Question Rolling Eyes
MARUE
MARUE
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 78
Age : 40
Cellphone no. : 01028920383
Reputation : 3
Points : 184
Registration date : 30/01/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Sun Sep 13, 2009 6:54 pm

MARUE wrote:SALAMAT PO KAPATID N CONGRESSMAN,,SN MBASA TO NG MGA TAKSIL NTING ASAWA.... AT MGA IBA NTING NATUTULUNGAN PR PAG UWI NTIN NG PINAS E MGING PROUD NMN CLA SATIN AT HND LANG PASALUBONG AGAD ANG HINIHINGI....HAY NAKU BUHAY PARANG LIFE.....S TINGIN KY NTIN MAGIGING KATULAD DIN NG KOREA OR IBA PANG BANSA ANG PINAS FOR EXAMPLE ANG KOREA DB DATI MAS MHIRAP P SATIN ITO AT MARAMI DIN CLA MGA NGING OVERSEAS WORKER.....KAYA KAYA NTIN Rolling Eyes Rolling Eyes Question Question Rolling Eyes

tama ka kabayan.... dapat malaman din ng pamilya natin sa pinas kung gaano din kahirap ang ating ginagawa dito sa ibang bansa..

all we need is..think positive always...
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by honey0910 Sun Sep 13, 2009 9:43 pm

salamat sa share mo kuya napaiyak ako... iyak iyak

honey0910
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 18
Location : Yong-in si,Gyeonggido Prov.
Reputation : 0
Points : 41
Registration date : 11/09/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by enaj Sun Sep 13, 2009 11:13 pm

iyak grabe toh masyado mlaman khit sobra haba nde ka maiinip basahin...tnx a lot ka2touch at sna man lng magising cla sa ka22hanan na tau mga ofw eh nde nagpa2sarap sa abroad waahhhhhhhhh....god bless
enaj
enaj
Baranggay Captain 1st Term
Baranggay Captain 1st Term

Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by marzy Mon Sep 14, 2009 9:55 am

Waaaa ayuz..andun lahat ng impormayong dapat malaman hindi lng ng OFW's but of there relatives as well...ang haba pero masarap basahin malaman, malalim...mabuhay tayo and sana mag-ipon ng di nasasayang ang panahon at ng di tayo magsisi sa huli....salamat neon saan mo nmn to napulot hehehehe kambe
marzy
marzy
FEWA - Administrative Adviser
FEWA - Administrative Adviser

Number of posts : 435
Reputation : 3
Points : 628
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Tue Sep 15, 2009 5:36 pm

marzy wrote:Waaaa ayuz..andun lahat ng impormayong dapat malaman hindi lng ng OFW's but of there relatives as well...ang haba pero masarap basahin malaman, malalim...mabuhay tayo and sana mag-ipon ng di nasasayang ang panahon at ng di tayo magsisi sa huli....salamat neon saan mo nmn to napulot hehehehe kambe

tama ka pres marzy.. at isa pa tiyaga lng tau dito sa ibang bansa ...

at tips lng din... huwag natin i spolied ang pamilya natin sa mga malalaking padala...try to set aside a little bit for our own savings...
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Tue Sep 22, 2009 5:40 pm

enaj wrote:iyak grabe toh masyado mlaman khit sobra haba nde ka maiinip basahin...tnx a lot ka2touch at sna man lng magising cla sa ka22hanan na tau mga ofw eh nde nagpa2sarap sa abroad waahhhhhhhhh....god bless

at sana magising din tau bilang OFW kabayan na lahat ng hndi magandang mga gawain natin dito at itama ntin...
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by enaj Tue Sep 22, 2009 7:02 pm

korek ka jan kbayan neon magpakatino at dalhin sa maganda ang perang pinaghi2rapan lalo na sa mga ka2lad ko tnt tpos wla pa wrk ahehehehe....sna magkaron ulit registration!!!!!
enaj
enaj
Baranggay Captain 1st Term
Baranggay Captain 1st Term

Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Tue Sep 22, 2009 7:50 pm

enaj wrote:korek ka jan kbayan neon magpakatino at dalhin sa maganda ang perang pinaghi2rapan lalo na sa mga ka2lad ko tnt tpos wla pa wrk ahehehehe....sna magkaron ulit registration!!!!!

kabayan wala kb work?saan loc ba ninyo?
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by enaj Tue Sep 22, 2009 7:52 pm

d2 po sa kumi city gyeongsan kasalukuyan po matindi crackdown d2 madami na pinasok na company wwaaaahhhhh....
enaj
enaj
Baranggay Captain 1st Term
Baranggay Captain 1st Term

Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by marzy Wed Sep 23, 2009 1:08 am

hehhehe ingats2 lang po lagi kayo mga kabayan....
marzy
marzy
FEWA - Administrative Adviser
FEWA - Administrative Adviser

Number of posts : 435
Reputation : 3
Points : 628
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by Lothp Wed Sep 23, 2009 3:57 am

pls naman update kung kailan ang KLT. thanks po
Lothp
Lothp
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Location : Cebu, City Philippines
Reputation : 0
Points : 9
Registration date : 29/08/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by ronn005 Wed Sep 23, 2009 9:02 pm

wew Sir neon... bayani po kayong tunay kayong mga OFW isip nakakaiyak ang katutuhanan...very challenging pala talaga buhay ng OFW...i want to take that challenge gusto ko na rin mag OFW...
ronn005
ronn005
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Age : 47
Location : Binondo , Manila
Cellphone no. : 09236656321 / 09273488780
Reputation : 0
Points : 27
Registration date : 14/09/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by Cielo Sat Oct 24, 2009 5:21 pm

huh!grabe neon naiyak ako dun ah!parang di ako makapaniwalang galing sa post mo yan...hehehe
pagkausap kc kita puro katarantaduhan lang ang pinaguusapan ntin di ko lam nagbabasa ka rin pla ng mga ganito...hehehe
nice post neon
keep it up
Cielo
Cielo
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1312
Reputation : 0
Points : 139
Registration date : 18/02/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty OFW

Post by nikulasu Sat Oct 24, 2009 8:39 pm

Matagal nrin po akong OFW....totoo po napakasakit kuya eddie .........sardinas,itlog( madalas),noodles...salamat po ang galing ng PINOY
nikulasu
nikulasu
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 57
Cellphone no. : 01031403457
Reputation : 3
Points : 110
Registration date : 09/12/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Sun Oct 25, 2009 7:33 pm

Cielo wrote:huh!grabe neon naiyak ako dun ah!parang di ako makapaniwalang galing sa post mo yan...hehehe
pagkausap kc kita puro katarantaduhan lang ang pinaguusapan ntin di ko lam nagbabasa ka rin pla ng mga ganito...hehehe
nice post neon
keep it up

tnx cielo.... ehhehe
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by ernie obias Sun Nov 22, 2009 4:22 pm

additional...
these are some stories of Pinoy OFW....
babae, nag-abroad kasi kailangan talaga niya kumita, sabi para makaahon sa hirap and sa mga kautangan. Babae na nagsacrifice para mabuhay ang pamilya, iniwan ang anak sa asawa niya, with full hope and dreams na maayos ang buhay nila.. one month pa lang sa abroad, padala na sa asawang lalaki na naghihintay sa pinas, ala pang isang buwan, eto na si babae, hahanap na mauutangan sa abroad at kailangan nang makpagpadala sa asawa nia sa pinas, kung hindi kung ano anong pagdududa ang matatanggap sa asawang lalaki, worst, yun lalaki hindi na nagttrabaho sa pinas, at nagdedemand na lang ng padala ng asawa. pag hindi nakapagpadala si babae, aawayin ni lalaki,.. pag may hinihiningi si lalaki, konting bola lang kay babae, ayun takbo na sa bangko at magreremit na kahit inutangan na lang yun pera... si bababe kung ano anong tirang pagkain na lang ang kinakain maitawid lang ang gutom, samantalang si lalaki pasarap sarap ang buhay sa pinas... hayyy..
si tatay, nag abroad ng ilang taon, hoping na maibibigay niya magandang kinabukasan sa mga anak. mga anak naman porke't dollar ang padala ni tatay hindi man lang suklian ng kabutihan, imbes na magfocus sa pag-aaral inuna ang mga luho, si nanay naman kunsintidora, everyday is christmas ika nga, pagnagbabakasyon si tatay sa pinas, ang tanong agad ni nanay, kelan balik mo? ala ng laman ang passbook, hayy.. instead, na silbihan man lang yung taong grabe ang sakripisyo sa ibang bansa yun pa ang maririning, dumating ang takdang panahon na si tatay kelangan na magretiro, ayun sa pinas, ala man lang naipundar, mga anak hindi man lang nakapagtapos ng pag-aaral, kaya si tatay lagi tulala sa tabi ng ilog....
si husband umalis na puno ng pag-asa kasi si wife grabe ang pagmamahal sa kanya,.. ilang buwan pa lang sige na padala niya at lagi humihingi si wife, na kesyo may isasangla sa kanila na palayan, na kesyo magbubukas ng mini-mart sa lugar nila, si husband naman todo kayod at maganda ang mga plano ni wife... only to find out in the end, si wife ayun kinakasama na si kumpari ni husband hahahaha.. yung mga anak, naiwan na lang sa kapatid ni hubby, solong nagbubuhay mga anak at hindi nakakarating sa kanila padala tatay nila...

[/b] hay, different stories ng mga pinoy OFW.. sabi kaya nag-aabroad kasi gusto makaahon sa hirap, yun pala lalo lang malulugmok sa kahirapan,... ikaw? ano ang kwentong OFW mo?

ernie obias
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 92
Location : Seoul
Reputation : 0
Points : 201
Registration date : 02/07/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Thu Jan 28, 2010 11:24 pm

all this happen in reality kahit sa kasalukuyan kbyan...
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by msgrace7402 Thu Jan 28, 2010 11:38 pm

cheers Mabuhay ang OFW mabuhay tayong Filipino , thank you for sharing sunny
msgrace7402
msgrace7402
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 45
Age : 49
Location : Jeungpyeong-eup, Cheongju City, Chungbuk Province
Cellphone no. : 01027031326
Reputation : 0
Points : 78
Registration date : 15/08/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by joearon_1126 Fri Jan 29, 2010 2:25 pm

salamat po.
Wink
joearon_1126
joearon_1126
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 7
Reputation : 0
Points : 9
Registration date : 06/04/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by panget13 Fri Jan 29, 2010 4:37 pm

tnx po kabayan...tinamaan ako dun....hehehe..sana nga lahat ng kapamilya at kapuso natin ganun, maintindihan nila na ndi tau namumulot ng salapi..

panget13
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 11
Reputation : 0
Points : 25
Registration date : 10/09/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by kurapika Fri Jan 29, 2010 7:27 pm

Maraming salamat po....
kurapika
kurapika
Baranggay Councilor
Baranggay Councilor

Number of posts : 324
Location : Paju City
Cellphone no. : 0
Reputation : 3
Points : 556
Registration date : 11/08/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Sat Jan 30, 2010 11:44 am

ur welkam kabayan tagay

mabuhay tayong mga OFW!!
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by chayen Sat Feb 13, 2010 1:44 am

tnx neon for sharing...ako alam ng pamilya ko sa pnas kung anong buhay ko d2 sa korea
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by sherellg Sun Feb 14, 2010 10:48 pm

realidada ng buhay, kapalaran ng OFW at ang pamilyang naiiwan, may siniswerte at may minamalas, pero diba ang malas ay ginagawa lang ng tao?

nde naman din lahat ng iniwanang pamilya may nde mgandang kwento ng kasawian, meron din namang kapamilya na nsa abroad na nagloloko, nabuntisan, nkabuntis, nakikipagleave in... kung tutuusin parang kwits lang, malayu tyu s isat isa nde naten alam kung 22o o nde mga cnsbe nten at cnsbe nila.

pero guys... Im SO PROUD sa mga OFW kht sang bansa merong pinoy at lhat palaban... ingatz poh keu lage!..

hapi valentines!!!!!!!

idol
sherellg
sherellg
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 36
Age : 44
Location : kyusi, pinas
Cellphone no. : :D
Reputation : 0
Points : 50
Registration date : 31/01/2010

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by Cielo Fri Feb 19, 2010 9:21 pm

sherellg wrote:realidada ng buhay, kapalaran ng OFW at ang pamilyang naiiwan, may siniswerte at may minamalas, pero diba ang malas ay ginagawa lang ng tao?

nde naman din lahat ng iniwanang pamilya may nde mgandang kwento ng kasawian, meron din namang kapamilya na nsa abroad na nagloloko, nabuntisan, nkabuntis, nakikipagleave in... kung tutuusin parang kwits lang, malayu tyu s isat isa nde naten alam kung 22o o nde mga cnsbe nten at cnsbe nila.

pero guys... Im SO PROUD sa mga OFW kht sang bansa merong pinoy at lhat palaban... ingatz poh keu lage!..

hapi valentines!!!!!!!

idol

hehehe...ang akin opinyon lang sis
di ako naniniwala ang tao ang may kagagawan ng malas nya
lalo na kung pupunta ka sa ibang bansa
tulad nga ng sabi nila pag pumunta ka ng ibang bansa ang tawag dun ay "PAKIKIPAGSAPALARAN"
means di mo cgurado kung ano ang dadatnan mo dun
pag dinatnan mo gagong employer.Yun ang tinatawag nilang "MALAS"
sipa,pang aalipusta at mura ang inaabot mo pro nagtitiis ka dahil sa pamilya mo
indi dahil pinili mo maging MALAS,dahil talagang may ganung pangyayari sa buhay.
Na kahit anong gawin mo di mo pwede piliin ang bagay o pangyayari na darating sa buhay mo.

Last edited by Cielo on Sun Feb 21, 2010 9:56 pm; edited 1 time in total
Cielo
Cielo
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1312
Reputation : 0
Points : 139
Registration date : 18/02/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by chatsky Sun Feb 21, 2010 11:52 am

hayyyyyyyy...katouch nmn mga msg....hirap tlga magwork malayo sa family,pero kya nga tau and2 pra sa knila db...pero matuto din tau magtira pra sa sarili natin.....yngats pog lagi sa work and GODBLESS all of US..
chatsky
chatsky
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 7
Location : chungcheongbuk do
Reputation : 0
Points : 19
Registration date : 27/11/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Sun Feb 21, 2010 7:32 pm

being an OFW is a BIG proud to all Filipinos tagay
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by mykeemchee Mon Feb 22, 2010 6:19 pm

OFW , UNSUNG HEROES! Proud to be one!
Smile Wink Very Happy
mykeemchee
mykeemchee
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 380
Age : 42
Location : hongkong
Cellphone no. : +85283552829
Reputation : 3
Points : 468
Registration date : 06/09/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by lhea Tue Feb 23, 2010 3:49 pm

wow....ang haba pro hnd nakkainip basahin.....

bespren ang gling m tlg..

aaminin k dti gnun ako kla k pag nsa abroad k sarap ng bhay pro now na nranasan k na hnd rn pla lht swerte dto sa ibng bansa and now i appreciate all the sakripisyo ng mom k..

thanx po

God bless us all OFW
lhea
lhea
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 70
Age : 38
Location : seoul korea
Reputation : 0
Points : 91
Registration date : 04/12/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Tue Feb 23, 2010 8:40 pm

salamat bespren halik

cheers
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Wed Apr 28, 2010 8:04 am

Cielo wrote:
sherellg wrote:realidada ng buhay, kapalaran ng OFW at ang pamilyang naiiwan, may siniswerte at may minamalas, pero diba ang malas ay ginagawa lang ng tao?

nde naman din lahat ng iniwanang pamilya may nde mgandang kwento ng kasawian, meron din namang kapamilya na nsa abroad na nagloloko, nabuntisan, nkabuntis, nakikipagleave in... kung tutuusin parang kwits lang, malayu tyu s isat isa nde naten alam kung 22o o nde mga cnsbe nten at cnsbe nila.

pero guys... Im SO PROUD sa mga OFW kht sang bansa merong pinoy at lhat palaban... ingatz poh keu lage!..

hapi valentines!!!!!!!

idol

hehehe...ang akin opinyon lang sis
di ako naniniwala ang tao ang may kagagawan ng malas nya
lalo na kung pupunta ka sa ibang bansa
tulad nga ng sabi nila pag pumunta ka ng ibang bansa ang tawag dun ay "PAKIKIPAGSAPALARAN"
means di mo cgurado kung ano ang dadatnan mo dun
pag dinatnan mo gagong employer.Yun ang tinatawag nilang "MALAS"
sipa,pang aalipusta at mura ang inaabot mo pro nagtitiis ka dahil sa pamilya mo
indi dahil pinili mo maging MALAS,dahil talagang may ganung pangyayari sa buhay.
Na kahit anong gawin mo di mo pwede piliin ang bagay o pangyayari na darating sa buhay mo.

fighting lng tau lagi at wag mwalan ng pag-asa

Last edited by neon_rq on Fri Apr 30, 2010 9:51 am; edited 1 time in total
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by sirhcidol Wed Apr 28, 2010 8:49 am

Sad

sirhcidol
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 10
Reputation : 0
Points : 30
Registration date : 05/04/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by joeliza14 Thu Apr 29, 2010 9:02 pm

yan ang realidad ng bawat isang taong ng pupunta sa ibang bansa kung hindi sa pinas mag loloko un iniwan ung mga ng abroad din ang magloloko...
joeliza14
joeliza14
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 226
Reputation : 0
Points : 381
Registration date : 18/04/2010

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Fri Apr 30, 2010 9:51 am

joeliza14 wrote:yan ang realidad ng bawat isang taong ng pupunta sa ibang bansa kung hindi sa pinas mag loloko un iniwan ung mga ng abroad din ang magloloko...

dats true kbyan
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by johncarlos Sun May 02, 2010 9:59 pm

maraming salamat kabayang neon....
npakganda ng mensahe at mraming mpupulot n aral pra s kgaya nting OFW....
sna mging lesson ito s npkarami nting kbbyan n nagppkahirap at nagppkapgod pra lng kumita ng pera kng san mang bansa sya nroon.....
dpat m22 n tyung mag-impok pra magkaruon ng kbuluhan ang pagttrabaho ntin kpag tyu'y nkbalik n s ating bansang sinilangan..Mabuhay ka kabayan..
GOD BLESS to all of us.. Smile Smile Smile

johncarlos
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 22
Reputation : 0
Points : 28
Registration date : 04/04/2010

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by nadskie17 Tue May 04, 2010 12:36 am

ang husay napakaganda ng mensahe maraming salamat po at mabuhay tayong mga OFW! more power...................

nadskie17
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 3
Reputation : 0
Points : 3
Registration date : 02/07/2009

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by neon_rq Wed Aug 04, 2010 10:33 am

johncarlos wrote:maraming salamat kabayang neon....
npakganda ng mensahe at mraming mpupulot n aral pra s kgaya nting OFW....
sna mging lesson ito s npkarami nting kbbyan n nagppkahirap at nagppkapgod pra lng kumita ng pera kng san mang bansa sya nroon.....
dpat m22 n tyung mag-impok pra magkaruon ng kbuluhan ang pagttrabaho ntin kpag tyu'y nkbalik n s ating bansang sinilangan..Mabuhay ka kabayan..
GOD BLESS to all of us.. Smile Smile Smile

basta mahalaga isipin natin ang ating pamilya sa pinas kung bakit nandito tau sa abroad.....
neon_rq
neon_rq
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 2223
Age : 36
Location : Incheon City, South Korea
Cellphone no. : 01027497446
Reputation : 12
Points : 624
Registration date : 08/06/2008

Back to top Go down

SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS Empty Re: SHARE KO LANG PO PARA SA MGA OFW AT PAMILYA NILA SA PINAS

Post by Sponsored content

Sponsored content

Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

Back to top

- Similar topics

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum