SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Hapis - a 4-part poem series

+2
aries ventura
zack
6 posters

Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Hapis - a 4-part poem series

Post by zack Sat Jul 18, 2009 5:18 pm

I have created a 4-part series poem for Samabayanan entitled Hapis
part 1 has been included in the June 21, 2009 issue

Hapis

part 1 - takip-silim
by zack

may isang oras na akong naghihintay
sa tipanang lugar tila nakabantay
palubog na araw ako'y nakatunghay
ngiti sa 'king labi'y kupas na ang kulay

mula sa malayo aking nabanaag
hugis mong palapit sa upuang papag
biglang napatayo may ngiting maluwag
akto kong pagyakap paspas mong sinalag

ako'y nabigla sa bago mong kinilos
ika'y pinaupo, kahit litong lubos
anung nasa-isip hindi ko matuos
loobin mo irog dagli mong ibuhos

alumpihit wari'y di ka mapakali
bikig sa lalamunang di maipakli
sa buntong-hininga lahat ikinubli
ngatal ang labi wala pa rin masabi

luha'y namalisbis di mo napigilan
sapo ang mukha ako'y tinalikuran
iyong dahilan pautal na tinuran
sa makalawa na ika mo'y lilisan

Patda ma't nabigla muli kong nilinaw
nginig na tinanong sa boses na bahaw
bakit ka lalayo tingin ko'y mababaw
saan man mapadpad ako'y t'yak dadalaw

dagling bumalikwas kimkim ay sinambit
magulang ika'y pinagkasundong pilit
binatang mayaman hatid daw ay langit
usapa'y tupdin ng Ama'y 'di magalit

sa king kabiglaan di ko napigilan
hangos kang umalis sa ating tagpuan
pabagsak napaluhod, napiping luhaan
sugatan kong puso'y baldadong iniwan



-------------------------------------------------
part 2 is included in the july 19,2009 issue of Sambayanan (tomorrow, dont forget to grab a copy after the Sunday Mass)

Hapis
(part 2 - hating-gabi)

by zack

'di ko namalayan paglipas ng oras
ilang ulit na bang luha ay naglandas
mistulang kandilang naupos ang ningas
alas-dose na pala'y di pa rin hulas

O! Buwan! kay sakit nang isinukli
wagas na pag-ibig na di maikubli
iyong pasyang walang paghuhunos-dili
bakit ako'y labis na nagdalamhati

hila ng paa'y mabagal na umusad
ika'y nasa isip habang lumalakad
tungo'y inyong bahay nais na ilantad
hangaring mapigil kang mapasa-syudad

di ko inakalang paalis na kayo
kasamang pamilya sa lungsod darayo
di sinasadyang makita sa malayo
ngiti mong kay tamis sa bago mong nobyo

kirot, singsakit ng taga ng balaraw
sa di inaasahang aking natanaw
hatak ng isip ako'y muling gumalaw
palayong lugami sa gabing mapanglaw

manhid ang isip, ambon di alintana
pagkat dalang lungkot sayad hanggang lupa
ultimo ang langit ay nakikiluha
kahit mga aso tila ngumangawa

sa may di kalayuan aking napuna
papasarang tindahan ni aling Nena
hangos kong hinabol upang makasama
sa aking lumbay, malamig na serbesa

lunurin mo ako kumpareng inumin
upang mga subyang sa puso'y walain
hapdi'y matakasan, aking panalangin
bukas pagkagising, sugat paghilumin


-------------------------------------

parts 3 and 4 will be soon posted after being published inside the Likhaan section of Sambayanan. Also, i will be sharing some of my works at our newsletter soon Smile

Enjoy Reading! hanga
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by aries ventura Sat Jul 18, 2009 5:32 pm

iyak ang sakit!pero k lang jan naman si redhorse malakas sumipa!sigurado malimutan ko rin sya jok!heheheh Laughing Laughing Laughing maganda po ung poem..i will wait the next part...thanks sir, for sharing...
aries ventura
aries ventura
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 105
Age : 45
Location : paltan near in faran
Reputation : 0
Points : 131
Registration date : 05/04/2009

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by candy Sat Jul 18, 2009 8:45 pm

grabe na ito,tagos hanggang buto,sana wag ng ibalik ang kahapon kung magdudulot lang ito ng walang katapusang pag luha.
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by zack Wed Aug 12, 2009 12:49 am

part 3 published : August 2,2009 issue of Sambayanan

Hapis
part 3-Bagong Buwan

kasabay ng alak, tiim na inusal
pighati sa pusong ikaw lang ang dasal
manhid na katawan, isip di mapagal
tubig ng pagsuko, sa mata'y nunukal

mga boteng karamay di man umimik
hinaing ng puso, dinig ng tahimik
kasintahang umalpas di na babalik
mata'y mugto, tuloy pa din sa paggibik

sa aking likuran, di ko namalayan
walang ingay na paglapit ni Mang Juan
Naupo sa harap, San miguel ay taban
Bukas na tindahan, sa kanya iniwan

"Mawalang-galang na iho", kanyang sambit
"...kung sa kwentuhan, ako'y maging makulit"
"sa iyong mukha'y may bakas na pait"
dugtong pa nya'y "pwedeng malaman kung bakit?"

Sa pagitan ng tagay aking nilahad
simpleng pangarap na di na matutupad
nobyang ipinilit sa pangakong huwad
gumuhong pag-ibig, palayong lumipad

"Minsan sa buhay kailangang dumating...
Unos at pagsubok, dilim at pagdaing.
Upang sa huli'y manatiling magiting
mas mapahalagahan, grasyang darating"

sa aking kalanguhan di ko napuna
unti-unting pagsingkit ng aking mata
pahabol na payo, di na maunawa
di namalayan marahang pagbulagta

mata'y dumilat ng maalimpungatan
mabining haplos, mukha'y pinupunasan
ngiting pinangbati, anak ni mang Juan
Dalagang tila anghel sa 'king harapan
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by jorey30 Wed Aug 12, 2009 4:01 am

ang ganda ng mga poem mo zack, nakakainspired..tumatama sa mga kagaya kong lonely ang life...aantayin ko pa ang ibang part...thanks for sharing,. god bless
jorey30
jorey30
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 77
Age : 45
Location : anyang,gyeonggi-do
Cellphone no. : 01093813585
Reputation : 0
Points : 244
Registration date : 02/07/2008

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by ji2maverick Wed Aug 12, 2009 11:46 pm

wow!!! ang ganda po... a brillant poem!

anyway, sa mga bigo diyan sa love, don't worry at may nakalaan talaga para sa inyo.. we don't need to find for them kasi kusang darating lang iyan..
just enjoy your life na lang muna para hindi masayang, di ba?

sa hubby ko (ajejejeje! sounds corny) thank you for always being there for me,
no matter what.. hanga
ji2maverick
ji2maverick
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 58
Age : 42
Location : Bugallon, Pangasinan
Cellphone no. : +639997524617
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 12/08/2009

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by candy Thu Aug 13, 2009 11:52 am

thank you for sharing this....it's truely inspiring....
candy
candy
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by Guest Fri Aug 14, 2009 8:01 am

thanks for sharing idol idol idol

Guest
Guest


Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by goodheart Fri Aug 21, 2009 11:54 am

speechless:)
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

Hapis - a 4-part poem series Empty Re: Hapis - a 4-part poem series

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum